Ang mundo ay parang pagamutan Kanlong nito sari-saring sakit ng lipunan Mula simpleng aray binibigyang-lunas Hanggang pagdugtong sa buhay na magwawakas.
Sandatahang panggitna mabubuo’t mangingibabaw Banderang dilaw iaangat at ipakikilala Mamamagitan sa pula at bughaw Alagad ng liwanag ang magpapahupa.
-01/07/2015 (Dumarao) *Pinuno Namin sa Panahong Ginto Collection
Pulisya pararamihin at palalakasin Kayraming pasaway sisiluhin at kikilabutan Kapayapaan at kaayusan ay sisiguraduhin Walang mangangahas maghasik ng kabulastugan.
-01/06/2015 (Dumarao) *Pinuno Namin sa Panahong Ginto Collection
Siyensiya ang magiging pinakatatangi Sentro ng pananaliksik sa lahat ng barangay Mga henyo, bagong tuklas, imbensiyon ibubunyi Sa pagkain, damit, bahay, sasakyan aagapay.
-01/052015 (Dumarao) *Pinuno Namin sa Panahong Ginto Collection