Gusto ko na rin umuwi, humimbing, manahan, sa tugtog niya, sa tinig niya, sa tahanan kong siya.
Ilang araw na ring nagpigil umaming masyadong malayo ang dito sa diyan. Madalas, minsan, malimit magulo ang isip sa tuwing gabi'y tahimik. Binibilang ang mga araw, nadadagdagan ang pananabik hanggang umapaw na at naging luha walang tigil umagos.