"Gusto ko sanang sumayaw pero ayaw ko.
Magulo. Masakit sa ulo.
Gusto kitang yayain pero ayaw ko.
Magulo. Masakit pa din sa ulo.
Gusto ko nang tumayo at lapitan ka pero ayaw ko.
Magulo. Sobrang sakit na sa ulo.
Gusto ka sanang isayaw ng puso ko pero ayaw ng utak ko.
Tangina.
Dalawang salita lang naman ang gusto kong sabihin pero hindi ko magawa.
Mahirap diba?
Sana sa susunod nating pagkikita masabi at magawa ko na. Pero...
Nakakatakot diba?
Kasi hindi ko alam kung anong bibigkasing ng bibig mo, matutuwa ba o malulungkot.
Pero ang sabi nga nila walang mawawala kung hindi susubukan. Pero masakit.
Hindi ba? Masakit.
Tangina dalawang salita lang talaga.
Sa muli nating pagkikita sasabihin ko na talaga.
Sana.
Oo na. Eto na. Sandali. Teka. Sasabihin ko na nga. Oo, GUSTO KITA. "
Sep 14, 2015
Sep 14, 2015 at 8:34 AM UTC

Haha eee kayo na bahala humusga..... #lihim #paghanga #pagibig #sana #sayang #pagkakataon