Nalugmok sa labis na kalungkutan, ako'y namulat sa katotohanan. Tila nagbago ang mga pananaw, ngayo'y pangarap ay di na matanaw.*
Mabibigat na balakid, lahat ay nalampasan ngunit bakit ang isipa'y nabagabag ng karanasan? Muling binalikan ang masalimuot na nakaraan, ibinaling ang tingin sa masahol na pinanggalingan.
Nalason ang isipan sa pag-apaw ng damdamin ang hapdi at kirot, bumalik lahat sa akin Matagal na mula nang manghilom ang mga sugat ngunit nariyan parin bilang tanda ang mga peklat.
Hindi ko labis maunawaan ang lungkot na nadarama Gulong gulo ang aking isip at hindi makapagpasya.. Tiyak na ang kahahantungan ko'y hindi kaaya-aya Hanggang sa dulo pa ba ako'y magpaparaya?
Ang mala-dramatikong interprasyon ng aking nakaraan