Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tatalon" poems
Natatakot ka kung saan tayo dadalhin. Natatakot ako kung hindi tayo makarating. Hindi tayo makakarating kung hindi ka magpapadala. Hindi tayo madadala kung di tayo makakarating. Nakakatakot mabuhay sa takot, mahal ko. Hawakan mo ang aking kamay, at tatalon na tayo Palayo mula sa takot. Saan man tayo dalhin, kahit hindi makarating.
0
Oct 18, 2016
Oct 18, 2016 at 11:32 AM UTC
Agam-agam
#030317 Oo, totoo -- Hindi mo na kailangang ipagsigawang mahal mo ako, Na aakyat pa sa tuktok ng bundok Para isigaw ang pangalan ko, At doo'y ihayag ang nilalaman Ng damdaming nagsisidhi, Sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan. Mahal kita -- Sabi nila, lahat ng panimula ay may pangwakas Pero hindi ko mahagilap sa anumang libro Kung may katapusan nga ba ang mga salitang yan. Sa bawat letrang namumutawi sa aking bibig, Hindi ko alam kung matatapos ba Ang pagkatha ng puso ng sarili nitong lenggwahe ng "mahal kita" Pagkat hindi ito isang antigong alahas Na susuotin lamang sa mga piling okasyon, Pagkatapos ay itatago sa kahon, At kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon. Sabi sa kanta, "Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga" Pero ang sabi ko nama'y Tirik man ang araw sa pagtawa O kulimlim man ang gabi sa pag-iyak, Hindi ako mauubusan ng dahilan Para mas mahalin ka pa. Mahal, kaya ka pala mahalaga At kaya pala mahalaga -- Ngayon, ngayo'y alam mo na. Kukunin ko ang mga agiw Sayong mga lumang gunita, Pilit kong wawasakin ang mga pader Na hindi akmang pumagitna sa'ting dal'wa. Sa paulit-ulit **** pagsambit, Noo'y natakot akong maglaho ang halaga nito Natakot akong bawiin ng bukas ang bawat sinasambit mo Pero ngayon, mas pinili ko nang masanay -- Masanay sa bawat pagbigkas mo Kahit pa sabi ko noo'y ayoko Kahit pa gusto kong itanggi Kahit pa gusto kong limutin. Pero oo, sapat na sakin ang tiwala mo Sapat na sakin ang pag-intindi mo Minsa'y di ko maintindihan sa telepono, Minsa'y di ko malinaw sa pandinig ko Pero alam ng puso ko: Narinig ko. Sa mga kamaliang pilit nating binabayo, Mga pagkukulang na pilit nating pinupunan, At sa mga araw na kahit luha ang nalalasap, Doon ko nakitang kaya pala -- Kaya pala nating magpatuloy Sa paghawak sa kamay ng bawat isa At kahit pa malayo sa isa't isa'y Ikaw at ikaw pa rin ang pagsinta. Minsan di'y nagtanong ako, Ba't hindi ka na lang naunang masilayan ang mundo? Bakit kailangang hintayin pa kita? Bakit kailangang masaktan muna bago matugunan ang pagmamahal? Ba't nga ba minamahal kita? Mapupuno ako ng bakit Pero itatapon ko ang mga ito, Ayoko nang malunod sa pangambang Paggising ko'y baka muli ka na namang maglaho O baka malimot ng isa sa atin Ang iniingatang "mahal kita" Tatalon ako sa walang kasiguraduhan Tatalon ako -- Oo, alam kong nahuhulog ako Nahuhulog sa walang katapusang "Mahal kita." Hindi ko gamay ang misteryo nito Hindi ko mabatid ang mga nakasulat, Mga nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: Pero ililibot kita, Sa aking nakaraan, Sa aking ngayon At sa aking bukas -- Pagkat hindi tayo nabigo Ayokong biguin ka. Kailanman hindi mabubura, Hindi maglalaho Para sa nag-iisang ikaw. Sana magkusa ang araw sa pagbangon, At bukas makalawa'y maririnig ko na Ang hinihintay kong "Mahal kita."
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 9:46 PM UTC
Walang Tuldok ang "Mahal Kita"

Continue reading...
86
Ngayon... Habang magkahawak ang kamay na tatalon Tayo'y magpapaalam sa panahon Kasabay ng mga alon Ay itataya ang pagkakataon Para sa pag-asang sa muli nating pag-ahon Ay maglalaho na ang ilusyon Imahinasyon.
0
Oct 18, 2017
Oct 18, 2017 at 12:33 AM UTC
Imahinasyon
Sigurado na akong hindi na ako yung batang iyon. Marupok, madaling masaktan at iyakin, pagdating sayo. Hindi na ako yung batang gabi-gabing tumatambay sa may bintana, kahit na pinapapak na ng lamok, nagtyatyaga paring hintayin ang tawag mo, umaasang marinig muli ang boses mo bago matulog. Sigurado na akong hindi na ako yung batang nasasaktan pag sinabi **** ayaw mo na, dahil wala rin naman tayong patutunguhan, hindi na ako yung batang halos tumalon sa tawa pag bigla ka ulit nagparamdam, hindi na ako yung batang hinanahanp ka pag nasasaktan, hindi na ako yung batang gustong magsumbong pag inaaway na ako ng boung mundo yung gustong gustong magsabi na masaya ang araw ko, yung batang malulungkot pag binabalewala mo, hindi na ako yung batang yun. Hindi na ako. Yung batang nangarap na makasama ka, na makasama kang pagmasdan ang kagandahan ng buwan sa gabi na pinilit bilangin ang mga bituin kahit alam nating imposible. Hindi na ako yung batang tinatangay ng bawat pagkanta, yung batang tatalon basta sabihin mo, hindi narin ako yung batang gusto paggising ikaw ang katabi, yung batang simpleng lambing mo lang abot tenga na yung mga ngiti. Hindi na rin ako yung batang palaging hinihintay ang pagsasabi mo ng ‘iloveyou’, kasi sa salitang iyon nakokompleto na ako Hindi na ako yung batang puro pangalan mo lang ang bukambibig o ang libangan ay isipin at panaginipan ka gabi gabi, hindi na ako yung batang nababasa lang ang pangalan mo napapangiti na ako. Hindi na ako yung batang saiyo lang umikot ang mundo, ang batang sinubukang maging kung sino ang pinapangarap mo. Hindi na ako yung batang umasa na sana mahalin mo rin ng totoo. Hindi na ako yung batang iyon. Hindi na po!
0
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 8:06 PM UTC
PONKAN

29
Wala na ang dati ang natira ay pighati mundo ay nahati at naglaho ang buwan Anino ay lumisan humalo sa kadiliman ulan ay tumahan ngunit ‘di ang bagyo Kulog, kidlat, alimpuyo tangay ay laman at dugo mga baling buto lagusan sa hangin Naroon ang dating ngayo'y isang pangitain bilanggo ng salamin magdadalamhati Dahil wala na ang dati Gabi sa panghabang-panahon Aasa sa mga bulong Lalakad, tatalon...
0
Nov 5, 2017
Nov 5, 2017 at 7:35 AM UTC
Wala Na Ang Dati
mahal, piliin mo lang ako sa araw-araw, pangako, wala ka ng dapat alalahanin, hintay ka lang, damhin ang lamig ng hangin, kapit ka lang, sabay tayo tatalon sa bangin, pikit ka lang, magtiwala ka’t hindi ‘to alanganin, ako ng bahala, sapagkat kahit saan man ako mapadpad at makarating pipiliin ko pa din makauwi sayo gabi-gabi.
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 6:18 PM UTC
araw at gabi