Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Bryant Arinos Jul 2018
Ito nanaman tayo,
Walang pansinan,
Walang imikan,
Tahimik at walang kibuan.

Akala ko ba tapos na?
Bakit bumabalik pa?
Akala ko ba okay na?
Bakit naulit pa?

Pakiusap naman, magsalita ka
Sabihin mo kung anong problema
Kung sino ang dapat masisi sa ating dalawa.

Wag mo namang sarilihin,
Nandito ako oh, ba't di mo ko kausapin?
Kung may problema tayo ayusin natin
Hindi yung hinahayaan hanggang sa tayo'y patayin ng katahimikang dulot ng pag-aaway.

Kaya mahal ****-usap, magsalita ka dahil...

Hindi ko alam ang dahilan,

Hindi ako manghuhula.
Bryant Arinos Jan 2018
Alam kong ako ang laman ng isip mo
Alam kong ako ang laging sambit ng bibig mo
Alam kong ako ang tinitibok ng puso mo
Alam kong mayroong 'ako' sa mundo mo

Puyat ka sabi mo
Kakahintay sa reply ko
Pagod ka na sabi mo
Kaka-dial sa number ko
Ayaw mo na sabi mo
Dahil wala man lang akong reply ni isa sa mga text mo

Alam kong ayaw mo na
Alam kong pagod ka na
Alam kong sobrang nahihirapan ka
Pero pasensya ka na
Hanggang dito lang talaga

Minsan naisip ko
Dapat nga magpasalamat pa ako
Dahil dumating ka sa buhay ko
Pero pasensya na... hindi ikaw ang pinangarap ko

Sinubukan kong isipin ka
Sinubukan kong mahalin ka
Pinilit kong maging masaya
Pinilit ko kahit hindi kaya
Paulit-ulit, walang palya
Araw-araw, gabi-gabi
Sinasabi sa sariling dapat ikaw lang
Naniniwala sa kasinungalingang 'tayo lang'

Sana nga ikaw na lang
Sana nga tayo na lang
Sana hindi na lang sya

Pero pasensya na talaga
Sinubukan ko naman
Pinilit ko naman

Pero tama na siguro na magising tayo pareho
Tanggapin mo na lang ang pasya ko
Dahil dito sa mundo ko walang ikaw at ako
May iba akong gusto at hindi ikaw ang taong iyon
Bryant Arinos Jan 2018
Di ko inaasahan ang naibigay **** saya,
Dahil ang inasahan ko ay ang pagiging panandalian mo.
Kasama kita sa maikling panahon,
Napaka-ikli, tila kisapmata, lahat nawala.

Mga pagsasamang nahinto dulot ng isang tuldok,
Tuldok na nagsasahad ng pagtatapos.
Oo, ang sakit na di na magkakaroon ng dalawa pang tuldok…
Nagsasaad na mayroon pang kasunod ang lahat at di pa tapos

Kaso wala na, tapos ang lahat dulot ng isang tuldok.
Akala ko tatagal tayo dahil napakarami natin kuwit,,,,,,,
Nagsasabing di pa tapos, sandali lang, opps charot lang meron pa.
Pero wala eh, tinapos mo na gamit ang isang tuldok.

Marahil nga hanggang doon nalang ang istorya nating dalawa
Alam ko namang hindi napipilit ang tadhana,
Pasensya na mahal ko kung pangit ang kwentong naibigay ko.
Oh ito na ang huling tuldok at magsimula ka na ng panibago **** kwento.
Bryant Arinos Jan 2018
Susunduin kita, baka maghintay ka nang kaunti
Darating ako, baka pawisan pa at naiihi
Wala pa akong kotse kaya sa jeep tayo sasakay
Pero sa buong byahe natin, ‘di ko bibitawan ang iyong kamay.

Kakain tayo kahit saan sa may Maginhawa
Tapos magbibiruan habang malakas na tumatawa
Sobrang bundat tayong pareho uuwi
At may mga tinga man, pareho tayong nakangiti.

Ihahatid kita kahit saan ka pa nakatira
Kahit inaantok na ako, baka nga tulugan pa kita
Pero hindi ko gagawin yun hanggat hindi pa kumakalso
Sa manipis ko ngang balikat ang napakaganda **** ulo.

Hindi perpekto ang mga panahong kasama mo ako
Hindi kumpleto ang ako na kakilala mo
Ikaw kasi sana ang pupuno sa aking mga kakulangan
Kaso kinompleto ka na niya. At hindi mo na ako kailangan.
Bryant Arinos Jan 2018
Ako na lang

Pwede bang ako na lang?
Yung karamay **** mag-isip kung saan kakain?
Yung hinihiling mo nang mataimtim sa iyong mga pananalangin?

Pwede bang ako na lang sana ang sasama sa’yo kung saan ka man pupunta?

Pwede bang yakap ko na lang yung sisilungan mo kapag sobrang pagod ka na?

Ako na lang mahalin mo.

Pwede bang ako nalang sana yung mahal mo?
Yung kasama **** nakangiti sa libu-libong mga litrato?

Pwede bang buhayin na lang natin yung mga pangako nating pinaplano?

Pwede bang ako na lang ulit ang magpapasaya sa’yo kapag pinepeste ka na ng tadhana?

Pwede bang kamay ko na lang ulit ang hahaplos sa mukha mo at papahid sa’yong mga pagluha?

Pero hindi na nga siguro pwede lahat ng iyon.
Kasi may kayo na.

At ako nalang.

Ako nalang ulit.
Bryant Arinos Jan 2018
Ano nga ba ang pag-ibig?
Nakakain? Naluluwa? Natututunan katulad ng aralin o nababasa katulad ng mga maiikling tula?
Nanggaling ba ito sa mga kwentong banyaga at kwentong matatanda?
Siyensya? napaliwanag na ba niyan?

sa totoo lang di mo yan napag-aaralan,
kusa mo kasi yang mararamdam.
di mo rin yan pwede ipilit,
para kasi yang tao, kusang yang pumipili.

di rin yan nakakain katulad ng paborito **** chicken
o ng paborito **** pansit bihon, miki o canton.
hindi rin mahahalintulad sa mga palabas o mga kwentong wattpad na mababasa mo sa libro.

at para sa iba, sabi, pana raw ni kupido ang dahilan
tinig ng sirena naman ang kwento ng iilan.
di naman dahil raw kasi sa naaakit sila sa panlabas na kaanyuan.
hahahaha kalokohan.

Wala pang nakakapagpaliwanag niyan.
siyensya? pwe, di lahat kaya niyan patunayan
basta para sa akin, isa lang ang alam ko diyan.
Ang pag-ibig ay regalo mula sa langit.

di mo na kailangan pag-aralan,
di mo na kailangan pagexperementuhan
di mo na kailangan ng kahit na anong katibayan.
tandaan mo lang. Regalo yan ng may kapal.

kaya bilang tipikal at praktikal na estudyante, wag kang magmadali,
darating rin sayo ang mga bagay na ganyan
Di mo lang alam, matagal nang nakasulat sa tadhana mo ang kwento na nakalaan sayo.

wag **** pangunahan!

imbis na pairalin ang tibok ng dibdib,
subukan paganahin ang isip.

MANGARAP! MAG-ARAL! MAGPURSIGI!

wag muna maglandi!

pag-aaral ang unahin
para makabawi sa paghihirap ng mga magulang natin.

at huling pasabi para sa lahat ng kabataan
at basta paalala sa lahat ng umiibig,
wag **** hayaang mabihag ka ng kalituhan ng mundo
protektahan mo sarili mo.
yakapin mo ang puso mo.

Regalo ng may kapal,
Pangalagaan mo.
Bryant Arinos Sep 2017
Nagsimulang mangarap ang karamihan
Ngunit bigo ang iilan
marami ang naghangad ng pagpapala
ngunit ang iba ay halos walang napala

ang sabi "Ilabas mo ang nararamdaman mo!"
pero ang pagkakaintdi nila "Sige lang tago mo!"
natakpan ng pagkatakot ang tainga ng bawat Pilipino
binulag ng maling galaw ang lahat ng papanaw ng tao.

Ika ni Gat Jose Rizal, "mahalin ang sariling wika"
ngunit panay ibang lenguwahe ang gusto ng iba.
Simpleng paalala, nais ng karamihan ang pagkakaisa
pero sa sariling pagtangkilik ng atin, ayaw rin ng iba.

"Lipstick na pula", "Damit na may hati sa gitna"
"kantang di maintindihan ng bata", at mas masakit sa pandinig
ang tanong na ngayon ng mga bata, "Ano po ang ABAKADA?"
at ang nakakainis, ang pinagtanungan hilig rin ang wikang banyaga.

Pader ng pagiging malaya? Oo, may kalayaan ang bawat isa kung ano ang pipiliin nila, pero tandaan na sa bawat kilos at galaw,
mayroon itong kapalit pagdating ng araw.

Pader ng pagiging malaya? Oo, may nais ang lahat, may pangarap ang lahat pero isaisip di lamang sariling kagustuhan,
Maaaring makuha ang tagumpay pero maaari ring mayroong ibang taong madamay.

Pilipino ka, panindigan mo ang nais ng lahat ng kapwa mo.
di mo piniling maging Pilipino, pero ito ang biyayang binigay sayo
kung ang isda nahuhuli sa bungaga
ang bawat tao nahuhuli naman sa bawat salita.

Pader ng pagiging malaya, ilista mo rito lahat ng gusto mo, lahat ng ninanais mo, at lahat ng pangarap mo.
Pader ng pagiging malaya, di man ito ang huhusga ng kung anong pagkatao mo pero makakatulong to.

Pader ng pagiging malaya, sabihin mo lahat ng nilalaman ng puso mo
Pader ng pagiging malaya, ilantad mo dito ang ginagawa mo
Pangako bilang pilipino mababago dito ang pananaw mo.
at Pangako bilang Pilipino, ingatan mo rin lahat ng malalaman mo.

Pader ng pagiging malaya.

FreedomWall ika-nga.
Hayaan **** itong Pader ng pagiging malaya ang maging sandigan mo at gabay patungong pagkakaisa.
Next page