ang babaeng kinain ang patinig sa kanyang pangalan
by katrina-paula
Ikinulong mo na sa'yong sarili
Ang patinig sa'yong pangalan
Kung paanong itinatago ng 'yong mata
Ang katotohanan sa mga katanungan
Napangunahan ba kita ng sigaw sa'king puso,
Kaya nasambit mong di lahat ay totoo?
Nasukol ka ba ng 'king binubuntunghininga
Kaya tila naumid sa tugon yaring dila?
Giliw, di yata nalimot mong ang salita'y di pulos patinig lamang
Kaya binabalewala mo ang tunog sa mga pahiwatig
Giliw iyong alalahanin na ang lahat ng bagay may sariling tinig
Sa musika ng 'ting buhay, lahat nauunawaan sa kahit iilang pantig