"tumakbo" poems
Boom! Pagsabog!
Na sa aking dibdib ay kumabog!
Ang isip at kaluluwa ko'y nabubulabog!
Ito nga ba'y himig ng kapayapaan o himig ng digmaan?
Isa akong musmos na batang---- naninirahan sa isang bayan,
Dito ako lumaki at nagkaroon ng pangalan,
Bayang Marawi ang lupang aking sinilangan,
Isang bayang tanyag sa kaunlaran,
Ngunit ngayo'y nagiging usap-usapan sa t.v, radyo at maging sa pahayagan.
Hindi ko malilimutan ang gabing nagdaan,
Gabi!--- ng ika-23 ng Mayo ang nagpinta sa aking pusong sugatan,
Isa ako sa mga nawalan ng magulang,
at saksi sa karahasan na walang katapusan,
Hudyat ng pagguho ng pag-asang aking pinanghahawakan.
at habang aking pinagmamasdan,
Isa-isang nabubulagta at dugu-an,
Ang aking mga kamag-anak at kaibigan,
at sila'y.....wala na----- wala ng malay at nakahandusay.
Wala akong magawa kundi ang tumakbo ng tumakbo,
kumarepas ako ng takbo.....ng isang napakabilis na takbo.... nanginginig sa takot...pagod na pagod... humihingal....
Iyak ng iyak at nagsusumamo
at habang ako'y papalayo ng papalayo--------
Naisip ko:
"Saan ako patutungo?"
"Sa mga pangyayaring ito sino
ang namumuno?"
Sila ba'y mga Muslim o
Kristiyano?"
Ngunit maging sino man sila----
Sila'y hindi santo na may pusong
bato,
Dahil sila'y pumapatay ng kahit
na sino,
at ito'y hindi makatarungan at
makatao.
Ang sakit....Oo ang saklap...ang
bayan na naghahatid ng
kaunlaran,
Ngayon ay nabubura at nag-iiwan
ng isang malagim na ala-ala,
Nagsisilbing aral sa tuwina at
nagpa-paalala,
Na kinakailangan ng isang may
malinis na adhikain at tapat sa
tungkulin ang namamahala.
Ano nga ba ang hatid ng kaguluhang ito?
Kaginhawaan o Kahirapan?
Kabuhayan o Kamatayan?
Ang katotohanang ito'y--------
Isang malagim na karimlan!
Pagluha para sa aming mga kabataan,
Crestine Cuerpo
at pagmamaka-awa para sa darating naming kinabukasan,
Oo.....masakit ang mawalan,
Ngunit kailangan kong maging matapang,
Dahil ako'y isang Pilipinong handang lumaban,
Kaya't sigaw ko Pagbabago! Katarungan!
Sa mga kinauukulan:
Nasaan? Nasaan? ang inyong pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan?
Kung sa isip at puso niyo'y para lamang sa pera at kapangyarihan?
Kapatid... Kapuso.... Kabarkada.... at Kapamilya.......
Gumising ka ang lahat ay may-----hangganan.
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 6:36 AM UTC
Nang una kitang makita mahal na kita
Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka na pa lang iba
Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman
Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan
Ako’y nanalangin na sana’y mahalin mo rin
Upang di na masaktan ang puso kong nagmamahal din
Alam kong Diyos ay mabait at aking hiling ay tupdin
Kaya paggising sa umaga’y ikaw na aking katabi
Ngunit isang araw nalaman mo
Ang mahal mo ay may iba nang kasama
Tumakbo ka at sa aki’y nagpunta
Di alam ang gagawin
Di rin alam ang sasabihin
Sa aki’y panaginip lamang ang lahat ng nangyayari
Ngunit paggising ko sinabi mo
Mahal mo na ako at ako’y iyong-iyo sa buong buhay mo
Ako’y nagulat sa iyong inasal
Ngunit sa kabilang banda di mapapantayan ang sayang nadarama
Pagka’t tayong dalawa ay iisa na
Aug 11, 2011
Aug 11, 2011 at 3:17 AM UTC
Minsan gusto **** makalaya;
Malaya sa mapanghusgang lipunan,
Malaya sa mundong masyadong
Magulo at maingay para sa isip ****
Litong-lito kung ano ba talaga ang dapat.
Ano ba ang mali? Ano ba ang tama?
Minsan gusto **** mag-isa;
Malayo sa ideolohiyang malabo,
Malayo sa punyetang gulo ng
Lugar na masalimuot.
Doon sa eskinitang masikip na halos
Nagtipon ang dumi at kalawang
Na hindi na pinapansin.
Kasi madumi. Kasi makalawang. Kasi walang silbi. Kasi hinusgahan.
Gusto **** makaalis.
Gusto **** pumiglas
Sa mga kadenang ginagapos
Ang nagdurugo at sugatan ****
Katawan na ang tanging nais lang ay makalaya.
Gusto **** tumakbo.
Gusto **** tumakas,
Kahit sinasabi nila na hindi iyon ang sagot; at hindi iyon ang dapat.
Bakit? Bakit kailangang laging sundin?
Bakit kailangang laging paalipin?
Ang sikip sa dibdib lalo na't
Alam **** wala kang kayang gawin.
Lalo na't alam **** palaman ka lang
Sa sistemang paikot-ikot ng walang tigil.
Hilong-hilo ka na sa mga kagaguhang
Nais nilang iguhit sa iyong kapalaran.
Hindi mo na masikmura ang pait at
Walang saysay na pagiintay sa pinangako nilang katahimikan; kapayapaan ng iyong isipan.
Itinatanong mo, bakit di ko harapin?
Bakit laging pagtakas ang gusto kong suungin?
Hindi ko din alam gaya nang hindi mo pagintindi sa akin.
Pagod na pagod na akong mag-isip.
Alam ko naman, palagi akong mali. Palagi akong masama. Palagi akong walang silbi.
Kasi nahusgahan.. Dahil sa isang mali.
Dahil sa isang baluktot na desisyon,
Hindi mo na naalalang, tao rin ako.
May puso. May pakiramdam. Nasasaktan.
Gusto kong lumayo. Gusto kong umalis. Gusto kong lumaya. Patuloy na lumaya.
Sobrang pasakit dahil alam ko na sobra akong pabigat.
Sana bumalik nalang ako sa pagiging tuldok.
Para kahit anong pangungusap na masakit ang maririnig ko, matatapos ito. At hindi na kailanman babalik. Tuldok. Babalik ako sa pagiging tuldok dahil magulo.
Aug 5, 2015
Aug 5, 2015 at 12:05 PM UTC
Paborito kong laruan ay baril-barilan
At hindi mga manika o lutu-lutuan.
Hilig ko rin ang manuod ng action movies
Kaysa mga disney princess' movies
Pero babae ako.
Ayaw na ayaw ko sa bestida, palda,
Mga make-up at kung anu-anong pampaganda.
Mas gugustuhin ko ang tumakbo o mamundok
Kaysa magpunta sa mall at sa salon.
Pero babae ako.
Hindi pa ko nagka-boyfriend o nagkagusto sa lalaki
Ngunit sa babae ay maraming beses nang kinilg.
Mas gugustuhin ko na mahulog sa babae
Kaysa sa lalaki sumuko.
Pero babae ako.
Jan 4, 2017
Jan 4, 2017 at 4:26 AM UTC
Isa, dalawa, tatlong yapak sa putik.
Isa, dalawa, tatlong lubog sa tubig.
Isa, dalawa, tatlong pugpog ng alikabok sa aking mga paa.
Hindi ako marunong magsalita ng Tagalog.
"Roel! Bilisan mo naman maglakad, patay tayo kay Ginang Cruz." Sambit ni rey.
"Oo sandali lang natumba ako sa putikan."
"Ang lampa mo kasi." Nagtawanan kaming lahat pagkwa'y tumakbo nang ubod bilis.
Mga kamag-aral ko sila. Palagi kaming magkakasabay sa paglakad sa umaga patungo sa eskwela. Natutuwa ako sapagkat masaya silang nag-aasaran kahit hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nila. Nahihiya ako kaya nag-eensayo ako sa bahay o habang kami ay naglalakad, pabulong-bulong, ginagaya ang pagbikas ng bibig; ang pagsara, ang pagbukas.
Mga kamag-aral ko sila. Isang buong grupo kami na wari ba'y batalyon ng mga sundalo na handang sumabak sa giyera; may putik ang laylayan ng pantalon at basa ang mga paa.
Uy malapit na kami sa eskwela, ilang hakbang na lang; tumakbo sila, gayundin ako, mabilis. Nagpatuloy sila ngunit ako'y biglang huminto.
"Oo nga pala, hanggang dito na lamang ako", mahinang sambit sa sarili. Natigilan ako, lumiwanag ang mukha at sumilay ang tuwa. Tumakbo ako papalayo sa eskwela't papalapit sa palayan kung saan tutulong ako sa anihan. "Marunong na ako magsalita ng Tagalog!" Sigaw ko sabay yakap sa mga aanihing palay. Salamat sa mga kasabay kong maglakad tuwing umaga, salamat sa mga kamag-aral ko sa kalsada.
Sep 21, 2017
Sep 21, 2017 at 10:02 AM UTC
Para lang sa tabi,
Manong, ako'y may nakalimutan,
Pakitabi na lang sa tindahan ni aleng bebang.
Araw araw ikaw'y lagi sinusulyapan.
Sa likod mo ako'y lagi nagaabang.
Isang lingon mo lang araw ko'y nagkakakulay.
Isa kang bituin sa kalawakang walang ningning.
Komersyal sa tV na puro drama ang naririnig.
Hangin malamig sa tag-araw na sobrang init.
kaya para lang sa tabi,
Manong, ako'y may nakalimutan.
Pakitabi na lang sa tindhan ni aleng bebang.
"Iha, ano bang nakalimutan mo?" tanung ni Manong
"Puso ko po 'nong!" sagot ko.
Ako'y bumaba sa jeepney,
Tumakbo at ikaw ay hinanap,
Nakita ka ako'y bigla sumaya.
"Hoy, ikaw ibalik mo ang kinuha mo?" sabi ko.
Ngtaka at napakamot ka sa iyo ulo.
"Miss, nagkakamali ka ata." sagot mo habang ngumingiti sa akin.
"Paano ako magkakamali sa tao kumuha ng puso ko".
Ikaw'y ngumiti at ako'y nsilaw.
Doon ngsimula ang istorya natin dalawa,
na noon'y pinangarap-ngarap ko lamang.
Jul 15, 2015
Jul 15, 2015 at 8:49 AM UTC
una sa lahat marami akong katanungan
lalo na sa araw ng iyong pag iwan
kahit isang taon na ang nakalipas ako parin ay nalilito
tuwing sasambitin ko ang iyong pangalan ako'y nanlulumo
aking napagtanto kung ang iyong ani saakin ay totoo
totoo nga ba ang lahat at minahal moko ng husto?
isa pang katanungan, bakit moko ginaganito?
hindi pa nga tayo sa gitna, bakit natapos na agad ang kwento?
bumalik sa aking isipan ang bawat salitang iyong nasambit
isa doon ang iyong inalay na "mahal ko ito'y isang awit"
ngunit isang araw ako'y nakaramdam ng kaba sa dibdib
animo'y malayo pa lamang ay akin ng narinig
inalayan ko ang aking bisig, sa sobrang lakas ng iyong tinig
hindi ko alam kung sa paraang ito, pinapakita mo ang iyong pag ibig
gusto kong isigaw ang aking himig at ipadama lahat sa aking bibig.
ako'y tumakbo ng tumakbo ng di alintana ang paligid.
gusto kitang gisingin o idaan lahat sa panaginip
bakit mahal ko, umuulan naman aking mga mata
ikaw naman ang dahilan kung bakit ako ay nagdurusa
bigla akong pumikit at tiniis ang sakit
ngunit sa aking pag gising kailanman hindi mawawaglit
ang lahat ng mga salitang iyong nasambit.
Jul 28, 2017
Jul 28, 2017 at 9:22 AM UTC
Isang tula para sa pusong
Walang ginawa kung hindi lumaban
Ni hindi alam kung anong pupuntahan –
Naliligaw, nagwawari
Nagdedepende sa mga salitang “hindi maaari”
Hindi maaaring sumuko
Hindi maaaring malumpo
Hindi maaaring tumakbo palayo
Sa mundong umuubos sayo
Natatakot sumugal muli
Natatakot mahulog sa patibong ng pag-ibig
Dahil minsan nang nasaktan
Minsan nang inabuso
Pumapalagay na lamang sa mga panandaliang aliw
Nagpapanggap na siya’y mabubuo ulit
Kahit saglit..
Kahit saglit..
Isa lang ang gusto kong sabihin sa’yo –
sa pusong hindi alam kung saan patungo
Huwag **** parusahan ang sarili mo
Dahil balang araw ikaw ang aani nito
Hinuhubog ka ng panahon
Sa pagdating ng tadhanang
Nakalaan sa iyong pag-ahon
Huwag kang matakot sumugal
Dahil doon mo malalaman kung
Ano ang para sa iyo, mahal.
Mar 10, 2019
Mar 10, 2019 at 5:09 PM UTC
“Study everything, join nothing”
- The Maverick Philosopher
Hindi naman masamang siyasatin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ating buhay-buhay. Ayos lang na basahin ang lahat ng aklat na gusto **** basahin basta’t makakatulong ito para makamtan mo ang iyong mga hangarin. Ayos lang na sumabay sa hangin o kaya naman ay tumakbo sa buhangin siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhulog sa bangin.
Minsan ka lang mabubuhay at hindi na muling babalik ang kabataan, karapatan mo na pag-aralan ang lahat ng gusto **** mapag-aralan. Hindi mo kailangan na pumasok sa paaralan at magbayad ng pagkamahal-mahal na tuition fee, hindi mo kailangan maki-tropa sa mga bolakbol o kaya naman ay makipag-plastikan sa mga pantas na kung tawagin ay propesor.
Magbasa ka at huwag umasa, hawak mo ang iyong buhay kaya’t hindi mo ito dapat na iasa. Kumasa ka kung kinakailangan upang hindi maging alipin ng sinoman. ‘Hwag **** antayin na turuan ka ng iba, turuan mo ang iyong sarili. Ok lang na maging makasarili basta’t kaya **** dalhin ang iyong sarili. Kumbaga wala naman masama na magsarili gamit ang iyong daliri.
Basta ito lang ang payo ko: ‘wag **** sayangin ang ngayon. Wala sa organisasyon ang tunay na pundasyon. Ang karunungan ay hindi isang donasyon, pinaghihirapan ito tsong. At wag **** sabihin na masyado ka pang bata o di kaya naman ay matanda na’t huli na ang lahat. Walang malambot at walang makunat sa coconut na handang matuto.
Panghuli gusto ko tandaan mo ito. Ang buhay ay hindi isang magandang panaginip hindi rin ito isang masamang bangungot. Ang buhay ay buhay, ganon lang kasimple, ‘wag **** gawing kumplikado. Kung may gusto ka gawin mo, kung ayaw mo naman edi ‘wag. Ika nga walang sapilitan kasi wala ka naman kapalitan ang importante ay matuto ka saiyong bawat ngayon.
Nov 12, 2017
Nov 12, 2017 at 8:14 PM UTC
***Maraming taon ang nasayang, mga pangarap na biglang nabasag,
'di na maibabalik sa dati, para itong tinapay na sinira ng amag.
Matagal na kong nagtitiis, matagal na kong naghihintay
na muli **** ibalik ang apoy ng iyong pagmamahal.***
**Akala mo ba 'di ako nanghinayang sa mga binuong pangarap?
Sayang ang dala kong mantikilya, ang tinapay sana'y 'di inamag.
Ang apoy na sinasabi **** sa akin ay nawaglit
hindi mo lang alam ikaw din mismo ang umihip.**
***Nagsawa ka na bang ihatid-sundo ako sa bahay?
Nagsawa ka na bang pakinggan ang mga drama ko sa buhay?
Hindi ko naman gusto na ikaw ay mapagod,
Nais ko lang na mapansin mo ko at sa ibang bagay 'wag kang masubsob.***
**Matapos ang isang nakakapagod na araw, ihahatid pa kita sa 'yong bahay,
Dahil pag hindi, paniguradong tayo'y mag-aaway.
'yon ang nakakapagod - ang away, lalo na't may problema din
ako sa aking buhay
na kahit kailan 'di mo napansin, dahil subsob ka sa ibang bagay**
***Sabi ko "ayoko na", sabi mo pagod ka na.
Tumakbo ako, mga luha'y naghahabulan sa paglabas,
mga tanong na walang sagot, "hahabulin ba nya ako? Hindi na ba nya ko mahal?"
'Di ako lumingon, gumulo aking isipan. Nais ko lang ay pigilan mo ko aking mahal.***
**Sabi mo, ayaw mo na, sabi ko, "pagod na ako",
Pagod na akong magpigil ng luha at maghabol sa iyong bawat
pagtakas at pagtakbo
Mga tanong na walang sagot, " Ayaw nya bang manatili?
Hindi na ba nya ako mahal?"
'Di ka lumingon, gumulo ang aking isipan. Nais ko lang ay huminto ka aking mahal.**
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon,
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon,
'di na 'ko tatakbo, ako'y mananatili, sasabihin kong minamahal kita
Hahabulin kita at pipigilan, sasabihin kong minamahal kita
Jun 8, 2015
Jun 8, 2015 at 10:59 PM UTC
Tagu - taguan, maliwanag ang buwan
Pagbilang Kong Tatlo, wala na akong nararamdaman!
Isa—
ito na Ang huling patak ng aking mga luha
At pangako di na ako muli pang magpapakita
Pagkat mahal, ika'y akin nang pinapalaya
Alam ko naman kasing napaglaruan lang tayo ng tadhana,
Minsan kasi, naglaro si kupido ng kanyang pana
At sumakto Ang araw na yun sa una nating pagkikita
Tinamaan ako,tinamaan ka rin yata?—
Mahal Ang alam ko lang kasi noon, mahal natin Ang isa't isa
At makulay Ang mundo!
Mundong binuo nating dalawa.
Bihira man Ang relasyong katulad ng sa atin,
Pero gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala sa akin
Marami mang problema Ang ating pinagdaanan,
At sa kuwento natin marami man tayong nakalaban—
Parang senaryo sa pelikula,
maraming naki-eksena
Pero love story natin 'to at tayo Ang mga bida
Kaya't sa bandang huli,kamay mo pa rin Ang aking hawak
Masaya pa tayo't sabay na humahalakhak
Hanggang sa...
Dalawa—
Dumating siya sa buhay mo
At sa isang iglap,naitsapuwera ako!
Nalunod man ang puso sa selos
Ngunit pilit ko iyong iginapos
Pagkat relasyon nati'y gusto Ko pang maayos
At wag 'tong maputol, wag 'tong matapos.
Pero nakakapagod maghabol sa taong mabilis tumakbo,
Nagmimistula lang akong isang mumunting aso
Naghihintay kung kailan mapapansin
Naghihitay kung Kailan mamahalin
Kaya napilitan akong isuko ka,
Napilitan akong bitiwan ka
Kase una sa lahat—alam Kong sa kanya ka sasaya
Siya na Ang makakapagbigay sa iyo ng ligaya
Ng kilig,Ng mga ngiti at tawa—
Mga Bagay na bihira ko nang mamasdan
At Alam Kong sa kanya mo nalang mararamdaman
Kaya Tatlo—
Paalam.
Salitang di ko sana gustong bitiwan
Pero sadyang kinakailangan
Hindi ko man gusto na ika'y iwanan
Ngunit marahil,ito na Ang ating hangganan.
Pagod na ako mahal sana'y maintindihan
Dahil kung ipipilit ko pa'y pareho lang tayong masasaktan
Mahal kita tandaan mo yan.
Kaya Dito ko na tatapusin Ang ating kuwento,aking sinta
Ang libro ng pag-ibig nati'y akin nang isasara
Masakit man Ang ating naging pagtatapos
Siguradong sa puso ng magbabasa,ito ay tatagos
Tapos na akong magbilang ng numero
At gaya ng ipinangako ko—
Pagsapit ko ng Tatlo,
Ibibigay na kita sa kanya ng buo
Paalam.
Dec 3, 2017
Dec 3, 2017 at 9:30 AM UTC
Tinukso mo ako ng iyong maskara
Ang pinto **** bakal ay nagmukhang pilak
Mga bintana mo'y tila walang sara
Ang bawat sulok mo'y humahalimuyak
Akong naghahanap ng lugar sa mundo
Namalik-mata nga't naakit mo agad
Sa mga pangako'y nadala't natukso
Naghintay ng dulot, magagarang gawad
Sa aking pagyakap sa pintong makinang
Ngiti ko'y sumilay, nag-isip, nangarap
Akala ko'y lungkot dito'y mapupunan
Saya ang papalit sa dusa at hirap
Subalit nagulat sa aking pagmulat
Ang pinto **** pilak ay puro kalawang
Mga bintana mo'y nabuway ng lahat
Ang bawat sulok mo'y amoy basurahan
Paano pa ako ngingiti, sasaya
Kung ang pangarap ko ay biglang naglaho?
Mabubuhay ka bang kuntento't payapa
Sa lugar na itong ngayo'y gumuguho?
Nais kong tumakas, lumayo, tumakbo
Sa bilangguan kong kakila-kilabot
Subalit kadena ko'y mayroong kandado
Kasama ba akong mababaon sa limot?
Hindi! Ang sigaw ng matapang kong puso
Kadena sa paa'y aking wawakasan
Mabubuhay ako na hindi bilanggo
Ipaglalaban ko, aking kalayaan!
---Marguerite
9/18/2015
7:33 am
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 5:14 AM UTC
Oo ginawa mo na ang lahat
Binigay mo ang higit pa sa nararapat
Bumangon, tumakbo at tumalon ka na
Nagkandasubsob at nagkadapa-dapa ka pa
Tumawid ng bundok at ng mga karagatan
Ikaw ay nalunod at nasaktan
Nagsunog ng kilay, at kinalimutan ang tulog
Hinarap mo lahat at ikaw ay nagpabugbog
Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo
Ngunit ikaw ay nabigo
Masakit, oo! Walang duda yan
Lalo na kung nalahat na ang iyong kakayahan
Nakakalugmo at nakakadusa
Nakakaiyak at nakakawalang pag-asa
Parang pinagsukloban ng langit at lupa
Parang pinagkaitan ng lahat ng mga tala
Mahirap! Masakit! Oo alam ko
Pero hindi pa ito ang huli o dulo
Maniwala ka sakin, mahirap pero kakayanin
Masakit pero hindi imposibleng gawin
Kung kelan nakasuka ka na ng dugo
Tangina! Ngayon ka pa ba susuko?
Jun 20, 2016
Jun 20, 2016 at 8:10 AM UTC
hindi makatayo,
ang aking pawis at luha ay
maiging sinisipsip ng lupa
kung saan gumagapang ako.
gusto kong iwanan at kalimutan
ang mga tungkulin
na gumagapos sa aking kalayaan.
gusto kong tumakbo
nang mabilis
papalayo
sa mga hirap at hinagpis.
bigyan mo ako ng isang saglit na
magpahinga
kasi tila ako ay nalulunod
habang gumagapang sa lupa.
Oct 25, 2014
Oct 25, 2014 at 10:35 AM UTC
Kumusta na
dati kong kaibigan?
Masyadong mabilis ang
ating mga pinagdaanan
Kumusta na
ang dating pangarap
na binuo ng grupo
na binuo dito
Wasak
Wasak ang puso
"Tulo ang dugo!"
Sabi nga ng mga bata sa kanto
Sana bata na lang ulit ako
Kung bata lang ako
Naglalaro lang siguro ako
Tumatakbo ng mabilis
Para hindi mahabol ng taya
Sabagay...
Magpahanggang ngayon naman
tumatakbo pa rin ako
ng mabilis
para habulin ang mga pangarap
kong
kasing bilis ng jaguar
kung tumakbo
Teka't hinihingal ako...
Andyan ka pa pala
Kumusta nga?
Kumusta tayo?
Babalik pa ba?
O hahayaan na lamang ba nating
lumipas ang panahon
na tayo'y hindi man lang
naging masaya
Kasama ang isa't isa
Kumakanta
Sumasayaw
Sa saliw ng gitara
Sa hampas ng magtatambol
Sa iyong boses
Na minsa'y aming naging boses
Kumusta ka?
Parang ang tagal-tagal na
Mula ng huling pagkikita
Kumusta?
Puro na lang tanong
Wala namang totoong sagot
Sa tanong na 'yan.
Dec 12, 2015
Dec 12, 2015 at 1:02 AM UTC
Tatakpan ko ang aking mata,
Upang katotohana'y hindi makita,
Saki'y wala ka na,
Tumakbo ka papunta sa iba,
Pilit kitang hinabol,
Ngunit walang napala hanggang sa mahapo,
Ang liwanag nang kahapon,
Bigla na lang naglaho,
Pirmeng nakatingin sa lupa kung may bakas ba,
Ngunit sa kapal ng dilim mistulang bulag na.
Nasasaktan ngunit kailangang manahimik,
Para bang sa lalamunan ko'y malalim na tinik,
Takpan ng ngiti ang pait,
Tanggapin kahit na sobrang sakit,
Kahit ano namang sigaw ang ipilit,
Hindi mo rin naman maririnig,
Himutik ng puso ay patatahanin ko,
Mananatili na lamang pipi upang hindi na makagambala pa sa'yo.
Minsan kong narinig sa mula sa iyong bibig,
Mga salitang nagbigay ng ngiti na hindi madadaig,
Hindi mapapantayan ng kahit na sino man,
Ngunit nang lumisan ka noon ko natutunan,
Ang mundo ko'y tumahimik,
Wala ni kahit anong imik,
Hindi parin mapakali pero nangungulila sa'yong halik,
Haplos at yakap mo'y di na madadama pa,
Labis na katahimikan mistulang bingi na.
Apr 12, 2016
Apr 12, 2016 at 5:10 AM UTC
marami- rami akong di gusto sa aking sarili. Mga mata ko'y mahapdi, nagmamasid kahit na ba'y nakapupuwing
dumarami ang mga araw,
dumarami ang mga gabi-
dumidilim ang mga panaginip,
mga engkanto'y nananabik,
natututunang sa mundong ito,
marahil ako'y hindi sabik.
mga boses ng tao ay humihina,
palayo nang palayo-
mga mukha ng tao,
palabo nang palabo.
nararamdaman kong sumisikip ang aking isipan, paunti ng paunti ang mg nilalang na nasisilayan.
may mga araw na nais kong mawala na tila hangin,malimit **** maisip, ngunit dama mo ang hagip.
may mga araw na nais kong tumakbo na tila oras, madalas kung habulin, pero ni minsa'y hindi makaiiwas.
sana ay hindi nalang nabuo ang salitang sikreto,baka sakaling ako'y matuwa sa aking anino.
*mga alaalang pilit na humihiyaw, matagal nang nagtago-
panay ang katok sa nakabukas kong kuwarto.*
Tao po! Tao po!
Nov 13, 2015
Nov 13, 2015 at 10:06 AM UTC
Tula: Takbo
Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Kahit hindi ko alam ang lugar
Kahit walang kasiguraduhan
Kahit maligaw sa mga kantong nalampasan
Para lang matakasan ang lahat
O ang nakaraang gustong lipasan
Tatakbo ako ng malayo
Kahit sa kalsada ay mabangga, matumba pero sa huli ay tatayo pa din
Na may nakalagay na
bawal dumaan dito
Marami nang namatay dito
Hindi ako matatakot
Hindi ako hihinto
dahil Tatakbuhan ko ito
Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Para makadiskubre ng bagong daanan
Para may makitang mga bagong lugar na pwedeng nating puntahan
Kahit abutin pa ng magpakailanman
Abutin ng gabi
,madaling araw
,o kinabukasan pa yan
Tatakbo parin ako
Kahit Tulog na ang lahat
Nagpapahinga at nananaginip
Ng mga pekeng pantasya
at ako ay tumatakbo pa
Gising sa katotohanan at realidad
Hindi parin tumitigil
madadaanan ang mga nagtitinda
sa kalsada ng balot at iba pa
Dahil may gusto kong takasan
May gusto kong puntahan
Kaya ako tumatakbo
Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Kahit mauhaw pa at matuyuaan
ng lalamunan
Hahanap ako ng tubig
Para mabigyan ng bagong sigla
At manatiling malakas
sa takbo ng buhay
Hindi ko ipapakita
na ako ay pagod na
Hinihingal
Hinahabol ang hininga
Hindi na ako magpapahinga
Iinom lang ako
at ipagpapatuloy ko ang aking takbo
Kahit mapuno pa ng pawis ang aking likuran
Mabasa ang aking buong kasuotan
Dahil tatakbo ako
Hindi ako hihinto
Hindi ako mapapagod
Hindi ako magpapahinga
Gusto kong tumakbo
Gusto kong tumakbo
Gusto kong tumakbo
Ayoko nang tumakbo
Gusto ko nang magpahinga
Pagod na ako
Hihinto na ako
Dito lang nalang ako
At Haharapin
Hindi tatakasan
Hindi tatakbuhan
Dahil marami na akong nalampasan
na lugar
kalye,
Kanto,
Kalsada,
Nalampasang pagsubok,
problema,
Hamon,
Pagod,
Na aking hinarap sa aking pagtakbo
Hihinto
At
tatayo
at magiging handa
Para sa pagdating ng bagong simula
Handa na ako
Handa na ako
Hindi na ako tatakbo
Aug 16, 2018
Aug 16, 2018 at 6:16 AM UTC
Naisip ko na parang buhay pasada ang ating istorya.
Ikaw ang pasahero, ako ang tsuper.
Ganito ang senaryo; nakita kita sa kalsada di alam san pupunta.
Ako naman si tanga hinintuan ka kahit dika naman pumara.
Sumakay ka; gaya ng iba.nasa mukha mo yung salitang "Bahala na".
Diretso lang ako sa pag maneho. di mo parin sinabi kung san ka pupunta.
Kita naman sa karatula kung san ang aking ruta, inisip ko baka alam mo na.
Sa gitna ng byahe, mukhang nalibang ka na, kaya pasikat ako sa arangkada.
Halatang bago lang sayo yung dinadaanan, may tingin at may pangangapa.
Ayos lang yan sabi ko. Kabisado ko to. ako'ng bahala.
May mga sandaling napapakwento ka, Siguro dahil na rin sa palagay ka na.
Mukhang nakalimutan ko na yung ibang pasahero. Pakiramdam ko tayo lang dalawa.
Sa wakas, naitanong ko kung san ka ba talaga pupunta?
Kasi, 'haba na ng byahe mahirap na baka maiuwi kita.
Biglang Nawala yung ngiti mo sa mata. Para kang may naalala.
Dimo ako sinagot. Bigla kang pumara.
Di ko alam kung natakot ka ba? o ang pamasahe mo e kulang pa?
Ayos lang naman akong ilibre ka. Basta maihatid kita.
Aaminin ko, nung tinanong ko kung san ka pupunta,
Napadasal ako ng konti na sana sabihin mo, "Ikaw, saan ka ba?"
Naiwan ako nakahinto sa kalsada. kasi nagulat ako nung tumakbo ka,
Tinawag kita pero lumiko ka na sa madilim na eskinita.
Napakamot ako sa ulo at napailing. Ako ba ang may problema?
Di ko tuloy alam kung babalik ka. kasi kaya kong mag intay pa.
Pinaandar ko ulit yung jeep. nagmaneho, nag maniobra.
umikot, luminga linga. wala ka na.
Hahanapin kita. madilim na.. bukas baka bukas.
Kung san kita nakita nung una, baka doon ka pumara.
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 1:10 PM UTC
“Tumakbo ka na”, sabi ng aking mga paa
habang ika’y unti-unting lumalaho sa dilim
at habang ika’y hinahabol ko palayo sa’kin
hinahabol ko ang pagasa; hinahabol ko ang aking hininga
“Huminga ka muna”, sabi ng aking baga
habang pumapatak ang mga malalamig na pawis
nagbabakasakaling maabutan ang dama ng iyong yakap
at makita ang makikintab **** mata
“Pagod na ‘ko”, sabi ng aking puso
“Hindi ka pa ba napapagod? Hindi mo ba naipapansin na malayo na siya sa iyo?”,
dugtong ng puso at labis pigilan ang ikot ng mundo
Patuloy ang lakbay at pilit ‘kong umabot sa piling mo
ngunit kahit gaano kabilis ‘kong palakarin ang mga paa,
ngunit kahit gaano man karaming ikot na ang naidaan ko at ilang patak ng pawis na ang tumulo,
pilit pa ring binabaliktad ng mundo ang daan palayo sa iyo
At kung patuloy akong inililigaw ng buwan patungo sa liwanag
at kung patuloy akong inililigaw ng liwanag patungo sa kadiliman
palayo sa gulo,
bakit nagkaron ng dulo?
At kung tinuturuan pa lang ako ng puso nang umibig ng tama,
bakit ngayon pa?
bakit ngayon pa kung kalian pagod na ang tadhana?
kailan ba sisikat ang araw at sa huli ng storya, tayo ang masaya?
Marami na ang nawala,
mga sugat na ‘di tuluyang naghilom
at mga tahi na nasira,
mga damdamin na pinaraya
at mga ngiting pinalaya
Aakitin rin tayo ng ligaya
darating rin ang panahon na tayo ang maligaya
ng wala sa piling
at sa puso
ng isa’t-isa
Pasensya ka na aking mahal
ngunit hindi ko maitahan ang lumuluhang puso na napilitang pakawalan ang nakaraan –
ang oras ang nakaharang
– Pasensya ka na, hindi kita naabutan
Jan 9, 2018
Jan 9, 2018 at 2:28 AM UTC
Ikaw.
Ikaw.
Ikaw ang naging inspirasyon ko para magpatuloy.
Binigyan mo ako ng lakas para muling humakbang, maglakad.. umakyat.. tumakbo..
Sa mga araw na sunod sunod ang dagok ng panahon na tumulak sa akin padapa..
Sa mga oras na panay ang udyok ng mundo na tumigil ako sa pag galaw..
Sa mga sandali na nasimulan ang pagdududa sa aking sarili na baka nga hanggang doon nalang ako.. Na tila may gumagapos sa aking mga paa at humihila sa akin pailalim..
Dumating ka.
Iniabot mo ang iyong kamay.. at isinama mo ako.
Isinabay mo ako sa paglakad mo.. kumapit ako sayo at
Ipinakita mo na marami pa palang daan.. Na kaya ko pang bumangon at maglakbay kaya't isinama mo ako.
Kahit na may ilang beses na matarik ang daan at hindi ako makasabay, nagsilbi kang gabay sa aking unahan at hindi mo hinayaang maiwanan ako sa paglalakad pasulong.
Binigyan mo ako ng pagkakataong sumunod sayo.. at humabol.. Kahit kapalit nito ay ang pagbagal ng lakad mo.. kahit na para bang naaabala na kita..
Ipinaalala mo na normal lang ang mga bato at putik sa ating nilalakaran.. Normal lang na ika’y pawisan.. Magalusan.. Magkamali at maligaw ng daan.. at minsan pa'y sasabayan ito ng ulan kaya't may mga panahon na hindi mo makikita kung saan ka na ba patungo.
Madudulas ka.. Matitisod.. Madadapa.. Ngunit hindi dapat dito magtapos ang paglalakbay dahil ang hirap at pagod ay may kasunod na dalisay na ginhawa.. Doon sa tuktok.. kasama ng mga ulap at ng hangin..
At kahit na ika’y hingalin ay mapapawi ito ng ligaya na iyong madarama sa oras na tumapak ka na sa pinaka itaas.. Sa wakas.. Nakita mo na kaya mo palang lagpasan ang mga hirap at pagod na ngayo’y iniwan mo na sa ibaba.. Sa lupa.. Kasama ng kay gandang mga balangkas ng tanawin na hinubog ng mundo upang ipakita sa iyo sa mismong pagkakataong ito.. Sa entablado ng daigdig kung saan abot kamay mo ang himpapawid.
Ipinaalam mo sa akin na ito ang kapalit ng mga pagsubok na araw araw nating hinaharap.
Ito ang sandali na ipadarama ng kalawakan na katulad ng oras.. Ay lumilipas din ang lungkot.. At ang kailangan ko lang ay kumapit pa ng mahigpit.. Manalig.. At maghintay at di maglalaon ay darating ang pagkakataong ito.
Kung saan magkasingkahulugan ang sandali at kailanman..
Dito sa tuktok.. Kasama ng mga ulap at ng hangin..
Sinabi mo na hindi ako nagiisa.. Dahil kasama natin ang langit.
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 11:47 AM UTC
Nagsimula na ang bilang mo,
Isa, dalawa, tatlo,
Nagsimula na ang aking pagtakbo,
Apat, lima, anim,
Nagtago na ako mula sayo,
Pito,walo,siyam,
Napakadami na ng aking hinakbang papunta sa dilim,
Takot man ako sa mga nilalang ng kadiliman,
Handa akong tumakbo papunta rito,
Basta’t makalayo lamang sayo.
Hindi ko na narinig ang pagtatapos ng iyong pagbibilang,
Hindi ko alam kung sino na sa atin ang nagtatago’t naghahanap,
Patapos na ba ang ating laro?
Kaya’t uuwi ka na lamang, at magpapahinga sa bahay niyo?
Lumalalim na ang gabi,
Natatanglawan na tayo ng mga bituin,
At mga alitaptap na tila kumikislap ang mga pakpak,
Ikaw ba’y naglalakad palayo sa akin?
O ako ba ay tumatakbo lamang paalis?
Gabing gabi na,
Tayo pa rin ay nagtataguan sa ilalim ng buwan,
Maglalakad na ako mula dito sa aking taguan,
Papunta sa iyong tahanan,
Wala na akong pakialam,
Kung ako man ay mataya o di kaya’y madapa,
Basta’t matapos na ang ating taguan,
At pagkakita ko sayo,
Sa dati **** pwesto,
Natapos ang iyong pagbibilang,
Sampu, narito na ako, nahanap na kita,
Hindi pala ikaw ang taya,
Aking mga mata lamang pala ay dinadaya,
Natapos din ang ating taguan,
Nahanap na kita, nahanap mo na ba ako?
Sep 6, 2016
Sep 6, 2016 at 4:50 AM UTC
Mahal, kumusta ka?
Ako ay masaya sapagkat panaginip kita.
Mahal, masaya ka rin ba ?
Ano bang nadarama mo? Sana’y nalalaman ko.
Mahal, nandito lang ako..
Sana andito ka rin, nandito sa tabi ko.
Ngunit alam ko na kahit ako pa’y manalangin
hinding-hindi ka na posible pang mapasaakin.
Mahal, bakit ka lumisan ?
kaunti na lamang ay akin nang maaabutan.
Kaunti na lang mayayakap na kita
ngunit pagdating ko nakaalis ka na. Tuluyan nang nawala.
Nawala ka, dumating ako.
Tumakbo ako palapit, tumakbo kang palayo.
Bakit ba hindi man lang tayo nagtagpo?
Bakit ba umakyat ka na noong bumaba ako?
Ngunit ganoon pa man ay panaginip kita.
Kung pwede lang manatili ay ginawa ko na.
Kung pwede lang matulog nang mahimbing, gagawin kong talaga...
Ayoko nang magising, panaginip kita.
Jun 11, 2020
Jun 11, 2020 at 2:44 AM UTC