Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#totoo
minahal mo ba talaga ako? oh itoy laro lang para sayo, ako ba talaga? oh may iba na. sabihin ang totoo para malaman kung meron ba talagang tayo sabihin ang totoo at wag itago pinag tagpo tayo ni tadhana pero di tayo para sa isat isa para bang laro na ikaw ang taya at kahit alam **** ayaw kung mag laro pero pinag patuloy mo
0
Nov 13, 2019
Nov 13, 2019 at 6:51 AM UTC
Ako ba?
O kay saya, Napakaligaya, Nitong aking sarili, Dala'y tunay na ngiti. Ngunit ano nga bang dahilan? Nitong labis na kaligayahan, Ito'y may dahilan nga ba? Oo, at ikaw yun aking sinta. Subalit sinta ko, Ikaw nga ba'y totoo, O baka ika'y ilusyon ko, Ginawa lamang ng utak ko. Pinangkakapitan, Pinaniniwalaan, Sa paningi'y katotohanan, Ang lahat ng nasisilayan. Parang panaginip, Habang tahimik na naka-idlip, Parang paraiso, Itong ilusyong ito. Sana ito nalang ang katotohanan, Sana ito nalang ang kasalukuyan, Sana ito nalang ang pinagdadaanan, Sana ito nalang, upang di na masaktan.
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 11:55 AM UTC
Ilusyon?
Isang araw nang matanong kita Mahal mo ba talaga Isang tulad kong di naman masaya Nakakagulat pa nga't nandyan ka Laging nasa tabi Na kahit umaga man o gabi Pinapasaya ako Mga matang inakip ang buong isipan ko Kaakit akit na salita binitawan mo Nang di mo napapansi'y Madalas kitang isipin Kaylan ma'y di nagbago Pangakong tinago Mga kasalanang naglalaho Unti unting nagagago ng tadhanang di natin mabago-bago kaylangan bang pahirapan bago makuha ang gusto katulad ng simpleng pagharap sayo marinig ang salitaang oo o ano mang salitang pwedeng makuha Para masagot mo ng totoo
0
Nov 23, 2015
Nov 23, 2015 at 3:41 AM UTC
Totoong kaylangang malaman
Ikinulong mo na sa'yong sarili Ang patinig sa'yong pangalan Kung paanong itinatago ng 'yong mata Ang katotohanan sa mga katanungan Napangunahan ba kita ng sigaw sa'king puso, Kaya nasambit **** di lahat ay totoo? Nasukol ka ba ng 'king binubuntunghininga Kaya tila naumid sa tugon yaring dila? Giliw, di yata nalimot **** ang salita'y di pulos patinig lamang Kaya binabalewala mo ang tunog sa mga pahiwatig Giliw iyong alalahanin na ang lahat ng bagay may sariling tinig Sa musika ng 'ting buhay, lahat nauunawaan sa kahit iilang pantig
0
Jul 14, 2015
Jul 14, 2015 at 9:03 AM UTC
ang babaeng kinain ang patinig sa kanyang pangalan