Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
250 · Mar 2024
Araw at Gabi
Araw at gabi sa isipan ko'y laging kang sumasagi,
'Di malilimutan ang pagsasamahan sa bawat sandali;
Kasama ka sa bawat oras na magdaan,
Kung kaya't mga problema ko'y nalilimutan.

Araw at gabi minamasdan ko ang kalangitan,
Ngunit iyong mukha lang ang aking namamasdan;
Sa'n man pumaroon, boses mo'y naririnig sa'king isipan,
Hanggang sa pagtulog ko'y laging kang napapanaginipan.

Araw ka ba? Dahil ikaw lang nagbigay liwanag,
Liwanag sa buhay kong puno ng bagabag;
At tulad ka ng gabi na puno ng katahimikan,
Anupat nagdala ng kapayapaan sa magulo kong kaisipan.

O' aking mahal, sinasambit sayo ng aking labi,
"Ikaw ba'y Araw at Gabi?"

— The End —