Hindi ko alam kung bakit,
pero sa bawat tingin, ako’y naakit.
Hindi mapigilan ang pusong tumibok,
kasabay ng kanta, aking hinihimig.
Napagtantong mahal kita,
ngunit natatakot sa posibilidad na mawala ka
sa piling ko na aking iniingatan,
iniingatan kahit masakit maramdaman.
Ito’y tulang sinulat ko para sa’yo,
tulang karapat-dapat para sa isang anghel.
Malaman mo sana ang nararamdaman ko’y totoo,
sapagkat ika’y reyna ng aking puso.