Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Sa lilim ng panaginip kong dati’y may sinag,
Dumadaloy ang salaysay ng kaibigang likha ng isip—tahimik, ngunit tagos.
Sa mundong yaon, ang pangamba’y lumilipad,🪽
Ngunit pagsikat ng araw, ako’y kinakain ng pangil ng sindak,
Pag-iisang kay lupit, kahinaang sa kaluluwa’y umuukit.👻

Sa mga gunita, may mga hiblang marahang bumabalot,
Sa paraisong daigdig, doon ako’y nahihimlay, kahit saglit.
Ngunit ang aninong likha ng sakit sa isip ay palihim na lumalapit,
Binubulong ng pag-iisa ang mga lihim kong pait,
Habang nilalandas ko ang sirang salamin ng sarili kong bait...💀💀💀
dark insanity
In shadows where my dreams once glowed,  
An imaginary friend’s tales overflowed.  
In that world, fears take flight,  
Yet by day, I'm gripped by fright,  
A scary solitude, weakness bestowed.  

With memories softly entwined,  
In this paradise world, solace I find.  
But mental illness creeps near,  
Loneliness whispers here,  
As I wander through fragments of mind.
Darkness
Naglakbay ako sa gabing salát,
Sa pintong lambat, lihim ang lakad.
Ang buwan ay may gintong mukha,
Ngunit ang oras ay tila nawawala.

May kulungang tila orasan sa isip,
Na bulong ng katahimika’y sinisip.
Ang isip ko’y ibong baligtad ang lipad,
Umawit ng oras at bukal na apoy ang patak.

Salamin ang langit, luha’y bumuhos
Bawat patak, matang nahimbing noon.
Minasdan akong sayaw sa bubog na sira,
Habang oras ay damo’t talim sa lupa.

Ang gubat huminga sa tula ng hiwaga,
Dahon ay sumpa, ugat ay kabaong dala.
Tinanong ko ang hangin, “Alin ang akin?”
Sumagot, “Lahat, at wala—sa takdang dilim.”

Mga bituin ay nag-ukit ng pangalan,
Ngunit hindi sa panaginip ko nagbuhat ang alam.
Hinalikan ko ang multo ng bait,
At uminom ng takot—kasalo sa init.

Nang ako’y magising, normal ang daigdig,
Ngunit may tumatawa sa likod ng isip.
Tinaglay ang tinig ko’t anyo ng mukha,
Ako’y naiwan—bilanggo na pala.
🅓🅡🅔🅐🅜 🅘🅝🅢🅐🅝🅘🅣🅨
I wandered deep where the night forgets,
Through shadowed doors in silken nets.
The moon wore masks of grinning gold,
And time stood still, yet centuries old.

A ticking cage inside my head,
Whispered secrets the silence fed.
My thoughts were birds with backward wings,
They sang of clocks and burning springs.

A mirrored sky began to weep,
Each teardrop birthing eyes that sleep.
They watched me dance on fractured glass,
While hours curled like blades in grass.

The forest breathed in riddled verse,
Each leaf a curse, each root a hearse.
I asked the wind, “What path is mine?”
It answered, “All, and none, in time.”

The stars spelled names I’d never known,
Carved deep in dreams not quite my own.
I kissed the lips of reason's ghost,
And drank with fear—a maddened host.

Yet when I woke, the world was sane,
But something laughed behind my brain.
It wore my voice, it knew my face—
And left me tethered in its place.
dream insanity
May lupa sa dulo ng alon at ulap,
Na tigang sa luha ng pawis at hirap.
Dati’y sagrado, minana ng lahi,
Ngayo’y may tarangkang may ngiting mapang-api.

Nilagdaan sa lamesang mabango’t marmol,
Ng mga pusong ang dugo’y may amoy dolyar at alkohol.
Sa palad ng banyaga’y lupang kay kayumanggi,
Isinugal ng gobyernong walang pakialam kundi salapi.

Kapalit ng kasunduan ay selyong bulok,
At ngiting plastik sa mukhang plastik din ang usok.
Ang tigang na lupa, imbes diligan ng pag-asa,
Ay binili’t sinamsam ng banyagang walang alaala.

Tahimik ang bayan, ngunit hindi bulag,
Alam na ang yaman ay kinurakot, walang laglag.
Ang punong may bunga’y pinutol sa lihim,
Para may masandalan ang politiko sa dilim.

At kung itanong mo, “Saan napunta ang lupang minamahal?”
Nasa mapa pa rin—pero sa pangalan, banyaga ang may dangal.
Tayo'y naiwan sa gilid, may plaka sa dibdib:
"Pagmamay-ari ng dayuhan. Pinagpalit sa limos, sa ilalim ng bibig."
may lupang tigang pinagbibili sa mga dayuhan
Tahimik ang gabi, ngunit may ugong,
Parang kulog sa dibdib na ayaw matulog.
May bagyong di dumaan, pero ang init ay sobra,
‘Yung singaw ng katawan, parang sabaw ng nilaga.

Matagal ko nang sinarhan ang pintuang may sigaw,
Hinayaang maipon ang init sa ilalim ng balabal.
Parang alkansyang bato—hindi mo mabasag,
Pero puno na ng barya... at bawal i-withdraw, laglag.

Kada tingin sa relo, may oras ng delubyo,
Ngunit laging missed call ang tanong sa sentido.
May luhang hindi sa mata dumadaloy,
At may luhang gustong isaboy… pero huwag, hoy!

Ito'y hindi libog na bastos at mababaw,
Ito'y sigaw ng kaluluwang gustong magpaalpas ng dangal.
Isang likhang apoy na gustong umulan,
Pero paano kung ang langit ay hindi handang makidamay?
May lason sa hangin, ngunit walang amoy,
Tahimik ang sugat, sa loob umaagos.
May hiwa sa damdaming di kayang tahiin,
Sa bawat tibok, muling sinasalin.

Walang karayom, ngunit may tusok,
Ngiting pilit, sa luha’y nalulusok.
May gamot sa pilay, sa lagnat, sa pasa      
Ngunit sa puso, bakit tila wala?

Kailan ba lalanghapin ang luningning,
Na sa dibdib, sakit ay papaliparin?
Kung may anesthesia sa pusong humiyaw,
Siguro ang gabi'y mas pipiliing mapusyaw.

Ngunit bawat kirot, lihim na tula,
Na sa kalul’wa'y may aral na dala.
Di man madama ng balat o laman,
Ang puso’y natutong magmahal… kahit sugatan.
wala bang anesthesia para sa sakit ng puso para kahit paano manlang hindi ko maramdaman

yung sakit💔
Next page