Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Kalawakan
31/F
Hulyo, 2005. Nag simula bilang taga masid, Sa kadahilanan na ika'y mapang-ismid. Pero puso ay di sumuko, Lagi ang isipan sayo'y patungo. Salamat sa iyong ngiti Ni minsan ay di mo kinubli, Kaya nga ika'y agad napansin Naka bihag ng puso na di akalain. Mukhang laging nakasimangot, Nababalot ng lungkot. Ngunit sa ngiting iniwan, Naging isang magandang larawan. Humarap sa salamin, Handa na ba aminin? Biglang natakot ang sarili Alam na ika'y mapili. Naging magulo ang isipan, Na para bang masisiraan, Pero sa sarili'y nagkaroon ng kasunduan Na mananatiling magkaibigan. Labing limang taong pag-ibig na tinago, Kailan nga ba mabibiktima ni kupido? Kinaya na mamuhay mag-isa, Ngunit hindi nawawalan ng pag-asa. Patuloy na mangangarap at mananaginip, Na sa tamang oras ang tadhana ay sumilip.
0
Sep 2, 2020
Sep 2, 2020 at 12:58 AM UTC
Labing Limang Taon
Sa lakas ng pagbuhos ng ulan, Sabay ang pagbagsak ng mga luha. Paano nga ba aayusin ang nararamdaman? Tulong, sino ang nakakaalam? Masakit na damdamin puno ng pait, Tulad ng maitim na ulap sa langit. Lungkot man ang nararamdaman, Pagtapos ng ulan may liwanag sa kalangitan. Pag ubos na ang luha papalitan ng ngiti, Ngunit sana ito'y hindi pilit.
0
Sep 2, 2020
Sep 2, 2020 at 12:57 AM UTC
Ulan
Pumikit at humingang malalim, Hindi alam kung ano ang iisipin. Bigla tumulo ang mga luha, Na hindi ko inakala. Ang puso ko'y bumilis sa pagtibok, Parang nakaramdam ng paglugmok. Nagdarasal habang dahan-dahan sa pagpasok, Sa isang madilim at may apat na sulok. Ako'y napatigil ng ilang minuto, At marahan na sinara ang pinto. Ang mabilis na tibok ng puso parang ngayo'y hihinto, Nadaramang sakit 'di maikubli sa loob nitong kuwarto.
0
Sep 2, 2020
Sep 2, 2020 at 12:56 AM UTC
Kuwarto
Lahat tayo’y lubak na daan ang tinatahak, Pagtupad ng pangarap sa buhay ang binabalak. Maraming sakripisyo ang kailangan, Upang maging maayos ang kinabukasan. Karamihan sa atin ay sa Diyos kumakapit, Dalanging bagong umaga’y sumapit, Mabawasan ang mga nararamdamang sakit, Kaya liwanag ng pag-asa ang nais makamit. Pagdarasal ng mataimtim, Ang sandata sa daang madilim. Upang ang liwanag ay ika’y sikatan, Maging gabay sa landas na walang kasiguraduhan. Sa Diyos ay nagpapasalamat, Para sa gabay na walang humpay. Hiling na magkaroon ng lakas, Sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
0
Sep 2, 2020
Sep 2, 2020 at 12:53 AM UTC
Liwanag
Ako nga pala si Kalawakan, Naniniwala sa walang-hanggan. Kung nais mo maliwanagan Tungkol sa kasalukuyan, Huwag mahiya na ako'y sabihan Para iyong maunawaan. ツ
0
Sep 2, 2020
Sep 2, 2020 at 12:48 AM UTC
Kalawakan ツ