Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
zoe May 2017
sa takipsilim na
tawag nating
alas cinco ng gabi

na makikilala ng araw
ang lupa,
nabibighani sa kanyang sikat at ganda
lalamunin hanggat sa
dumilim

masasaksihan natin
ang tunay na kulay,
tunay na simoy,
tunay na buhay,
ng lungkot.

hindi niya maisasagot
ang limangput libong
hukbong-sandatahan
ng dakilang, gutom,
mabagsik
na mga isip.

yakap ng mahigpit
at mahabang braso
ng lungkot;

mapaparalitiko
habang buhay,
sa takipsilim
zoe Dec 2017
lumabas,
sa aking mahinahon
tahimik
at ligtas na silid

lumabas,
para mabuhay nang
nasa awa ng
mabagsik at mapanganib nilang
pagdidikta

lumabas,
para bigyan ng kahulugan ang
bawat galaw,
bawat hawak ng kamay,
bawat sulyap
na kung hindi sang-ayon
sa pagagos ng kanilang sari-sariling buhay.

isa akong Hudas, humalik sa pisngi
ng taong iniligtas ang mga makasalanang
katulad ko

lumabas,
para mabuhay lamang
na katulad niyo
maligaya, ligtas,
mapayapa
sa piling niya.
sa piling na kasing dalisay ng ginto.
kasing dalisay ng puso niyo.
kasing dalisay ng pagmamahal
sa mga katulad niyo.

pilit na sinasarado ang mga mata
upang mabigyan hinahon ang isip
na sa inyong salita't galaw
ako'y nakarehas,
inaalipin,
pinapanganib

sa aking paglabas,
ako'y tumalikod,
sinarado ang pinto
upang lumigaya nang tahimik
habang ligtas magpakailanman,
sa aking pag-iisa.
zoe May 2017
unang latag ng lupa,
nangabubuhay dahil sa
tapak ng walang kamalay malay
sa pinagdaanan nito.
dala ang delusyon ng buhay
kapalit para sa bayan,
kapalit para sa kalayaan.
lumamin,
ay mahahayag ang
luad
tumutulad sa kulay ng
dugo.

alam ng bulaklak ito,
kung sundan ang pinanggalingan
magugulat sa makikita;
ang kababayang
kinalimutan ang kanilang madugong,
matimbang,
maalamat
na mga pangalan;
inalala ng halaman.

                 sementeryo,
bawat hakbang, walang respeto
bawat hakbang, nadudumihan
ang mga mukha ng (bayani)                   taksil
(pinaglaban)                                       trinaydor ang
kanilang, (at sa dinarami-rami pang mga
sambayanang pilipino)
tinubuang lupa

                  sementeryo,
kaya't malalim ang pananampalataya
sino bang hindi
maadwa,
maawa?
bawat segundo may dadasalan
bumagsak;
at lumalalim ang kulay ng
                                       pula.

                 sementeryo,
kaya't pagbagsak ng
alas quatro ng umaga;
nananahimik ang bayan.
katahimikan para sa patay;
         walang sisigaw.
ginagambala ang kapayapaan.
sa ilalim ng lupa,
ang katahimikan hindi makamtan.
lahat sila'y gising,
lahat sila'y

                                                         sumisigaw.

                 sementeryo,
ang   tahanan       ko'y         sementeryo,
kaya't manahimik
at irespeto ang patay;
ang mga mamayang madamdamin
at malakas ngunit
                                                        pi­natahimik.
tayong buhay
               nananatiling patay.
silang patay
               nananatiling buhay.

isang siklo.
lalalumin lahat ng lupa
ng hindi sa tamang oras;
isisigaw ang K A R A P A T A N !
isisigaw ang M A L I !
isisigaw ang H U S T I S Y A !

H U S T I S Y A
H U S T I S Y A
H U S T ngunit walang makakarinig.

ang nakabukang bibig
mapupuno ng tinubuang lupa
na tinaksil ang lahat
ng katulad natin.

walang makakarinig
kahit buong daigdig
                                                         ­                 manahimik.

— The End —