Nagsimula ang ating kabanata noong tayo'y nagkakilala
Sa iisa paaralang ating pinagmulan ngunit kahit kailan 'di nalaman ang pagkakakilanlan
Ano nga ba ang pangalan mo?
Binibining nakaupo sa likuran ng tricycle na ito.
Hindi ko man alam kong paano ako nahulog sa iyo
Masaya na akong makita ka't pagmasdan kahit nasa likuran mo lamang ako
Tela manhid ka man at saradong mga libro
Ang mga mata mong kahit ilang titig ko, hinding-hindi ko mababasa ang nilalaman nito.
Ika'y kakaiba, sa mga kababaihang sa akin ay nais mag pasamantala
Bibihira ka mang ngumiti
Isa ka namang anghel na may inosente't maamong— paraluman
Hindi makabasag pinggan at napaka pino
Walang duda na kahit sino ay magkaka interes sa iyo.
Hindi sapat ang salitang "maganda"
Sapagkat ika'y kakaiba, wala pang isang kisapmata.
Mailap ka man,
Kapag ika'y tumingin tela ako'y nasa alapaap.
Ang sarap sa pakiramdam na kailanman ay hindi ko makakalimutan
Kahit na dumaan man ang mga panahon na ang mga titig ko'y iyong makalimutan.
Hindi ko man kayang sabihin at tanungin ang pangalan mo
Sana naramdaman at nababasa mong may kakaiba sa mga tingin ko
Kahit na hindi sigurado na ikaw sa aki'y interesado; hindi pinapansin ang aking pagpa-papresko
Saksi naman ang tambutso't lilim ng akasya kung saan ang tricycle'y nakaparada
Kung gaano ang aking mga mata'y hindi kuma kawalang pag aralan ang maamo mong pagmumukha
Na hindi mawaglit sa aking isipan.
Dumaan man ang panahon
Na tayo'y di na muling pagtagpuin ni kapalaran.
Ika'y ala-ala na lamang sa unang pag ibig na sumibol sa aking murang isipan.