Pinipili ng mga mata ko ang nais nitong makita sapagkat tanda ko noon lahat ay sadyang tinitignan lahat ay gusto nitong masilayan at maobserbahan ngunit ngayon parang nais na lamang pumikit at manirahan sa dilim
Pinipili ng mga mata ko* ang nais nitong makita at ikaw ang napili ng mga ito kahit ang pakiramdam ay parang nasa dilim ngunit maliwanag at kitang-kita na iba ang dahilan kung bakit ika’y masaya at kapiling ang iba