Akala ko tapos na ang mga umaga ko na naiisip kita.
Sa unang sulyap sa realidad mula sa mga panaginip na dagliang nawawala, ikaw ang una kong nakikita. Kahit na wala naman talaga ang iyong presensya.
Nararamdaman kita.
Sa bawat pag pigil ko ng hininga. Sa mga alaala ko ng iyong ngiti na aking isinasatinta. Sa kadena ng pag asa sa posibilidad na mahagkan ka at hindi ako makawala.
Sabi nila, ako daw ay tanga. Dahil minahal kita nang sobra. Pero hayaan na. Siguro nga tama sila.
Sana sa susunod hindi na kita maisip pa. Sa totoo lang, ang sakit sakit na. Parang hindi ko na kaya. Gusto ko nang bitiwan ang pangalan mo na nakakabit sa salitang, "Sana".