Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

KATUPARAN

by emeraldine087

Bakit nga ba ang hirap sabihin sa'yo Ang pilit na sinisigaw ng puso ko? Ano ba'ng kinakatakot at iniiwasan ko? Iniiwasan ko ba'ng magmahal at masaktan O ang magmahal ng lubusan? Kung iba ba ang mahal ko Pagtingin ko pa rin kaya'y ganito? Bakit ba kasi sa lahat ng tao'y sa'yo ko pa Naramdaman ang ganito'ng klase ng saya? Ang kakaibang pakiramdam Na wala na'ng iba pa ako'ng kailangan? Sa tinagal-tagal ng panahon na tayo'y magkakilala Bakit kailanga'ng ngayon ko lang madama Na sadyang hindi na sapat na kaibigan lang kita? Kung sana kaya ko lamang ipaalam sa'yo, Kung sana naririnig mo ang bulong ng aking puso, Wala na sana'ng hihigit pa Sa saya ng puso ko'ng patuloy na umaasa-- Na sa isang sulok ng panahon Bukas, makalawa o maaaring ngayon May katuparan ang pangarap ko Na higit pa sa kaibigan ang maging pagtingin mo.
Request permission to use this poem
Written by
emeraldine087
Filipino
For You?
Written by
emeraldine087
Filipino
Published
Mar 14, 2015
Lines·Words
23·145
Notes

Alay ko sa aking Lolo Emmy na nagturo sa akin ng tunay na kahulugan ng pagiging makata...

Tags
#filipino#tagalog
Permission

Request to use this poem

Tell emeraldine087 how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write