Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sana pala sinabi ko nalang ang totoo Noong pwede pa Sana pala hindi ko nalang inisip Ang mga negatibong pwedeng mangyari Kapag sinabi ko ang totoo Dahil anong malay ko kung kahit sa maliit na tsansa lamang Mahal mo rin pala ako Sana pala sinabi ko'ng "dahil gusto pa kitang makausap" Nang tanungin mo kung bakit hindi pa 'ko matulog ng mahimbing Sana pala sinabi ko'ng "dahil mas importante ka" Nang tanungin mo kung bakit sa dinami-dami ng dapat ko'ng gawin Ay ang kausapin ka'y di muna udlotin Sana pala sinabi ko na Na ang mga tala sa kalangitan Ay mas nagniningning Mula nang makilala ka Na ang pagtaas at paglubog ng araw Ay mas makulay Dahil napapanood ito gamit ang iyong mga matang mapupungay Sana pala sinabi ko na Na mahal na mahal kita. Sana pala Ginawa ko na. Ngunit huli na nga ata talaga.
0
Jan 14, 2016
Jan 14, 2016 at 12:46 PM UTC
Pwede pa ba?

Cosmos
Written by
Jan 14, 2016
Jan 14, 2016 at 12:46 PM UTC
Request permission to use this poem