Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 24 · 33
Traffic
FA Aug 24
Akala ko’y handa na,
parang ilaw na berde sa kalsada.
Sabi ko sa sarili: “Tapos na, kaya ko na.”
Pero isang pikit lang, balik na naman sa simula.

Gusto kong lumayo, gusto kong kumawala,
Pero bakit puso ko, lagi kang hinahanap pa?
Parang paikut-ikot na walang hanggan,
Bawat pag-ikot, ikaw pa rin ang hantungan.

Labingdalawa, labingisa, ilang taon na ba?
Sugatang di maghilom, alaala’y parusa.
Paulit-ulit, parang sirang plaka,
Laging bumabalik sa parehong kanta.

Pagod na akong ikulong ang sarili,
Sa alaala **** matagal nang multo sa gabi.
Ngunit kahit anong takbo, anong pilit,
Bakit ikaw pa rin ang laman ng isip?

Darating din ba ang araw…
Na sa isang pikit, hindi na ako babalik?
O baka sa huling hakbang, ako’y matitigilan,
At sa pag-ikot ng mundo, ikaw pa rin ang hihintayin kailanman.

— The End —