Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tunog" poems
malamig sa isang silid may kasamang pighati, saya at lungkot sa bawat paghinga, ramdam ang pagbagsak ng luha. magkakahiwalay na tayo sakit na tila kinukurot ang puso sakit na walang ibang lunas, kundi ang pagsasamahan nating nabuo. sinulat ko ang tulang ito para kahit ako'y lilisan na maaari ko pang balikan lahat. lahat ng alaala at samahan, mga alaala na hindi ko makakalimutan, katulad ng... habang tayo'y naghihintay ng ticket habang tayo'y nagbabasa ng email thread habang tayo'y nakaupo sa isang silid nagkukwentuhan, nagtititigan, nagmamasid, naglalaro ng moba, nanonood ng youtube, nakahawak sa mga selpon. na tila bigla bigla tayong natinag sa mga boss na dumadaan na kahit sa dami natin sa area nagawa parin tayong turuan at pag tiyagaan nila sir at ma'am. napaka-lungkot lang isipin, na ang ating samahan, sa kathang-isip na lamang. alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat yung puno ng tao sa isang silid. puno ng tunog at salita  puno ng biruan at tawanan pero ramdam **** maiiyak ka ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang  kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman nakakapagod mag-isip. pero alam naman natin ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga  ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan alam ko, napapagod rin kayo sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay sa mundong malawak. pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao, na nakikita ko mula sa inyo. ngiting kay gaan sa pakiramdam, na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti. Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti. Na nakakapawi ng pighati, Salamat, Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:59 AM UTC
sa isang silid

Continue reading...
67
Hindi ako magaling kumabisado Inaamin ko, hindi ako magaling kumabisado Higit sa lahat, ayokong pinipilit akong tandaan ang mga bagay na ayoko Pero gusto kong makabisado ang tunog ng pagakyat mo sa hagdan Gusto ko makabisado kung ilang kutsara ng asukal at takal ng gatas ang tinitimpla mo sa kape Gusto ko makabisado kung anong paborito **** palaman sa tinapay at kung kailangan mo ba ng alalay Gusto ko makabisado kung inuuna mo bang kainin ang balat ng manok o hinuhuli mo Gusto ko makabisado kung anong timpla ang gusto **** sawsawan sa iyong ulam...matamis, mapait, maasim o maanghang. Matamis, mapait, maasim o maanghang... Gusto kong makabisado, Gusto ko makibasado kung paano minumulat ang mata matapos magising sa mahabang panaginip Gusto ko makabisado ang galaw ng iyong mga kamay sa kung paano mo inaayos ang iyong kurbata Gusto ko makabisado kung paano mo tinatali ang sintas ng sapatos mo sayong mga paa Hindi ako magaling kumabisado... Inuulit ko, hindi ako magaling kumabisado Pero gusto ko makibasado lahat ng tungkol sayo, Sa maliit man o malaking detalye, madami man o kaunti Sa kung paano ka bumangon sa umaga at sa pagahon ng araw, Lahat ng iyong ginagawa sa umpisa at ang iyong hiling kapag tapos na Importante man o walang kahulugan, mahalagang ito'y aking malaman. Ang gusto ko lang makabisado Makabisado Makabisado At sa huling beses, uulitin ko Hindi ako magaling kumabisado Pero kakabisaduhin ko ang hugis ng iyong mukha, ang maiitim at mahahabang pilik mata, ang ngiti sayong labi, ang tunog ng hininga kapag ika'y katabi Gusto ko lang makabisado At kakabisaduhin ko Kakabisaduhin ko kahit gaano katagal Abutin man ng syam-syam, buwan-buwan, taon-taon, Itaga mo man sa bato Sumigaw ka man ng "darna" Pero mahal, kakabisaduhin ko... Kakabisaduhin ko, Maubos man ang mga bituin na siyang nagbibigay direksyon sa kung saan patungo Kakabisaduhin ko simula sa umpisa hanggang sa dulo Simula sa unang letra ng pangalan mo, kasunod sa numero ng kaarawan mo hanggang sa hibla ng buhok mo Panagako mahal, kakabisaduhin ko para sayo Kakabisaduhin ko At kakabisaduhin ko ang tibok ng puso mo, Umaasang baka sakaling masabayan ko
0
Oct 26, 2016
Oct 26, 2016 at 9:11 PM UTC
16

48
Hindi alam kung pano sisimulan, nahihirapan itugma ang bawat salita na lumilitaw sa isipan, Ang bawat tunog sa bawat saknong ng bawat kaludtod ay nabibigatan, Ilapat sa mensaheng ibig iparating ng damdaming nagaalinlangan. Oo, hindi ako sanay gumawa ng tula, Itoy dili iba't hindi inaakala, Ngunit aking susubukan, alang alang sa kaibigan, Nanghihinayang sa alaala ng ating samahan, sa isang saglit ay iniwan. Mga pagsubok biglang dumarating, Sa kabagabagan ng buhay at panimdim, saklolo niyaong Dakilang may gawa ang tanging hiling, araw at gabi siyang dalangin. Ako ma'y naguguluhan sa mararamdaman, isip at puso laging nasa kabagabagan, kalungkutan ang nasusumpungan sa bawat araw ng aking kinalalagyan, damdamin ay halintulad sa parisukat, makipot at madilim na kulungan. Kaibagan koy huwag magtanim ng sama ng loob, Sa puso ko'y kalungkutan ang bumabalot, hirap ng pakikibaka sa araw-araw siyang sahod, ng buhay na sa pagsusumakit sa paglilikod, upang sa harap Niya'y magbigay ng lugod. Ala ala ang siyang pumupukaw sa aking loob, huwarang kaibigan ang ipinagkaloob, nagbigay inspirasyon at lakas ng loob, upang maganap tungkuling kaloob, sa Maylalang aking utang na loob. Patawad, unang sambit kung tayo man ay muling magkikita. Kalakip ay ngiti't saya sayo'y muling igagawad. Ipapalit sa galit at sama ng loob ay aking ilalahad, magpapakumbaba sayo ay aking hangad.
0
Jun 10, 2019
Jun 10, 2019 at 11:09 AM UTC
Di Tugma
Kling Klang....  Kling.. Klang.. Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan, Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan. Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan; Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan, Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan, At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran. Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan, Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan, Maruming damit, gusgusing katawan, Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran. Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman, Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan. Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan, Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan. Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan. Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan. Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan; Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan. Ilang minuto pa'ng nakakaraan, Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan, Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan. Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan? Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan Ang unti-unting nagsipatakan. Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan - Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan, Isang taon pa lamang ang nakakaraan! Dugo'y nag-unahan sa pagpatak, Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan. Babae'y nanghina't nagsumamo Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa anghel sa tiyan nito. Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay; Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan. Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban. Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan. Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian. Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan, Ang naging usap-usapan sa pamayanan. Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan. Sa gitna ng pighati't panlulumo, Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay. Tunog ng madamdaming dalamhati. Musikang malumanay, .......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay. Kling Klang... Kling.. Klang..
0
Apr 30, 2015
Apr 30, 2015 at 10:57 AM UTC
Kampana

46
#073016 Alkansya ko'y panalangin -- Taimtim na pananampalatayang ikaw nga. Hindi mo marahil masaklaw ang estado ng puso O ang lalim ng determinasyon ko sa paghihintay. Saludo ako sa katatagan mo. Kahit na hindi natin nasisilayan ang bawat isa Sa tuntungan ng saya at pighati. Hindi ko mawari ang pag-ibig na laan ng Ama Pagkat kahit hindi magtagpo sa ngayon, Alam kong ang pagku-krus natin noo'y Iba ang pahiwatig sa pusong malayang naghihintay. Walang alaalang masakit, Kahit pa may mga katanungang hindi nasagot. Walang sakit na hindi mabubura Nang pag-ibig Niyang walang kaltas. Kaya't may galak ang paghihintay. Araw-araw, mag-iipon ako ng mga panalangin, Higit pa sa mga salitang laylayan ay tugma; Higit pa sa mga talatang balot ay emosyon. At sa aking pag-iipon, Alam kong kahit tunog-lata ang iila'y, Tutubo ang mga ito para sa'ting kinabukasan. Pagkat alam ko kung kanino ako unang nagtanim -- Hindi sayo, hindi sa akin Bagkus sa Kanyang Siyang may pandilig.
0
Jul 30, 2016
Jul 30, 2016 at 5:06 AM UTC
Alkansyang Pag-ibig
Bayani sa bayan meron pa nga ba , tuluyan nga bang nawala o bulag ka lang talaga Nawawala na nga ba ang mga bayani o meron naman masyado lang tayong nagiging utak talangka, Sa bansang to hindi umuunlad , sinisisi ang gobyerno bakit hindi mo sisihin ang kapwa mo Kapwa mo mahal mo ano ka siraulo , dito sa bayan na ito hindi uso ang ganyang pagkatao Mas gugustuhin pa nilang kapwa ko mas angat ako , dahil ang sukatan dito ay estado nang pagkatao, Mahirap ka at walang salapi subukan **** ipaglaban ang karapatan mo , masama ang tingin saiyo Mayaman ka lumaban ka pera pera lang naman ang laban dito tiyak na ikaw ay mananalo Ganito sa bayan ko hindi balanse ang mga tao , kahit nga kumayod ka nang sobra sobra para makamit ang pangarap mo kung ang nasa paligid mo ay hihilahin ka pababa para lang bumalik ka sa simula at maging problemado, Ano sisihin mo lang kapwa mo?sisihin mo din sarili mo maghapon kang nakatunganga sa modernong teknolohiya hindi mo kayang mag reklamo sa ginagawa ng mga **** mo sa paraalan na nakatunganga din dahil hangad mo lang ay masarap na buhay at hindi mo hangad ang matuto sa paaaralang ito. Masyado ka nang nilamon nang sarap hindi mo danas ang hirap , tumingin ka naman sa ginawa nang mga nagpaaral sayo Naghirap sila humanap nang solusyon para lang ipamukha sayo na kahit malayo sila sayo o wala silang oras para sayo handa silang gawin ang mahirap na trabaho at kahit kokonting oras lang ang ibigay nila para makasama mo, makita ka lang masaya at masaksihan ang tagumpay nang buhay mo, yun ang pinakamagandang sukli na ibibigay mo Napaisip ka na ba sa ginagawa mo , palagi ka nalang dada daig mo pa ang telepono na walang sumasagot tunog lang nang tunog,at Galit ka pa , todo dabog kapag di napagbigyan ang gusto mo .Puro nalang tayo ganyan maliit na bagay pinapalaki Bakit di mo tignan mabuti at pagaralan ang iyong sarili ang kapaligiran tama bang magreklamo nang magreklamo kung ang sarili mo nga hindi mo parin maitama , tandaan mo na ang buhay ay parang isang gulong pero minsan nangangamoy din pakiramdaman mo nang mabuti baka sunog na at amoy goma na ang gulong na sinasabi mo , tignan mo din kung yung hangin masyado nang madami ang lumalabas para naman sa susunod hindi ka puro pag aaaklas.
0
Feb 22, 2018
Feb 22, 2018 at 10:39 AM UTC
Hatak,Ihip,Tago,Hanap

22
Dito sa Lungsod ng mga siksikang tren sa umaga at sa gabi ng paglubog sa mga makinarya, Ang sentro ng pabrikang papel at usok, na buong bilis sa inaliping katapatan at tapang ay naninirahan palagi sa piling ng mga madaming mga ipis at daga. May nalilimutan na mahalaga tungkol Sa tahimik na hele ng mga flourescent na ilaw, kaalwanan ng mga matatayog na pangako ng condo't bagong mga kainan, magagarang mga pabuya. Mga panibagong mga tagisan ng lakas sa mga makabagong Coliseum ng Roma, sa bawat amoy ng dugo at bagong silang. May tipo ng sukal na wala sa mga gubat, at tunog ng mga malalakas na putok ng baril na wala sa digmaan. Tila sa kahit anong panahon, mag-alsa man mismo ang Kalikasan at magpadala ng Tsunami, magpalindol at magpaputok ng bulkan sa panahon ng kakaibang asul at pula na buwan sa pagkakabuwal ng bagong bilang ng mga magsasakang sa mga mass-suicide mula India, Korea, at Pilipinas dahil sa di-pantay na mga batas kalakalan: Ipadala man ng mga makata't hukbong gerilya ang kanilang pinakamatikas at pinakamatatapat na mga bilang sa mga pagsubok ng panibagong mga pag-aaral at pagsasapraktika, maaaring Puting Elepante din ang hindi sasapat ang kabayaran para sa mga utang na dapat matagal nang nabura at naigpawan. Mula sa lakas at pwersa hindi lang ng mga diyos ng mga sari-saring pampulitikang mga pormasyong nagdidirehe sa mga kilos ng mga taong kapit na sa patalim, Kung hindi mula din sa lakas ng mga nangahas mabuhay at lumikha ng mga paraan para makapagpatuloy na makapagaral ng sariling pagkamulat: Ang kaaway na papel na salapi o papel na tigre ay nilikha din ng tao para din lamang maunawaan ang mga sariling kahinaan, mamulat sa mga repleksyon ng mga nagbabagong sarili sa gitna ng unos, upang matiyak ang yapak at mabuo ang mga hanay at kahandaan ng mga unang hawan, at huling mga walis. Ang mga kalabisan ay para lamang mapatingkad ang kahinaang dala ng kasaysayang nagluwal, ang kawalan ng pagpapahalaga sa binubuhay na mga palitan.#
0
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 2:26 AM UTC
SIYUDAD (City: Bones of the Jungles)

45
Lagitik. Isang malutong na tunog na nagtatagal lamang ng wala pang isang segundo. Lagitik. At nahulog na ako sayo. Subalit ako lamang ay isang tahimik na babae. Nakaupo sa sulok ng ating silid-aralan. Hindi kita hinanap. Nakita mo lang ako at ginulo ang buhay ko. Lagitik. At napaibig mo ako. Tama sila, napakasarap magmahal. Ang mga araw na kasama ka'y tumatagal lamang ng isang lagutok sa sarap **** kasama. Lagitik. At nabago mo ang buhay ko. Lumipas ang mga taon at mahal parin kita. Walang pagbabago ngunit ikaw'y nagbago. Nalaman ko nalang na pinagpalit mo na'ko. Lagitik. At iniwan mo ako.
0
Aug 30, 2015
Aug 30, 2015 at 3:26 AM UTC
Lagitik
Huwag **** kalimutang huminga, Bago magsalita, Bago tumula, Pagkagising mo sa umaga, Huminga ka. Huwag **** kalimutang may dugo sa'yong mga baga Na patuloy pa rin dumadaloy katabi ng puso **** pagod na Huminga ka, Sa bawat halakhak, Sa bawat pag-iyak, Sa bawat paghabol mo ng hininga kapag napapagod. Ito ang sagradong paraan para sabihin Niya sa'yo na kaya mo pa. Huwag **** kalimutang pumikit minsan, Intindihin mo sana na 'di lahat ng bagay ay kailangan **** makita, Na may kapayapaan at katahimikan din sa dilim, Ipa-hinga mo muna ang iyong mga namumugtong mata, Ipa-hinga mo muna ang paghanap sa kanya kung umalis na siya Magpahinga ka muna kasi Kaya mo pang pumikit, Kaya mo pang huminga Huwag **** kalimutang makinig, Sa hampas ng alon sa mga bato, Sa pagtama ng patak ng ulan sa lupa, Sa mga huni ng ibon, Sa mga kuliglig sa katahimikan ng gabing madilim, Sa tunog ng paborito niyong kanta, Sa mga kwento niya, Sa tibok ng puso mo, Sa boses niyang nasa isip mo pa rin na para bang kanina lang kayo nag-usap Pakinggan mo silang mabuti, Kasi Kaya mo pang makinig Kaya mo pang pumikit, Kaya mo pang huminga Huwag mo sanang kalimutan kung paano umibig Kasi nandito pa ako, nakikinig at umiibig pa din sa'yo Kahit nakita na kitang pira-piraso sa pagkabasag mo. Gusto kong guhitan ang buong katawan mo ng mga gusali't siyudad na lumiliwanag sa gabi na para bang dinala ang mga tala sa lupa at sana makita mo na isa kang dahilan kung bakit may liwanag tuwing hindi sinisinagan ng araw ang mundo. Huwag **** kalimutan ang ibig sabihin ng pag-ibig sa'yo At sa huling pagkakataon, Huwag mo sana akong kalimutan, Huwag **** kalimutan na may naniniwala sa'yo Na patuloy pa rin kitang papakinggan at kokolektahin ang bawat luha mo sa garapon. Kung kakayanin ko man, iguguhit ko ang bawat parte ng katawan mo sa bawat blankong papel at kung ipagtatagpi-tagpi, sana makita mo na isa kang pinaghirapan na obra. Sana alalahanin mo na May baga ka para huminga May mga mata ka para pumikit at dumilat at makita na 'di ka nag-iisa May mga tenga kang handang makinig May mga paa ka para tumayo at maglakad At may puso kang basag ngayon Pero kaya pa ring umibig at maniwala na kaya mo pa. Kaya mo pa.
0
May 15, 2016
May 15, 2016 at 12:13 AM UTC
Paalaala

59
( Filipino orTagalog version) di sumasapit ang pagtulog sa isang kaluluwang sabik at di mapakali isang pusong ubod tiyaga ngayo'y balisang tumitibok sa kabila ng malumanay na pag patak ng ulan... sa kaunting salitang nagbibigay kasiyahan parang simoy ng hangin, may mga dalang palamuti mga matatamis na pangako ng maluwalhating bukas, lumutang sa kapaligiran at binago ang malamlam na lagay ng kalooban. ang mga darating na araw ay muling yayabong. isang kaluluwang hapong hapo di-inaasaha'y, napangiti sa unang pagkakataon mga matatamis na tunog ng mahihinang halakhak ay paulit-ulit na tumaginting sa kalaliman ng gabi. itong di maampat-ampat na pananabik aking panalangin ay tuluyan nang pumayapa dito sa dilim, ako'y nakahimlay habang  ang mga pangarap ng pag-asa ay alak na lumalasing sa aking pag-iisip. kasabay ng pagdatal ng madaling-araw, nabubuhay na lalo ang mga bagong isipin na lalong nagpapasigla sa aking utak... mulat na mulat ang aking mga mata di na sasapit pa ang antok di na sasapit pa ang pagtulog... :::::::::: (ENGLISH VERSION) SLEEP DOESN'T COME... Sleep doesn’t come To an eager, restless soul. A heart so patient now beats anxiously, Even with the gentle rhythm Of raindrops tapping. With just a few satisfying words Sprinkled with whiffs of hope, So magical, A promise of a glorious tomorrow Floated in the air And altered the somber mood. The coming days are to flourish Once more. Unexpectedly, A soul gone weary Smiled for the first time. The sweet sound of soft laughter Unheard in the still of the night. This insatiable needing I pray, to be quelled soon.. Here in the dark, I lay awake, As visions of hope inebriate my mind. With dawn comes new ideas, Stimulating my brain even more.. .......my eyes are wide open........ .......sleep wouldn’t come at all……        Sally             Copyright 2014        Rosalia Rosario A. Bayan
0
Jan 5, 2014
Jan 5, 2014 at 8:51 PM UTC
Sleep Doesn't Come...

68
"Napakaraming tao dito sa atin ngunit bakit tila walang natira" dug dug dug Bubuksan mo ba to o hindi? Pag di mo to binuksan pwersahan kaming papasok! Tatlong katok muli Pagkatapos isang tadyak sa pinto ang gumising sibilyan na natutulog sa kama mag-isa. Pagkapasok agad, Sinaktan, pinuruhan, sinapak at sinikmuraan Tinutukan ng baril, tinakot bago pakunwaring pinatakbo. Sinigurado ang pag-asinta sabay kalabit ng gatilyo. Patay ang hinihinalang druglord sa kanto. Ngunit pagkatapos, walang patunay na nahanap. Isang maling pagpatay nanaman ang naganap. Pagkatapos ng gabing iyon, di lang isa ang namatay. Isang pamilya ang kinunan ng walang kamalay-malay. Kung sino pa ang nasa posisyon iyon pa ang mga kaaway ngayon. Kung sino pa ang nakakangat, siya pa tong namiminsala ngayon. Nasa mataas nang upuan pero hangad pa rin ay pag-angat. Halatadong di napapansin, ay hindi! Halatadong walang pake sa mga taong nasa baba. Pinagmukhang sirko ang mundo, pinapasunod ang bawat tao na parang aso. Inanyaya pa ang lahat ng madla ng parang ganito. "Mga bata, matatanda! Halina kayo panoorin ninyo ang palabas naming inihanda at ipakikilala ko sa inyo ang mga kapwa ko sirkero. Na namamahala sa sirkuhang ito." Palakpak Palakpak, yan ang nais ng sirkero diba pagkatapos ng palabas? Pero lahat ng mga tinuring ninyong hayop ay nakawawa at mistulang mamatay na. Ay hindi patay na, yung iba nama'y ginawa ninyong bulag na tagasunod. At pag wala nang kwenta iiwanan sa daan para damputin ng iilan at buburahin ang mga bakas na naiwan. Mga kamay nakagapos Walang takas Walang lakas Pagkahimlay Walang naiwang bakas. Ang galing maglinis ng krimen, mismong nangakong maglalaan ng pagmamahal ay ang mismo ring sa bansa sumasakal. Oo, sawa na ako sa tunog ng kampana sa tuwing magmimisa dahil may isa nanamang nawala. Rindi ang tenga ko sa paulit-ulit na hiyaw, sa paulit- na hiyaw at sa paulit-ulit na hiyaw ng inang umiiyak sa libing ng nagiisang anak. Kelan pa ba matatapos ang pwersahang pagkitil ng buhay sa pilipinas? Matagal nang nangangakong magbibigay sila ng kapayapaan pero kasabay nito ang paghawak ng baril sa kanilang kanang kamay. Mga kamay nakagapos Walang takas Walang lakas Pagkahimlay Walang naiwang bakas Makabagong istilo ng pagpatay sa Pinas Magpapanggap na tagapagligtas, pagkatalikod mo'y Paalam Pilipinas ang huli **** mabibigkas. "Napakaraming tao dito sa amin ngunit bakit tila walang natira?" Pinapatay sila....
0
Aug 28, 2017
Aug 28, 2017 at 11:32 AM UTC
Makabagong Istilo

UMAGA (Morning) “I won’t talk, I won’t breathe. I won’t move ‘till you finally see that you belong with me..” Nag-alarm ang cellphone ko, at oras na ng pag-gising ko. Oo, tama ka. Ang paboritong kanta ni Paulo ang tunog ng alarm ko. Sa pagdilat ko, nakita ko nanaman ang Araw na kasisikat pa lamang. “Paulo” ayan nanaman ang unang salitang nasabi ko, ang unang bagay at tao na laman ng isipan ko. Naisip ko, ako rin kaya ang naiisip niya bago siya matulog? Ako rin kaya ang unang nasa isip niya sa kanyang paggising? Umaga nanaman, panibagong araw na haharapin. Bagong pagkakataon, bagong aabangan, at bagong mga pangyayari. Ang tanong ay simple lang naman, Magkikita kaya kami? Mabibigyan kaya kami ng pagkakataon ngayon? Ang kahapon ay nakalipas na, sabi nga, pero magmimistulang kahapon pa rin ba ang araw ko ngaun? Naghikab ako, sabay bangon. Sa pagbangon ko, tumingin akong muli sa bintana nakita ko na kumpleto ang kulay na bumubuo sa paligid. Berde, asul, dilaw, pula, puti, itim, brown, lahat na ng kulay! Ang ganda ng mundo ng mga tao, ang ganda ng umagang sumalubong. Pero nawala ang ngiti sa mga labi ko, at kung may nakakita man sa akin mababakas sa aking mga mata ang lungkot, pananabik at pangungulila ng malayo kay Paulo. Gaano man kaganda ang paligid ko, hindi pa rin kumpleto ang MUNDO KO ng wala si Paulo. Muli, napabuntong hininga ako kasabay ng pagpigil ko sa aking mga luha na nag-aadyang sila ay muling papatak. Ayoko munang umiyak hanggat maaga, marami pa naman mangyayari. Mamaya nalang ulit kapag andiyan na ulit si Gabi, ganoon ulit ang eksena, at ganoon naman lagi. Binuksan ko ang pintuan ng aking kwarto, lumabas na ako, at sa pagsara ko ng pinto nagtanong ako ulit: “Nasaan si Paulo?”
0
Oct 27, 2015
Oct 27, 2015 at 8:43 PM UTC
Nasaan si Paulo? (Part II)

52
Iyak. Iyak ng isang kobrang nakadikit sa dingding na kaya kong patahanin unti-unti sa bawat pihit. Sa bawat patak ng luha nitong humahalik sa aking noo na dahan-dahang dumadausdos papunta sa aking mga pisngi. Sa aking mga pisnging halos magkapasa na sa madalas **** pagpapaligo rito ng mga kurot. Ang iyong mga kurot na siya namang nagpapahiwatig na hinding hindi ka magsasawa sa pagmumukhang ito. Noon. Hindi na ngayon. Patuloy ang paggapang ng mga patak na maligamgam papunta sa aking mga labi na hindi pinalagpas ang pagkakataong ipaalala sa akin na ang mga labi ito ay minsan nang nabigyan ng pagkakataong iwika ang kung ano mang hindi kayang maipahiwatig nang sapat ng aking mga haplos. Ang mga labi kong minsan nang natikman ang tamis ng iyong gayuma. Ni hindi pinatawad ang lasa ng tsisburger o ng kung ano man ang iyong kinain sa araw na iyon. Ang mga patak na ngayo’y lumalakad na nang tahimik sa kahabaan ng aking leeg na siyang nagdurugtong ng aking ulo na kumukulong sa aking utak sa aking dibdib na naglalaman ng aking puso. Ang puso kong bumulong nang paulit-ulit na para bang sirang plaka at nagsabing may pag-asa pa. Ang kumulit sa akin na maniwala sa tibay ng ating pagmamahalan. Ang aking utak na nagsabing wala itong patutunguhan na tila’y totoo sapagkat ang ating mga kamay ay hindi makapagkokomunika nang mahabang panahon at may posibilidad pang hindi na muling magkatampo kahit pa ang mga ito’y kulu-kulubot na. Ang karibal ng aking puso na aking pinakinggan. Sayang. Para bang ako ang paboritong manika ng kapalaran. Ang kanyang manikang paulitulit na pinaiikot sa isang tugtog na di ko kayang sabayan. Siya na tuwang-tuwa na makita akong naghihikahos sa pagbugbog ng bawat pagsubok. Awat na. Pihit. Ayoko nang maalala pa ang pait na ipinapaalala ng bawat patak. Pihit pa. Tila'y isang patak na lamang ang ibubuga. Ang bawat halik ng tubig sa baldosadong sahig na lumilikha ng malungkot na tunog na “tik… tik… tik…” Isang pihit nalang. Isang pihit nalang at titigil na ang tila duet na paghugulgol ng ahas na nakadikit sa dingding na baldosa rin at ng ngayon ko lang napansin na umaapaw kong mga mata na kanina pa pala sumasabay sa agos ng tubig na dumadaloy sa aking mukha. Tama na. Tahan na. /e.m/
0
Jan 29, 2016
Jan 29, 2016 at 4:18 PM UTC
Hilamos ng Alaala

27
Diba nandoon ka noong sila'y humingi ng tulong noong sila'y hinuli at sinaktan ng walang kalaban-laban noon sila'y tinrato na hayop ng sarili nilang kababayan. Diba narinig mo ang iyak ng mga batang dinuyan sa tunog ng bala noong ang mga nanay nila na dapat kakanta ay hindi na makita. Diba nakita **** nanaig ang kapangyarihan kaysa sa kanilang karapatan? Nandoon ka sa bawat iyak sa bawat sigaw pero hindi mo sila sinagip mula sa kapangyarihang puno ng galit. Ngayon nama'y kami ang naririto mga bagong saksi ng pagkatalo mga sundalong walang armas pero pilit ipinaglalaban ang katotohanan. Kailanma'y hindi magiging sapat ang mga libro para ikwento ang pait para aming maramdaman ang sakit. Pero ngayong araw mga mata'y luluha muli ang mga sugat ay muling hahapdi. Ngayong araw kinalimutan ang kasaysayan kaya't pasensya na mga anak kung aming napabayaan kung ibang pananaw na ang inyong daratnan O Pilipinas, ikaw pa ba ang Perlas ng Silangan?
0
Nov 8, 2016
Nov 8, 2016 at 11:14 AM UTC
Perlas ng Silangan
Itinatangi Mo ako't Hindi kayang pakawalan, Dadalhin pa sang lupalop Ng bawat malaparaiso **** pangarap. Sambit nga nila'y Kung nasaan ka'y ako'y paroroon; Kahit na ni minsa'y hindi ko nagawang harapin ka Paumanhin, Irog Pagkat damdami'y wari bang ginigisa. O kaytagal **** inilihim ang pag-irog Nais kong ipagsigawan ito Pero pipi pala ang pusong totoo. Tila nakakahon, pero may kalayaan Tila makasarili, pero may ipinaglalaban At naisin ma'y hindi kita maiwa't iwan. Batid ko'y lahat pala'y yamang kasinungalingan Heto ka't kakatok sa ibang pintuan, Ba't pag nagkakulanga'y ako'y kayang bitawan/bitiwan? Oo, hantungan nati'y mala-pelikulang hiwalayan. Ni minsa'y hindi ako naging singkong duling Na dadaplis si Kupido sa moog **** damdamin Ni minsa'y hindi ako nagpaubaya sa palad ng iba, O bakit nga ba? Para saan pa't umibig? Luha'y higit pa kaysa para sa demokrasya. Bago Mo iwa'y tayo'y magmata-mata, Pagkat Ikaw ang minsang kumumpleto Ng kulang-kulang na katauhan Ng tunog-latang pag-aalimpuyo Ng mapanghimagsik na damdamin. Ako'y magbabalik, pangako ko, Sinta Tingnan mo ang palad Mo, Oo, babalik nang higit pa Marahil doon Mo lang mapagtatantong Hindi mabibilang aking halaga.
0
Oct 9, 2015
Oct 9, 2015 at 8:39 PM UTC
Rizal sa Pilak
Kay dami nang hindi mo katulad ang sinarahan ko ng pinto Hindi labag sa aking kalooban na mag papasok kung sino-sino Para mag kalat, mang gulo, at bantayan ang mahalagang bagay sa akin Dahil alam ko na ikaw ang tahanan ko At nakalaan to para sayo Ikaw ang banyo na binabalik balikan ko na parang balisawsaw ako Ang kusina na nagsilbing lugar, para iluto ko ang putahe na mas matamis pa sa mga ngiti mo Ang silid kainan, kung saan lahat ng gusto mo ay inihain, dulot ng pagmamahal ko Ang sala, kung saan ang tinig ng halakhak at tawanan ay maingat na tinatabunan ang pintig ng puso, Ang aparador, kung saan nakatago lahat ng liham na dapat basahin mo At ang kwarto, kung saan bumubuhos ang luha, na naging takbuhan ko tuwing nalulungkot ako, Sabay mahigpit na yakap sa unan nang hindi ako bitawan nito Ikaw ang susi para mabuo ang tahanan ko, Isang katok lang ang tunog na gusto kong marinig galing sayo Kung pwede lang tanggalin ang pinto na nakaharang dito Ito'y gagawin ko Isang sulyap lang kahit may harang na matataas na bakuran na nakapaligid sakin ay masaya na ako Ipaalam mo lang na hinahanap ako ng mga mata mo dahil para sayo ito Gusto ko nang ipaalam sayo, Ang mga lihim, na wala nang espasyo para ipaglagyan pa Gusto ko nang ipaalam sayo, Na ikaw ang gusto ko, sya lang ang kailangan ko Gusto ko nang ipaalam sayo, Na tunay kang mahal nito At sana'y alam mo ang lihim ko, Na gusto kong ako ang maging tahanan ng puso mo
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 11:08 AM UTC
Lihim na Tahanan
mula sa bintana ng mga katotong tahanan may pinaghuhugutan balitang pinagkainan merong budbod di-umano ang bibingka sa bilao madalas di-ginugusto,,minsan nama'y napapa-tipo. bihira man ang daloy sa hiwa ng pagkakataon nariyan pa rin ang kuro at haka sa loob ng kahon sa tulong ng walang patumanggang bulong na hindi naririnig ang tunog sa likod ng pulang bilang matatanaw may abiso sa kidlat na walang kulog. ilako ang lakbay ng himay sa mga nagdidilang anghel para mahumpay ang tamlay mula sa pader na papel ibahagi ang natatanging kuwento sa oras ng hanay ng kasarinlan mag-manman sa likuran bago dumating at gumawa sa tambayan matabunan man sa araw-araw ang pag-apaw ng dalaw sa estado wag mag atubili,hataw lang sa paggalaw muling ibangis ang talento bagamat ano mang bulwak meron ang katha sa salamin,matapos na maisulat sa ere man hanggang sa paglapag ng tuyong dahon,may mangha na ipamu-mulagat sapagkat hinde mababanaag sa mga nilakaran ang iniwang bakas sa pinanggalingang upuan dahil ang dati nang puting kulay sa loob na 'ala pang bahid magkukulay dilaw sa pagkakaroon ng matimtimang masid at kung ang inaasahan ay taliwas sa nakatakda,,alin lang yan sa dalawa : bumilis ang pagbagal ng patak kaya manunumbalik ang dati nang sigla o malamang na mangamba sa pakiwaring hindi daratnan dahil sa pagkaantala? kung magkagayo'y ituloy lang ang pagkasabik sa pagtatapos pagkat magkakabunga!
0
Dec 12, 2015
Dec 12, 2015 at 8:50 AM UTC
salungguhit
Sa kanyang himig ako'y nahahalina Magkasintunog ng mga ibong malaya Umiindayog sa puso ko't pagsinta Misteryosong dilag, sino s'ya talaga? Sa tuwing napapanood 'y anong ganda Mata'y matimyas na tala sa umaga Tanglaw sa daigdig na puno ng hiwaga Liwanag sa bukang liwayway 't hiraya Manipis ang labing kakulay 'y makopa Malamyos ang tunog ng bawat salita Halik ng anghel ang dapyo ng hininga Halimuyak ay buhay, di nawawala Kahit panlalaki ang gayak at porma Na kanyang ginampanan sa prima donna Munting lawiswis na lupaypay 't mahina Nang lumaki'y diwata sa encantadia Ang isip ko ay kinabig 't kinawawa Ginapos nang mahigpit ng kanyang drama Madalas ay namumugto ang mga mata Kapag nasisilayan s'yang lumuluha Huwag sana pabugso bugso't pabigla Ang tibo niyang pangungusap at banta Sapagkat nababagha't natutulala Damdami'y pinamumugaran ng kaba Sa kumpas ng mga kamay ay humahanga Isang paraluman na ang kiyas 'y siga Hudlum sa kanto na mahal ang pamilya Pinakamatapang na lahing Claveria Sa likod ng pagganap ano nga ba s'ya? Sapantaha ko ay magalang na bata Binibini at dalagang Filipina May puring Perlas ng Silangan ng Asya Lingid sa kamalayan nang napahanga Sa kanyang angking galing bilang artista Dagdag pa ang sayaw n'yang mala-prinsesa Sa makabagong tinikling, siya'y reyna Araw 'y nakahilig sa katanyagan n'ya Harap 'y pangarap na sinasalubong pa Hiyas s'ya sa mundo na walang kapara, Kumikinang at nagbibigay pag-asa
0
Jan 4, 2020
Jan 4, 2020 at 11:09 PM UTC
Altheyah Ablan
Ikinulong mo na sa'yong sarili Ang patinig sa'yong pangalan Kung paanong itinatago ng 'yong mata Ang katotohanan sa mga katanungan Napangunahan ba kita ng sigaw sa'king puso, Kaya nasambit **** di lahat ay totoo? Nasukol ka ba ng 'king binubuntunghininga Kaya tila naumid sa tugon yaring dila? Giliw, di yata nalimot **** ang salita'y di pulos patinig lamang Kaya binabalewala mo ang tunog sa mga pahiwatig Giliw iyong alalahanin na ang lahat ng bagay may sariling tinig Sa musika ng 'ting buhay, lahat nauunawaan sa kahit iilang pantig
0
Jul 14, 2015
Jul 14, 2015 at 9:03 AM UTC
ang babaeng kinain ang patinig sa kanyang pangalan
Sige lang sanay na ako sa tunog ng mga paang papalayo sa mga kamay na basta na lamang bumibitaw sa mga pangako ng pagbabalik na walang katotohanan sa mga bagay na hindi kayang panindigan Sige lang Baka hindi naman masama ang muling pagguho
0
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 10:19 PM UTC
walang bago dito
Nagniningning nanaman ang mga bituin, Nandyan nanaman ang buwan na nakatingin sa atin, Madaling araw na pero hindi pa ako makatulog, Walang ibang naririnig na tunog kundi ang puso kong kumakabog. Walang tigil kang tumatakbo sa aking isipan, Hindi mapapagod ngayon, bukas at kahit kailan, Heto ako nakangiti at dinadama ang bawat salita, Sa dalawang salitang binitawan mo "Mahal kita" Simula nang narinig ko ang mga ito mula sayo, Dalawang salita na dati'y masakit ngayon ay naging paborito, Siguro nga may mga oras na mahirap at kumplikado, Ngunit mahal ko eto ang tatandaan mo. Ipinapangako ko kay tadhana ika'y ipaglalaban, At kahit kailan hinding hindi ka susukuan.
0
Sep 4, 2016
Sep 4, 2016 at 2:56 AM UTC
PANGAKO NA KAHIT KAILAN HINDI MAPAPAKO
sa tunog ng tambol, iyong hinawakan ang aking nanginginig na mga kamay at sa gayo'y mapawi ang damdaming puspos sa dalamhati ang bawat pagtibok aba'y mistulang pulso dala ng aking puso kasing lakas ng pagkulog ng mga ulap kasing tulin ng paruparong lumilibot sa hangin.
0
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 9:45 PM UTC
40
Walang pagkakaisa, Tunog ay di iisa, Iyan tayong dalawa, Bagay na di tumugma.
0
Sep 18, 2017
Sep 18, 2017 at 9:10 PM UTC
Tanaga #13: tugma
Putik na nabuo mula sa luha at alikabok. Bulaklak ng damo na tumubo sa puntod. Isang  munting uod. Isang butil ng pulang buhangin. Bato sa kabundukan na tinutunaw ng hangin. Pulubi sa daan na namamalimos sa mga matang piniringan. Asin sa basong walang takip. Panyo sa upuan na pinakupas ng tubig-ulan. Munting ilaw na sumisilip sa silid-piitan. Isang sulat ng pamamaalam na nakaipit sa pintuan. Pahina ng kalendaryo na nakaligtaang pihitin. Kandila sa dilim na nakikipaglaro sa mga anino. Kabibe sa tabing-dagat na walang laman. Mga tunog na walang huni at nagsisilbing musika para sa mga bingi. Hibla ng buhok sa ibabaw ng gitara. Antipara na nakapatong sa lamesa. Pakpak ng tutubi na tinupok ng gasera. Isang tuyong dahon na sumabit sa bintana. Langaw na nabitag sa sapot ng gagamba. Kutsara sa tabi ng basag na pinggan. Mga basang uling sa hulmahan. Katahimikan. Usok na humahalik sa kalawakan.
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 12:22 AM UTC
Lakbay-Diwa
Pipigilan ko ba kung hindi ko na kaya? Hahayaan ko na lang bang umagos ang mga luha? Tatahimik na lamang ba ako at hindi magsasalita, Kung puso ko ngayon ay mabigat na mabigat na? Ano ba ang kasalanan ko at ako ay pinagkaitan? Nagkamali ba ako, kaya pasan ko ang kapighatian? May magagagawa pa ba ako kung dalawa na kayo ang nang-iwan, At isisigaw na lamang sa hangin ang lahat ng aking pinagdaanan? Tinutusok ang puso ko, nadudurog na parang yelo. Nanghihina ako, kulang na lang ako ay mag-deliryo. Ano ba kasi ang kasalanan ko at ako ay pinaghiwalay ninyo? Nasaan ang pagmamahal na matagal kong hinintay na maramdaman sa tunay na ina ko? Tatlong dekada akong nagtiis sa pag-aakalang tama kayo. Tatlong dekada akong naghirap para maiahon ko kayo. Tatlong dekada akong nagbigay ng purong pagmamahal para ipagmalaki ninyo ako. Pero bakit kailangang itago ninyo ang katotohanan sa tunay na pagkatao ko? Sinubukan kong tuklasin pero pinagbawalan niyo ako. Tinangka kong alamin pero ayaw ninyo. Nang tangayin ang pag-asang mayroon ako, Hindi niyo sinabing may tunay na kapatid pala ako. Hahalikan ko na lamang ang hangin. Pakikinggan ko na lamang ang boses ng kalikasan. Sasayaw sa tunog ng kalembang sa kung saan, Hanggang sa buhay ko ay tuluyan maparam.
0
Jul 3, 2016
Jul 3, 2016 at 1:57 AM UTC
Pinagkaitan ng Pagkakakilanlan