Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#032816 Minsan, di ko wari ang pagkatha ng tula Ang salamangka ng inspirasyon, Saan nga ba mas mainam na hukayin? Mahuhugot ko ba ang mga tugma Sa nakaraan, ngayon o bukas? Hindi ako magiging malalim Na tila baga walang himpil na hangin. Hindi ako magiging makata, Sa puso **** minsa’y tila walang pandama. Magiging madamot ako sa salita, At sa paghihimay-himay ng mga kataga. Hindi ako gagamit ng pandiwa Na tila baga ngayon, pero pambukas pa pala. Mahal kita, simpleng mga salita Pero sa sobrang simple’y, nadarama mo pa kaya? Mahal kita, may tutugon ba? O marahil ang pag-ibig, mawalan din ng pagkukusa.
0
Mar 29, 2016
Mar 29, 2016 at 10:28 AM UTC
Torpeng Tula

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
Mar 29, 2016
Mar 29, 2016 at 10:28 AM UTC
Request permission to use this poem