Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
1.0k · Feb 2018
Libro
Louisa Feb 2018
Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba yung una tayong nag kita? Hindi na?
Pwes ito ipapaalala ko muli, ihahalintulad ko ang aking sarili sa isang libro, ako ang libro at ikaw ang tagabasa.
Ako ang libro na minahal mo sa lahat ng koleksyon mo
Ang libro na noong una iniingatan mo
Ako ang pinaka magandang libro na napa saiyo,
Iyan ang sabi mo.

Sana libro na nga lang ako, bagay na kahit ipagpalit mo, hindi nasasaktan, bagay na kahit anong ingat na ipadama mo, hindi ko bibigyang kahulugan, bagay na kahit anong uri ng pag mamahal na igawad mo, hindi ko mararamdaman.

Ikaw na tagabasa ng mga nilalaman ko,
ang mga nilalaman ko na sa sobrang dami ng hinahakit na naroroon ay inayawan na.
Nakakasawa daw sabi sa akin ng mga unang bumasa.
Noong ikaw na ang mag babasa, sabi ko sana ito na ang huli, ito na ang huling babasa sa akin, babasa sa lahat ng pinag daanan, sa lahat ng hinanakit na may roon, sa lahat ng hindi magagandang nangyari, sana ito na.

Natakot ako sa ekspresyon na naka ukit sa iyong mukha,
ekspresyon na hindi ko mawari kung ito ba'y nalulungkot, napapagod, nasisiyahan o kung ano ano pa, pero noong ika'y ngumiti,
para akong nabuhay muli.
Na sa dinami daming tao na naka alam ng tungkol sa akin, ikaw, ikaw lang ang tanging hindi nag sawa.
Pero tao ka, tao ka na alam na alam ko na ang ugali
Mga tao na kahit gaano kalaking pag mamahal ang iparamdam sayo ay tila ba parang bula na mawawala.

Pero mahal, salamat.
Salamat sa pag babasa,
Salamat sa oras, oras na alam kong sinayang mo para lang malaman kung anong may roon ako.
Salamat at napahalagahan mo ako,
pag papahalaga na sa iyo ko lamang nadama.
Salamat sa sandaling iyon, sa sandaling iyon kahit papaano ay napasaya ako, at naramdaman ang pag mamahal ng isang tao.

— The End —