Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Isang taon na mula Noong una kitang makita... Noong pinili ka ng aking Paningin kahit na sa Totoo lang, marami kayong Naka-itim na pantaas. Noong naisip kong Handa na, pwede na ulit Akong mabaliw sa saya Diba, parang tanga lang? Noong naisip kong May gaganda pa pala sa Paborito kong pelikula. Hay, ang mga matang iyan. Pero, mayroon akong mga nalimutan. Sana nakita ko rin Sa araw na iyon lahat Ng di ko pa makita o Mga iniwasang makita. Sana nakita kong Di na naman ako mag-iingat Tapos saka mahuhulog Nang tuluyan. Sana naisip kong May mga damdaming Marinig man, ay hindi Nabibigyang kasagutan. Sana tinanggap ko agad Na maaaring ang mga Kaibigang tulad ko, Kaibigan lang talaga. Wala namang kahit Isang dahilan noong Magustuhan kita. Kaso naman, Andami palang rason Para mas mahalin ka. Kaya ayun, isang taon na. Isang taon na palang Pangarap kita.
0
Aug 17, 2015
Aug 17, 2015 at 1:27 PM UTC
Isang Taon

Salamat pa rin, August 18 of 2014.
clau
Written by
Aug 17, 2015
Aug 17, 2015 at 1:27 PM UTC
Request permission to use this poem