Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Chi Oct 2017
Mahal,

Naalala mo pa ba yung mga panahon na puro ngiti at saya?

Mga araw na puno ng kwentuhan, asaran at tawanan

Na hindi ko malaman

Kung saan nanggaling ang mga iyan

Naalala mo pa ba kung paano ko lagyan ng ngiti ang iyong mga labi

At tila nilagyan ng bituin ang iyong mga mata?

Naalala mo pa ba kung paano mo sinabi sa akin na gusto mo ako?

Tila hindi ka pa nga sigurado sa nadarama mo

Naalala mo pa ba nung tinanong mo ako kung pwede bang manligaw?

Tila nanlumo ka pa nga sa sagot ko.

At hindi nagtagal, ay unti unti mo din binitawan ang salitang “Mahal kita. Mahal na mahal kita”

Dahil ako? Naalala ko pa


Naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala

Kung paano sinabi sa akin ng kaibigan mo, na gusto mo ako

Kung paano mismo nanggaling sa bibig mo, na gusto mo nga ako

Kung paano ko binigkas ang salitang “Mahal din kita”

Kung paano mo unti unting binabawi ang salitang “Mahal kita”

Dahil sabi mo,

Sabi mo pagod ka na, ayaw mo na, sawa ka na

Kung paano ako nagpakatanga, habang tinutulak ka sa babaeng gusto mo

Habang sinasabing “Kung saan ka masaya, duon ako

Kahit masakit, kakayanin ko”

At naalala ko pa, kung paano mo sinabing “Patawad, mahal pa din kita.”

Tinanggap kita.

Tinanggap ko lahat ng eksplenasyon at rason mo.

Lahat lahat, kahit ilang beses kong narinig na ang tanga ko

Dahil tinanggap kita, pero masisisi ba nila ako?

Masisisi ba nila ako kung mahal pa din kita?

Masisisi ba nila ako kung patuloy pa din akong umaasa na babalik yung tayo?

Hindi naman diba?

Kasi unang una sa lahat, hindi sila yung nagmahal

Hindi sila yung sinaktan at iniwan


Ilang gabi akong umiyak

Ilang gabi kong iniyakan ang paulit ulit na dahilan

Ilang beses akong nagpakatanga sa paulit ulit na rason

Ilang beses akong tinanong kung kaya ko pa ba?

Kung masaya pa ba ako?

Kung pagod na ba ako?

Hanggang saan yung kaya ko?

At duon ko natagpuan

Duon ko natagpuan ang sarili ko

Namamahinga sa pagitan ng “Mahal kita” at “Pagod na ako”


Pero mahal, masisisi mo ba ako kapag sinabi kong pagod na ako?

Masisisi mo ba ako kung sinabi ko sayong gusto kong magpahinga habang minamahal mo?

Kung ang gusto ko lang ay ipadama mo ulit sa akin ang nadarama mo?

Kung ang gusto ko lang kalimutan ang sakit na dinulot mo?

Kung pagod na ako kakaisip sa salitang “kayo”?

Kung pagod na ako kakaiyak dahil parang siya pa din ang gusto mo?

Kung lagi kong naiisip na baka kaya mo ako binalikan, dahil hindi ka niya gusto?

Mahal, wag **** iisipin na ayoko na sayo

Wag **** iisipin na kaya ko gustong magpahinga dahil pagod na ako

Dahil tulad ng sabi mo, kung pagod na ako, magpahinga ako

Kasi mahal, gusto kong magpahinga

Para muling madama ang init ng pagibig

Na tila ba sa akin ay iyong ipinagkait Muling masulyapan ang mga matang

Tila ba hinahanap ako sa libo libong tao


Mahal, patawad.

Mahal kita, pero pagod na ako

Pero hindi ibigsabihin nito ay palayain mo ako

Ibig kong sabihin, ipaglaban mo naman ako.

Ipaglaban mo naman ako, dahil pagod na ako.
Maemae Tominio Sep 2016
SYA
Sa dami ng tao  na nabubuhay sa mundo,
Hindi lang isa o dalawa ang nakakaranas nito,
Mga tanong na animo'y basag na salamin na di na mabuo,
Walang ibang kayang sumagot kundi mismong puso mo.

Sinu ba naka imbento ng pagmamahal?
Bakit pag nasaktan, paglimot ay kaytagal,
Mga nakaraa'y gusto **** balikan,
Ngunit tadhana sayo'y gusto ng kalimutan.

Biktima ka na ba ng maling pagmamahal?
Yung tipong mahal mo sya, mahal ka nya ngunit bawal,
Mainit sa mata ng iba at hindi kaaya aya,
Ngunit para sa inyong dalawa'y pag sasama nyo'y anong kasing saya.

Agwat ba ng edad ay hindi alintana?
Sa paningin ba ng iba'y hindi maganda?
Mamahalin mo pa ba ang isang tulad nya?
Kahit ba ang edad mo'y doble sakanya?

Paanu ba masusukat ang pagmamahal sayo?
Sa tagal ba ng kanyang paghalik o pagsusundo sayo?
Sa rami ng okasyong nabibigay nyang regalo,
Dun mo ba makikita kung mahal kang totoo?

Paanu kung isang araw puso mo'y tumibok,
Sa taong di pa nakikita o nahahawakan kahit hibla ng buhok,
Mamahalin mo pa ba sya kahit sobrang lungkot,
Hindi nya magawang yakapin kapag ika'y nagmumukmok.

Mahirap talaga kapag ang mahal mo'y nasa malayo,
Lalo na kung umaasa kalang sa wifi ng kapitbahay nyo,
Na kapag mahina ang net , babagal din sayo,
Ngunit tinitiis ang lahat para sa mahal mo.

Paanu kung nalaman mo ang nakaraan nya?
Pagmamahal mo ba'y magbabago at mawawala,
Mga supling na nag aalaga sakanya,
Nagpasaya't nag aruga noong wala ka pa.

Iisipin mo pa ba ang nakaraan,?
Kung sa puso mo'y masaya ka sa kasalukuyan,
Mahirap man tanggapin sa unang nalaman,
Ngunit tinanggap mo parin sya sa kabila ng kanyang pinagdaanan.

Hindi pa ba napapagod ang iyong puso?
Sa nalaman mo'y bat hindi ka sumuko?
Ganito ba talaga kapag mahal **** totoo?
Tatanggapin lahat kahit komplikado.

Sa muli **** pagtanggap, may biglang nagparamdam,
Babaeng nakasama nya at gusto syang balikan,
Ikaw ba'y magpaparaya na at sya'y iwanan,
Na kahit labag sa loob mo'y iyong bibitawan.

Ngunit sa pag bitaw mo'y syang pag kapit sayo,
Mga paliwanag nya na nagpapatatag sa puso mo,
Pipiliin mo ba ang kasiyahan ng iba o kasiyahan nyo?
At tanggapin sya ulit at bumuo ng panibago.

Tadhana na ba talaga ang gumagawa para ika'y ilayo,
Nakaraan nya'y nagbalik na at may isa pang panibago,
Biyaya sa sinapupunan nya'y dugo't laman mo,
wala na bang magandang mangyayari sa relasyong to?

Mapapabuntong hininga ka nalang sa mga pangyayari,
Kailangan na ba tong itigil at hindi na maaari,
Kayrami ng rason para sa sarili mo naman ika'y makabawi,
Sa lahat ng luhang pumatak at pighati.

Panu kung ang mahal mo'y taglay lahat yan?
Dobleng edad, may mga anak, at meron pa sa tyan?
Tanga ka kapag hindi mo pa binitawan,
Nagmahal ka ng totoo kapag sya'y iyong pinag laban.

Ngunit hindi na susukat sa pananatili mo kung gaano sya kamahal,
Minsan gagawin **** bumitaw para sa katahimikan ,
Katahimikan ng puso nyo at ng nasasakupan,
Kailangan sumugal kahit na nasasaktan.

Alam **** darating ang panahon na maghihiwalay tayo,
Pero sana bumalik ka kapag puso mo'y tinitibok pariny ay ako,
Masakit man isipin na mag hihiwalay tayo,
Pero sana isipin mo na minahal kita ng totoo.

Yang katagang yan ang gusto kong sabihin sayo,
Ngunit takot ang dila ko na ipahayag ang mga ito,
Takot ako na masaktan ka sa paglayo ko
At takot ako na baka di matanggap ng puso ko.

Alam kong marami pang pag subok ang darating,
Alam kong panghihinaan ako ng loob kapag itoy dumating,
Sana gabayan mo ako sa anumang pag dedesisyon
Huwag kang titigil para bigyan ako ng leksyon.

Umiyak man tayo ng ilang beses,
nasaktan man tayo nag paulit ulit,
Marinig ko lang malalambing **** boses,
Sakit ng nadaramay ,saya ang pumalit.

Lagi **** tatandaan na mahal kita,
Mahal kita at tanggap ko kung anu ka,
Hindi importante kung ano ang nakaraang iyong nagawa,
Ang mahalaga ay ngayong masaya tayo sa isat isa.

Hindi ko man maramdaman ang init ng yakap mo,
Hindi ko man maramdaman ang dampi ng mga labi mo,
Maramdaman ko lang na nandyan ka lagi sa tabi ko,
Hindi ako mag sasawang unawain ka at magpaka totoo.

Balang araw magsasama tayo at sana ikaw na,
Kung hindi man ikaw, ang mahalaga tayoy naging masaya,
Hindi man matagal ngunit magsisilbi itong alaala,
Na dadalhin natin sa ating pagtanda.

#love
#sacrifice
princessninann May 2015
Bente kwatro oras ang kilos
Mga gawain na tila' di natatapos
Pagtitimpi na hindi nauubos
Ano pa mahal kong Ina ang kaya **** ibuhos?

Hindi ka ba napapagod?
Araw-araw kang kumakayod
Walang day off, walang bonus, walang sahod.
Hindi ba nanghihina ang iyong mga tuhod?

Tinanggap mo ang pagiging ina
Kahit sa mga anak mo'y ikaw ay balewala.
Pagkaing isusubo na lang, ibinigay mo pa,
Sa bawat hakbang nila hindi ka nawala.

Tinanggap mo ang pagiging kahalili
Inalay sa'yong asawa ang buong sarili
Sa mga desisyon nya, ikaw ay walang masabi
Sa bawat hakbang nya ikaw ang katabi.

Hindi sapat ang salamat
Sa mga kalyo sa'yong palad
Sa hindi maindang sakit sa balikat
Kahit kailan wala kang sinumbat

Alam ko hindi sapat ang aking salamat
At hindi ka kayang tumbusan ng anumang salita
Mahal kong Ina, salamat po sa lahat lahat
Salamat po sa puso nyong 'di napapagod nagmamahal.
This is a filipino poem to all the filipino mothers :)
Tanggap kita
Sisimulan ko ba ito sa umpisa ?? o sismulan ko ba ito sa huli
mag sisimula ako kung pano ko tinanggap ang mali
Kung paano ko handang itama ang mga Pagkakamali
mag sisimula ako kung pano ko inayos ang sakit lungkot at galit
Eto na ang umpisa
alam ko na ang bawat sandali ay may mali
alam ko na sa bawat salitang nilalabas ng bibig ay isang kasinungalingan
Hanggang sa isang beses inamin mo sakin
Na ayaw mo na at may mahal ka ng iba
masakit isipin na sa layo ng ating tinahak
ay susuko kana pala
lagi na lang sumasagi sa isip
bakit iniwan moko sa mundong ginawa natin
bakit binitawan moko sa gitna lungkot at saya
ngayon alam ko na ang sagot sa tanong na gumugulo sa isip
Iniwan moko kasi may mahal kana

nagdaan ang araw na luha na lamang ang aking kapiling
bote na lang ng alak ang nagpapawala ng sakit
dumating din ang araw na bumabalik ka
dahil nasaktan ka nya
nakita kitang umiiyak
sabi mo sakin na ang sakit sakit na
Di malaman ang gagawin kung yayakapin ba kita o hahayaan
di ko alam kung ano mararamdaman kung ako ba ay masasaktan o matutuwa
isa na lamang ang aking ginawa niyakap kita
at pinunasan ko ang iyong luha na sa sobrang dami ay basang basa ang damit
Tinanggap kita ng buo sa damdamin
tinanggap kita ng walang pag aalinlangan
kasi eto padin ako mahal padin kita
alam kong mahal mo pa sya
pero nandto ako kasi di kita kayang lumuluha nasasaktan at nahihirapan
kahit ilang beses mokong pagtabuyan
nandto padin ako di na muling lalayo sa piling mo

tatapusin ko ang pyesa na to
tanggap ko ang pagkakamali mo
tatapusin ko ito sa tatlong salita Mahal napatawad na kita
Erikyle Aguilar Mar 2018
Ang isinulat ko ay isang pagtatala mula sa bulag,
na matagal nang ninanais na makakita ng liwanag,
dahil kumpara sa atin, kahit ipikit ang mga mata,
kahit takpan pa 'yan, mayroon pa rin tayong nakikita,
mapa-asul, mapa-dilaw, mapa-pula,
hinding hindi ito aabot sa dilim,
dahil mayroon pa ring mga bituin.

Ito ang pagtatala ng bulag,
"'Nak, kagabi lang ako nakaramdam ng galit sa isang tao,
sa buong buhay kong nakatira sa tapat ng simbahan,
kagabi lang ako nakaranas ng kulo sa puso ko,
kagabi lang ako natulog nang galit,
sana patawarin ako ng Diyos.

Lumapit sa akin ang isang lalaki,
sabi niya, 'Lo, mahirap bang magmahal?',
'Oo, hijo. May asawa ka na ba?',
'Meron **. E lagi ** kaming nagaaway,
kaya umalis nalang ako ng bahay,
ayoko na siyang kausapin,
dahil baka husgahan nanaman ako, baka masaktan lang ulit ako,
baka sabihin nanaman niyang ang hina-hina ko,
sasabihin nanaman niyang hindi na ako natuto sa mga kasalanan ko,
ang dami ko raw nasaktang tao,
wala na silang nagawa kundi tumungo,
dahil sa lungkot, dahil sa insulto,
dahil sa mga salita kong galing sa puso.

Naalala ko sabi ng nanay ko,
na lahat ng sinasabi ko ay galing sa puso,
pero bakit kung kailan ko gustong mabuo,
napakahirap ibalik ang dating ako?'

Ito ang iyak ng isang nangangailangan ng pagmamahal,
isang lalaking may pusong bakal,
ito ang naging payo ko,
'Hijo, kausapin mo ang asawa mo.'

Biglang sigaw niya,
'E ayaw ko nga! Nagkasala rin naman siya,
pareho lang kami,
siya dapat ang lumapit sa akin.'

Parang tinamaan ako ng bala ng baril,
at ang puso ko'y biglang tumigil,
dahil hindi ko naman kayo pinalaki nang mayabang,
kaya hinawaan na ako ng galit,
'Ang yabang mo!
sarado ang utak mo
sarado ang tainga mo
sarado ang puso mo
mas bingi ka pa sa bingi
at mas bulag ka pa sa bulag

ayaw **** mahushagan kasi ayaw **** masaktan,
ayaw **** masaktan kasi ayaw **** matuto,
hindi ka natututo sa mga kasalanan mo,
kasi akala mo na lahat ng ginagawa mo ay ayos na,
hindi mo pinapansin ang kalagayan ng iba,
na naghihirap sa kakaisip kung sila ba ang dahilan,
kung bakit ka nagkaganyan.

Minahal ka nila,
pero hindi mo tinanggap,
minahal ka nila,
pero tinulak mo sila,
minahal ka nila...
hindi mo ba sila mamahalin?

Lalo silang napalayo sa'yo,
nung kinailangan mo ng tulong,
pamilya at pagmamahal'

Wala na akong narinig na boses,
umalis na siya,
sana lang kinausap niya ang asawa niya.

'Nak, tandaan niyo ang payo ko sa inyong magkakapatid,
na 'wag na 'wag kayong maghihiwalay,
dahil pag ako'y nawala,
sana manatili kayong nakadilat sa katotohanan,
na ang kayabangan ay nakakasira ng isang pamilya.".
Palubog na ang araw, mangungusap na naman ang gabi
Hahanapin ang unan at ang ngiti'y isasantabi
Ang bulaklak ay malalanta, ang saya'y magiging pighati
Paano mararating ang panibago kung palaging nakatali sa "dati"

Dati na ang buhay ay walang kabuluhan
Napakaraming nagawang kasalanan na hindi namalayan at nalalaman
Kasalanan na dulot ay kasamaan, kayabangan, kasinungalingan at pagsuway sa magulang na hindi magawang pagsisihan

Palaging kinukutya at sinasabing walang panibago, kung ano ka, sino ka, magsisiwala't ng buo **** pagkatao
Itinanim na ng mundo ang kasinungalingang ito, na hindi ma mababago pa ang "ikaw" na iyong binuo

Sinundan ka ng anino ng nakaraan
Pilit pinapa-alala ang sugat na dati pang iniiyakan
Tila patuloy pa ring nakagapos sa kadiliman
Paulit-ulit na lang na sugatan at luhaan

Hanggang sa nakakulong na sa rehas ng pag-iisa
Iniwan, sinaktan, hinahanap ang tunay na pag-ibig at pag-asa
'Saan ko matatagpuan? Kailan magtatapos ang sigwa?
Madilim...pero magwawakas na

Dahil nang nakilala kita ng lubusan, ang aking dati mga kasalanan ay buong puso kong pinagsisihan
Ang puso at kalooban ay gumaan kung saan ang dating ako na makasalanan ay hindi na babalik kailanman
Ang dating buhay na puno ng kasalanan ay napalitan ng kalinisan, kapayapaan at kaligtasan

Nagpapasalamat ako sa pag gabay mo na kung minsan sa bawat problema na aking naranasan hinding-hindi mo ako iniwan
Nagpapasalamat ako sa pag gabay mo na kung minsan sa aking buhay ay nawalan ng gana, ganang mabuhay pa ngunit nandiyan ka na nagsabi sa'kin na "Bumangon ka sa iyong pagkadapa."

Ikaw ang nagbigay sa'kin ng napakalaking PAG-ASA
Pag-asa na mas malaki pa kesa sa mga naranasan kong pagsubok at problema
Ikaw ang gabay sa oras ng problema na kasing laki ng barko, ngunit nandiyan ang solusyon mo sagot sa problema na kasing laki ng karagatan na natatanggap ko

Ginabayan mo ako at binago ang taong katulad ko na dati hindi nakikinig sa mga salita mo at ayaw basahin ang mga sulat mo
Ngunit noong binago mo ako, ako ay patuloy na nagpagamit sa'yo
Binuksan mo ang aking isip at puso at isinabuhay ang mga kabutihan na ibinibigay mo sa isang katulad ko
Patuloy na maging instrumento, sa pagbabahagi ng mga salita mo

Kaya kapatid kung ramdam mo na buhat mo ang mundo at dala-dala ang bigat na meron dito
Pangako, kaya niyang buhatin yan para sa'yo

Magtiwala ka sa kanya
Siya ang mag silbing lakas at pag-asa
Siya ang magiging dahilan sa iyong muling pagbangon pag-ahon sa nadamo **** pagkadapa
At tila akala mo imposible ka nang mabuo pa

'Wag kang matakot dahil heto Siya
Handa siyang pulutin ang bawat piraso ng puso **** basag at handang buohin ang puso **** wasak mula sa pagkabagsak

Kung nararamdaman mo na nasasaktan ka sa dinadanas mo dito sa mundo
'Wag kang mangamba dahil yang puso **** puno ng sakit, pasakit at hinanakit ay handa niyang hilumin at akuin para sa'yo

Dahil mas masakit pa ang naramdaman niya kesa sa dinanas mo
Mas masakit pa nang suotin niya ang koronang tinik na walang halong pag-sisisi,
Na buhatin ang krus ng kalbaryo sa ilalim ng tindi ng init at pagpako sa krus, para sa'yo lahat ginawa niya maging pag-ako ng kasalanan na ginagawa mo

Lahat ginawa niya tiniis lahat ng sakit ng walang hinihinging kapalit
Kaya kapatid, lahat ng problema at pagsubok na mayroon dito sa mundo asahan mo di siya mawawala sa tabi mo

Kaya kung hindi ka man tinanggap ng mundo dahil sa iyong nakaraan,
May AMA ka na naghihintay sa'yo at hindi ka babalewalain lang

Kaya AMA sa pag gabay mo sa isang katulad ko
Natagpuan ko ang pagmamahal na walang dulo
Maraming salamat Sa'yo.
032317

Saan ka na?
Mahal mo pa ba ko?
Ano bang nangyari?
Galit ka ba?
May nagawa ba ako?
Nagbago ba?
Wala na ba?

Sa dami kong tanong,
Tila sumuko ka nang magbigay ng kasagutan.
Ang agang nawala yung sabi nating
Sana'y pangmatagalan.

Paalam, pero biglaan
Hindi ko naman inasahan
Na sa ikaapat na pagkakataon
Bibitaw ka, mauuna ka na naman.

Paalam, pero akala ko nagpapalipas ka lang ng sandali
Akala ko kakayanin ko pang maghintay
Sa bawat oras na walang pagkukunwari.
Heto na naman, ba't ba ako yung natatalo palagi?
Ba't palaging luha't sakit na lang sa huli?

Yung "mahal kita" na sabi **** hindi nakakasawa
Ayun, nawala na lang nga ba nang kusa?
Tinanong kita, kung may iba na ba?
Ang sabi mo, magtiwala ako, pero bakit nga ba?
Bakit nga ba nawala ka?
Iniwan mo na ba talaga ako?

Naghintay ako ng paliwanag mo
Pero kahit isang mensahe, may natanggap ba ako?
Isa lang naman yung hinihintay kong sagot,
Pero wala at ba't pag sa akin na'y tila ika'y nababagot?

Tumatakbo na lang akong mag-isa;
wala ka na kahit sa anino man lang.
Hindi ka na nagparamdam pa,
Ganun naman lagi, sana'y kahit paalam na lang.

Iniisip ko sasalubungin mo pa ba ako
Iniisip ko kung may babalikan pa nga ba ako
Meron pa nga ba? Yan ang tanong ko.
Parang lahat nagbago na,
Pati ako, tila limot mo na.

Iniisip ko kung paano yung mga plano natin,
Paano na? Eh balewala na ako sayong paningin.
Makakasama pa ba kita ulit?
Parte pa ba ko ng buhay mo?
O nasabi mo na lang na "tama na."

Pasensya, kasi hindi ko ata kaya
Ilang beses ka na kasing nawala
Ilang beses na kasi akong lumagapak sa kawalan
Bumangon naman ako pero lagi **** binabalikan.

Tinanggap naman kita, nagtiwala naman ako sayo
Pero ba't ngayon nasaan na ba tayo?
Gusto ko nang umuwi at makita ka
Pero wala ka na eh,
Wala na pati yung pagmamahal mo.

Babalik ka ba? May hinihintay ba ako?
Wala ka kasing sagot, kahit ano pang gawin ko.
Gusto kong sabihin sayong, wag mo kong iwan
Na sana manatili ka naman
Na sana kahit ngayon lang naman.

Pero wala, naubos na ako
Wala na akong laban at talo na ako.
Oo, hindi ko tanggap lahat
Oo, ngayon lang to kaya ibabagsak ko na rin lahat
Ibabagsak ko na kasi di ko na kaya
Di ko naman maayos yung puso mo kung wala na talaga
Kulang pa rin yung pagmamahal ko sayo
Kulang pa rin, kaya natalo na naman ako.

Nakakapagod na kasing iyakan ka
Nakakapagod na kasing isiping may "tayo" pa.
Na ikaw na yung pinapangarap ko,
Pero hindi pa rin pala kita maabot.

Hindi naman kita pinakawalan,
Pero ba't mo ko binitawan?
Sana sinabi mo agad
Sana pinaliwanag mo
Kasi di ko maintindihan
Di kita maintindihan.

Pero kung may ibang sana akong hiling:
Kung aalis ka man uli,
Sana'y magpaalam ka man lang
*Sana sabihin mo, *para bumitaw na rin ako.
ESP Nov 2014
Naalala ko noon
Tinanggap mo ako ng buong buo
Sa inyong lahat ikaw lang
Kaya ayokong lumayo

Nagbago ka
Pinilit kong mahalin ulit kita
Kahit alam kong hindi na
ikaw ang dati kong kilala

Akala ko noon, magiging maayos ang lahat
Kung paano mo ako tinanggap noon
magiging ganoon din ngayon
Pero bakit hindi?

Ayoko sa lahat, iniipit ako
Ayoko sa lahat, papatali ako
Ayoko sa lahat, magiging alipin ako
Ayoko sa lahat, pipilitin ako

Gusto kong gawin 'to
Pero bigyan mo ako ng oras
Hindi ikaw ang mundo ko
na laging iikot lang sa'yo

Maraming nagsasabing
hirap na sila sa'yo
Gusto kitang iligtas
Gusto kitang magbago

Bago kita iwan
Sana kahit paano
May magbago
Kahit para na lang sa kanila

Babalik ako
At hinihiling ko
Sana bumalik ka sa dati
Parang noong unang tinanggap mo ako
Salamat marami akong natutunan sa'yo pero hindi ko na kaya.
Andrei Corre Feb 2016
Wala akong alam sa pag-ibig
Ngunit nang ikaw ay nahagip
Alam kong ikaw na 'king iniibig
Binigyan **** katuparan ang panaginip
Na dati'y tinatamasa lamang sa pag-idlip

Wala 'kong alam sa pag-ibig
Bawat hinagpis kong pinunasan ng 'yong palad
Ang mga labi **** nagsilbing liwanag na hubad
At kulay sa buhay kong mapanglaw
Kaya nga sabi sa sarili, ikaw na nga, ikaw

Wala 'kong alam sa pag-ibig
Kaya hinayaan kong mabulag mga mata kong singkit
Na ikaw lang ang tinatanaw, walang pakialam sa sakit
Kahit pa nung araw na hindi ka na lumapit
Mga taghoy ko'y pilit kong iniimpit

Wala 'kong alam sa pag-ibig
Kahit malabo na ang pag-iisip
Pinilit kong takbuhin ang distansya natin
Kahit alam kong walang makukuha ni silip
Sa paghabol sa taong ayaw na sa'kin

Wala 'kong alam sa pag-ibig
Musmos pa nang ika'y humangos sa'kin
Wala 'kong alam sa pag-ibig
Dinamdam ko ang pagtulak mo sa'kin
Wala 'kong alam sa pag-ibig
Tinanggap ko lang mga salita **** hagupit
Wala 'kong alam sa pag-ibig
Tinalo ng luha ko ang ulan ng bagyong mabagsik
Wala 'kong alam sa pag-ibig
Noon ay akala ko ikaw na ang nangyari sa'king pinakamasakit

Wala 'kong alam sa pag-ibig
Pinanood lang kita sa pagtakbo mo
Nabingi lang ako sa mga pangako mo
Marami ring oras ang inaksaya ko sa'yo
At mahaba-haba rin ang nasulat kong 'to

Ngayong natuto na akong tumayo sa mga paa ko,
Ang punto ko lang ay napakawalang hiya mo!
Miru Mcfritz Jan 2019
isang mukhang naka kubli
itinatago ang totoong imahe
isang pagkukunwari kailanman
hindi maitatago ang katotohanan
sa maskara kasinungalingan


minsan masaya
minsan may pagsisisihan ka
minsan masasaktan
pero sa bandang huli
may matututunan ka

ito yung buhay na naranasan
ko sa likod ng maskara
na itinago ko sa paraan hindi ako
tinakasan ang buhay
na totoong nararanasan ko

gumawa ng sariling mundo
na hinango sa imahinasyon
paano pa ba makakatakas
sa aking buhay na binilanggo
ng pag papanggap na hindi ako

minahal nila na akala ay ako to
hinangaan nila akala totoo
marami naniwala na ang nasa
harap nila ay nabuhay
bilang malinis na tao

napag tanto ko na parehas
lamang ang tao napaniwala ko
at ako mismo ay nalinlang
lang din sa kainggitan ko
galing sa taong perpekto
na kinuhanan ko ng pagkatao.

na kahit ako mismo
ay nangarap na sana maging ganon man lang din ako
kahangaan ng iba at tanggapin bilang patas na tao sa mundo

minahal mo lang ba ako dahil
sa itsura ko?
nagustuhan dahil sinabi kong
mayaman at may kotse ako?
tinanggap kasi akala mo
nakahanap ka ng prince charming mo?

pasensya na nagising na rin
naman na ko sa katotohanan
kahit ako mismo ay napagod na
sa pagkukunwaring hindi
naman talaga ako.

kasi nangarap din ako na
tanggapin ako ng buo
di dahilsa istura nakaharap sayo
dahil gusto ko din ng may
taong mamahalin ako
kung sino at ano ba ako

ayoko na. pagod na ako.
dahil inaasahan ko rin naman
na kapag nalaman mo ang totoo
ay iiwan mo lang din naman ako

wala kahit sino mismo
ang makakaunawa sa taong
gumamit at napilitan
itago ang buhay sa isang maskara

dahil sa bandang huli
ako mismo parin naman
ang masasaktan dahil
umasa ako na matatanggap ang isang tulad ko sa lipunan
Sa pagdating **** napabalita
Unang sulyap palang namangha na

Gayak na sinauna
Sa paningin mahalina
Musikang kaytanda na
Sa pandinig mahiwaga

Mahalaga ang gabi
Simula ng pagsaksi
Kwento kong inabangan
Hatid niyang kasaysayan

Sa aking talambuhay
Gabing iyon may saysay
Nasa pagtitipon
Mga kaklase noon

Kapitbahay inuman
Masaya ang kwentuhan
Subalit ako’y saglit
Umuwi sa malapit

Iyon ay dahil batid ko
Simula na ng kwento
Ng kanyang unang yugto
Gabing Trenta ng Mayo

Mula nang araw na ‘yon
Pagsubaybay tradisyon
Naging makabuluhan
Likhang pampanitikan

Subalit ‘di naglaon
Nawalan telebisyon
‘Di hadlang gayunpaman
Sa radyo’y pinakinggan

Mula pagkabinukot
Hanggang aliping tulot
Babaylang naging ****
Mandirigmang pinuno

Nilupig at nanlupig
Inusig at nang-usig
Natulig at nanulig
Inibig at umibig

Nagtago at naglakbay
Namatay at nabuhay
Tinanggap at nagpanggap
Naghirap at nilingap

Sakay ng karakoa
Tinungo ibang banwa
Naghanda sa pagbalik
Upang ganti’y ihalik

Sa mabagsik na raha
Na pumatay sa ama
Sa pinunong baluktot
At sa harang nanalot

Mangubat at Angaway
Mga rahang kaaway
Lamitan na ninanay
Nais siyang maging bangkay

Sa kahuli-hulihan
Lahat sila’y talunan
Sa babae ng tagna
Walang iba – Amaya

Salamat, umalagad
Maging hanggang sa sulad
Salamat, kapanalig
Laban sa manlulupig

Salamat, Uray Hilway
Mga tinuran gabay
Salamat kay Bagani
Pag-ibig nanatili

Salamat sa Banal na Laon
Diyos ng mga ninuno noon
Kina Amaya’y panginoon
Tagapagpala ng kanilang nayon

Ang dulo ng epikong kapapanaw
Akala’y ‘di na matatanaw
Salamat sa unang Christmas bonus
May TV na bago taon ay matapos

Mahalaga rin ang gabi
Katapusan ng pagsaksi
Huling yugtong tinunghayan
Ang kamatayan ni Lamitan

Sa aking talambuhay
Gabing iyon rin ay may saysay
Nasa huling burol at lamayan
Bago at matapos subaybayan

Iyon ay kakaibang alaala ko
Sa katapusan ng kwento
Ng kanyang huling yugto
Biyernes – Trese ng Enero

Nagbrown-out pa nga
Habang oras ng balita
Buti nalang at umilaw
Sa tuwa ako’y napahiyaw

Sa pagtunog ng huling musika
At paggalaw ng katapusang eksena
Bukas TV at radyo
Sa makasaysayang mga tagpo

Ngayong gabi ng paglikha
Ng tulang handog sa programa
Unang gabing kapani-panibago
Dahil wala na sa ere ang paborito ko

Subalit ang Alaala ni Amaya
Mga gayak, musika, tauhan at kultura
Mga aral, tinuran, inspirasyon at ideya
Mananatiling buhay sa aking diwa!

-01/16-17/2012
(Dumarao)
*missing my favorite program
My Poem No. 93
AtMidCode Nov 2017
Tinanong ako ni Annah
Kung maayos na tayo
Ang sabi ko
Ayon, normal naman.

Normal
Kelan pa tayo nauwi sa normal nalang?
Ah. Naaalala ko na.

Nagsimula tayong maging normal
Nang isang araw hindi mo ko matingnan sa mata
Ni hindi mo ko makausap kung hindi ka titingin sa baba
At kapag naman kailangang ikaw
Ang unang magsisimula ng usapan
Dinaig pa ng kapal ng usok sa kalakhang Maynila
Ang nakaiilang na atmospera
Sa pagitan nating dalawa.

Nagsimula tayong maging normal
Nang hindi na tayo nagsasabay umuwi sa hapon
Nang simulan **** isipin na ayos lang na umuwi nang walang paalam
May kasabay ka kasing iba.

Nagsimula tayong maging normal
Nang nahihirapan na kong
Magsimula ng usapan sa pagitan nating dalawa
Sa kung paanong sinasalamin ng Messenger sa pamamagitan ng ellipses
Ang mga katagang nais ko sayang itanong sa iyo
Ay sandali, online naman si Annah, siya nalang ang tatanungin ko
(Pwede kaya kong sumabay sa kanya?)
Wag na nga. Alam ko naman ang patungo doon.

Nagsimula tayong maging normal
Nang tanungin mo ang kagrupo natin sa kung ano ang gagawin
Gayong ako na kagrupo mo rin ang nasa iyong harapan
Pumunta ka pa talaga sa kanya
Ganyan ka kailang?

Normal naman sa atin ang hindi mag-usap nang madalas, hindi ba?
Normal lang naman kung makakalimutan **** may katulad ko
Na bukas palad na tinanggap ka
Noong mga panahong durog na durog ka na, hindi ba?
At bahagi din ng pagiging normal natin
Kung mas pipiliin **** burahin nalang ang mga nakaraan natin, hindi ba?

Nilalamon ka ng kalungkutan. Nasasaktan.
At isa akong napawalang kwentang kaibigan
Kasi hindi kita napatahan
Sa mga panahong tahimik **** isinisigaw
Ang mga bagay na sa tingin mo ay walang makauunawa
Wala akong karapatang masaktan
Kasi hindi ako naglakas-loob na tanungin
Kung anu-ano ang mga bumabagabag sayo
Hindi ko dapat indahin ang sakit ng pang-iiwan mo sa akin
Gayong para na rin kitang iniwan
Nang hayaan kitang unti-unting kumalas sa pagkakaibigan natin
Wala akong karapatang manumbat
Kasi hindi ko man lang sinubukang tanungin
Kung ano nang nangyayari sa iyo
Kaya mo pa ba?
At hinding hindi ko rin aangkinin
Ang karapatang sa una'y wala na sa akin
Na maging sandalan mo
Sapagkat hindi ko man lang nasabi
Na ayos lang na ikaw ay humugot ng lakas sa akin
Ayaw mo, oo
Kasi sa tingin mo pabigat
Ayaw mo, oo
Kasi sanay ka na sa demonyong kalungkutan
Na paulit-ulit lumalamon sayo
Minsan nawawala, ngunit laging bumabalik

Pagbalik-baliktarin ko man ang sitwasyon
Hindi lang ikaw ang nang-iwan
Iniwan din kita
Iniwan kita
Patawad
Patawad
Pakiusap, patawarin mo ko.

Madaling makalimutan ang mga magagandang bagay
Ngunit mahirap iwaksi mula sa makulit na isipan
Ang idinadaing ng pusong nasugatan at patuloy na nahihirapan

Kaya bilang pakunswelo sa tulad kong nagmahal sayo
Iniisip ko na lamang na isa ako sa mga magagandang bagay sa buhay mo
Kaya madali mo 'kong nakalimutan.

Huli kong bulong sa sarili
'Ayos lang 'yan. Makakausad ka rin. Magtiwala ka.'

Uusad at uusad ka rin.

Kaibigan, patawad ulit.
Ceryn Sep 2019
Pag-ibig ang naging sanhi
Ng mga luhang dala ng sakit
At pagkawasak ng pusong
Matagal na iningatan,
Sa isang iglap ay muling nasaktan.

Pag-ibig ang naging dahilan
Ng labis na pangamba ng pusong luhaan
Kung kaya't inakalang 'di na magmamahal
Ngunit muli ay aking napatunayan
Pag-ibig muli ang nagbigay-daan.

Pag-ibig, hinanap ko kahit saan
Tiwala, ibinigay ngunit hindi man lang nasuklian
Hindi mawari kung bakit lagi na lang
Ang sabi nila'y pag-ibig ang sagot sa pusong nalulumbay
Pero bakit di masumpungan, ano ba ang aking taglay?

Pag-ibig na hindi ko naisip na darating pa
Isang araw ng ika'y aking makilala
Pinilit kong ipinid ang pusong takot na
Nagmatigas man ang puso, pero sa hindi inaakala
Isip na ang nagpasya na pagbigyan pa
Pag-ibig, hindi ko alam na nariyan ka na pala.

Alam kong mahirap hulihin ang puso
Lalo pa't ito'y nababalot na ng galit at takot
Ngunit hindi mo pinansin ang lahat ng ito
Ipinagpatuloy pa rin dahil mukhang alam na alam mo
Na ikaw ay para sa'kin, at ako'y para sa'yo.

Natakot akong mahalin ka dahil ilang beses nang lumuha
At nangako sa sarili na hindi na ito mauulit pa
Ang muli pang masaktan ay 'di na makakaya
Ngunit ang sabi mo nga ay ibang iba ka
Kung kaya't pinagbigyan ang iyong pusong umaasa.

Tinanggap ko ang pag-ibig na iyong inialay
Hinayaan kong ang ating mga damdami'y magkapalagay
Binuksang muli ang puso kahit alam kong may takot pa
Pinili kong papasukin ka dahil aking nakita
Sa iyong mga mata ay may pagtingin na kakaiba.

Pag-ibig, hindi ko alam kung kailan ako naging handa
Pero para sa iyo, nagpasya akong muling maging malaya
Mula sa mapait na nakaraan na siyang bumalakid
Ngayo'y natagpuan ka, at muli kong nabatid
Kung paanong maging masaya sa piling ng isang tunay na umiibig.

Salamat, dahil nariyan ka na.
Salamat, dahil sinagip mo ang pusong wasak na wasak na.
Salamat, dahil muli kong nadama ang tunay na pagmamahal.
Salamat, dahil naramdaman kong ako'y mahalaga pa.
Salamat, dahil natuklasan kong maaari pa akong lumigaya.

Pag-ibig, kaya na kitang ibigay muli
Sa isang espesyal na tao na sa aki'y muling nagpangiti
Pag-ibig na buo, tapat, wagas at dalisay
Isusukli sa pusong nagmamahal sa akin ng tunay
Hindi magdadalawang-isip na ibigay ang buong puso
Sa taong minahal at tinanggap kung sino ako.

Pag-ibig, kaysarap **** madama
Lalo pa't ramdam kong ayaw ko nang umibig pa sa iba
Natagpuan na ang taong nais kong makasama
Hanggang sa pinakahuli kong hininga
Na hiram sa Diyos na sa atin ay  lumikha.

Tayo ang laman ng kwento ng Maykapal
Pinagtagpo upang maging patunay na may totoong pagmamahal
Pinaranas man sa atin noon ang sakit na dulot ng pag-ibig
Ang nakaraan ay hindi na muling manunumbalik
Dahil sa isa't isa, pag-ibig lang ang mamumutawi.

Pag-ibig, ikaw, ako at ang Diyos
Sa atin iikot ang kwento hanggang matapos
Sa piling ng Maykapal, kamay ko'y hawakan lang
Hindi ako bibitaw hanggang sa dulo ng walang hanggan
Sa'yo lang ang pag-ibig ko, sa'yo lang, aking mahal.
Gusto ko simulan ang tulang ito sa tanong na "kamusta kana?"
Kamusta na ang taong minahal ko ng sobra pa sa sobra
Naging malungkot kaba nung ako'y nawala?
O naging masaya dahil wala na ako sa tabi mo sinta

Nagbabaliktanaw ako sa mga ala-ala noon na ating binuo
Naging masaya naman tayo
Kaya di ko alam anong dahilan mo para mag bago
Para masaktan mo ako ng ganito
Para iparamdam mo sa'kin na hindi ako kawalan mo
Para ipamukha mo sa'kin na wala na talagang TAYO
At ngayon napaisip ako kaya ka pala nagbago kasi may bago na palang nagpapatibok ng puso mo

Di ko mapigilan hindi magalit
Di ko mapigilan na hidi masaktan
Di ko mapigilan na lumuha hanggat gabi patungong umaga
Di ko mapigilan na tanggapin na ako nalang yung naiwang tanga
Tanga na umaasa na magkabalikan pa tayong dalawa
Umaasa at nagmamakaawa "Pakiusap mahal, usap tayo. Ayusin natin to"
Pero sarili ko lang pala ang niloloko ko
Kasi nakikita na kitang palayo at hindi na maaabot
Nakikita na kitang naglalakad kasama siya habang puso ko'y kumikirot

Kaya sa huling pagkakataon
Binalikan ko ang dati nating tagpuan
Nagbabasakali na ikaw ay madatnan
Pero namulat ako sa realidad na may mga bagay palang di na pwede maging katotohanan
Kaya heto nagbaliktanaw nalang ako sa mga magandang ala-ala na akin paring hinahawakan
Kasabay ng pag-agos ng alon ay ang pag-agos ng luhang nagasasabing kailangan ko na 'tong bitawan

Kaya ngayon tatahak nalang ako ng ibang landas
Maglalakad ako, pilitin na ang mga nangyari sa'ting dalawa ay maya-maya ay kukupas
Maglalakad ako, habang wala ka na sa tabi ko, yung taong minahal ko ng wagas
Maglalakad ako, maglalakad ako
Pero  lilingon parin ako at makikita ko ang iyong mga bakas
Bakas na patunay na ikaw ay naging totoo
At hindi panaginip na nilikha ng imahinasyon ko
Na merong ikaw na pansamantalang minahal ako
Merong ikaw na minsan ay ginawa kong mundo
Merong ikaw na tinanggap ng buong-buo at
Merong ako na sinubukang lumaban pero sa huli meron paring ikaw na bumitaw nalang ng bigla-biglaan

Hanggang ngayon naglalakad parin ako dala-dala ang katangang "Pinagtagpo pero di tinadhana"
Yan nga siguro kasi ang kwento nating dalawa
Ang mga landas natin na wari'y nagkita,
Ngunit hindi inalaan para magkasama.
Maglalakad ako, hanggang sa malimutan na kita mahal ko
Crissel Famorcan Dec 2017
Tournament.
Diyan unang nagtagpo ang ating mga landas,
Ilang taon pabalik noon, at medyo matagal na rin ang lumipas
Oo, aaminin ko agad kitang natipuhan
At nabighani ako sa taglay **** kagandahan
Kaya nga pinangarap kong ika'y maging akin
At umasa akong pareho tayo ng damdamin
Pero Mali pala ako ng akala
Mali ako ng hinala
Pagkat minsan,isang araw
Sa condo ng iyong kaibigan ako'y pinadalaw
At nagulat ako sa aking nadatnan
"Set-up" pala yun! Ba't di ko naramdaman?
Simula nun di na kita kinausap
Kaya nga tila natupad Ang munti Kong pangarap
Nang minsan mo akong yayaing magtanghalian
Na siyang naging simula ng ating pag-iibigan.
Pag-iibigang Perpekto at makulay,
Hinahanap ng marami—isang pag-ibig na tunay
Pero sa isang pagkakamali ay biglang nawala
Sa mundong ito'y naglaho na tila isang bula
Oo! Kasalanan ko ang lahat !
Dahil sa iyo mahal ay hindi ako naging tapat
Patawad.
Yan Ang tangi Kong nasambit noon sayo
At salamat sa Diyos dahil tinanggap mo pa ako
Kaya't pinilit Kong maayos Ang nasira nating relasyon
Dahil Ang lokohin ka ay di ko naman intensiyon
Mahal kita! Dalhin man ako sa ibang daymensiyon
Pero di ko inaasahan— bigla kang nagbago,
Mas naging mahigpit Ang iyong pakikitungo
Umabot tayo sa puntong tila ako'y nasasakal
—puso mo'y nagdududa sa aking pagmamahal
Pakiramdam ko,  ako'y nakakadena
Pagkat Bawal Ang lahat, para akong nasa selda
Isang preso ng pag - ibig, kamay mo Ang nagsilbing rehas
Lumipas Ang isang taon— ganoon pa rin Ang dinaranas
Ako'y nag -isip-isip at ninais magpahinga
Kaya't ako'y umalis sa kanlungan mo sinta!
Hinanap Ang sarili sa kalayaan Kong natamo
Ngunit kinalaunan, akin ding napagtanto
Hindi ko kayang mabuhay kung wala ka
Malungkot ang buhay at ayokong mag-isa
Lumipas Ang araw,babalikan ka na sana
Ngunit sadyang mapaglaro Ang tadhana
Pagkat sa aking muling pagbabalik, meron ka nang iba!
Nanlumo ako at mundo'y bumagsak
Puso ko'y nadurog at nahulog sa lusak!
Sa mata Kong may hinagpis, luha ay dumanak—
Mahal! Paano na Ang bawat nating balak?
Itatapon mo lang ba iyong sa gitna ng kawalan?
At hahayaan mo akong mawala sa dagat ng kalungkutan?
Alam Kong kasalanan ko na naman ito!
Pero di ba't kagagawan mo rin 'to?
Mahal bakit ako lang Ang nagdurusa?
Bakit tila ika'y walang pakialam at hanggang ngayon ay nagsasaya?
Ganito mo lang ba tatapusin Ang ating kuwento?
O baka isa lang itong bangungot sa pagtulog ko?
Mahal pakiusap, gisingin mo ako!
Sige! Magbibilang ako!
Isa,Dalawa,Tatlo!
Teka— kulang pa yata Ang  numero,
Magbibilang ako ulit para sa iyo
Isa,Dalawa,Tatlo!
Bakit wala ka pa rin?
At sa piling niya'y nariyan ka pa din?
Mahal Hindi na ba talaga natin 'to aayusin?
Itatapon nalang Ang lahat ng pinagsamahan natin?
Pero sige! Dahil mahal kita,
Pagbibigyan ko ang nais mo sinta!
Alam Kong sa puso mo'y may iba nang nagpapasaya
At may iba nang nagpapangiti sa maganda **** mata
Kaya sige! Hahayaan kita sa kanya
Alam kong sa kanya ka sasaya
Sa kanya ka liligaya.
Pero—mahal, iyo sanang tandaan
Oras na ika'y masaktan,
Nandito lang ako para sa iyo,
Kahit na Hindi ako yung pinili ng puso mo,
Ang bisig ko'y naghihintay na maging kanlungan mo.
ESP Nov 2014
'Di ako titigil sa'yo
Pero 'di ibig sabihin
ipagpupumilit ko
Mahal kita

Kaibigan lang ang turing mo
Eh ano?
Hindi ako titigil sa'yo
Mahal kita

Maraming pwedeng mangyari
Nag-aantay lang ako
Hanggang sa mabago ang
mahal kita

Sabi mo walang mababago
'Yun din ang sinabi ko
Pero maraming nagbago
Ikinalungkot ko

Mahal kita, sabi ko
Tinanggap mo ng buong buo
Pero nalulungkot ka na gan'un
Ako rin, nalulungkot

Ipagpapatuloy ko 'to
Sabi ko naman sa'yo
Masaya ako sa desisyon ko
Mahal kita
cherry blossom Aug 2017
nakita mo ako noon na umiiyak
may nakawala na naman sa higpit ng aking paghawak
hinawakan mo ako noon sa balikat
nakita mo sa mga mata ko
wasak ang mundong kinatatayuan ko
ginawa **** dahilan ang pangyayaring 'yon
para bigyan ako ng pangalan sa buhay mo

Kinupkop mo ako.

pinasilong sa iyong payong
pinayungan mo ako nang akala **** naiiba ako
hinagkan mo ako
pinangalanang "tapat"
tinanggap ko ang alok **** payong
nananabik sa pagtanggap
pagtanggap
isang bagay na pinagkait ng mga kamay na nakawala

Nananabik ako.

kinilala mo ako
binasa na parang librong daladala mo araw araw
naging interesado sa kada buklat ng pahina

Naiintindihan mo na.

lubos ang saya nang makita kitang nagbabasa pa
nananabik akong matapos mo
kilalanin mo ako ng buo
itago sa kung saang lugar na wala nang makakaabot
bigyan mo ako ng rason.

ayan na, malapit ka na sa kabanata
kung saan bumitaw sila
tatlong pahina na, magtiyaga ka sana
dalawang pahina na lang, huminga ng malalim
isang pahina---

saglit, bakit hindi mo pa binubuklat sa huling pahina?

"magpapahinga muna", yan ang sinabi mo
ayos, para may lakas ka para harapin ang kabanata ko

Maghihintay ako
at naghihintay pa rin ako
nakatunganga ako sa labas ng kawalan
hinihintay ang pagbabalik mo
ilang beses ka nang nagpalakad lakad sa harap ko
hindi mo ba ako nakikita?
hindi ka na bumalik
hindi mo na sinubukang bumalik

wala ka pa nga sa kadiliman ko
hindi mo na kinaya ang kwento ko
at muli kitang nasilayan, tumingin nang walang pagsisisi
08/10/17
Para kay
Eugene Jan 2016
Gusto mo siya?
Mahal mo siya?
Gusto ka ba niya?
Mahal ka ba niya?


Binigyan mo ng bulaklak.
Tinanggap ba niya?
Sinamahan mo ng tsokolate,
Nginitian ka ba niya?


Nangako kang maging mabait.
Narinig mo ba ang sagot niya?
Kinalimutan mo ang maging malupit.
Pinagmukha ka pang tanga.


Sinukuan ka na niya.
Iniiwan sa tuwing ika'y makikipagkita.
Nabasa ka na ng ulan sa kalsada,
Hanggang saan mo kayang umasa?


Tigilan mo na siya.
Ibaling mo ang pagtingin sa iba.
Mas masasaktan ka,
Kapag nalaman **** may mahal na siyang iba.
Eugene Jan 2016
Mayroon akong kwento,
Sana ay mabasa ninyo.
Tungkol sa isang bobo,
Na minahal ang matalino.


Makurba ang katawan ni Matalino.
Mapungay naman ang mata ni Bobo.
Kabaitan ang ipinapakita ni Bobo.
Kamalditahan naman ang kay Matalino.

Isang araw sa may parke, nagkita ang dalawa.
Bumili ng minatamis si Bobo at ibinigay kay Matalino.
Pero hindi ito tinanggap dahil si Bobo ay hindi tao.
Sa halip na mainis, si Bobo ay ngumiti sa kanya.


Iniiwasan siya ni Matalino pero ayaw ni Bobo.
Mistulang kabute ito't lulubog-lilitaw.
Gusto niyang mahalin siya ni Matalino.
Kahit masunog pa ang balat ni Haring Araw.


Lumipas pa ang ilang linggo, buwan at taon,
Sumuko na si Matalino kay Bobong makulit.
Binigyan ng pag-asa ang pagsisikap niya hanggang ngayon,
Dahil alam niyang wala itong hihilinging anumang kapalit.



Hindi naglaon at sila'y naging kasintahan.
Ipinagmalaki si Matalino, siya'y kinaiinggitan.
Abot na niya ang langit sa kanyang harapan,
Pagka't napasagot niya ang Diyosa ng Kagandahan.
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan,

Sapagkat hindi ko makalimutan ang mga pinagdaanan,

Palimos naman ng pagtingin mo,

Bigyan mo ako kahit na kapiraso.

Ni minsa'y hindi mo tinanong kung ano ang lagay ko,
Pagkaing mga niluto mo ay hindi mo hinahain sa harap ko,

Lumaki akong may hinanakit sa buong mundo,

Kung tutuusin, itong lahat ay kasalanan mo.

Kung minahal mo lang sana ako at tinanggap,

Hindi ka na sana nahihirapang magpanggap,

Sa ibang tao kapag ika'y nakaharap,

Walang bakas ng kahit na anong pangyayaring masaklap.

Ang tanong ko palagi'y bakit binuhay mo pa ako?
Gayong palagi mo namang ipinadarama na hindi mo ako ginusto,

Kahit anong galing, kahit na anong pagbida ang gawin,

Pipikit ka upang hindi mo ako mapansin.

Hindi mauubos ang aking mga bakit,

Dahil sa kabila ng lahat ay mahal kita kahit na anong sakit,

Sa aki'y ipukol mo ang lahat ng iyong galit,

Sasaluhin ko ang hinaing sa mundo **** mapait.
Claudee Aug 2015
Isang taon na mula
Noong una kitang makita...

Noong pinili ka ng aking
Paningin kahit na sa
Totoo lang, marami kayong
Naka-itim na pantaas.

Noong naisip kong
Handa na, pwede na ulit
Akong mabaliw sa saya
Diba, parang tanga lang?

Noong naisip kong
May gaganda pa pala sa
Paborito kong pelikula.
Hay, ang mga matang iyan.

Pero, mayroon akong mga nalimutan.

Sana nakita ko rin
Sa araw na iyon lahat
Ng di ko pa makita o
Mga iniwasang makita.

Sana nakita kong
Di na naman ako mag-iingat
Tapos saka mahuhulog
Nang tuluyan.

Sana naisip kong
May mga damdaming
Marinig man, ay hindi
Nabibigyang kasagutan.

Sana tinanggap ko agad
Na maaaring ang mga
Kaibigang tulad ko,
Kaibigan lang talaga.

Wala namang kahit
Isang dahilan noong
Magustuhan kita. Kaso naman,
Andami palang rason
Para mas mahalin ka.

Kaya ayun, isang taon na.
Isang taon na palang
Pangarap kita.
Salamat pa rin, August 18 of 2014.
Parang ako yung nag-aabang sa kanto
Yung ang tagal makasakay
Yung umulan, umaraw makapaghihintay
Yung kahit naiinitan na, mag-aabang pa rin.

Aasa pa ba ako sa muli **** pagdating?
Pano pag dumaan ka’t hindi pala nakatingin?
Pano pag bumalik ka pero may sakay na pala?

Kaya nga ayoko ng laro
Minsan madaya kasi
Seryoso na, pero ba’t nakikipagbiro pa?

Hindi laruan ang puso
Na pwede may mag “Time First”
Pag na-checkmate na ang isa.

Pilit ko mang ikubli sayo
Pero sana hindi na lang
Tinanggap ang hamon
Ang hirap pala mag-move on
Tutulak ka nga
Pero may pasan pa rin.

Walang pasintabi,
Katapusan na pala.

May nabibigo pala talaga sa laban
Hindi man lubos na maintindihan
May istratehiya pala
Pero sa bawat laban, bawat laro
May sasalo pa rin pala sa bawat kabiguan.

Titingin pa rin sa Kalangitan
Titiklupin ng Hari ng Sanlibutan
Ang pahinang walang saysay
May maisusulat pa rin pala
Kahit sa pusong naging sugatan.

Ang Amang may Likha, nagbigay-pag-asa
Patuloy na iibig nang tunay
Pagkat simula pa lang nang pagsagwan
Hindi ko alam kung kailan hihinto
**Pero alam kong may mararating ito.
AgerMCab Dec 2018
Sa Isang Pitik ng Daliri
Lahat ay para bang binawi
Ang haliging pilit binuo
Ng tapang, tibay at tipuno
Sa paniwalang angking tatag
Kahit kay kupido di natinag

Sa isang pitik ng daliri
Sa puso ko ikaw na'ng naghari
Napuno na ng agam agam
Aking isip at pakiramdam
Sa utak ko'y hindi maaari
Ngunit puso! Ano ang nagyari?

O tadhana labis namang nagbiro
Damdaming  ito nais nang isuko
Ngunit ngiti mo lang kahit palihim
Labis nang pasalamat ng taimtim
Bawat sulyap mo'y may bahid ng langit
Naway sa sunod yakap mo'ng makamit

Sa isang iglap ng orasan
Ganap ngang d ko inasahan
Tinanggap mo aking pag ibig
Puso't isip walang maikabig
Laman ka ng aking panaginip
Sagot ka sa aking pagkainip

Sa isang pitik ng daliri
Panaginip...naging kakampi
Panaginip ang tanging paraan
Masilayan lang iyong daanan
Sa panaginip, aking hiling
Makasama ka sa aking piling
psyche Mar 2016
Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo
tatangggapin mo pa ba?
Ako?
oo.
tanga lang eh noh?
oh tapos tatawa tawa ka?
Kung sabagay…
Hindi kita masisissi.
Hindi naman ikaw ang minsang lumigaya
Sa ibabaw ng alapaap
Sa yakap na mahigpit
Sa kamay na minsang nakatagpo ng
Palad
Palad na handang dumamay
Palad na handang umakay sa matarik na bundok
Binuo ng mga daliring handang takpan
Ang minsang mga matang walang humpay na lumuha sa pait na
Dulot ng mapanghusgag tingin ng mundo
hindi.. hindi kita masisisi
dahil hindi naman ikaw nag nakadama
ng matamis na lasa sa pagbigkas ng mga katagang
ikaw.. ikaw lang.. ang mahal ko.
Hindi. Hindi mo narinig ang bawat ngiting
Ipininta ng bawat tawang ibingay
Sa mga simpleng kantang inialay.
hindi.. hindi mo nasaksihan nung araw na ipinaglaban
nya ang pagmamahalang tanging mahalagang bagay na meron ako at sya noon.
Hindi.. hindi mo naramdaman ang lambot ng kasiguraduhang
Matutulog kang nakangiti dahil sya ang katabi mo
At gigising kang may ngiti pa rin dahil panatag ka
Panatag kang sa bisig nya parin nakahimlay.
Hindi.. hind kita masisisi
Dahil hindi mo ramdam
Ang kirot na humiwa dito..
Nung araw na sinabi nyang
“Ayokona”
Ayokona?
Walang eksplenasyon ni walang pasubali
Nabura lahat! Natabunan ng mga tanong hanggang sa naging panghihinayang at poot at
Sinabi kong tama na
Tama ka nga siguro
Ayaw mo na..
Lahat yan tinanggap ko, pilit ipinilit sa isipang
Wala na. tapos na. ending na.

Tapos
Isang araw
Bigla syang kumatok, sabi
“sorry”
Tanginamo. Para san pa?
Ako pa rin daw..
ako parin daw.

Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo
tatanggapin mo pa ba?
Ako?
oo.

pero di gaya ng dati
hindi
na
ako
tanga.
Hindi na...
VJ BRIONES Jul 2017
sa pagbukas ng aking mga mata
ikaw agad ang gusto kong makita
sa umaga na gustong lunurin ng saya
lunurin ng ikaw
hinahanap ang nawalang "ikaw"
nasaan ang "ikaw"
nasaan kaba?
kagabi lang katabi ka
pero ngayon wala kana
anung kalokohan to'?
umupo ako
at iniisip na ikaw ay
umalis ng hindi nagpapaalam
ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?


gumawa ako ng mainit na tsokolate
na paborito natin inumin parati
walang emosyon ang aking nararamdaman
ang maliit na butas sa aking puso, na tinutusok ng kalungkutan
ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?


sa pagbukas ng pinto ng ating aparador
naisip ko na baka nagtago kalang para ako'y iyong gulatin
handa sa kaba ng iyong hindi pag-alis
sa aking pagbukas
hinahanp kita
hindi moko ginulat
bakit hindi mo ako ginulat?
hindi ka nagtago
nasaan kaba?
sinara ko ulit ang pintuan ng aparador
niloloko ang sarili na ako'y gugulatin ulit
sa pagbukas ko wala kapadin don
hindi kapa din nagpapakita
nakita kong nakasabit ang damit mo
ang iyong amoy
ang mahalimuyak na amoy ng paborito **** pabango
na sana malanghap ko pa
na sana malanghap ko pa ang amoy ng iyong pagdating


nakita na kita
sa letrato nating dalawa
tinitignan ang ating mga imahe
tinitignan ang ating mga ala-ala
binabalikan kung anung meron pa
takot bumitaw sa tadhanang biglang umayaw
mga letratong tayo ay masaya
tayo ay magkasama
tayo na punong puno ng tawa
nakita ko ang letrato na paborito nating dlawa
pero ikaw hindi parin kita makita
makikita pa kaya kita?


hinanap kita
nilibot ko ang bawat sulok
pinuntahan ang dating tagpuan
sinilip ang dilim ng kalungkutan
binukas ang posibleng pinagtaguan
hinahanap ka saan-saan
tinanong ang mga tao sa lansangan
hindi parin kita makita
saan kaba
tama na ang taguan
magpakita kana
lumabas kana
sige na
labas na
ayoko nang magisa
tinanggap ang katotohanang ikaw ay wala na
na iniwan mokong walang ideya kung nasan ka
saan kaba nagpunta?


kung alam kolang na akoy iiwan mo
edi sana ikinulong kita
kung alam kolang na ikaw ay aalis
edi sana ikinandado nalang kita
sana sumulat ka manlang
o kaya nagiwan ng ideya kung nasaan ka man
habang ako nandito parin
hinihintay ang iyong pagbabalik
nakahiga sa kama
nagpapahinga
katabi ang mga unan
mga basang unan
na nilunod ng luha
at iniisip
ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?
Anonymous Rae Jun 2016
"pasensya na, pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo."
hay, alam ko ng mangyayari 'to.
napangiti nalang at napailing,
ewan ko siguro nasanay na rin.

Nasanay na akong ipagpalit at kalimutan
na parang almusal sa umaga na kailangang ipagpaliban,
dahil huli ka na sa klase at alam **** ito'y mas importante
palaging mas may importante

Pero papano naman ako?

Papaano naman ang mga oras at luhang winaldas ko
para magkaparte o masingit man lang sa puso mo
Oo. Alam kong hindi ako perpekto,
pero hindi ba talaga ako karapat dapat sayo?

Sobrang imposible ba ng tayo?*

Lahat ng sikreto at baho mo, niyakap ko
Mahal, lahat lahat yun tinanggap ko dahil parte 'yon ng pagkatao mo.
Basta, tandaan mo nalang na patuloy ko parin 'yong yayakapin,
Kahit na alam kong hindi ako ang pipiliin.

At alam kong sinabi kong sanay na ako sa ganto,
pero hanggang dito nalang ba talaga yung kapalaran ko?
Kasi sa totoo lang nakakasawa maging kaibigan lang,
Parang ang ang lumalabas kasi

*"wag kang lalapit, pero diyan ka lang."
Awtsu prendzone
jace Jan 2018
Aking minamahal,
Alam kong 'di mo kayang mahalin
Kahit anong dasal
Hindi kita kayang angkinin

Ikwekwento ko
Ang malubha kong storiya
Pusong nagdugo
Sa maling tao umaasa

Malayo ka man
Ika'y palaging hinihintay
Ika'y inaabangan
Sa tagal, ako na ay sinasaway

Nang magkatinginan tayo
Sa isang programang mahaba
Sige, kinilig ako, oo
Ayon ba ay masama?

Tahimik na tao
Ito ang aking nagustuhan
Kahit 'di romantiko
Hindi ko na yan inaasahan

Ang problemang maliit
Ang lutas ay paglayuin tayo
Sa edad ipinilit
Dahil lang mas bata ako sayo

Pero tinanggap ko
Na mas matanda ka sa akin
Kolehiyo naman siguro, no?
Konting hakbang lang mula sa'min

Ginaganahan pumasok
Lalo na kapag institusyonal
Pinipiggil ko ang antok
Para lang makita ka, mahal

At habang umaasa
Nanonood lang sa malayo
"Sana tumingin siya
Sa direksyon kong malabo"

Palaging tumititig
Dahil ikaw ng inspirasyon ko
Ngunit puso ko'y namitig
Nang malaman ika'y ****...
This poem is only for my Filipino peeps to understand. I'm sorry I'm not in the mood to translate it to english. Maybe not today but someday. But this letter basically tells the story of my love for a guy who I though was a college student...but turned out to be a teacher, from the elementary department. So yeah... the reason why I just had to post this is there is a big possibility that I might perform tomorrow morning in front of him <3 <3 <3 Wish me luck guys
Euphrosyne Feb 2020
Kung mapapansin mo
Sa bawat kanta
Bawat himig
Bawat talata ng liriko
Sa bawat musika
Na inaalay sayo
Ikaw ang ibig sabihin,
Ang tayo ang pinapahiwatig,
Ang pagibig ko sayo ay pinapakita
Ito'y simpleng pagpapakita
Kung gano kita kagusto
Kung gano kita kamahal
Kung gano ka kaimportante
Handa akong ibigay lahat
Lahat ng listahan ng matatamis na kanta
Sa kadahilanang hindi ako umaawit
Napapa awit lamang kapag
nakikitang kinikilig ka
Okaya napapangiti ka
Pwede naring napapasabay ka sa awit
Sa awit na gusto kong ipahiwatig
Bawat puso
Bawat ibig sabihin
Bawat gusto kong ipahiwatig
Sana'y hindi magbago
Ang pakikitungo
Dahil marami pa
Marami pa akong
Nakahandang listahan.
Salamat at tinanggap mo
Lahat ng mga kantang inaalay sayo
Huwag magalala ikaw lang
Ang binigyan ko ng mga kantang
Minsan lamang madinig
Ng karamihan.
Ngayon alam mo na siguro kung ano layunin ng pagbigay ko ng mga kanta sayo dahil isa lang ibig sabihin non. Sana pinakinggan mo lahat ng binigay ko at mga pinapatugtog ko.
zee Aug 2019
hindi ba't nagpaalam na sa isa't isa
aking tinanggap kahit 'di alam ang dahilan
kung bakit at paano nagawa; ika'y hinayaan na lang lumisan
nais mang tutulan ngunit ayaw tanggaling ang karapatang piliin ang daan
na iyong napagdesisyunan

naging mahirap sa umpisa—tanggaping
tayong dalawa ay dumating na sa katapusan
at hindi na kailaman pang mababalikan ang nakaraan
parte na lang ako ng mga alaala na kung saan masaya tayo sa piling ng bawat isa; gumawa ng sariling mundo ngunit tulad ng lahat ng kwento, lahat ay nagbago;
nandito na tayo sa huling pahina ng libro

ngunit bakit nandito pa rin yung
sakit?
sa t'wing naaalala kang paminsan-minsan
marahang napapapikit na tila bang ngayon lang naramdaman lahat ng pait;
nasisiraan na ata ako ng bait
naitanong na naman sarili kung bakit
sa puso ko'y ikaw pa rin ang
nakaukit?
Euphrosyne Mar 2020
Sabay nating binili ang pula
Na doon siya namang nagmula
Ng pagkulay ng aking puso't mundo
Noong sinabi nilang couple shirt tayo

Dama ko namang
Sinama mo lang
Kaibigan natin
Para di siya iwan.

Dama ko namang
May nararamdaman
Ang inosenteng puso mo
Na ako namang tinanggap ito

Lubos akong natuwa
Sa kadahilanang inalay mo
Ang puso mo
Sa isang nilalang na katulad ko

Kaya sa araw na pula
Papangitiin ka hanggang mamula mula
Mga pisngi **** kay ganda
Sa tuwing ngingiti ka

Ano ka ba
Bakit mo ito ginagawa sakin
Akoy lalong nahuhulog
Sa tuwing nakikita kang nakangiti

Kaya sa araw na pula
Papangitiin kita lalo
Hanggang pisngi mo'y mamula mula
Kahit hindi ko na sabihin sayo ako'y lalong nabibihag mo.

Kaya puso ko'y kulay pula
Dahil sayo binigyan **** kulay
Ang puso kong dating patay na
Kaya namang nasulat ang tulang pula
Dahil namula narin ang puso kong dati namang hindi kulay pula.
Dahil sayo nagka kulay ang aking mundo. Salamat sayo mahal kong Diane.
kingjay Feb 2019
Itinadhanang magkasintahan
sa bituin walang puwang
Ang kapasyahan ng isa't isa ang
tanging magdudugtong upang
mabuo ang konstelasyon

Kasabay ng pagdiriwang ng
Bagong Taon ng dayuhan
Di magkatulad na kalendaryo
Pebrero ba ang unang buwan?

Unang pagtingin
Pangako na ginagatungan ng tiwala
Panghahawakan kung ano ang pinaniniwalaan
maging ito'y kapalaluan man

Ang simula ng panunuyo,
paghintay ng kasagutan
ay kapara ng bulaklak
na sa unang tubo mahalimuyak

Kung madaliin
dahil sa nagaganyakan
mabilis maupos
ang umaalab na kapusukan

Sapagkat iba ang nabigyan
pagkatapos hiningi
sa mga tinanggap na
pawang biyaya

Ganun din sa mga matiyaga
gaya ng mga langgam
Nagpapakahirap sa init ng araw
at nagdanas ng kabagutan ng panahon
bago nakamit ang kaginhawaan
Eugene Oct 2018
Alaala mo sa Tag-araw

Kay bilis lumipas ang mga araw na nagdaan
at sumapit na naman ang buwan ng tag-araw.
Buwan kung saan ipinangako kong hindi ka iiwan,
Pero, alaala mo sa akin ay hindi ko mabitaw-bitawan.

Kay sakit alalahaning ikaw ang unang nang-iwan,
nang iyong malamang ako ay dukha lamang.
Kay hapdi sa damdamin ang mga katagang iyong binitiwan,
na magpa-hanggang ngayon ay nakamarka pa rin sa aking puso at isipan.

Ipinaintindi ko sa iyo ang aking kinalakihan
na ang buong akala ko ay iyong maiintindihan.
Ipinakita ko sa iyo kung gaano ako kasaya kahit na maralita lamang,
Subalit, pakitang tao lamang pala ang lahat ng ugali mo sa aking harapan.

Tinanggap ko ang galit ng aking magulang pagkat hindi ka nila nagustuhan.
Isinantabi ko ang pangarap ko at sinuportahan ka sa iyong kaligayahan.
Pero bakit kay dali lamang sa iyong ako noon ay pakawalan?
Sinayang mo ang limang taon na ikaw at ako ay nagmahalan.

Ngayon... tag-araw na naman; at dito sa dalampasigan
kung saan sumisikat ang araw sa silangan,
Ay binitawan mo ang mga salitang 'ang mahalin ka ay isang pagkakamaling habambuhay kong pagsisisihan'.
Ako'y iyong tinalikuran, ni hindi man lamang ako nakasagot o nakapagpaalam.

Ibubulong ko na lamang sa hangin ang aking kasagutan
na minahal kita nang buong-buo at tapat na walang pinagsisihan,
Pero kinakailangan na kitang pakawalan sa aking puso at isipan.
Ito na ang huling tag-araw na alalahanin pa kita sa dalampasigan dahil magsisimula na akong bumuo ng mga bagong alaalang wala ka na sa akin magpakailanman.
aL Jan 2019
Ang pagtuyot ng dilang hindi makapagsabi ng ninanais
Saradong bibig sa maghapon habang ang tulala nama'y mga mata

Hawak ang hiram na pagasang kay nipis
Walang nang gustong bumuhay sa natutulog na diwa

Tahimik na nakikipagusap sa sarili
Ngayon lang nagawa marahil sa reyalidad ay takot

Magbulaybulay na walang kasama
Taon ring iniwasan bago tinanggap ang tunay na sagot

Siguro ay una pa lamang ay alam na talaga ang nilalaman ng puso

Pinipilit lang sa pagtanggi at pagisip upang hindi magsisi at makasiguro
More on head than heart

— The End —