Parang ako yung nag-aabang sa kanto Yung ang tagal makasakay Yung umulan, umaraw makapaghihintay Yung kahit naiinitan na, mag-aabang pa rin.
Aasa pa ba ako sa muli **** pagdating? Pano pag dumaan ka’t hindi pala nakatingin? Pano pag bumalik ka pero may sakay na pala?
Kaya nga ayoko ng laro Minsan madaya kasi Seryoso na, pero ba’t nakikipagbiro pa?
Hindi laruan ang puso Na pwede may mag “Time First” Pag na-checkmate na ang isa.
Pilit ko mang ikubli sayo Pero sana hindi na lang Tinanggap ang hamon Ang hirap pala mag-move on Tutulak ka nga Pero may pasan pa rin.
Walang pasintabi, Katapusan na pala.
May nabibigo pala talaga sa laban Hindi man lubos na maintindihan May istratehiya pala Pero sa bawat laban, bawat laro May sasalo pa rin pala sa bawat kabiguan.
Titingin pa rin sa Kalangitan Titiklupin ng Hari ng Sanlibutan Ang pahinang walang saysay May maisusulat pa rin pala Kahit sa pusong naging sugatan.
Ang Amang may Likha, nagbigay-pag-asa Patuloy na iibig nang tunay Pagkat simula pa lang nang pagsagwan Hindi ko alam kung kailan hihinto **Pero alam kong may mararating ito.