Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Fliptop na, Rap pa

by XIII

Ehem ehem! Mic test, mic test Ayan gumagana ang mikropono Siguro naman makikinig kayo sa sasabihin ko 'Di ako nandito para makipagtalo Kung sino mas gwapo, ako o si Piolo 'Di ako naghahanap ng gulo 'Di naman kasi ako palalo 'Di ako nandito para makipag-away Nais ko lamang mag-aksaya ng laway Pati na rin bumuhay ng patay Na sa bawat isa sa atin ay nakaratay Kasi sinabi nila na naiburol na ang mga salita Nailibing na kasama ng mga tekstong sa eskwelahan ay ginawa Hindi na nga daw naaayon ngayon Sa tinutuntungan nating henerasyon Pero, saglit, teka! Pakinggan mo, ang ganda diba? Kung paano magtugma ang mga salita Kung paano magtugma ang mga letra Kasi sabi nila ang korni tumula Na namatay na lahat ng bayani, kasama ang mga makakata Na hindi na uso 'to, hindi na tayo bata Na nauuto ng mga guro na gumawa ng talata Pero ano ba ang fliptop, ano ba ang rap? Hindi ba nagmula din ito sa parehong ugat? Walang kwenta ang melodiya kung walang liriko Hindi masasabing awitin, kung walang mensahe ito Kaya ito ang subukan mo Isulat mo sa papel ang nararamdaman mo Ang sarap sa pakiramdam na mailabas ang mga ito At bumuo ng isang kwento Gamit ang mga salitang akala mo'y walang kwenta Magiging himig ang bawat pagtutugma Ang iyong kwento ay magiging tula Na mananatili kahit ikaw ay wala na
Request permission to use this poem
Written by
XIII
Filipino
For You?
Written by
XIII
Filipino
Published
Jun 9, 2015
Lines·Words
44·231
Tags
#rap#filipino#tagalog#tula#makata#fliptop
Permission

Request to use this poem

Tell XIII how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write