Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Sa ilalim ng buwan, may impakto —
Nagkukubli sa pormal na kandidato,
Nakangiti habang dala'y kontrabando,
Peke ang puso, ang hangarin ay trono.

May sindikato sa loob ng gobyerno,
Nakasout ng sako pero may kwintas na ginto,
Walang bala ang batas sa mga diyus-diyosan,
Pero ang dukha'y tinatadtad ng kasalanan.

Ang kanyang dila’y alipato —
Maliit na apoy na sumusunog sa barrio,
Pangakong matamis na parang alak sa kalyo,
Lason pala sa utak ng mga naniniwalang sagrado.

Tingnan mo ang rebulto,
Binendisyunan pero puso’y demonyito,
Taga-kwenta ng kasalanan ng iba,
Habang kinukupit ang limos ng mga aba.

Isa siyang kandidato,
Pero hindi boto ang habol — kundi kaluluwa ng tao,
Binobola ang masa sa kalsada’t palengke,
Habang nakikipag-toast sa mga dugong asoge.

Mga alipato, mga sindikato,
Magkaka-rhyming pero di magkaka-tao,
Isa lang ang ending ng eksena’t eksodo
Pag-ibig ay bingi, at ang liwanag... sunog na kandila sa altar ng demonyo.
Sa hatinggabi, tumunog ang alas,
Oras ng aninong sa liwanag ay malas.
May ulong kumakagat sa sariling lunas,
At bibig na humahalik sa lasong katas.

Sa ilalim ng lupa, may hukay na bukas,
Doon bumubulong ang bayang agnas.
Katarungang tinakpan ng bulok na batas,
Timbangan ng hustisya, butas na ang lapad.

Sa palad ng hari, may gintong panata,
Ngunit sa likod nito’y ahas na tuwa.
Humahalik sa takot, sa luhang madulas,
Habang ngumangalngal ang kaluluwang ahas.

Pait ng katotohanang di mo matikman,
Sa bawat lunok, may lihim na laman.
At kung magising ka sa mundong balasubas,
Huli na ang lahat — sapagkat alas ay ahas.
Sa ilog ng ginto na walang daloy,
Saan lumangoy ang pondong abuloy?
Limang daang bilyon — alingasngas lang,
Binaha ang bayan, ngunit tuyong bulsa ang rang.

Sa papel may plano, sa bibig ay dasal,
Ngunit sa kalsada baha'y paulit-ulit ang asal.
Mga track ng salapi, tinakpan ng putik,
At ang pangakong lunas, sa ulap humimlay, tahimik.

Sino ang nagbuhos sa 'di kilalang bangko?
Sa silong ng proyekto, may aninong palalo.
Tubig ang problema, pero bulsa ang sinapian,
Lumangoy ang kuwarta — hindi sa kanal kundi sa kaban.

Saan nyo dinala, mga tagapangako?
Sa sako ba ng buhangin o sa Swiss na banco?
Ulan ang bumaha, pero kayo ang bagyo,
Limang daang bilyon, kailan pa ang hustisyo?
kurapsyon sa bansa sobrang lala💀
Sa bubong ng gabi, humulagpos ang ulan,
Parang lihim **** ‘di ko maintindihan.
Bawat patak, isang alaala **** buo,
Lumalampas sa basang baso ng puso.

May yelong humihinga sa aking baso,
Pero ikaw ang lamig na ‘di maglalaho.
Ang ulap nagbubuga ng tagay ng langit,
Ngunit ikaw ang tama na ‘di ko ma-ipit.

Kalsadang basang nilakaran ng tanong,
Puno ng kalansay ng ‘yong mga layong.
Umihip ang hangin, nilunod ang ilaw,
Pero ikaw pa rin ang lasong umaalab sa salawal.

Malakas ang ulan, kumakanta sa bintana,
Pero ikaw ang bagyong may sariling tunog at drama.
Hindi alak ang dahilan ng hilo kong ito —
Ikaw 'yon. Sa'yo ako lasing. At buo.
In silence carved upon the stave,
Where time forgets what it once gave,
There dwells a mark, both small and vast—
The fermata’s eye that sees the past.

It hangs like dusk on dying breath,
Suspending sound, inviting death,
Yet in that pause, a flame is lit,
A moment stretched where phantoms sit.

Beneath its arc, the notes grow still,
Their echoes loop through shadowed will,
A hollow crown, a gate, a veil—
A timeless hum, a ghostly trail.

It marks no end, yet halts the stream,
Distorting pulse as in a dream.
A breath held long in quiet dread,
A watcher where the music bled.

Some say it’s where the soul delays,
To glimpse the void through crooked phrase,
A frozen beat, a bleeding seam,
A whisper trapped in time’s dark scheme.

So heed the glyph, beware its sway—
Not all who pause will find their way.
For in the still, the eye may see
The part of you not meant to be.
𝄐
🎶⏸️
🎶⏸️...
🎶⏸️...      𝄐 𝄐
🅰 🆂🆈🅼🅱🅾🅻 🆃🅷🅰🆃 🅱🅴🅽🅳🆂 🆃🅸🅼🅴’🆂 🅳🅴🅲🆁🅴🅴,
🆃🅷🅴 🅵🅴🆁🅼🅰🆃🅰 🅳🅴🅵🅸🅴🆂 🅼🅴🅻🅾🅳🆈.
🅸🆃 🅻🅸🅽🅶🅴🆁🆂, 🆃🅷🅴🅽 🅻🅴🅰🅿🆂—
🅸🅽 🆂🅸🅻🅴🅽🅲🅴, 🅸🆃 🆂🅿🅴🅰🅺🆂,
🅰 🅿🅰🆄🆂🅴 🅸🅽 🆃🅷🅴 🆂🅾🅽🅶’🆂 🅿🆁🅾🅿🅷🅴🅲🆈.
Kailan ko kaya muling masulyapan
Ang mukha **** kay hirap kalimutan?
Parang buwan—palaging nariyan,
Pero laging may ulap na sumasaklaw minsan.

Tahimik akong dumadaan sa ‘yong daan,
Sa Facebook feed na parang altar ng ulan.
Isang like, isang scroll, ‘di mo man pansin—
Ako’y aninong nabubuhay sa pagitan ng tingin.

Minsan gusto kong magparamdam ng todo,
Pero baka mabasa **** ako’y nagmumukhang gago.
Kaya tinitiis ang tanong na ‘di ko masabi—
“Na-miss mo rin ba ‘ko, kahit sandali?”

Ngiti mo’y larawan sa loob ng salamin,
Hawak ng mata pero ‘di kayang angkinin.
Kung tadhana’y marunong magbigay ng chance,
Sana minsan… kahit isang sulyap, kahit glance.
13_1_3_5_12
Next page