Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Di na maitatanggi, Bakit pa ba ikukubli? Ano pa ba ang dahilan? Bakit pa ba magmamaang-maangan? Alam natin ang totoo, Ngunit pinilit nating isantabi ito, Nag-uusap bilang magkaibigan, Pinag-uusapan ang mga hinahangaan. Alam kong alam mo, Alam **** ikaw ang gusto ko, Ngunit di ka nagpadaig, Kahit na sa tingin ko'y minsan kang kinilig. Sa bawat pag-uusap, nagpaparinigan, Mga bagay tungkol sa taong hinahangaan, Subalit kilala naman natin sila, Sa katunayan, kilalang kilala. Ngayong gabi, ako'y naglahad, Ng mga damdaming sasabihin **** nasagad, Mga sitwasyon kung saan di mapalad, Mga sitwasyong sa iba ang isa't-isa napadpad. Mga landas nga kaya nati'y magiging isa? O magtatagpo lamang at humayo na sa isa't-isa, Walang may alam sa atin kung ano ang tiyak, Sa mga sa landas na kasalukuyang tinatahak. Mananaig kaya ang tadhana? O ang damdaming nagwawala? Ano kaya ang magtatagumpay, Sa pag-ikot ng gulong ng 'ting buhay.
0
Jan 3, 2018
Jan 3, 2018 at 12:28 AM UTC
Nagpaparinig

taltoy
Written by
25/M
Jan 3, 2018
Jan 3, 2018 at 12:28 AM UTC
Request permission to use this poem