"tahan" poems
Umaga na pala,
Subalit tila umpisa pa lang ito ng dilim
Dito sa bayan kong nasa sinapupunan ng mga sakim
Pagpagan ang mga baro't saya habang hawak ang sedula
Nilang mga uhaw sa tronong ipinangako sa kanila
Naluklok na bagong puno,sa pagdaka’y nagpaulan
Ng mga balang hindi man tingga ay tumatagos sa kaibuturan
Sa dati niyang ka giyera na s'yang mga tunay na anak ng bayan
Iginapos sila’t ipiniit sa sandipang karapatan
Yaong mga bago niyang kawal ay matatayog pa sa kalabaw
‘Pagkat kasama niyang magkakamal ng salaping umaapaw
Mag kaka-ututang labi ay iisa ang kaliskis at balagat
Sila na mag kaibigang dila at ngipin sa pilak din mag-papangagat
Habang ang mga dating sadyang tapat sa gampanin
Ay mistulang mga bayani na lang sa hangin
Ang pagka dalisay nila sa maka-kapwang tungkulin
Parang sa tubig na isulat at hindi na basahin
Kawawang Sta. Teresita bayan kong dinusta
Ng mga ganid sa kapangyarihan at mapang-alipusta
Akong anak mo’y nasa daluyong ng kapanglawan
Kabiyak mo sa balsang itinali sa nagluluksang pampang
Kawawang Sta. Teresita ginahasa ng mga mapag-samantala
Hinubaran ng dangal at piniringan ng telang mapula pa sa pula
Binusalan ang bibig hanggang sigaw mo’y hindi na marinig
Mga araw mo ngayo’y mamumugto sa haharapin **** pag-liligalig
Tahan na Sta. Teresita,Tahan na,
Bayan kong sakdal iniibig
Matatapos din ang sigwa,
Tutulay muli ang lunday sa sapa.
© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 2:01 PM UTC
Puso may nasugatan, maghihilom din ito
Sugat na dala ng pait ng paghihiwalay, ibaon mo na sa limot
Ba't di nalang isipin mga maliligayang alaalang iniwan
Ng taong minsan **** minahal
Mahirap mang bumangon, kakayanin pa rin
Dahil sa bawat unos na pinagdaanan
Kalinawan ng damdamin ang nakaabang
Na siyang magbibigay lakas sa iyong muling pagbangon
Mabigat man ang mga paa, kaya pa ring igalaw
Kung may determinasyon, kaya mo rin umusad
Ito'y mahirap pero 'di imposible
Magpursige ka lang, makakaraos ka rin
Kapag ikaw ay nakabangon na,
Umusad mula sa kinatatayuan,
Pagkatapos ng mga luhang lumunod sa'yong mga mata
Bagong mundo ang iyong matatanaw.
Mas maliwanag, mas kaakit-akit, maganda
At mas nararapat sa iyo.
Nasaktan ka man, 'di titigil ang mundo upang ika'y hintayin
Kaya tahan na, dahil ang buhay ay patuloy pa rin.
Jun 2, 2015
Jun 2, 2015 at 5:17 AM UTC
Kulang ang haba ng magdamag at lalim ng
Himbing upang lubos nating maunawaan ang
Imortal na sandaling ito. Dahil alam natin na
Wala tayong anumang panlaban sa lumbay
At pangungulila, nagkakasya na lamang tayo sa
Isang pangako at pag-ako ng damdamin.
Tahan na mahal ko...
Umasa kang saan mang lupalop tayo tangayin ng
Buhay at paghihintay, ng siklo at pagpapasya,
Ako'y mananatiling nakapako sa hiwaga ng iyong
Langit na pagsinta. Kapos man ang sandaling
Ito upang maging sandalan natin sa saglit
Na paglayo, alalahanin **** hindi lahat
Ay humahantong sa wakas dahil
Likas sa atin ang manalig sa pagsintang wagas.
Sep 14, 2013
Sep 14, 2013 at 4:58 AM UTC
Iyak.
Iyak ng isang kobrang nakadikit sa dingding na kaya kong patahanin unti-unti sa bawat pihit.
Sa bawat patak ng luha nitong humahalik sa aking noo na dahan-dahang dumadausdos papunta sa aking mga pisngi.
Sa aking mga pisnging halos magkapasa na sa madalas **** pagpapaligo rito ng mga kurot.
Ang iyong mga kurot na siya namang nagpapahiwatig na hinding hindi ka magsasawa sa pagmumukhang ito.
Noon.
Hindi na ngayon.
Patuloy ang paggapang ng mga patak na maligamgam papunta sa aking mga labi na hindi pinalagpas ang pagkakataong ipaalala sa akin na
ang mga labi ito ay minsan nang nabigyan ng pagkakataong iwika ang kung ano mang hindi kayang maipahiwatig nang sapat ng aking mga haplos.
Ang mga labi kong minsan nang natikman ang tamis ng iyong gayuma.
Ni hindi pinatawad ang lasa ng tsisburger o ng kung ano man ang iyong kinain sa araw na iyon.
Ang mga patak na ngayo’y lumalakad na nang tahimik sa kahabaan ng aking leeg na siyang nagdurugtong ng aking ulo na kumukulong sa aking utak sa aking dibdib na naglalaman ng aking puso.
Ang puso kong bumulong nang paulit-ulit na para bang sirang plaka at nagsabing may pag-asa pa. Ang kumulit sa akin na maniwala sa tibay ng ating pagmamahalan.
Ang aking utak na nagsabing wala itong patutunguhan na tila’y totoo sapagkat ang ating mga kamay ay hindi makapagkokomunika nang mahabang panahon at may posibilidad pang hindi na muling magkatampo kahit pa ang mga ito’y kulu-kulubot na.
Ang karibal ng aking puso na aking pinakinggan.
Sayang.
Para bang ako ang paboritong manika ng kapalaran. Ang kanyang manikang paulitulit na pinaiikot sa isang tugtog na di ko kayang sabayan. Siya na tuwang-tuwa na makita akong naghihikahos sa pagbugbog ng bawat pagsubok.
Awat na.
Pihit.
Ayoko nang maalala pa ang pait na ipinapaalala ng bawat patak.
Pihit pa.
Tila'y isang patak na lamang ang ibubuga. Ang bawat halik ng tubig sa baldosadong sahig na lumilikha ng malungkot na tunog na “tik… tik… tik…”
Isang pihit nalang.
Isang pihit nalang at titigil na ang tila duet na paghugulgol ng ahas na nakadikit sa dingding na baldosa rin at ng ngayon ko lang napansin na umaapaw kong mga mata na kanina pa pala sumasabay sa agos ng tubig na dumadaloy sa aking mukha.
Tama na.
Tahan na.
/e.m/
Jan 29, 2016
Jan 29, 2016 at 4:18 PM UTC
#021716
Babalik akong hindi mala-dayuhan,
Pagkat ikaw ang aking Bayan.
Hindi ko titipirin ang pag-ibig
Gaya noong tila latak na lang
sa iyong pandama.
Hindi sapat ang isang araw,
Kahit tunay at tapat ang pagsuyo.
Sisikat ang araw, ako'y samid sa distansya
At tanging pangako Sayo
Siyang pabaon sa takipsilim.
Sayo ang pito kong araw;
Hayaan **** iukit ko ang sistema ng puso
Na may tema ng panahon at oras.
Hindi na ako mangingibang-bayan, Sinta.
Tahan na, ako'y palapit na sa aking Tahanan.
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 8:49 PM UTC
040120
Hinga, buga
Hinga, buga
Ganyan nga
Langhapin mo ang sariwang hanging pabaon Ko sayo,
Kasama ng mga pangakong kalasag at kalakasan mo,
Mga pangakong magsisilbihing pahingahan mo,
Mga pangakong ilaw mo sa dilim
Na mas maliwanag pa sa Buwan at mga bituin
Mas maliwanag kaysa sa mga alitaptap
Na sinusundan mo ng tingin.
Na sa tuwing tiyak ang ligaya o lungkot **** taglay
Ay napapawi nito ang sakit
Ang hikbi ng puso **** walang ginawa kundi umiyak
Ang bilis ng tibok na puso **** paulit ulit na kinakabahan —
Kinakabahan na mahuli ang iyong kamalian
At hindi tanggapin at akayin ng kahit na sinuman.
At habang pasan mo, tagumpay man o kabiguan
Ay matikman mo rin na hindi ka lang basta-basta
Hindi Basta-bastang buhay lamang
At nagtatago sa dilim.
Hindi ko hinayang madala ka ng dilim
Hindi kita dinala sa dilim para ikay maging sakim
At mapuno ng kirot ang kawalan mo ng pag-ibig.
Huminga ka na may gayak,
Huminga ka nang May pag-asa.
Hinga, buga
Hinga, buga
Ganyan, paulit ulit hanggang sa makuha mo ang tamang tiyempo
Nang masabayan mo ang binabato kong mga ritmo
Ibuga mo ang iyong mga kamalian
Ibuga mo ang iyong mga kasalanan —
Mga kasalanang tila isang kumunoy na humahatak sayo
Pabalik sa kadiliman
Mga kasalanang minsan mo nang iniwan
Tama na ang paghinga sa walang kasiguraduhan,
Tama na ang pagsambit na kasalanan mo naman
Tama na ang paulit-ulit na bersyon mo ng “Ayoko na ng kasalanan at gusto ko na tong iwan,”
Ngunit nariyan ka pa rin,
Humihinga ka pa rin sa iskwater na minsang ika’y parang sardinas na nakasiksik
Tama na, tama na Anak.
Hinga, buga
Hinga buga,
Naghihingalo ka na
At paulit-ulit **** nasasaktan ang iyong sarili kahit Sabi Kong tama na
Naghihikahos ka na —
Ngunit wag **** isiping napapagod ako
Na sa tuwing nakikita kita sa iyong kahinaan
Ay napapagod na rin akong gamutin ka.
Pagkat hindi ako nagsasawang mahalin ka,
Na sa tuwing sinasabi ko sayong
Umuwi ka sa akin ay naghihintay ako sa pagbabalik mo
Na hindi ako nagsasawang maghintay sa pagsabi ****
“Ama, narito na ako.”
Hinga, buga,
Hinga, buga
Malayo pa Lang ay nakikilala ko na maging ang iyong anino
Ang iyong pagsisisi buhat sa iyong paglisang makasarili
Ngunit buo ang aking pagpatawad
At ang pag-ibig ko’y dalisay at wagas
Na sa Krus ay dumanak ang dugo ng bugtong kong anak
Ang Anak ko si Hesus na nagpalaya sa iyo
At nagbigay sayo ng daan patungo sa katiyakan
Naririnig ko na
Ang mga padyak **** sabik sa aking paglambing
Ang mga pandinig **** naghihintay sa aking mga Salita
Na pinuno ko ng siksik, liglig at umaapaw kong pag-ibig
Maging ang pagtambol ng puso mo sa kaba
Nakikilala ko ang lahat sayo at sana alam ****
Sanang alam ****
Matagal nang bukas ang ating pintuan para sayo,
Oo ating pintuan at hindi pintuan Ko lamang.
Tahan na Anak, tahan na at nakauwi ka na
Nakauwi ka na sayong tahanan.
Hinga, buga,
Hinga, buga
Tayo na anak,
Sa akin ka na mamahinga.
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 2:50 AM UTC
Iiwan kita hindi dahil meron na akong iba.
Iiwan kita dahil gusto ko nang lumaya.
Iiwan kita hindi dahil ayoko na kitang makita.
Iiwan kita dahil ayoko nang pagmasdan ang mga luhang
nangingilid sa iyong mga mata.
Hindi ko na kaya!
Ang makita kang lugmok at naghihimutok sa lungkot.
Ito’y nagdudulot sa puso ko ng kirot.
Tama na! Tama na! Tama na!
Tahan na aking sinta.
Ako sana’y unawain.
Napakabilis ng mga pangyayari.
Hindi ko alam ang hiwaga mayroon ka.
At iyong nasungkit ang matamis kong oo.
Mabilis. Napakabilis. Sadyang kaybilis.
Heto ako ngayo’t litong-lito.
Sana’y hindi nagmadali.
Sana’y natutong maghintay.
Sana’y walang taong nadamay.
Oo. Sa tinagal ng ating pagsasama,
Ngayon ko lang napagsama-sama.
Ang mga himutok ng aking saloobin.
Ako’y naging mapusok at ngayo’y naghihimutok.
Sana’y walang inaalala.
Sana’y hindi kinokonsensya.
Sa tingin ko ay ito ang tama,
Ang ika’y iwanan ng ika’y mabuhay.
Hindi ko batid ang sakit na iyong nararanasan.
Aking irog, ako man di’y nahihirapan.
Ang higpit ng iyong pagkakahawak,
Siyang sumasakal sa akin tuwina.
Iiwanan kita dahil ayoko na.
Oo! Ayoko na!
Tatapatin kita aking sinta,
Hindi ko na kaya!
Hindi na ako masaya.
Sa pag-inog ng mundo ako’y unti-unting nawawala.
Nawawala sa sarili.
Nawawala sa landas na aking dapat tahakin.
Sadyang kay mura pa ng aking edad
Upang sumuong sa ganitong realidad.
Nadala lang marahil ng matinding emosyon.
Sa tagal ng ating pinagsamahan aking napagtanto,
Hindi ikaw ang saki’y siyang nakalaan.
Tayo’y pinagtagpo upang matutunan ang isang leksyon.
Hindi para sa iyo ngunit para sa akin.
Aking kaibigan ako sana’y patawarin.
Hindi ko sadyang puso mo ay wasakin.
Ang hirap! Napakahirap!
Sa dalawang taong ating pinagsamahan,
Hindi kita malilimutan.
Aking pagsusumamo na sana’y
Paglipas ng panahon ay iyong matagpuan
Ang taong magmamahal sa iyo ng lubusan.
At hindi ipaparanas ang pait ng kahapong ating pinagdaanan.
Iiwanan kita dahil alam kong kaya mo na na ako’y wala na.
Iiwanan kita dahil nais kong iyong ipagpatuloy ang iyong buhay.
At nang matupad ang iyong mga plano para sa iyong pamilya.
Sinta alam kong ito’y sadyang masakit.
At sa pagtatapos nitong aking talata.
Nawa’y iyong ibigay ang aking kahilingan.
Sinta, ako sana’y palayain mo na.
Iniwan kita hindi dahil ayoko na.
Iniwan kita dahil mahal kita.
Sadyang ang lubos na pagmamahal na nararapat sayo
ay hindi mo matatamo sa akin bagkus ito’y iyong
matatamasa sa piling ng iba.
Jul 25, 2017
Jul 25, 2017 at 10:26 PM UTC
Palembang, 16 September 2012
Pagi ini cerah.
Tak tahan tuk ku sembunyikan senyum ini.
Semalam aku memimpikanmu.
Dan sekarang aku merindukanmu.
Aku duduk, di sampingku jendela terbuka lebar.
Cahaya mentari hangat menyentuh kulitku.
Di depanku ada tempat pensil, aku siap menulis.
Ada penghapus, pena, stapler, lem dan kertas.
Untuk sedetik ada image mu di sekelilingku.
Kreatifitasku muncul untuk memvisualkan dirimu.
Penghapus.
Andai aku bisa terbang, akan ku hapus awan.
Dan ku ambil pena, tuk menuliskan “Aku mencintaimu” besar-besar.
Lalu akan ku stapler rasa ini di otakku.
Kemudian ku ambil lem tuk merekatkan wajahmu di hatiku.
Sep 16, 2012
Sep 16, 2012 at 1:42 AM UTC
mahal, kailan ka huling ngumiti?
ngiting tunay at hindi pinilit,
mahal, kailan ka huling tumawa?
tawang kay lakas at nakakahawa.
mahal, alam kong mabigat na naman
mabigat muli ang iyong nararamdaman,
sa araw-araw hinihiling **** sana'y gumaan
hindi mo alam kung gaano mo pa katagal makakayanan.
mahal, narito ako sasamahan kita,
'wag nang matakot pa, hindi ka na nag-iisa
ako'y magsisilbi **** pahinga,
ako ang s'yang magiging tahanan,
kaya mahal, tumahan na.
Oct 3, 2021
Oct 3, 2021 at 8:33 AM UTC
Kesendirian menyelimuti tubuh
Menarikku kembali menuju angan yang tak pernah usai
Sampai kapan harus ku tahan?
Gemuruh rasa rindu yang tak tertahan
Lelah aku
Sampai kapan ini akan berlangsung?
Bayang-bayang wajah di masa lalu
Tak pernah usai mengganggu
Menampakkan kembali sebuah kisah yang telah lalu
Kala ku titipkan rindu ini pada senja
Melepas segala gundah yang akan membuncah
Lisan tiada mampu berucap
Hanya kata merangkai hati
Mar 9, 2016
Mar 9, 2016 at 3:08 AM UTC
Malam larut tak ku rasa kini
Hanya duduk merenungi sepi
Aku pun berdiri
Mendekati cermin di dekat ku
T'lah ku lihat kini
Bayang lain pengkejut hati
Namun, tak kuasa ku tahan tangis
Ingat-ingatmimpi yang lalu
Bintang-bintang kabur berkejaran
Bulan pun tak lagi berjanji pada ku
Untuk selalu menyinari aku
Malam larut hilang berganti pagi
Menusuk raga saat raga menyinari
Membunuh jiwa saat tak lagi kini
Ku rasakan malam yang hening
Di mana ku selalu teringat Belahan Jiwa
Yang dulu slalu mengiasi malam
Created by,
Aridea Purple
Oct 22, 2011
Oct 22, 2011 at 8:56 AM UTC
JOGJA
“Jogja sedang berusaha menutupi kesedihan karena penyesalannya, buktinya akhir-akhir ini Jogja ramai sekali”
“Untuk apa Jogja bersedih?
Bukankah banyak yang mencintainya selama ini?
Buktinya Jogja bisa dengan mudahnya tebar keramahan kesana-kemari kemudian mendapatkan banyak hati.”
JAKARTA
“Jakarta sudah tidak kuat lagi menahan sakit perasaannya hingga ia menangis, buktinya kemarin hujannya turun deras sekali”
“Untuk apa Jakarta menangis?
Bukankah Jakarta begitu kuat?
Buktinya ia tahan mendengar suara bising dari banyak pasangan kekasih yang melempar janji-janji palsu selama ini.”
BANDUNG
“Bandung bingung menanggapi apa yang terjadi terhadap Jogja dan Jakarta, buktinya ia hanya bisa diam.”
“Tidakkah kau tahu bahwa bandung selalu bersuara?
Tetapi selama ini suaranya tersamarkan oleh suara hujan.
Buktinya suaranya tidak bisa dibuktikan.”
Dec 15, 2017
Dec 15, 2017 at 2:11 PM UTC
Naaalala ko pa noong musmos pa tayo palagi tayong nagtatampisaw sa ulan,
naglalaro ng tagu-taguan at ng paborito kong bahay-bahayan kung saan palaging sambit ng iyong maliit na bibig na ikaw yung nanay at ako naman yung tatay.
Nakakatuwa kase sa tuwing hindi ako sumasangayon, umiiyak ka at sinasabing, "ayaw mo ba akong maging asawa?".
At eto naman akong tatawanan ka at sasabihin, "tahan na, mukha kang tanga, pumapangit ka."
Tandang tanda ko pa kung paanong binuo natin ang mga alaala,
kung paano ka ngumiti ng abot hanggang tenga kapag tayo ay magkasama,
naaalala ko pa, tandang tanda ko pa kung ano ang itsura ng inosente **** mukha...
Apr 11, 2017
Apr 11, 2017 at 4:39 PM UTC
Sabi nila sa iyong tahanan ka tatahan
Ngunit bakit ay luha ko'y natigil sa piling ng aking kaibigan?
Siguro'y dahil ang mga nasa tahanan ay hindi ako naiintindihan
Kaya't sa iba ako nakakahanap ng kapayapaan
Mga salitang inyong nilalabas
Kala ninyo tama nguti ito'y tumataliwas
Ito'y nakakawala ng lakas
Kaya naman gusto ko nang tumakas
Dec 19, 2020
Dec 19, 2020 at 5:36 AM UTC
Isa. Dalawa. Tatlo.
Itigil nalang natin ito.
Mag isa akong naglakad palayo,
nilisan ko ang ating nakasanayang tagpuan
kung saan naiwan kang mag isang nakaupo at luhaan.
Pasensya ka na, kailangan kong gawin ito.
Kahit anong kausap mo pa sa mga tala't buwan
wala nang babalik sayong mga yakap, wala ka nang mahahagkan.
tama na, aking sinta. alam kong nasasaktan ka na,
tahan na, tigil na.
Mahal kita. Yan lang ang kaya kong isagot sa bawat tanong
Mga tanong na hindi ko na masasagot,
mga tanong na ibabaon mo nalang sa limot
malapit na, maiintindihan mo na.
Ayoko na. Ayoko nang makita ang yong mga mata
matang umiiyak sa tuwing ipapakilala mo ulit ang sarili mo saakin.
Ayoko na. Ayoko nang maramdaman ang iyong yakap sa tuwing hindi ko maalalang ikaw ang aking sinisinta.
Ayoko na. Ayoko nang mahirapan ka, gusto na kitang maging malaya.
Ipangako mo saaking mag hahanap ka ng iba.
Ipangako mo saakin na sasabayan mo kong kalimutan ang ating mga ala-ala.
Ipangako mo saakin na tatanggapin **** mawawala na ko sayo
at ipangako mo sakin na kakalimutan mo ako.
Pasensya ka na, hindi na kaya ng utak kong alalahanin ka,
Pasensya ka na, pero pinapalaya na kita.
Nagmamahal, Tres.
Apr 3, 2018
Apr 3, 2018 at 12:24 PM UTC
Isang Lugar
Kung saan
Walang Katungkulan
Wala ni isang
dapat gampanan
o dapat tularan
Malaya kang humakbang
sa pampang ng pinagmulan
Ng walang iniisip
o pagaalinlangan
Huminga ka ng malalim
At wag ng ipagkait
ang pangarap **** minsang Inukit
Na Tila ba'y ika'y naging malupit
Tama na, Tahan na
karapatan mo ang kumalma
ibigay mo sa sarili mo
ang dati'y wala na
ang maging masaya..
ang maging malaya..
sa sariling pagakakulong
ng wala ni isang
nakakaunawa
...
Jan 24, 2021
Jan 24, 2021 at 12:51 PM UTC
Nakakasawa na ang klima ng panahon sa aking utak
Pabalik-balik na ala-ala sa nakaraan
Nagmistulang Pawis ang Luha kong tumatagaktak
Palihim sa ilalim ng kaulapan sa aking isipan,
Nagiisa na lamang madalas , Di masilayan ang sikat ng araw
Katog na aking Dibdib , Uhaw parin sa pagmamahal
Tag-ulan nga ba sa kagubatan o inulan ako ng kalungkutan sa Tahanan?
Kinakalaban nga ba ako ng aking Isip , o Sadyang Hindi ko na kayang buksan ang Pinto ng kinabukasan?
Tahan na o Tara na sa Tahanang Katakataka ang Puhunan
Kaibigan kong pinagkakatiwalaan , Di nila ako Maramdaman!At
Madalas o Minsan ako'y nagiging sisa ,
Madalas din o Minsan ako'y Nagiisa,
Kapag ako'y nagiisa , nakakagawa ako ng Lubid sa aking isipan
Paano kaya kapag iniwan ko na ang Mundong ito?
Makikita ko na kaya ang Kulay ng "Buhay ko"
O Magdidilim lang muli ang Kulay ng "Buhay ko".
Jul 4, 2019
Jul 4, 2019 at 11:27 AM UTC
Napalitan na ng sigawan
Na dati’y isang malakas na tawanan
Nakaririnding bagsakan ng pintuan
Na nagbibigay kaba sa’king kalooban
Mabibigat na yabag ang bumabagtas paakyat at pababa ng hagdan
Na tila nagpapahiwatig na may nangyaring sagutan,
Nakakabinging katahimikan
Na minsan ay hindi ko ginustong maranasan
Walang katapusan na pagtatalo
Palaging nakalingon sa nakaraan, hindi magawang kalimutan
Ilang taon na ang lumipas ngunit palaging hinuhugot pabalik sa kasalukuyan,
Palaging mayroong argumento
Pero ano ba ang tunay na napapala?
Sino ang nanalo at sino ang natatalo?
Sino ang magdedetermina sa kanilang dalawa na tama na?
Sino sa kanilang dalawa ang unang magtataas at magwawagayway ng kanilang puting bandera?
Hindi lingid sa aking kaalaman na wala isang perpektong pamilya
Hindi maiiwasan ang pagkakaroon nang hindi pagkakaintindihan
Ngunit ang isang away at papatungan pa ng isang away, parang ibang usapan na yan.
Kaya minsan-
Mas pinipili ko na lamang ang mag-isa
Magkulong maghapon at magdamag sa kwarto habang sa’king kama’y nakahiga
Nakikinig sa mga luma’t bagong musika, o ‘di kaya naman nanunuod ng pelikula
Sapagkat iyon ang mga oras nawawala ang aking pangamba
Na baka mayroon sumabog na alitan sa pagitan ni ama’t-ina
Tahan na tahanan,
Napalitan na ng sigawan ang dating malalakas na tawanan
Hindi na ikaw ang munting bahay na masaya kong inuuwian
Punong-puno ka ng tensyon at ang enerhiya sa paligid mo’y hindi na kaaya-aya
Ang tanawin sa iyong apat na sulok ay hindi na maganda
Kung kaya’t tahan na tahanan,
Parehas tayong umasa na ang lahat ay babalik sa dati nating nakasanayan
Sep 27, 2020
Sep 27, 2020 at 12:53 PM UTC
Hari ini dia datang lagi
Dengan gaun kuning tanpa lengan
Rambutnya dibelah dua dan dikepang dengan dua warna karet rambut yang berbeda pada tiap-tiap ujungnya
Senyumnya manis sekali
"Dasar anak cantik"
Dia tersenyum semakin lebar sambil menawarkan aku setangkai balon
Sepertinya balon itu baru saja digelembungkan
Aku menggeseknya dengan kuku yang baru saja kupotong
Aku pikir dia akan mengernyit, entah kenapa dia malah tertawa
"Kemana saja kamu selama ini?"
Tertulis sebuah nama restoran yang kukenal pada balon itu
Jelas bukan tempat makan favoritku
Karena aku tak terlalu antusias saat melihat namanya
Sebuah tempat yang sering didatangi anak bini
Dipenuhi oleh emosi-emosi semu
Hanya untuk terlihat intim—setidaknya bukan tempat untuk anak gadis yang terus menatap layar ponselnya tanpa henti
"Darimana kamu tahu aku ada di sini?"
Dia memberikan aku kepingan lakban yang ternyata masih tercecer
Saat itu aku memperapikan koleksi buku harian, ya, dengan upaya untuk tidak melihatnya lagi
Supaya aku tak jatuh kepada rasa ingin membaca ulang semua tulisanku
Sial! Pasti dia mengawasi aku
"Apa tujuanmu kesini?"
Air mata berderai dari kedua matanya yang bulat
Seolah akan mengujarkan sesuatu dari mulutnya, dia hanya diam
Mungkin bukan diam, tapi mengoceh dengan kata-kata yang tak dapat kucerna
Kugenggam telapak tangan nya—sungguh kecil dibanding milikku
Dia masih saja menangis tanpa henti
Untuk segala tenggang rasa yang aku tahan kepada anak-anak, kali ini cukup iba rasanya
"Ayo, lah, aku hanya ingin merokok di sini"
Entahlah, enyahlah
Aku juga harus beranjak pergi dari sini
Lapangan tenis kosong yang dihiasi dedaunan repih
Jan 23, 2021
Jan 23, 2021 at 5:50 AM UTC
Kung hindi ka na babalik
Hindi na ako muling iimik
Kung hindi ka na bumalik
Sana noon dinala mo narin ang sakit
Kung hindi ko man na maibabalik
Sana binawi ko ang iyong halik
Kung hindi ka man pala para sa akin
Sana noon di na kita pinansin
Kung pinahiram ka lang sa akin ng tadhana
Sana naging madamot ako at inangkin kita
Nakakapagod maghintay sa isang bagay na di sigurado
Lalo kung alam **** sa huli ikaw ang talo
Sep 21, 2017
Sep 21, 2017 at 9:25 AM UTC
Tigilan na ang pagluha,
Wag sirain ang bagay na binuo mo,
Sa tagal mo nang humahara sa pagsubok,
Ni isa walang nakapagpabuwal sayo.
Madami ka ng naidilig sa lupa,
Ilang bulaklak na ang iyong napatubo?
Gamit ang iyong mga kamay,
Ang mga bubot ay nagmistulang mga rosas.
Hindi mapagkakailang mahapdi at masakit,
Ang ang bulaklak sa iyong hardin,
Hindi ka na makalapit,
Pero tandaan maari pa siyang pagmasdan
Kahit malayo, iyong alalayan.
Ngunit darating ang panahon,
Puso’y maghihilom,
Tatagan lamang ang dibdib,
Saluhin ang sarili gamit ang sariling bisig.
Kakayanin mo ito,
Wag ka pagagapi,
Kaya tahan na,
Wag hayaang,
Ang mga multong ginawa sa para sarili,
Makapasok sa tahanan pa.
Sep 4, 2019
Sep 4, 2019 at 7:20 PM UTC
Ilang beses ko na bnag sinabi sa sarili ko na huling iyak ko na to tapos tahan na?
Ilang beses mo na bag dinurog ung puso ko para buuin ko lang nang paulit-uliit?
Ilang beses pa ba akong magpapanggap na wala na pake hanggang sa maramdaman mo namang pagpapanggap lang lahat ng ginagawa ko?
Ilang beses pa ba akong magsisinungaling para lang maintindihan mo ung gustong isigaw ng puso ko pero hindi ko masabi sa'yo?
Feb 20, 2018
Feb 20, 2018 at 10:17 AM UTC
Umiiyak ka nanaman.
Nilulunod ang sarili sa alaala ng nakaraan.
Nakaraang winasak ka hanggang sa wala ka ng maramdaman.
Nakaraang sinumpa mo ngunit gusto mo pa ring balikan.
Sa sarili'y tinatanong ang mga katanungang wala namang sagot.
Umiinom ka nanaman ng lason na kalauna'y ginawa mo ng gamot.
Anong nangyayari sayo?
'Di ka pa ba napapagod?
Luha mo ay patuloy parin sa pagdaloy,
Habang nilalango ang alak na sa lalamunan ay umaapoy.
Nagluluksa ka dahil puso mo'y siya parin ang tinitibok.
Tangina, kailan ka babangon sa pagkakalugmok?
Madilim na langit ay unti-unti nang lumiliwanag,
Liwanag sa iyong ngiti kailan ko kaya ulit maaaninag?
Umaga na, di ka parin tapos sa pagtangis.
Hanggang kailan ka ba magtitiis?
Mahal ko, tama na.
Ako ang mas nasasaktan sa iyong ginagawa.
Tahan na, mahal ko, parang awa mo na.
Baka ikamatay ko na kung bukas iiyak ka nanaman dahil sa kanya.
Jul 25, 2020
Jul 25, 2020 at 9:09 AM UTC
Minsan, parang ang haba ng araw kapag inaantay mo itong lumipas nang wala ng kirot. Isang linggong haba.
Nakakapagod pala talaga. Nakakapagod mag-umpisa. 'Yung hahakbang ka nalang paharap, ang tinig, yapos, at bawat pagsulyap pa rin ang makapagpapahakbang sa'yo pabalik.
Kahit wala na.
Tapos susubok na humakbang muli. Paharap. Kahit bawat yapak, pumapatak ang luha sa paanan **** pagód na't namimitig. Babalik. At masusugatan nang minsan pa.
Bitaw ka na. Ibigay mo sa Kanya.
Ang mga bubog sa pagód **** puso na sumusugat sa bawat pagyapak ay dadamputin Niya nang walang pag-a-alinlangan, dahil una na Siyang nasugatan.
Bitaw ka na. May paghilom sa paglaya. At sa paglaya ka papayapa.
Tahan na. Lalaya ka. Lalaya ka dahil pinalaya ka na.
Isang hakbang pa ulit. Sa Kanya lang ang tingin.
Hindi ka pa man lumalapit, handa na Siyang yumakap.
Takbo ka papalapit. Hayaan **** buuin ka Niyang muli.
Feb 4, 2024
Feb 4, 2024 at 12:07 AM UTC