Habang hawak-hawak mo ang kanyang kamay 'San man kayo magpunta Kailan ba'y naisip mo ako Na nalulunod sa pangungulila Nang ako'y iyong binitiwan?
Habang kayakap mo siya Sa gabing maginaw Kailan ba'y naisip mo ako Na naghihintay sa'yo Mag-isa, nanlalamig At sa init ng 'yong yakap ay uhaw?
Habang hinahalikan mo Ang kanyang mapupulang labi Kailan ba'y naisip mo ako Na halos matuyo na ang labi Sa kasasambit ng pangalan mo?
Habang binubulong mo sa kanya Kung gaano mo siya kamahal Kailan ba'y naisip mo ako, Narinig mo ako? Sumisigaw na "Mahal na Mahal kita!"
Habang pinagmamasdan mo Ang kanyang matamis na ngiti Kailan ba'y naisip mo ako, Nakita mo ako, nakita mo Kung gaano na karaming patak ng luha Ang naidilig ko sa lupa?
At sa kung siya ay umiiyak at iyong pinatatahan Habang pinupunasan mo Ang kanyang mga luha Kailan ba'y naisip mo ako, Naisipan mo man lang ba? Na itigil ang paulit-ulit Na pagsaksak mo sa puso kong Dumudgo sa kaiibig sayo?
Pero alam ko Na may kasalan din ako Kasi....
Kailan ma'y di ko naisip Na sa higpit ng yakap ko'y nasasakal ka na pala
Kailan ma'y di ko naisip Na kahit gaano kalawak ang bahay nati'y Nasisikipan parin ang iyong dibdib At hindi kana nakakahinga
Kailan ma'y di ko naisip Na kahit napagalitan ka sa opisina, sabik ka sana sa paguwi Pero ang dadatnan mo lang ay isang malawak na bahay Na mayroong isang "ako" na puro dada at reklamo lang At ang iyong naririnig mula sa aking bibig na tila daig pa ang isang rapper sa bilis at walang paltos na panlalait
Kailan ma'y di ko naisip 'di ko inisip ang iyong opinyon Kasi palagi nalang ako, ako, ako Ako ang tama
Kailan ma'y di ko naisip Habang ika'y umuuwing pagod Dinuduro pa rin kita At ito'y tumatagos na sa puso mo Hanggang sa sinabi **** tama na, Hindi mo na kaya, Ayaw mo na
At yun umalis kana, iniwan mo na ako
Pero heto ako ngayon sa harapan mo... Nagtatanong Kung mahal mo pa ba ako?
At kung ang iyong sagot ay hindi na'y
Heto ako ngayon sa harapan mo... Nagbabakasakali Na may pag-asa pang mahalin mo ako ulit
At kung wala na ay
Heto ako ngayon Sa harapan mo Lumuluhod Nagmamakaawa Na balikan mo ako
Balikan mo ako Balikan mo kami
Pakiusap umuwi ka na Sa malawak na bahay Na bahay mo, na bahay ko
Umuwi ka na, kahit 'di para sa'kin Kun'di para sa mga anak mo, na anak ko Para sa pamilyang ito
Parang awa mo na Bumalik ka na Kasi sa malawak na bahay Naroon ako, at ang mga anak mo Nangungulila... at Naghihintay Sa pagbalik mo
x.x
Actually I am a Filipina, so at times I may also post Tagalog poems, I hope other Filipinos will like it too.. This poem is inspired by real life existing family problems of people