Nang una kitang makita mahal na kita Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka na pa lang iba Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan
Ako’y nanalangin na sana’y mahalin mo rin Upang di na masaktan ang puso kong nagmamahal din Alam kong Diyos ay mabait at aking hiling ay tupdin Kaya paggising sa umaga’y ikaw na aking katabi
Ngunit isang araw nalaman mo Ang mahal mo ay may iba nang kasama Tumakbo ka at sa aki’y nagpunta Di alam ang gagawin Di rin alam ang sasabihin Sa aki’y panaginip lamang ang lahat ng nangyayari
Ngunit paggising ko sinabi mo Mahal mo na ako at ako’y iyong-iyo sa buong buhay mo Ako’y nagulat sa iyong inasal Ngunit sa kabilang banda di mapapantayan ang sayang nadarama Pagka’t tayong dalawa ay iisa na