Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ronnuel Apr 2020
Ang bawat tao may kai-kaibigan,
Palaging magkasama at nagtutulungan,
Handang makinig sa bawat problema,
Hanggang sa ikulong nila tayo sa selda.

Sa isang grupo o magkakaibigan,
May isang maiiba at galing sa kadiliman,
Kagaya ni Hudas na tuluyang nadulas,
Hinalik si Kristo para kay Caiaphas.

Kung sino pa ang iyong malapit na kaibigan,
Sa huli, hindi ka rin niya matutulungan,
Siya pa ang tutulak sayo sa bangin,
At hahayaan nalang idakip ng hangin.

Sa huli, laking galit mararamdaman,
Pagkat ika'y kanyang sinaktan,
Unti-unting may balak makawasak,
Hanggang sa mukha ng ahas masapak.
Ronnuel Apr 2020
"O aking minamahal sinta,
Tara, kanta na tayo't magsimba.",
Kay sarap balikan ang mga araw na 'to,
Hanggang sa sarhan mo'ko ng pinto.

Laging kasama sa samahan
niyong umaawit,
Sa lugar kung saan nakakahingi
ng tulong sa langit,
Ang puso ko'y gusto sayo lumapit,
Sapagkat iyong ganda'y kaakit-akit.

Kaya ako'y nangarap...

"Sa pagtatapos ng aking paglalakbay,
Sana magwakas sa iyong mga kamay,
Sa kahit anong mangyayaring pagsubok,
Ikaw ang ninanais na maging palayok".

Umamin, nagbukas ng puso sa 'yong harap,
Habang ang mata ko'y 'di kumukurap,
Iba sa aking mga inaasa't iniisip,
Ang pangarap ay hanggang panaginip.

Lahat ng pawis, oras ng paghahanda,
Mapupunta lang pala sa wala,
Kaya't pag nakikita ako ng iba,
Nagkukunwari nalang na masaya.

Di naisip bituin ay masisira sa isang sulyap,
Dumating pa si Hudas sa aking harap,
Nakatikim ng halik ng isang taong mapanibughuin,
At laking galit pagkat siya ay isang taladkarin.


"O aking minamahal sinta,
Sensya na't dinaan sa makata,
Gawain ng isang taong nalulumbay,
Makakagawa pa ng akdang-buhay

Kaya sa mahabang panahon hindi magpaparamdam,
Para makuha ng Hudas ang kanyang inaasam,
Kahit ang puso ko'y nasisira't lumiliit,
Ako'y maghihintay kahit masakit.
Para sa iyo to....

— The End —