"tinatahak" poems
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa.
naalala mo pa ba
noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat,
sa may malinaw at malinis na sapa?
ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha,
pagtupi ng mga obra:
mga bangkang gawa sa papel, na
ating pinapanood ang pag-anod sa tubig
na banayad na dumadaloy;
nagpapadala lang sa agos.
at hindi,
hindi ito isang paligsahan o karera.
ang tanging pakay ay
malibang at magsaya.
kung lumubog o masira man ang ating mga bangka,
ayos lang,
gumawa na lang ng iba.
pero ngayon,
tayo ay lumaki at tumanda.
pati lunan natin ay nag-iba.
sa ating pagtingala,
hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita,
kundi ang bughaw na langit
na walang anuman ang makakadaig
sa lawak at laya.
at siyempre,
ang ating malinaw na sapa
ay humantong na sa
karagatan.
di matalos ang hangganan,
di matalos ang lalim.
maraming tinatagong lihim.
nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel.
at dito sa dagat,
nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi
araw-araw may digmaan sa laot.
kalaban natin
ang mabagsik na hangin,
mga higanteng alon,
mga piratang nananamantala,
pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod.
pero bago pa man magsimula ang digmaan,
tayo na ang panalo.
walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso.
sa ating paglingon
mapapagtanto na
hindi masukat ang layo
ng narating na pala
at mararating pa natin.
matagal nang wala ang gubat at sapa,
napalitan na rin ang mga mumunting bangka.
ngunit ako,
ay nandito pa
at patuloy na mananatili
kahit na
magkaiba at magkalayo
ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko.
'di bale
iisa lang naman ang Kapitan,
iisa lamang ang kayamanan na hinahanap,
iisa lamang ang lupain na tinutungo.
hindi talaga
matiwasay at madali ang paglalayag
dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya
kung dumanas man ng sindak at lungkot,
huwag maniwala sa lawak at lalim
na natatanaw sa mga alon; kasi
kahit saan man mapadpad,
kahit saan man ihatid ng tadhaha,
nandito lang ako.
Jun 19, 2015
Jun 19, 2015 at 2:33 AM UTC
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa.
naalala mo pa ba
noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat,
sa may malinaw at malinis na sapa?
ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha,
pagtupi ng mga obra:
mga bangkang gawa sa papel, na
ating pinapanood ang pag-anod sa tubig
na banayad na dumadaloy;
nagpapadala lang sa agos.
at hindi,
hindi ito isang paligsahan o karera.
ang tanging pakay ay
malibang at magsaya.
kung lumubog o masira man ang ating mga bangka,
ayos lang,
gumawa na lang ng iba.
pero ngayon,
tayo ay lumaki at tumanda.
pati lunan natin ay nag-iba.
sa ating pagtingala,
hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita,
kundi ang bughaw na langit
na walang anuman ang makakadaig
sa lawak at laya.
at siyempre,
ang ating malinaw na sapa
ay humantong na sa
karagatan.
di matalos ang hangganan,
di matalos ang lalim.
maraming tinatagong lihim.
nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel.
at dito sa dagat,
nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi
araw-araw may digmaan sa laot.
kalaban natin
ang mabagsik na hangin,
mga higanteng alon,
mga piratang nananamantala,
pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod.
pero bago pa man magsimula ang digmaan,
tayo na ang panalo.
walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso.
sa ating paglingon
mapapagtanto na
hindi masukat ang layo
ng narating na pala
at mararating pa natin.
matagal nang wala ang gubat at sapa,
napalitan na rin ang mga mumunting bangka.
ngunit ako,
ay nandito pa
at patuloy na mananatili
kahit na
magkaiba at magkalayo
ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko.
'di bale
iisa lang naman ang Kapitan,
iisa lamang ang kayamanan na hinahanap,
iisa lamang ang lupain na tinutungo.
hindi talaga
matiwasay at madali ang paglalayag
dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya
kung dumanas man ng sindak at lungkot,
huwag maniwala sa lawak at lalim
na natatanaw sa mga alon; kasi
kahit saan man mapadpad,
kahit saan man ihatid ng tadhaha,
nandito lang ako.
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 9:28 AM UTC
Ikalawang Kurap
Tinatahak ko ng marahan ang isang makinang na landas sa gitna ng mga taong alam kong nananalig din.
Hinihila ko ng pilit ang dalawang talampakang hindi dumarampi sa sahig na katulad ko’y nakatingala din sa langit.
Ang aking mga palad ay magkaniig at ang mga daliri’y kayakap ang isa’t isa.
Naiibsan ang sakit ng aking mga sugat ng nalalanghap kong halimuyak mula sa mga puting bulaklak sa paligid.
Tila piraso ng langit ang dambanang ito na kung saan sinasabing tutuparin ang lahat ng mga kahilingan mo
at papawiin ang lahat ng sakit at paghihirap na dinaranas ng kahit na sino.
Sa lugar na ito nakalilimutan ko ang lahat ng hapdi at pagod na nararanasan ko araw-araw
para bang unti-unti niyang hinuhugasan ang buo kong katawan
at binibigyan ako ng bagong lakas at pag-asang harapin ang isang bagong bukang liwayway.
Habang nananalangin ay napansin ko ang mga matang natuon sa’kin
nagmamasid - tila kunot noong nagtatanong kung bakit ang basahang tulad ko na tinalikuran ng lipunan at inaring kanlungan ang lansangan ay naririto’t naninikluhod sa harap ng dalanginan.
Alam kong ako’y kanilang napupuna ngunit sila’y bulag.
Niyayanig ng aking mga dasal ang buong simbahan ngunit sila’y bingi.
May kung sinong hindi ko naaninag ang umakay sa’kin patungo’t papalapit sa dambanang ginigiliw.
sa bawat hakbang ay bigla kong naalala ang lahat ng pagdurusa
at nasambit ang "salamat sa lahat ng pag-asa."
Nilingon ko ang larawan ng madlang dukha’t kaawa
ngumiti at binitiwan ang aking huling hininga.
Jun 18, 2015
Jun 18, 2015 at 11:44 PM UTC
Duguan ang puso kong sugatan.
Ang puso kong napag-iwanan.
Ang puso kong pinangakuan, pero hindi pinanindigan.
Hindi ko maintindihan.
Akala ko ba walang iwanan?
Pero sinarhan mo ako ng pinto,
Sumama sa iba, tinalukuran mo ako.
Hindi na ba ako mahalaga
Kaya pinili mo sila?
Sila na nasa ibayong dagat,
Na kahit malayo ay sa kanila ka tapat.
Na kahit animo'y nahihirapan ka...
Sa kanila ka pa rin pumupunta.
Inay! Itay!
Paano naman ako?
Ako na naiwan dito.
Mag-isa dahil wala ka.
Mag-isang tinatahak ang aking buhay,
Walang gabay. Walang kaagapay.
Inay! Itay!
Bakit natin kailangang maghiwalay?
Bakit ba natin kailangang maghiwalay?
Pera? Trabaho?
Ang guminhawa ang buhay ko
Kahit... wala kayo?
Inay! Itay!
Ganito na ba kahirap ang Pilipinas?
Na ang mga magulang ko ay luluwas
Magpapaka-alipin sa mga taong labas?
Hahanap ng dolyar sa amo
Dahil hindi sapat ang piso.
Mag aalaga ng anak ng iba
Habang naiiwan sa Pilipinas ang kanila.
Inay! Itay!
Umuwi na kayo.
Nangungulila na ako.
Feb 14, 2019
Feb 14, 2019 at 8:25 AM UTC
Gabi-gabing nagsusunog ng kilay.
Araw-araw na tinatahak ang lubak-lubak na daan.
Minu-minutong nagtitiis ang balat sa tirik na araw.
Iniinda ang mga kagat ng lamok sa gabi.
Pinagtitiyagaan ang kapirasong lamparang liwanag sa dilim.
Maibahagi lamang ang kapiranggot na kakayahan.
Inakala **** madali.
Hindi pala.
Kailangan **** suungin ang init.
Kinailangan **** tawirin ang mga ilog marating lamang ang iyong patutunguhan.
Inakala mng magaan.
Hindi pala.
Kinailangan **** maglakad ng walang sapin sa paa.
Kinailangan **** iwasan ang mga putik sa kalsada upang marating ang lugar na akala mo ay langit na.
Nagawa mo pa ring makaalpas.
Ilang beses ka na ba dapat na sumuko?
Nakailang iyak ka na ba gabi-gabi dahil hindi mo kaya ang nakikita mo?
Ilang damit lang ba ang dala-dala mo upang maitawid ang mga kaalaman para sa iba na nagmula sa iyo?
Kaya mo pa ba?
Ikaw ang liwanag sa kanilang madilim na daan.
Ikaw ang gabay sa kanilang pagpupursige.
Ikaw ang magiging pag-asa sa mga pangarap nilang hinahabi.
Huwag **** ipakitang marupok ka dahil lamang sa delubyong likha ng kalikasang nasa iyong harapan.
Isipin mo sila!
Isipin **** may naghihintay na bukas para sa kanila.
Ikaw ang kanilang tinitingala.
Magpatuloy ka sa pagngiti.
Isapuso mo ang kanilang masasayang pagbati sa tuwing ikaw ay makakarating.
Damhin mo ang kanilang pananabik na makita kang masayang nagtuturo sa kanila.
Iwaksi mo ang negatibong bagay sa iyong isipan.
Yakapin mo ang iyong natutunan --ang iyong misyon at rason kung bakit ka inilagay sa posisyong iyong kinatatayuan.
Balang araw ay magtatagumpay ka!
Balang araw ay masisilayan mo ang katas ng iyong pagpapakumbaba.
Pagsisikap.
Pagtitiis.
Malayo ka man sa mga mahal mo sa buhay, naiintindihan nila.
Ang propesyon mo ang magbibigay ng pag-asa.
Magtiwala ka!
Kaagapay mo ang Diyos sa bawat **** pagsisikap.
Huwag kang panghinaan ng loob sa bawat problemang iyong kinakaharap.
Alam naming kaya mo!
Sa iyo uusbong ang mga batikan.
Sa iyo magmumula ang mga pinakasikat.
Sa iyo manggaling ang magagaling at matatalino.
Alam naming kaya mo!
Magtiwala ka sa kakayahan mo.
Ikaw at ikaw lamang ang maglililok nito.
Ikaw at ikaw ang huhubog sa kani-kanilang mga talento.
Nasa iyo ang aming papuri.
Nasa iyo ang aming taos-pusong dasal.
Ang laban mo ay laban naming lahat.
Kayanin mo.
Kakayanin mo!
Ikaw ang aming liwanag sa gabi at pag-sa sa umaga.
#IkawNaNagmamahalMagmamahalPa
Mar 18, 2018
Mar 18, 2018 at 12:31 AM UTC
Nangako ako sayo na poprotektahan kita kahit anong mangyari
Nagsinungaling ako
Dahil noong araw na pinulikat ka habang nasa gitna ng dagat
Na sobrang lalim na hindi mo na makita ang ilalim
Hindi kita nasagip
Nangako ako sayo na iingatan kita ng di nagdadalawang-isip
Nagsinungaling ako
Habang naghihingalo ka at humihingi ng saklolo
Wala akong nagawa kundi tignan ang paghampas ng mga alon
Pinapamukha na bakit ba kasi hindi ako marunong lumangoy
Nangako ako sayo na hindi kita papabayaan mag-isa
Nagsinungaling ako
Hinayaan kita malunod at hatakin pababa ng iba't ibang lamang dagat
Hinayaan maubos ang hangin hanggang sa huling hininga
Pinanood lumubog ang mga matang kasing ganda ng mga perlas
Pasensya ka na at nagsinungaling ako
Dahil akala ko matatakasan ko ang sariling anino
Pasensya ka na at hindi kita nailigtas
Hinayaan ko na may ibang sumagip sayo dahil kung ako 'yon
Baka pareho lang tayong lumubog at malagay ka lalo sa panganib
Pasensya ka na at lumutang ang mga pangako
Na sabay lalanguyin ang lawak ng buhay
Sisisirin ang lalim ng ating mga pangarap
Sasalubungin ang mga problemang dadaong
Iiwasan ang mga dikya na dulot ng nakaraan
Kaya patawad dahil ngayon lang napupuno ang pagkukulang
Wag ka mag-alala,matututunan ko din tumalon ng walang alinlangan
Susubukan maabot ang dagat na tinatahak mo kahit gaano pa ito kaalat
Pero sa ngayon, pasensya muna unang nagpakilala ang takot kaysa sa lakas ng loob
Pasensya dahil tinangay tayo ng alon palayo sa isa't isa
Oct 15, 2016
Oct 15, 2016 at 4:33 AM UTC
Masakit maiwan dahil sa isang paglisan
Mga bagay na di maiwasang masaktan
Mga alaala pilit kinalimutan
Dala nito ay bigat na nararamdaman
Mga patak ng luha hindi mapigilan
Dahil sa mga bigat na dala ng nakaraan
Kung saan matagal maghilum ang sugat ng kahapon
Na minsan ikaw mismo nahirapan itapon
Kaya sa pagsikat ng araw ay hudyat ng bagong umaga ng paglalakbay,
Ito ay nagsasabing tuloy lang ang buhay
Na maaaring gumawa ng mga bagong alaala,
Para sa isang bagong kabanata
Kasama sa unti-unting pagbangon,
Ang mga tamang pagtugon
Sa mga bagay na kailangan tanggapin,
Para ang sarili muling hanapin.
Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan,
Ang mga natirang sakit ay tuluyang nahugasan
At di naglaon ito ay tumila,
Lumabas ang bahaghari dala ay pag-asa
Kasama nito ang simoy ng hangin, na nagmulat sa paningin
Na ang pagiging masaya ay sadyang pinipili,
At hindi masamang magmahal muli
Makita ang pagmamahal na para sa'kin hanggang sa huli
Kaya isa lang ang aking dalangin, matupad ang aking pangarap
Na ikaw ay aking mahanap
Di na sa panaginip kundi sa mundong tinatahak
Sana dumating ka na
Di sa isip kundi sa harap ko at nakikita ng dalawa kong mga mata
Sana makita ko na yung ngiti mo
Mga ngiti na magsasabi sa akin na maging masaya lang dapat ako
Sana mahawakan na kita
Para di ko na maramdaman ang lungkot at pangamba
Sana mayakap na kita
Para maibsan yung sakit dulot ng aking mga problema
Sana dumating ka na
Para maramdaman ko ang sayang matagal ko ng hinahanap
At kung nandyan ka na
Sana hindi tayo ipaglayo ng tadhana
Dahil ngayon masasabi ko na ako'y "Handa"
Handa na akong magpakulong muli sa rehas ng pag-ibig, at para iyong malaman
Ang pag-ibig kong ito ay pang matagalan
Dahil ako'y handang susuko
Kahit life time sentence sa piling mo.
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 9:41 PM UTC
pahiwatig _=
hayaan **** ang sumpong ng katahimikan ko
ang siyang maging gawi sa pag-sigaw ng puso ko
habang dumarampi sa iyo ang tatlong ihip ng hangin
sa tuwing ikaw ay nakaharap man o hindi sa salamin
bagamat ikaw nga at ako
magkabila man ang mundo
pinag-adya ng di sinasadyang destino
kagaya ng singsing na walang puno't dulo
dahil sa kahabaan ng lansangan
sa aking mga paglalakbay
lakbay-diwa kong tinatahak
kaibuturan ng hanap kong landas
kaakibat ng paalala **** may gabay
wag naman sanang maliligaw
itong puso kong pigil-hininga
habang pinapakinggan-inaawit sa kanta.......
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 9:55 AM UTC
Magtahi ng mga titik mula sa alibata
Ibalanse ang kataga
Ipakita ang sanhi
Sa hinaharap sana'y alinsunod
sa kagustuhang resulta
Sapat ang pagkinang ng bunga
Pinapagaan ng pakikidalamhati
ang tinamong latay
Hiram na hininga
Sa pag-usad ng rebolusyon ay na-iiwan dahil sa grabidad
Binansagan santwaryo ang periheo
nasa puntong humihiwalay ang umaapoy sa nagyeyelo
Taguan ng mga sugatan
pati na ang nagniningas na kalooban
Ang dangal ay naiga
Gustuhin man magbunyi
Hinihila pababa, parang natutunaw na sera
Nilalamon ng kadiliman ang siga
Matutunan din sumipol sa masalimuot na tinatahak
Matwa sa bawat liwaliw
kahit man ay undas
Patuloy ang pamumunga sa ginintuang oras
Dec 20, 2018
Dec 20, 2018 at 6:19 PM UTC
Nitong nakaraan, naging nostalgic ako sa mga new year na nagdaan, mga new year nung bata kami, and sa new year na dadating pa.
Oo sobrang saya ngayon, hindi rin naman mapapantayan ang saya! Pero alam ko na iba na siya. Ibang-iba na siya―kasi noon, kumpleto pa kami at wala pang nawawala samin. Kumpleto pa ang mga lolo at lola namin. May mga fireworks display, sinturon ni hudas mula sa kanto hanggang kabilang kanto. Isinasampay pa ung sinturon ni hudas sa katawan namin tapos magppicture kami, may trumpilyo, luces tapos isusulat ang pangalan sa daan, maging yung ray-gun na paputok meron din. May mga pagkain pang nakalagay sa la mesa dahil naghahanda ang mga lola. May ham, tinapay, hot choco, at kung ano-ano pa na pati mga kapitbahay namin doon din kumakain salo-salo ang lahat! Meron din sayawan sa kalsada mga 90's na tugtugan "don't cry" sa gitna ng kalsada.
Habang sinasalubong ang taon, we played this game na "thankful for 2022, and looking forward in 2023" with cousins and titos and titas while drinking wine and alcohol til we drop. Ang saya mapakinggan yung mga bagay na pinagpapasalamat nila at mga bagay na nilo-look forward nila lalo yung mga things they share about our family. It means so much na pare-parehas kami na support sa isa't-isa at ramdam yung pagmamahal sa bawat isa.
Sabi ng isa kong tita, darating daw yung time na baka maiba na dahil siyempre magkakapamilya, career, ibang paths to take, na baka yung iba di na mag new year sa Clemente. Pero sabi niya sila ay nandiyan pa din dahil yun ang gusto nila. Oo alam ko pwedeng mangyari dahil na-experience ko na sa mga kaibigan ko. Dati palagi kaming magkakasama tuwing new year at pasko. Mahal namin ang isa't-isa na kung pwede nga lang palagi kaming magkakasama. Pero siyempre iba-iba kami ng mundong ginagalawan at tinatahak, may lumipat ng bahay, may mga pamilya na din kaya bihira na lang din kami magkasama sama. Nakakamiss!
Hindi ko alam ang future, pero sana lahat kami nandito pa din magkakasama, isang buong pamilya na magkakasamang haharap sa panibagong taon habang nabubuhay kaming lahat!
Masaya ako na na-experience ko ang pasko at new year sa Tondo! Marami akong ipinagpapasalamat hindi lang sa 2022, kundi magmula 1992! Alam ng puso ko kung ano yung mga bagay na yun hindi ko maisa-isa, basta alam ko masaya lahat at grateful ako sa family na ibinigay sa akin ni Lord. Hindi man kami mayaman, madami man kaming pagkakaiba-iba, pero solid mahal namin ang isa't-isa. Looking forward to 2023 and more! **
Jan 3, 2023
Jan 3, 2023 at 2:05 AM UTC
Di na maitatanggi,
Bakit pa ba ikukubli?
Ano pa ba ang dahilan?
Bakit pa ba magmamaang-maangan?
Alam natin ang totoo,
Ngunit pinilit nating isantabi ito,
Nag-uusap bilang magkaibigan,
Pinag-uusapan ang mga hinahangaan.
Alam kong alam mo,
Alam **** ikaw ang gusto ko,
Ngunit di ka nagpadaig,
Kahit na sa tingin ko'y minsan kang kinilig.
Sa bawat pag-uusap, nagpaparinigan,
Mga bagay tungkol sa taong hinahangaan,
Subalit kilala naman natin sila,
Sa katunayan, kilalang kilala.
Ngayong gabi, ako'y naglahad,
Ng mga damdaming sasabihin **** nasagad,
Mga sitwasyon kung saan di mapalad,
Mga sitwasyong sa iba ang isa't-isa napadpad.
Mga landas nga kaya nati'y magiging isa?
O magtatagpo lamang at humayo na sa isa't-isa,
Walang may alam sa atin kung ano ang tiyak,
Sa mga sa landas na kasalukuyang tinatahak.
Mananaig kaya ang tadhana?
O ang damdaming nagwawala?
Ano kaya ang magtatagumpay,
Sa pag-ikot ng gulong ng 'ting buhay.
Jan 3, 2018
Jan 3, 2018 at 12:28 AM UTC
Ang oras ay tumatakbo,
Ito ba'y hinahabol mo?
Baka iba yung direksyon mo?
Ikaw ba'y nakakasigurado?
Baka malingat ka?
Ika'y napang-iwanan na pala,
Baka di mo mamalayan,
Ikay matagal na palang iniwan.
Ano pa ba ang magagawa mo kung huli na?
Magmumukmok, iiyak at magsisisi ka ba?
Baka masayang mo lang oras mo,
At mapangiwanan ulit ng panahong panibago.
Ano pa ba ang magagawa mo kung huli na?
Naisipan mo bang muling mag-umpisa?
Huli na ba talaga ang lahat pati sa panibago?
Di ba pwedeng kalimutan ang nakaraan at gumawa ng bago?
Huli na ba para sa panibagong pagkakataon?
Pagkakataon upang ipakita na di ka katulad nung kahapon,
Dahil araw-araw ang tinatahak na daan ay nag-iiba,
Di mo alam kung ano ang sayo'y babangga.
May 1, 2017
May 1, 2017 at 2:25 PM UTC
sobrang hinahangaan Kita dahil napakagaling **** gumawa ng mga istorya,
mga istoryang tila talo na pero sa huli ay naipanalo Mo pa.
sa una'y aping api ang bida
pero di nakakapagtaka na sa huli sila ay naging masaya
dahil pangako Mo na hindi kami mag-iisa.
Hindi kami magiisa dahil Ikaw ay kasama,
kasama sa hirap at ginhawa, sa lungkot at tuwa,
talikuran man kami ng madla Ikaw ay hindi mawawala.
Ikaw ang napako hindi ang Iyong mga pangako
kasalanan naming lahat ay Iyong inako
Iyong pagmamahal ay damang dama saan mang dako.
Daan mang tinatahak ay bako bako
Direksyon mang sinusunod ay liko liko
Walang sapat na rason para kami'y sumuko
Dahil pinaglaban mo kami at hindi isinuko.
Oct 31, 2017
Oct 31, 2017 at 11:43 AM UTC
Gawan kaya ulit kitang tula
Tulad noong ikaw lang ang nasa gitna?
Noong ako'y lumulutang pa
At di pa nalalaglag.
Gawan kaya kitang tula
Parang dating bawat sulat-kamay
Isang direksyon lang ang tinatahak
Mula sa 'yo at pabalik patungo sa'yo.
Noong di kita matingnan nang tapat
Di man lang makausap nang di nanghihina
Di matanong tungkol sa mga tula
Dahil, ano ba, ikaw kasing paksa nilang lahat.
Feb 23, 2017
Feb 23, 2017 at 5:31 AM UTC
Kulang ang mga bituin sa kalangitan
Dahil kung wala ka ay kulang rin ako
Ikaw ang nagsisilbing aking ilaw sa aking madilim na landas na tinatahak
Ikaw ang nagsisilbing katahimikan
Sa aking maingay at magulong mundo
alam kong masamang gawing mundo ang alam kong tao lang
Huwag mo naman sanang nila-Lang ang isang katulad kong nilalang
pero hindi payapa ang aking mundo kung wala ka
Ikaw at pangalan mo ay sa aking puso't isipan nakatatak
Mahal, ikaw ang aking pahinga, ang aking payapa
Sa mga panahong ako ay pagod at gustong mapag-isa
Ikaw ang aking kasiyahan sa mga araw na ako ay nalulumbay
At ikaw lamang ang aking mamahalin habangbuhay
Apr 10, 2021
Apr 10, 2021 at 1:26 PM UTC
Lahat tayo’y lubak na daan ang tinatahak,
Pagtupad ng pangarap sa buhay ang binabalak.
Maraming sakripisyo ang kailangan,
Upang maging maayos ang kinabukasan.
Karamihan sa atin ay sa Diyos kumakapit,
Dalanging bagong umaga’y sumapit,
Mabawasan ang mga nararamdamang sakit,
Kaya liwanag ng pag-asa ang nais makamit.
Pagdarasal ng mataimtim,
Ang sandata sa daang madilim.
Upang ang liwanag ay ika’y sikatan,
Maging gabay sa landas na walang kasiguraduhan.
Sa Diyos ay nagpapasalamat,
Para sa gabay na walang humpay.
Hiling na magkaroon ng lakas,
Sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
Sep 2, 2020
Sep 2, 2020 at 12:53 AM UTC
Matang may takip
Ang kabayong may suot na tapaojo
Makitid na daan ang tinatahak
Sa likod at gilid ay walang makita
Bulag sa maraming bagay
Magwalang-bahala sa buong tanawin
Bingi sa pagbabago
Nahuhuli sa ritmo
Basag na antipara
Ulong walang ulo
Nilalang na lusaw ang puso
Sambahin ang iyong katotohanan
At manatili sa ginhawa ng iyong kabulagan
Aug 6, 2022
Aug 6, 2022 at 8:53 PM UTC
O sadyang kay lupit nitong bagyo,
May kasama pang ipo-ipo,
Winasak lahat ng humadlang,
Sa tinatahak na daan.
Ngunit huli na ang lahat,
Ito'y sa kanila'y gumulat,
Ngunit sadyang kay sakit,
Sa alaala'y sadyang kay pait.
Wala nang magawa,
Walang napala,
Dahil binato nang husto,
Nawasak nang buo.
Jul 14, 2017
Jul 14, 2017 at 12:11 PM UTC
Kulang ang mga bituin sa kalangitan
Na kahit minsan ay kay sarap pagmasdan
Kung mawawala ka man ay kulang rin ako,
Ikaw ang nagsisilbing aking katahimikan
Sa aking maingay at magulong mundo,
Para kang isang tanawin
Na kay sarap titigan
Sana nga ay makuha ka sa tingin,
Tayo ay may walong planeta
Ngunit sa iyo lamang umiikot ang mundo ko
Ikaw ang aking paboritong pantasya
Na ayaw kong kalimutan
Ikaw ang paborito kong panaginip
Na kahit minsan sana ay hindi na ako magising
Makasama ka lamang kahit ako’y naka idlip
Pero ayaw kong mabuking
Na ang talino ko sa klase
Pero pagdating sa’yo nabo-bobo at nata-tanga ako
Alam kong wala kang pake
Dahil bihira naman na ako ay magugustuhan mo
Ang isang tulad ko
Nakakasagot naman ako sa oral namin
Pero pagdating sa’yo nata-tameme ako at ‘di maka-amin
Dahil suntok sa buwan lamang ako pagdating sa’yo
Ka-babae kong tao
Pero kapag ikaw nababakla ako
Hindi ko alam bakit nagkakaganito ako
Pagdating sa iyo nagiging abnormal ako
Ikaw ang ilaw
Sa madilim na landas na aking tinatahak;
Ikaw at ang pangalan mo ay sa aking puso't isipan nakatatak
Wala kang ibang kaagaw
Aug 28, 2023
Aug 28, 2023 at 10:09 PM UTC