Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tinatapik" poems
Ako'y kinakabahan Saan ko kaya ito u-umpisahan? Siguro ito'y epekto ng iyong biglaang paglisan Kaya ako ngayon ay naguguluhan Pano mo nagawang mang-iwan? Iniwan .. iniwan ang puso ko sa ere ng walang kaalam-alam Na Hanggang ngayon halos puso ko'y nangunguyam Sa bawat oras na pumapasok sa aking puso at utak na tila isda na uhaw-uhaw Hanap-hanap palagi ay ikaw Minsan naalala ko pa nga naisulat ko ang iyong pangalan sa buhangin Nagbabakasakali na sana'y ika'y dumating Nakatingin sa mga bituin Umaasa na isa sa mga ito ay magbigyang diin na sana dumating Ang nagiisang bituin para sa akin Nilalamok na ko kakatingin sa mga butuin Iniisip pa din kung sakali man na ikaw ay dadating Agad kitang yayakapin At sasabihin Na ikaw padin ang nagiisang tao na kayang magpatibok nitong aking damdamin Ang tanga mo Yan ang mga katagang madalas kong marinig sa kanilang mga bibig na lagi nilang binabanggit kapag nakita nila akong nakaupo sa gilid dyan sa may sahig ngunit hindi ko sila pinakinggan Palagi nila ako tinatapik sa aking balikat at sinasabing wag ka nang umasang babalik pa yan Siguro nga hindi lang yan panandalian Pero asahan mo ko aking mahal hihintayin pa din kita Kahit wasak na wasak na ang puso ko ng tuluyan hihintayin kita At sa iyong pagbalik Umaasa na hindi mo na ako ulit Ipagpapalit. Ngunit bakit ka'y pait? Umaasa na makita ka na kahit saglit Sapagkat Hindi ko na kaya ang sakit . . Sana panginoon wag kang magalit. Nawa'y kunin mo ako sa langit.
0
Jun 16, 2016
Jun 16, 2016 at 7:56 AM UTC
Uhaw na Isda
Noong araw ng aking pag alis Hindi maipaliwanag ang pagtibok na kay bilis Kasabay nang bawat hakbang ng aking mga paa Ang naguumapaw na takot at kaba Ngayo’y nakalipas na ang ilang buwan maraming araw na ang dumaan Subalit, tila hanggang ngayon Masyadong mabilis ang pagdaan ng panahon Pilit na hinahabol ang takbo Upang makasabay sa mga kasalukuyang tagpo Ngunit, masyadong mabilis Hagupit ng pagbabago’y nagmamalabis Buong akala’y natanggap na Pero damdami’y nagpapanggap lang pala Sapagkat sa tuwing sasapit ang gabi Mananatiling tikom ang mga labi Habang ang mga luha’y isa-isang pumapatak At ang mapag panggap na mukha ay dahan dahan nawawasak Ang mga alaala’y unti unting bumabalik Na tinatapik ang puso ng isang batang nananabik Na bumalik sa mga bagay na nakasanyan sa nakaraan Kahit na ang susunod na pagkikita’y walang kasiguraduhan Hanggang kailan mangungulila sa buhay na kinagisnan? Hanggang kailan hahanap hanapin ang dating tahanan? Matatanggap pa ba ang reyalidad na hinaharap? O makakasanayan nalang hanggang sa makalimutan ang hindi matanggap?
0
Apr 29, 2020
Apr 29, 2020 at 1:55 PM UTC
Pagtanggap