Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
031117 Iniibig Kita Gaya ng panata ko sa Pilipinas Ipagmamalaki saanmang dako Mo ipasayad Ang minsang nalulumpo kong pagkatao Buhat sa minsang ding pagmamataas ko. Mas ipagsisigawan kong Ikaw ang kalakasan ko Ang kalasag sa bawat oras Na gusto ko nang huminto Na gusto ko nang sumuko Na gusto ko nang magpatalo. Gaya ng aking panata Sa bansang pinagsilangan ko Mas paninindigan na Kita At hindi ko dudungisan ang Ngalan Mo Pagkat Ikaw ang tanging baluti ko -- Ang panatang alam kong Di ko kayang talikuran pa.
0
Mar 10, 2017
Mar 10, 2017 at 9:00 PM UTC
Panata

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
Mar 10, 2017
Mar 10, 2017 at 9:00 PM UTC
Request permission to use this poem