Kailan kaya mamumulat ang mga pilipino at iwasan ang pag ka ganid sa salapi
Kailan kaya matutupad ang pangarap kong mahirap mangyari
Sa sarili , bayan , at sa aking mga kababayan na masarap ang tulog sa gabi
Nasan na kaya ang mga kaibigan ko dati na nagbibigay saya palagi?
Puno parin ba nang hinagpis at sakit ang mga puno na puno ng kalungkutan?
Kamusta na kaya ang mga taong hindi na nakaalis sa kalungkutan at patuloy na nahihirapan?
Ang konsensya kong patuloy na gumagambala sa akin tuwing ako'y nagiisa
Hindi ko naman gusto ang mga nangyari , tuloy parin ang paggalaw at hindi paralisa
Bigo man ako sa mga bagay , patuloy parin at sinubukan gumawa ng paraan para makatulong sa bayan
Wala man dumating at magpasaya sa akin , patuloy parin sa pagrespeto sa kapaligiran
Malabo nga bang imulat ang isipan ng aking mga kababayan o nasisilaw lang sila sa kayamanan
Na nanggaling sa kasakiman ng iilang gahaman sa ating bayan
Ang sarap sa pakiramdam mamuhay ng simple at walang ipinaglalaban kundi ang pamilya at minamahal
Mga simoy ng hangin na sariwa at walang teknolohiya na gumugulo sa ating mga isipan kailanman.
Huni ng ibon , magagandang tanawin sa bakuran at paggalang sa nakakatanda na bihira nang mangyari sa kasalukuyan
Ang daming pangarap na mahirap matupad , kapag hindi natupad ang aking mga pangarap hanapin ninyo ako sa lupang aking tinamnan ng puno na aking inukitan,habang lumulutang ang aking katawan na nakatali ang abaka sa aking leeg dala ng kabiguan.