Ito ako, Duwag akong tao. Madali akong matakot sa mga bagay na hindi nakikita pero nararamdaman mo Tulad ng mga multo. Mga kaluluwa ng mga sumakabilang buhay Na nagpapagala gala sa aking isipan. O kahit ang biglaang pagpatay ng mga ilaw. Pakiramdam ko ang mundo ay hindi ko na kontrolado. Na sa onting patikim lang ng dilim, Katinuan ko ay guguho. Tapos ayun na. Dahan dahan ng bubuhos ang iyak galing saking mga mata. Aaminin kong para akong tanga, Kasi nga naman, Simpleng mga bagay pero grabe kung gaano ko kayang aksayahin ang mga luha ko sa kanila. Parang bata. Duwag. Mahina. Marami pa akong mga kinakatakutan Pero lahat ay napawi ng sa buhay ko'y dumating ka. Binuhay mo ko, oo ikaw. Ikaw ang nagsilbing unang hinga sa pag ahon ko sa malalim na dagat. Ikaw ang matagal ko ng hinihiling sa bawat bituin Ang panalanging ngayon ay akin ng katapat Na akala **** ating pagtatagpo, tadhana ang nagsulat Nagliwanag ang gabi nang makilala kita. Ikaw ang naging rason ng aking pag-gising sa umaga. Nagmistulan kang isang sundalo. Nakabantay sa aking mahimbing na pagtulog. Ipinagtatanggol ako sa mundong puno ng kamalasan at disgrasya. Ang tapang **** tao. Ikaw, hindi ako. Kinayang **** harapin ang mga bagay na kinaduduwagan ko. Natakot akong magmahal muli pero isipan koy iyong nabago. Kaso sa sobrang kasiyahan na idinulot ng pagdating mo, Bumalik ang mga takot ko. Naduwag ako. Marami akong mga kinakatakutan At ika'y napasama na dito. Natakot ako na baka pag gising mo isang araw Magbago ang isip mo at Malimutan **** mahal mo ko. Kayanin **** talikuran ako. Dumating ang isang masalimuot na gabi Bangungot ang kinlabasan ng buong pangayayari Nagdilim ang aking paligid. Umalis ka na lang ng walang pasabi At tumalikod ka nga. Ikaw ang unang bumitaw. Ikaw, hindi ako. Ni walang pagpapaalam na nangyari Ni hindi mo na ko sinubukang sulyapin muli. Sabi na nga ba. Ang tanga ko talaga. Natagpuan ko na naman ang aking sariling Nagaaksaya Ng balde baldeng luha. Parang bata. Takot duwag mahina. Inakala mo siguro lagi na lang akong magiging Isang prinsesa na kinakailangan lagi ng iyong pagsasagip Pero mahal, Kailangan **** maintindihan. Ngayon ko lang aaminin sa sarili ko na unang beses kong naging matapang NgΒ Β aking Isinugal sayo itong marupok na puso. Gumuho ang aking mundo. Pinatay mo ko. Ilang araw kong pinaglamayan ang ang aking sarili Umaasang babalik ka at muli akong lulunurin sa init ng iyong mga bisig Pinatay mo ko pero sa utak ko bakit parang napatay din kita? Nagsitaasan ang aking mga balahibo Kasi nga natatakot ako sa bagay na hindi ko nakikita pero nararamdaman mo. At nararamdaman pa rin kita. Pinipilit kitang buhayin Ikaw na bangkay na sa akin. Pinipilit kong abangan ang pagmulat ng iyong mga mata. Ako'y patuloy na naghihintay. Na malay mo sa araw na ito. Sa iyong pag-gising, maisipan **** mahalin muli ako. Mga alaala mo'y nagpapagala-gala sa aking kwarto na Pumalit sa mga multong inaabangan ang pagtulog ko. Pinatay mo ko pero bumangon at babangon ako. Naisip ko, Ikaw ang naging duwag sa ating dalawa. Ikaw, hindi ako. Umalis ka dahil yun na lamang ang naisip **** solusyon. Dahil iyon ang pinakamadaling paraan Para problema mo'y iyong matakasan. Ikaw ang natakot. Ikaw ang mahina. Ikaw,Hindi ako. Dahil hindi mo kinayang magtagal sa ating laban. hindi ako prinsesang laging kailangan ng pagsagip. Mahal, Ako ang giyerang iyong tinalikuran. At Kung nais **** bumalik Ipangako **** ako'y hindi mo na muling lilisanin. Bumalik ka ng walang bakas ng kaduwagan, na ika'y sasabak muli sa ating digmaan. Kahit ba iyong buhay ang nakasalalay. Bumalik kang walang takot. Hali ka, aking sundalo. Bumalik ka kung kaya mo ng suungin ang giyerang nagngangalang ako.
This was the piece that I performed for Paint Your Poetry Slam at Satinka Naturals.