"tangina" poems
Miss na miss na kita.
Miss ko na yung baduy na boses mo.
Miss ko na yung ngiti dyan sa labi mo.
Miss ko na yung pangungulit mo, at tangina wala akong magawa.
Kasi wala naman sa lugar diba?
Ano ba meron? Ano ba ang atin?
Pero hindi na ba talaga pwedeng ulitin?
Lahat-lahat ng mga dating gawi natin.
Simula pa man ako na ang naging salarin.
Ako'y tila nahulog sa sarili kong pain.
Habang tumatagal unti-unti akong nadidiin.
May balak ka kaya na ako'y sagipin?
Aug 27, 2015
Aug 27, 2015 at 3:05 PM UTC
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan
Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki
Mga mata **** nakatitig sakin
Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?”
Ang sabi ko’y “wala”
Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?”
Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.”
Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita
Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa
Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko”
Naisip ko na baka kasi lasing ka na
Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.”
Ako din.. Kaya ko pa.
Kaya ko pa….
Alam mo ang hindi ko kaya?
Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko
Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo
Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko
Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko”
Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig mo
“Gusto kita.”
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko
Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong
“Tangina! Tangina! Tangina!”
Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to
Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to
Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo
Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?”
Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.”
Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo
Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko
Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo
Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako
Hindi sa paraang ikakasama mo..
Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa
Ayoko ng umasa..
Pagod na kong umasa..
Napagod nalang akong umasa..
Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko
Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo
At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo
Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin
Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya
Hindi kita kukunin sakanya
Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta
Para matapos lang tong salaysay ko
Magiiwan ako ng mga salita na para sayo
Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw
Gusto ko lang malaman mo 'to
Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko
“Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari
Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko
Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko
Para kong tanga na mabilis masawi
Nakakahiya..
Pero totoo to
“Gusto rin kita”
Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob
Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin
Yung mga titig mo
Yung mga titig mo
Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko
Yung mga haplos **** namimiss ko
Yung mga salitang lumabas sa bibig mo
Yung ikaw
Yung ako
Pero…
Yung akala kong may “tayo”
Bigla ka nalang naglaho..
Bakit?
Anong problema?
Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 12:26 AM UTC
Ayoko na pahabain ang mga sasabihin ko. Dahil ayaw ko narin maalala ang mga tawag ko sayo, mahal,bby,baby,kupal, tangina naalala ko lahat kapag nararamdaman ko ulit yung sakit.
Yung sakit na binigay mo nung iniwan at naghanap ka ng iba.
Yung sakit na pinaramdam mo sakin na merong ikaw at ako yung tayo.
Yung sakit ng pagpaparamdam mo sakin na mahalaga ako.
Yung sakit!
Hapdi
Sakit
Kirot
Hapdi
Sakit
Kirot
Tangina yan lahat ng klaseng sakit na nararamdman ko pag naaaala ko yung anong meron tayo.
Pero naging ano ba talaga kita?
Naging ano mo ba ako?
Nakgkaroon ba ng tayo?
Baka naman ako lang yung nag iisip na merong TAYO.
Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin ko sayong "mahal kita.."
sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi na "mahalaga ka.." at ako naman tong si tanga, tuwang tuwa na hindi pa nalinaw nga na
ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging halaga..
kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili **** kwarto
kabisado kung para saan ang ano, kabisado kung saan nakatago ang alin
kabisado ang mga tinatago **** patalim, silbi, dumi, lihim..patalim, silbi, dumi lihim...
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit
Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal
Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo saken pagmamahal, mahal
Pero hindi ako naniniwala na hanggang dito nalang
Umaasa pa na sana'y pwedeng humakbang
Nasa likod ko ang pader at wala nakong iaatras pa
Dahil ako'y tao lang at ang pag abante ang natitira kong galaw
07/26/16
9:44 am
Tuesday
I wroted this poem during my class in philosophy
Jul 26, 2016
Jul 26, 2016 at 10:20 AM UTC
Umaga
Gigising at babangon
Ni hindi ko man lang
Narinig ang huni ng mga ibon
Umaga
Isusubo ang kakarampot
Na kanin
Na parang di ko nalasahan
Umaga
Na walang kapeng nahigop
Dahil kailangan ko ng
Pumunta roon
Umaga
Na makikita kong
Nakakunot sila
At hindi ko na napapansing
Ako na rin pala
Umaga
Uupo sa silya
Sisimulan ko na
Gusto ko ng matapos na
Tanghali
Parang ayaw ko na
Hindi ko na kaya
Tanghali pa lang pala
Tanghali
Hihigop ng kape
Walang tama
Isa pa
Tanghali
Bakit hindi pa matapos
Ang araw na ito
Wala pa palang kalahati itong
Tinatapos ko
Hapon
Ang saya nila
Anong pinag-uusapan nila?
Pwede bang sumali sa saya?
Hapon
Tangina
Wala na bang katapusan?
Sino ka para sabihan ako
Na tapusin ko na ito?
Gabi
Sa wakas
Malapit na
Kaunting tiis pa
Gabi
Na
Umalis na sila
Ako, nandito pa
Gabi
Ako na lang mag-isa
Pahingi ng tulong
Di ko 'to kaya mag-isa
Gabi
Nagpapasalamat sa langit
Pinatay ang ilaw
Buhay ang diwa
Masaya ang kaluluwa
Gabi
Kay raming tao
Hindi lang pala ako
Marami pala akong kasama
Hindi ako nag-iisa
Gabi
Nang maisip ko
Marami pa pala kaming
Nagpapaalipin
Sa lugar na ito
Sentro kung saan
Ang mga tao
Nagmamadali
Walang pansinan
Walang pakialamanan
Walang buhay
Walang kaluluwa
Gabi
Nang mapagtanto ko
Ayaw ko nito
Kasama nila
Nasaan ang kaligayahan ng puso?
Nasaan ang kalayaan ko?
Nasaan ang kalayaan nila?
May mararating ba?
Sila
Ako
Tayo
Itong tanong na ito
May mararating ba?
Tanong na lang ba talaga?
Gabi
Nang makarating ako
Sa aking lugar pahingahan
Nag-iisip
Natulala...
Umaga.
Apr 29, 2015
Apr 29, 2015 at 10:49 AM UTC
Tinanong ako ni Annah
Kung maayos na tayo
Ang sabi ko
Ayon, normal naman.
Normal
Kelan pa tayo nauwi sa normal nalang?
Ah. Naaalala ko na.
Nagsimula tayong maging normal
Nang isang araw hindi mo ko matingnan sa mata
Ni hindi mo ko makausap kung hindi ka titingin sa baba
At kapag naman kailangang ikaw
Ang unang magsisimula ng usapan
Dinaig pa ng kapal ng usok sa kalakhang Maynila
Ang nakaiilang na atmospera
Sa pagitan nating dalawa.
Nagsimula tayong maging normal
Nang hindi na tayo nagsasabay umuwi sa hapon
Nang simulan **** isipin na ayos lang na umuwi nang walang paalam
May kasabay ka kasing iba.
Nagsimula tayong maging normal
Nang nahihirapan na kong
Magsimula ng usapan sa pagitan nating dalawa
Sa kung paanong sinasalamin ng Messenger sa pamamagitan ng ellipses
Ang mga katagang nais ko sayang itanong sa iyo
Ay sandali, online naman si Annah, siya nalang ang tatanungin ko
(Pwede kaya kong sumabay sa kanya?)
Wag na nga. Alam ko naman ang patungo doon.
Nagsimula tayong maging normal
Nang tanungin mo ang kagrupo natin sa kung ano ang gagawin
Gayong ako na kagrupo mo rin ang nasa iyong harapan
Pumunta ka pa talaga sa kanya
Ganyan ka kailang?
Normal naman sa atin ang hindi mag-usap nang madalas, hindi ba?
Normal lang naman kung makakalimutan **** may katulad ko
Na bukas palad na tinanggap ka
Noong mga panahong durog na durog ka na, hindi ba?
At bahagi din ng pagiging normal natin
Kung mas pipiliin **** burahin nalang ang mga nakaraan natin, hindi ba?
Nilalamon ka ng kalungkutan. Nasasaktan.
At isa akong napawalang kwentang kaibigan
Kasi hindi kita napatahan
Sa mga panahong tahimik **** isinisigaw
Ang mga bagay na sa tingin mo ay walang makauunawa
Wala akong karapatang masaktan
Kasi hindi ako naglakas-loob na tanungin
Kung anu-ano ang mga bumabagabag sayo
Hindi ko dapat indahin ang sakit ng pang-iiwan mo sa akin
Gayong para na rin kitang iniwan
Nang hayaan kitang unti-unting kumalas sa pagkakaibigan natin
Wala akong karapatang manumbat
Kasi hindi ko man lang sinubukang tanungin
Kung ano nang nangyayari sa iyo
Kaya mo pa ba?
At hinding hindi ko rin aangkinin
Ang karapatang sa una'y wala na sa akin
Na maging sandalan mo
Sapagkat hindi ko man lang nasabi
Na ayos lang na ikaw ay humugot ng lakas sa akin
Ayaw mo, oo
Kasi sa tingin mo pabigat
Ayaw mo, oo
Kasi sanay ka na sa demonyong kalungkutan
Na paulit-ulit lumalamon sayo
Minsan nawawala, ngunit laging bumabalik
Pagbalik-baliktarin ko man ang sitwasyon
Hindi lang ikaw ang nang-iwan
Iniwan din kita
Iniwan kita
Patawad
Patawad
Pakiusap, patawarin mo ko.
Madaling makalimutan ang mga magagandang bagay
Ngunit mahirap iwaksi mula sa makulit na isipan
Ang idinadaing ng pusong nasugatan at patuloy na nahihirapan
Kaya bilang pakunswelo sa tulad kong nagmahal sayo
Iniisip ko na lamang na isa ako sa mga magagandang bagay sa buhay mo
Kaya madali mo 'kong nakalimutan.
Huli kong bulong sa sarili
'Ayos lang 'yan. Makakausad ka rin. Magtiwala ka.'
Uusad at uusad ka rin.
Kaibigan, patawad ulit.
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 1:56 AM UTC
Sa dami ng mga trabahong tumambak dahil hindi mo pa nagagawa
Mga papeles na nagpatung-patong na
Yung lamesa **** inaagiw na dahil hindi mo alam kung saan at paano magsisimula.
At mga istoryang di mo pa maisulat dahil nangangapa ka pa.
Isama mo na rin yung katrabaho **** nakakairita na sa tenga.
Dahil crush niya daw si Justin Bieber
At paborito niyang frappe sa Starbucks ay Caramel.
Kahit mukhang ang afford niya lang ay Nescafe “Oo nga pala, French Vanilla” na iniinom ni Toni Gonzaga.
Pero wala siyang pambili ng sarili niyang tumbler.
Tangina.
Idagdag mo pa ang mga patay na oras na sunod-sunod ang mga buntong-hininga
Nahuli ka pa ng boss mo na nakatulala
Kaya hayan at napagalitan ka pa.
At dahil contractual ka, yung limang buwan na kontrata mo
Biruin mo, baka mapaaga pa ang endo.
Aminin mo na ang pagpatak ng alas-singko
Ay may kakaibang dalang saya.
Na parang sumagot na ng “oo” yung matagal mo nang nililigawan.
Nakulayan na rin yung mga pinlano niyong outing na buong akala niyo’y hanggang drawing na lang.
Parang pagbabalik sa Pilipinas ng kasintahan **** kumayod sa ibang bansa.
Parang ibinalita sa TV na hindi traffic ngayon sa EDSA.
Himala!
Kaya ang pagsapit ng alas-singko ay kakambal ng paglaya.
Wala sa’yo kung sa bus man ay tayuan
O kaya sa dyip ay makasabit man lang.
Basta makauwi ka lang.
Nakakasabik pa rin ang ideya
Na ang bawat pag-uwi
Ay kasing banayad ng mayroong sasalubong sa’yong ngiti
Mga ngiting papawi sa kangalayan ng mga binti.
Mayroong yakap na nakaabang
Ang mga bisig na nagmistulang pinakapaborito **** kulungan
Dahil doon mo nararamdaman ang tunay na kalayaan.
Mula sa pang-aalipin sa’yo ng lipunan.
Nakahain na rin ang hapunan.
“Mahal, ano ba ang ulam?”
Sabayan natin ito ng mahabang kwentuhan.
Simulan natin sa simpleng kamustahan.
Dahil pagkatapos, ay aabangan mo na naman ang alas-singko kinabukasan.
May 20, 2016
May 20, 2016 at 11:11 AM UTC
Ewan ko ba kung bakit
Sa pag-ibig may politika
Kung sinong mas may kapangyarihan sa puso mo
Kung sinong kayang bayaran yang mga ngiti mo
Kung sinong may kakayahang patahanin yang luha mo
O paagusin nang walang patumangga
Ano nga bang kapangyarihan ko?
Kundi makinig at makisimpatya-simpatyahan
Punasan ng mahimulmol na panyo ang mga pisngi mo
O ngitian at kulitin ka para di mo naman maisip ang mga problema mo
Ano nga bang kakayahan ko kumpara sa kanya
Kung binigay ko na lahat ng karapatang ari para sa'yo
Ano bang laban ko kung siya ang may hawak ng property rights mo?
Hindi ba krimen na ang tawag kung magnanakaw ako ng tingin sa'yo?
Pero bakit di ka pa nakukulong sa puso ko kung ilang beses mo na akong pinapatay?
Bakit ba wala akong lakas na gumanti sa tuwing sinasaktan ka niya?
Dahil ba sa nakapanghihinang pakiusap mo?
Sa malakas na pagtutol ng mga mata mo?
Maraming dahilan yan kaibigan.
Pero dahil politika ang pag-ibig, siya ang binoto mo at hindi ako
Siguro dahil siya nga ng napusuan **** kandidato.
O sadyang walang dating ang pagpapapansin ko
O dahil masyado mo na akong kilala na di mo nais na maging isa ako sa tatakbo
Nais **** siya naman ang maglingkod sa'yo
Kasi hindi ko alam, ang sabi mo kasi mahal mo siya
Alam mo ba ang salitang yan?
Sapat upang magpaguho ng mga buhay at kinabukasan
Hindi ko, ngunit mo
Pinalampas mo ang pagkakataong
Paglilingkuran kita na parang isang prinsesa
Kung ano ka naman talaga
Naiinis ako sa tuwing pinagmumukha ka niyang pulubi at walang silbi
Ikaw naman nililito mo siya
Binabato ng mga paratang
Tama na
Mahalin mo rin siya ah
Kasi di naman siya maluloklok kung di mo pinili
Pinili mo yan
Magdusa ka
Kahit pa mahal kita
Eh kung sa di mo ko nakikita
Ni binilugan sa balota
Paano ko pa ba ipakikilala ang sarili ko?
Kailangan bang masabing kayo upang mabigyan siya ng kapangyarihan sa'yo?
Pwede naman kitang paglingkuran kahit di ako pinili mo
Pwede naman kitang mahalin kahit kelan ko gusto
Kaya kong gawin lahat 'yon
---
Kahit walang pondo kundi ang puso ko
Kasi independent party ako
At ang katotohanang walang tayo
Di magiging tayo
Na sinampal mo sa aking mukha noon pa mang naging magkaibigan tayo
Tanggap ko
Wala naman akong hinihinging kapalit
Gusto ko lang masaya ka sa napili mo
At sana panindigan niya ng pagpapahirap sa damdamin mo
Kasi tangina kinuha niya lahat ng binigay **** buwis at pawis
Di man lang nagtira upang mabigyan ako
Pero sige na
Tama na'to
Wala nakong maramdaman
Isang kasinungalingan
Paalam na
Sana magtagal pa ang termino
Administrasyong binuo ng pag-ibig niyo
Jul 3, 2016
Jul 3, 2016 at 3:00 AM UTC
Kailangan ko lang ilabas kasi nakita ko tong picture sa Facebook. Inaamin ko madalas sumasayad sa isip ko to. Sino ba naman ang hindi maiisip to kung marealize mo kung gaano ka kahelpless at powerless na baguhin ang paligid mo. Sino ba naman ang hindi makakaisip na baka may mas magandang lugar para sa ating lahat na kung saan masaya tayo. Yung feeling of guilt kung bakit ako nasa loob ng kotse, naka-aircon tapos may batang kakatok sa bintana mo at siya ay walang makain, tapos pag inabutan mo magsasabi padin ng "Thank you po.", sabay bibili ng sundae sa Mcdonald's. Tangina lang diba, kasi bata lang din sila at gusto nila maenjoy ang buhay. Tapos, magmaneho ka lang sa Quezon ave, may kakatok sa bintana mo humihingi pagkain or limos. Tingin ka sa Quiapo may mga matatandang nanlilimos, tapos, masayang masaya pagka binigyan mo ng pagkain, nakakaputangina. Nung nag Davao kami, yung mga nagbebenta ng perlas dun alam **** isang kahig isang tuka ang buhay nila, isang tingin mo lang alam **** sobrang hirap ng buhay. Nakakagago pala talaga ang pakiramdam ng pribelehiyo no? Kasi andun ka lang para mag lamyerda at gumastos ng madaming pera. Yung feeling na nagiinstagram ako ng walang kakwenta-kwentang bagay tapos may namamatay sa gutom sa ibang lugar, may naaabusong ofw sa middle east, yung mga nasa Mindanao napapagitnaan ng gulo. Yung nakikita **** sales lady sa SM na alam **** todo kayod para kumita ng pera sa Maynila pero tangina hindi nabibigyan ng tamang benepisyo at kontraktwal padin. Ang swerte ko. Ang sarap ng buhay ko. Sa sobrang sarap, napakaunfair na at nakakagago na dahil di ko din masabing ayaw ko ang buhay ko, pero ayaw ko din ang mga nakikita ko. Ang labo no? At bilang isang ordinaryong tao, wala kang magagawa para matulungan sila na maglalast sakanya. Hanggang abot ka lang ng barya kasi di mo pwede isacrifice sarili **** kapakanan para sa iba. Dahil ganun na ang mundo ngayon, sarili ko muna bago iba. Pero masisisi mo ba yung pagiisip na ganun kasi may kanya kanya tayong mga problema na dulot ng pagiging myembro ng society? Duwag tayong lahat. Duwag na tumulong sa abot ng makakaya natin kasi takot tayo na baka tayo naman ang mapunta sa ganung kalagayan kapag binigay natin ang lahat. Tulad ko, pasuicide suicide pa pero duwag akong gawin, hanggang sagi lang sa isip ko, tangina ko eh no? Dahil yung nakakatulong lang talaga yung may tunay na tapang. Katulad ni Mother Teresa ang daming tinulungan at inalagaan, pero ironic dahil nawala ang paniniwala nya sa Diyos dahil sa nakita nya nasobrang hirap na dinadanas ng mga taong inaalagaan nya. Putangina ng Mundo. Bakit ba tayo nandito? Pagtapos nito balik na ko sa normal. Tangina nyo.
Mar 21, 2017
Mar 21, 2017 at 10:20 AM UTC
Mahal, kaya ko pa
Kaya ko namang maghintay
kahit sa huling sagot mo pa'y
Ayaw mo na
Mahal, kaya ko pa
Ilang beses nang dumaan
Yung mga pagkakataong bitawan ka
Pero mahal, ayoko
Iba ka sakanila
Kung dati'y nahahayaan ko pa
Mahal, pasensya
Kung ikaw kasi ang pinaguusapan
talagang di ko kaya
ilang beses mo nang pinilit na lumayo ako sayo
ngunit di gagalaw tong mga paa ko
Kasi mahal,
Alam ko namang ayaw mo rin
Pinipilit mo lang naman sa sarili mo
na masyado pang maaga
na mali
kaya mo ko inilalayo sayo
Kaya magpapakatanga ako
Pwede bang hayaan mo ko?
Ikaw kasi yung unang pinaglaban ko
Di pa ba sapat na hayaan mo ko?
Sige, mahal
Ayos lang
Ipilit mo sa sarili mo
Ilayo mo ko,
Paghintayin ako
Mahal, kaya ko pa
Wag mo lang naman sanang ipilit na
ginagago kita
At kung naghihintay ka lang na sabihin kong
Di kita mahal
Pasensya,
Ako na mismong nanloko sa sarili ko
Kung ginawa ko man yon
Mahal, ipilit mo nang lahat
Wag lang sa puntong umabot sa totoo kog nararamdaman,
Kasi mahal,
Tangina,
Mahal talaga kita
Dec 3, 2016
Dec 3, 2016 at 1:15 AM UTC
Oo ginawa mo na ang lahat
Binigay mo ang higit pa sa nararapat
Bumangon, tumakbo at tumalon ka na
Nagkandasubsob at nagkadapa-dapa ka pa
Tumawid ng bundok at ng mga karagatan
Ikaw ay nalunod at nasaktan
Nagsunog ng kilay, at kinalimutan ang tulog
Hinarap mo lahat at ikaw ay nagpabugbog
Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo
Ngunit ikaw ay nabigo
Masakit, oo! Walang duda yan
Lalo na kung nalahat na ang iyong kakayahan
Nakakalugmo at nakakadusa
Nakakaiyak at nakakawalang pag-asa
Parang pinagsukloban ng langit at lupa
Parang pinagkaitan ng lahat ng mga tala
Mahirap! Masakit! Oo alam ko
Pero hindi pa ito ang huli o dulo
Maniwala ka sakin, mahirap pero kakayanin
Masakit pero hindi imposibleng gawin
Kung kelan nakasuka ka na ng dugo
Tangina! Ngayon ka pa ba susuko?
Jun 20, 2016
Jun 20, 2016 at 8:10 AM UTC
Hindi mo ko minahal.
Hindi mo ko minahal.
Ginawa mo lang akong basahan,
isang tela na pupunitin
para lang matakpan at maalis
ang dumi mo para mag mukhang malinis
ka sa iba
Hindi mo ko minahal.
Nagsilbi lamang akong isang laruan
isang manikang matagal ng nakatago
sa iyong aparador
na gagalawin mo lang para ika'y malibang.
Hindi mo ko minahal.
Pinaasa mo lamang ako
na ako'y hindi mo iiwan
para lang ika'y hindi mawalan
ng masasandalan dahil alam ****
ako'y nariyan lamang.
Ilang beses kitang binuhay
tuwing nararamdaman ****
sarili mo'y ikaw ay pinapatay.
Ako ang kasama mo
ng mga panahong wala ka ng maiyakan
Tatlong taon akong nagpakatanga.
Hindi mo ko minahal.
Pero tangina
minahal kita.
Ngunit iyon ay matagal na panahon na.
Jul 3, 2015
Jul 3, 2015 at 2:28 PM UTC
siguro magtatagpo ulit tayo kapag tayo ay handa na para sa isat'isa
hindi...
mali...
tangina ng linyang yun!
minahal kita ng buong buo gamit ang tangina kong puso pero hindi mo manlang ako minahal
ginamot ko ang sarili ko
kahit ngayon ginagamot ko pa
at gagamutin ko bukas
at gagamutin ko sa isang araw
hanggang sa isang linggo
sa susunod na buwan
hanggang sa isang taon
gagamutin kopa ang sarili ko
at gagamutin ko pa habang nabubuhay pa ako
kaya pakiusap...
mga tatlong taon
bago matapos ang ngayon
kung magkita man tayong dalawa
sa tambayan na dati tayong magkasama
ay sana wag ka nang lang lumapit
ilalabas ang apoy sa iyong pagbati ng "kamusta"
sisindihan ang pag-ibig na sumunog sa aking pusong natusta
na ginawang abo ng iyong pagmamahal
wag ka nalang lumapit...
ipagpatuloy mo lang ang iyong paglakad kung saan ka man papunta
iniwan mo ako nung sabi ko "teka lang"
iniwan mo ako nung sinabi kong "pahinga muna"
humiling ako ng panandaliang paghinto
sa giyera ng ating mga puso
dahil sa walang tigil nating pagaaway
na ikaw ay biglang bibitaw dahil sa simpleng bagay
iniwan mo ako nung sinabi kong "sandali lang"
iniwan mo ako nung sinabi kong "itigil na natin"
napagod sa pagtakbo sa paghabol sa nauunang hindi naghintay
sumuko sa batuhan ng ako ang tama at ikaw ay mali
-
-
kahit kailan hindi ka magiging sapat para sa akin
kahit kailan hindi mo magagamot ang nasirang ako
ang nawasak na pag-ibig
ang nawalang pagmamahal
kahit kailan hindi na mababalik ang dati
kahit kailan hindi mo mapapapoy ang abo
hindi mo maaalis ang sakit na pinagdaanan nito
hindi mo matatanggal ang pilat na naging sanhi mo
maitatago mo lang ito
magpapanggap na hindi nangyare ito
lolokohin ang sarili
pakiusap lang..
papakawalan na kita
na ito ay hindi panandalian
na ito ay panghanggang dulo
papakawalan na kita
na ito ay hindi biro
na ito ay totoo
na ito ay ang katotohanang palagi **** isusuka
pasensya na mahal..
para sa iyo binigay ko ang lahat
alam ko hindi pa yun sapat
pero ginago mo ako
kaya nagbago na ako
kaya pakiusap..
wag mo nang gamitin ang oras
hindi makakalimutang ang dilim ng nakalipas
hindi mapapaltan ng bagong memorya ang masamang ala-ala
hindi tayo magiging handa para sa isat isa
hindi tayo para sa isat isa
isa kang magandang halimbawa
na kailan man hindi ko matututunang paghandaan
kung pwede lang ibalik ang nakaraan
ikaw ay aking tatanggihan
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:22 PM UTC
Alam mo ba? Mamahalin parin kita kasi naniniwala ako sa kasabihan
ng mga matatanda, na mas mahalaga ang
nararamdaman ng puso kaysa sa nakikita lang ng
mga mata. Pero tangina ng tadhana, bakit ngayon pa?
Kung kailan mahal na kita, ika'y lumisan pa.
Sakit sa puso nung narinig ko mula sa iyong bibig
na wala ng pag-asa.
Isa lang naman ang aking dahilan kung bakit iniibig
parin kita, yun ay kahit nakapikit ako kita kita.
Oo kita kita, kita kita sa mga panaginip ko araw araw.
Nangangarap sana hindi na magising pa, para araw araw kasama
ka. Kasama kang matulog sa kama, kasama kang magpahinga
galing eskwela. Kasama kang tumanda, kasama kang
mamatay hanggang sa pagtanda. Kaya ayoko ng gumising
pa. Ilang sampal na kaya ang aking natanggap para lang ako'y magising na?
pero alam mo mas pinili ko paring huwag nalang idilat ang aking mata kahit ang buong diwa ko'y gising na
kahit buong pisngi ko'y namamanhid na.
kasi ayokong dumilat at masilayan kong wala ka, at mapagtanto ko paulit-ulit na panaginip lang pala.
Pagtawanan nyo na ko't lahat lahat kasi nageffort ako sa wala, at wala ring pag-asa.
Wala ng pagasang
makasama pa kita, matulog sa kama kasama ka, kasamang
magpahinga galing eskwela, kasama kang tumanda, kasama
kang mamatay hanggang sa pagtanda,
Wala ng pagasa na maging tayo pa. Talo na ako. Isa pa talo na ako.
Kasi narinig ko na mismo sa iyong bibig yung salitang "ayoko".
Ilang beses na kong naghayag ng pagibig ko
na binalewala at sinayang kasi natatakot ako.
natatakot ako. Natatakot na baka hindi mo
mahalin ang katulad ko. Natatakot ako na baka
hindi mahalin ng puso mo ang puso ko.
May 23, 2018
May 23, 2018 at 8:58 AM UTC
Ang hirap simulan
Hindi ko alam paano uumpisahan,
Sisimulan ko sa hindi pag pansin,
Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari
Kaya ko
Kaya kong mawala ka sa isip ko
Kaya kong mabura ka sa buhay ko na parang walang nangyari
Kunwari kaya ko
Masaya ako na kaibigan kita
Na kaibigan lang kita
Masaya ako na kasama kita
Kahit alam kong may mahal ka ng iba
Sisimulan ko sa hindi pag pansin
Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari
Kunwari di ko napapansin ang pangungulila mo sakanya
Kunwari hindi ako nasasaktan
Kunwari hindi ko nalang nakita,
Kunwari wala tayong pagkaka intindihan,
Kunwari hindi mo sinabing gusto mo ako,
At kunwari, hindi ako nasasaktan
Eto na ako at kinakaya ko
Lahat ng sakit at pait na natatamasan
Mawawala rin sa aking damdamin at isipan
Wag mo akong kaawaan
Dahil hindi ka naawa sa akin nung ipinakita mo sa lahat kung gaano kayo kasaya
Hindi mo inisip ang mararamdaman ko sa katarantaduhan **** ginawa
Wala kang pakielam nung nalasing ako at ikaw ang hinanap ko at kulang nalang isuka ko ang pagmamahal mo noong gabing iyon
Hindi mo ako minahal
Paulit ulit ko yang sinasabi sa sarili
At tila paulit ulit din akong sinasaksak
Ngunit kada bigkas ko ng mga katagang iyon, ay unti unting namanhid ang puso
Sisimulan ko sa pag kukunwari
Kunwari hindi ko nalang nakita
Kunwari hindi ako nasasaktan
Pero tangina hindi ko alam hanggang kailan
Dec 27, 2016
Dec 27, 2016 at 7:23 AM UTC
Ang makamtan ang maliliit subalit makabuluhang layunin sa loob ng maiksing panahon. Sa maiksing panahon lang, ‘hwag **** sakupin ang lima hanggang sampung taon na paparating pa lang. Ituon mo sa ngayon at sa mga darating na araw o buwan ang pagkamit sa iyong mga layunin. Hindi totoo ang long term plan, tangina baka nga hindi mo na ito ‘datnan kaya hindi mo ito dapat na saklawan. Ang tagumpay ay hindi sinusukat sa haba ng paghahanda para ito makamit, ang totoong tagumpay ay dapat na lasapin sa bawat sandali, minuto, oras at araw ng buhay mo. Oo, ganun lang dapat, kasi maiksi lang ang buhay baka sa sobrang abala mo para paghandaan ito ay makalimutan mo ang maging maligaya.
Ito ang pinaka malaking trahedya ang kalimutan ang kasalukuyan para lang paghandaan nang todo-todo ang bukas na iyong hinihintay. Ok lang na mangarap, na magsumikap at pangarapin ang magandang bukas subalit hindi mo dapat na ipagpalit kung ano man ang kaligayahan na meron ka ngayon para lang dito. Enjoy your life today while preparing for the future ika nga. Kung bata ka maglaro ka, sige lang makipaghabulan ka sa mga tutubi o di kaya ay magtampisaw sa ulan. Kung binata ka sige lang manligaw ka at makipagkaibigan mag-invest ka sa pakikisama at matutong makipagkapwa tao. Kung nagtratrabaho kana gawin mo nang may pagibig ang ano mang giangawa mo, ‘wag lang nang dahil sa pera.
Maging bubuyog ka na laging handang sumimsim ng bango ng mga bulaklak. Gayahin mo ang ibon na laging umaawit at lumilipad. Umawit ka at tumula kahit walang tagahanga. Ipagdiwang mo ang bawat ngayon. Ang maiksi subalit makabuluhan na panahon ito ang mga ginintuang sandali na hindi mo dapat na ipagpalit, hawakan mo ito nang hindi mawaglit.
Nov 29, 2017
Nov 29, 2017 at 1:49 AM UTC
Para kang gago
Putangina mo
Para kang tanga
Ang tanga-tanga mo
Sinasaktan mo lang
Ang sarili mo
Siya
Tarantado ka
Bakit mo binibigyan ng dahilan
Ang sarili mo
Para maging malungkot
Para maging miserable
Sa isang pakiramdaman
Na di ka sigurado
Tangina mo, dinamay mo pa
Kung di ka masaya, wag kang mangdamay ng iba
‘Wag kang mainggit
Kung masaya sila
Dadating ka dyan
Wag kang tarantado
Tanga mo
May nalalaman-laman ka pa
Na tapos na
Akala mo, tapos na
Gago ka kasi
Manhid ka
Sarili mo lang
Ang iniisip mo
Magpakasaya ka na lang
Sa kung anong meron ka
Ngayon
At sa darating na bukas
Wag kang maghangad
Ng kung ano pa man ngayon
Hayaang dumaloy
Ang buhay
Wag ka ng gago
Wag ka ng siraulo
Wag ka ng tarantado
Matatapos din ‘to
Parang itong tula
Walang kwenta
Katulad ng iniyak mo
Wala na ring silbi ‘yan
Mar 11, 2015
Mar 11, 2015 at 10:43 PM UTC
"Gusto ko sanang sumayaw pero ayaw ko.
Magulo. Masakit sa ulo.
Gusto kitang yayain pero ayaw ko.
Magulo. Masakit pa din sa ulo.
Gusto ko nang tumayo at lapitan ka pero ayaw ko.
Magulo. Sobrang sakit na sa ulo.
Gusto ka sanang isayaw ng puso ko pero ayaw ng utak ko.
Tangina.
Dalawang salita lang naman ang gusto kong sabihin pero hindi ko magawa.
Mahirap diba?
Sana sa susunod nating pagkikita masabi at magawa ko na. Pero...
Nakakatakot diba?
Kasi hindi ko alam kung anong bibigkasing ng bibig mo, matutuwa ba o malulungkot.
Pero ang sabi nga nila walang mawawala kung hindi susubukan. Pero masakit.
Hindi ba? Masakit.
Tangina dalawang salita lang talaga.
Sa muli nating pagkikita sasabihin ko na talaga.
Sana.
Oo na. Eto na. Sandali. Teka. Sasabihin ko na nga. Oo, GUSTO KITA. "
Sep 14, 2015
Sep 14, 2015 at 8:34 AM UTC
Tama
Mali
Mali
Mali
Mali
Wala
Nawawala
Nasaan ang puti?
Ingay
Gulo
Kalampag ng lata sa loob ng ulo
Galit
Lungkot
Puta, bakit gano’n?
Magkahalo
Litong lito
Kailan ba mawawala ‘to?
Sira
Panira
Wala nanamang nagawang tama
Mali
Mali
Tangina, lagi nalang mali
Nagtataka
Hilo
Mundo’y balot ng misteryo
Kailan maayos?
Kailan titino?
Ang tanong sa sariling walang makasagot
Dec 25, 2014
Dec 25, 2014 at 3:44 AM UTC
Sa bawat patak ng oras, ako'y nauubos.
Hindi mawaring isipin kung kumusta ka.
Iniisip mo ba ako? O ako lang ba ang nahulog?
Pilit kong itinatanim sa aking isipan na huwag magmadali.
Hayaan ang tadhanang gumawa ng paraan. Bigyang respeto ang tamang pagkakataon. Huwag nating pilitin.
Ngunit kasabay ng pagkumbinsi sa sariling huwag mangialam, nahahati ang aking isipan upang gumawa ng unang hakbang.
Ano nga bang mapapala ko kung hindi ako kikilos? Subalit sasagi sa isip ang posibilidad na mawala ka dahil sa mapupusok kong gawi.
Isang malaking palaisipan ang pag-ibig.
Hindi ito para sa mga mahihina ang puso.
Hindi ito para sa mga taong mabilis mahulog at madaling masaktan.
Minsan napapaisip ako kung bakit pa ba natin ito ginagawa?
Sa dinami-dami ng hirap, sakripisyo, at sakit nitong dulot, talaga bang may patutunguhan?
Sa tagal ng panahong ginugol kong mag-isa, naliwanagan ako sa aking halaga.
Karapat-dapat ako sa pagmamahal na buong-buo at mapagpalaya.
Ngunit, tangina naman. Bakit ganito kahirap mahanap?
Akala ko madali. Iwinaksi ko lahat ng hadlang na maaari kong malampasan.
Ginawan ng paraan at isinaayos ang sarili.
Pagkalingon ko'y ako bigla ang nahuli.
Halos lahat ng aking mga kasabayan nagkaroon na kani-kanilang katambalan.
Ang malas ko naman.
Bakit ako na lang ang hindi nabigyan? Hanggang sa dulo ba ay ganito pa rin?
Parusa ba ito sa salang hindi ko namalayang gawin?
Diyos ko, ano bang magagawa ko?
Anong ginawa ko upang maranasan ito?
Hindi naman sa pagdadrama.
Ang nais ko lamang ay isang makakasama. Iyong makakausap sa araw-araw nang walang sawa.
Iyong magbibigay sa akin ng atensyon at alaga. Ngunit kasabay nito, ako'y handa rin
Na isauli ang pagmamahal na aking nagkakandarapang kunin.
Isang pagkakataon lang po upang magsimula muli ang puso
Makadama ng pagmamahal na tapat at totoo
Makakaasa kayong hindi ko ito isusuko
Anoman ang pagsubok na aming matamo
Oct 27, 2019
Oct 27, 2019 at 7:23 AM UTC
*Ang daya-daya mo
Sabi mo kasi, mahal mo ko
Sabi mo, totoo
Ang daya-daya ng kalawakan
Hindi niya ako niligtas
mula sa kasinungalingan mo
Ang daya-daya ng mundo
Sabi niya, mayroong isa na nandyan para sa’yo
Sa dinami-dami ng tao
Sa lahat pa ng tao
Ikaw pa ang nakilala ko
Tarantado
O siguro nga,
Hindi pa nga ikaw ang taong hinahanap ko
Sinadya lang na tayo ay ipagtagpo
Para makilala ko kung sino man
Ang taong sa akin ay nakalaan
Pero madaya pa rin ang mundo
Dahil nandito ka sa harap ko
Ang amo-amo
Na akala mo
Wala kang ginawang mali sa tulad ko
Ang sa’ya-sa’ya mo
Ang daya-daya, gago
Nginitian mo pa ko
Kung alam mo lang
Gusto ulit kitang sampalin
At yakapin…
Tangina, ang daya ng puso ko
Ayaw maki-cooperate sa utak ko.*
Jan 7, 2016
Jan 7, 2016 at 8:04 PM UTC
Darating ka pa nga ba?
Mukhang marahil di na
Totoong ika’y nanlimot, aking sinta,
Sa pangakong pagmamahalan nating dalawa.
Maaaring sabihin **** ako’y baliw, di-karapat-dapat,
Ngunit ikaw, giliw, ay kailanman naging sapat,
Sapat na upang patuloy kong ibigin,
Ibigin kahit na iyong di mapansin.
Pero bakit?
Bakit nga ba di ka na darating?
Bakit ba labis ang lungkot na aking tinatamasa sa iyong di pagsipot?
Tanggap kong hindi mo nga talaga ako kailanman magugustuhan,
Subalit matindi pa rin ang hapdi ng puso kong iyong sinugatan.
Sabi nga nila, ang tulad mo ay tipong paasa,
Yung tipong mangangako at di sasama,
Marahil ako nga ang siyang problema,
Ako nga ang taong umasa,
Pero tangina,
Salita mo ay iyong bigyang halaga.
Dec 10, 2017
Dec 10, 2017 at 12:44 AM UTC
Tangina
ba ang bilis mo akong pasayahin?
Kada araw
na di ko na kayang mabuhay
alam ko kailangan lang kita.
Ano ba.
Kaya't kung pwede lang
wag na wag kang titigil
sa pakikipagusap sakin
kasi
kada araw yan
yung inaabangan ko.
Iba rin kasi
epekto mo sakin eh,
di ko alam kung bakit
pero
mas nakakaadik ka pa sa teleserye at mas masayang panoorin at subaybayan.
Pwede bang maglakad tayo
sa walang destinasyon?
Magsalita ka lang
at mananahimik ako
dahil gustong-gusto kitang
nagsasalita.
Bakit mo ba ako
napapasaya
ng walang kahit anong ginagawa?
Kung mahal nga kita,
tigil tigilan mo ako,
kasi ayokong
nagmamahal.
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 11:46 PM UTC
Kaya pala ayaw na akong pansinin,
Kaya pala bigla na lang ako sineen,
Kaya pala hindi nya na binabasa mga mensahe ko para sa kanya.
Kaya pala pakiramdam ko ayaw nya na ako kausap.
Kaya pala pakiramdam ko ayaw nya na sa akin,
Kaya pala bigla syang nanlamig,
Kaya pala balewala na ako.
Kaya pala kinalimutan na ako.
Kaya pala..
Kaya pala..
Kasi may bago ka na.
Haha Tangina.
May 12, 2017
May 12, 2017 at 1:23 AM UTC