Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Crissel Famorcan Mar 2017
Sa sarili noon ay aking nasambit,
Sa pangarap ko, wala nang hihigit
Sa buhay na ito, wala na ring nais makamit
Kundi ang pangarap ko na sana'y masapit

Ngunit nang narinig ko ang tinig **** kayganda,
Ako sa iyo ay agad nahalina
Sa puso ko'y nabuhay muli ang pag - asa ,
At mula nun' ninais kong ikaw ay makita

Ang iyong kanta kung pakinggan ay anong sarap !
Mas maganda siguro kung aawit sa aking harap
Sa malamig na tinig mo,lahat ay naaakit
Sa mga larawan mo, mata ko'y tila nadikit

Oh mahabaging langit! kailan kaya makikita
Itong talentadong tao na iyong nilikha?
Autograph nya kailan ko kaya makukuha?
O masilayan man lang maganda nyang mukha?

Pakiwari ko'y mahaba pa ang aking tatahakin,
Sa pera ko'y marami pa ang dapat ipunin,
Kaya't sa ngayon, ang akin nalang gagawin,
Sundan sya sa facebook twitter at ig narin!

At bago ko ito wakasan,
Isang salita ang nais kong iwanan
Di pa man kita nasisilayan,
Mamahalin ka sa tahimik na paraan.

Alam kong malabong ako ay mapansin,
Dahil marami ang mga katulad ko rin,
Ayos lang! Basta't lagi **** tatandaan
May isang CRISSEL na handa kang suportahan.

At kung loloobin man ng kapalaran,
Itong tula'y iyong mapakinggan,
Sana ikaw ay masiyahan,
Magdulot sa iyo ng konting kaligayahan.

Hindi ko alam kung may pagkakataon
Na magkatotoo ang aking mga ilusyon,
Pero tandaan mo sadyang mahal kita
Sa puso't isip ko tunay na nag - iisa !
This is dedicated to my favorite artist Kaye Cal ❤❤
Desirinne Mar 2017
Nandito ako palagi sa tabi mo
Nandito ako para suportahan ka sa lahat ng gusto mo
Nandito ako sa tuwing ako'y kailangan mo

Bakit tila hindi sapat ang mga bagay na kaya kong ialay sayo?
Bakit tila hindi ka nakuntento sa bagay na mayroon tayo?
Bakit tila nagiba ang ihip  ng hangin?

Tila na ***** ka sakanya at  nawala ka saakin
Tila siya na at hindi ako
Tila kayo na at wala ng tayo

Paano tayo nagkaganito?
Paano tayo babalik sa panahong 'ako' lang at walang 'siya'?
Paano tayo babalik sa panahong tayo lang at walang kayo?

Kailan pa tayo unti-unting binabalot ng sakit at lungkot?
Kailan pa tayo unti-unting nawawala sa isa't isa?
Kailan pa tayo nagkaganito?

Hindi ko alam ang mga sagot sa tanong na
Bakit?
Paano ?
Kailan?

Ayoko nang malaman ang sagot
Dahil ako'y natatakot
Na baka sabihin mo siya nalang at wala nang ako
at higit sa lahat sabihin **** kami nalang at wala ng tayo

Bakit ba tila lahat ng pinagdaanan ay pinawalang bahala
Tila ba hindi nanghinayang
Nang iwanan ako at iparamdam saakin na wala na talaga
Nang talikuran ang tayo at harapin ang kayo
Nang bawiin mo sakin ang salitang "Mahal kita"

Oo wala na
Wala nang ako
Wala nang ikaw

Wala nang ikaw at ako
Wala ng ako at ikaw
Wala ng tayo

Dahil pinalitan ng
Siya
Ikaw
Ikaw at siya
Siya at ikaw

Pinalitan ng ako at ikaw ng ikaw at siya
Pinalitan ng tayo ng kayo
at ngayon.... tapos na tayo
3-24-17
Gigising nang maaga para sa palayan magtalok
Kailangan na magtrabaho kahit pa inaantok
Suot ang sombrelong dayami at jacket na manipis
Sa matinding init ng araw kailangan magtiis
Hila ang araro ng masipag na kalabaw
Kahit ang nag aarya pati sa tubig ay uhaw
Ang lupang matigas na kailangang matunaw
Dapat ikaw ay malakas, dapat matindi ang galaw
Tanging lugaw na bigas sa umaga ang almusal
Para maging maputik hindi sapat lang ang dasal
Kinakailangan ng lakas at tubig na galing taas
Susuyurin ng wagas para mas maputik ang antas
Yuyuko pa ng marami tapos bukas sakit ay lalabas
Maghihintay ng ilang buwan para mabuo ang bigas
Ganon kahirap ang dinanas bago bigas ay makain
Pasalamat sa taas dahil tayo'y may pagkain

Talok dito, talok doon
Sila sa palayan ay maghapon naroon
"Bilad sa araw ay katawan" oo tama ka doon
Para may makain ang pamilya at pangbaon
Sa trabaho at eskwela papasok tiyan walang laman
Pagbalik sa hapon isip mo tiyak iyan may laman
Para may anihin at kainin pagsapit ng kinabukasan
Sa pagtatanim ng palay walang punla sinasayang
Bawat punla ng palay sa putik ay binabaon
Bawat paa at mga kamay sa putik ay nakabaon
Bawat pawis ng katawan sa damit ay naroon
Bawat yuko ng katawan masakit iyon sa maghapon
Bawat init ng araw sa likod ay nakakasunog
Bawat patak ng ulan sa likod ay sunod sunod
Pero wala silang pakialam kung balat ay masunog
Basta ang mahalaga may makain bago matulog

Hindi biro ang buhay ng magsasaka,
'Di alam kung mayroon pa bang pag-asa?
Sa mga tinanim na palay sa lupa ng iba
Mula sa inaning palay mas kumikita ay sila
Maswerte na kung may sariling lupang sinasaka
Pero minsan malas pag dumadating mga sakuna
'Di mapakinabangan mga halaman hinintay ng mahabang panahon
Bilang sukli sa kasipagan mga bunga sa putik ay nakabaon
At ang nagpapahirap sa buhay ng magsasaka
Sariling gobyerno na kulang sa suporta
Mas tinatangkilik ang iba kaysa sariling saka
Dahil ba magandang klase ang bigas nila?
Mga dahilan kung bakit ganon, naiintindihan namin iyon
Ngunit walang tulong mula sa agrikultura, 'wag naman ganon
Oo masarap kainin ang bigas kahit walang lasa
Pero maging magsasakang pagod na walang kita, nakakawalang gana

Sana madama niyo ang aming mga hinaing
Sana sa ibang bansa'y ipagmalaki niyo rin
Hindi lang sila magsasaka, sila'y bahagi ng ekonomiya
Kaya suportahan pagdating ng sakuna at problema
Hiram na ani yung iba para kumita ng pera
At sa mata ng gobyerno sila'y itsapwera
'Di sapat ang tula para ikwento ang buhay ng magsasaka
Sa mga taong walang suporta at 'di kayo kinikilala
Hindi ko naranasan ang maging magsasaka
Pero kaya kong gawing kanta mga ginagawa nila
Gamit ang lapis at papel, kayo ang tema at beat
Kaya makabuo ng kantang tagos sa puso at Bakit
hinahangaan at pinagmamalaki kayo sa buong mundo?
Dahil sa sipag at tiyaga, pasensya at ito pa masasabi ko
Sa lahat ng magsasaka kahit mahirap ay kinakaya
Saludo po ako sa inyo para sa akin sikat ka na

— The End —