Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sumusulyap" poems
Pabalik-balik ka Hahakbang nang pakaliwa , Hahakbang nang pakanan. Yapus-yapos ako ng aking kinahihimlayan Balakid nati'y salaming Bahagdan lamang ang kinalalagyan. Puti ang daan patungo sa iyong tuntungan Sumusulyap ka nga't Mensahe'y kusang tanong Tinipon at binahagi sa pagkatao. Malabo ang salamin sa harap Dito sa amin at sa kalye sa looban Kung saan dinudumog ito Ng mga kliyenteng Buht sa iba't ibang pintuan. Takipsilim na Tangan-tangan ko ang susi palabas Nang tumambad ka't Ilang metro lamang ang distansya. Nagtagpo ang pawang paningin Bagkus kailangan na ring pigilan ng sandali Nauna ka Pagbaba ko'y hindi na muling nasilayan Anumang aninag ng iyong lihim na pagkatao. Mayroong kumaway sa akin Isang pamilyar na tauhan sa sarili kong kwento Dati ko palang **** sa asignaturang Ekonomiks. Tinugon ko ang pagtawag niya sa akin Aba't ang oras ang huminto Ninakaw ng kanyang katabi Ang pagtingin buhat sa tumanggap ng pagtugon. Naroon ka, hawak ang manibela Ako'y nauupos na kandila Ako'y hinahanging saranggola Isang bulang hinihele ng musikang walang liriko. Hindi ako naging epektibo sa kausap Doon ang pasimula ng kwento Hihintayin ko ang muling pagsirit ng nanlilisik na araw At ang lahat ay kapwa Pausbong na ala ala na lamang.
0
Jul 3, 2014
Jul 3, 2014 at 7:12 AM UTC
Stairway to Your Heart
#041716 May mga bituing nais abutin, Nangangalay ang diwa pagkat dapat habulin. Ganoon pala ang pagtatagisan ng mga saranggolang itim, Sisipatin ang isa't isa't may pandilig na patikim. Ako'y musmos sa alok nitong ginintuang pangarap, Dilubyo'y mabagsik bagkus may matinding yakap. At doon matatagpuan ang haplos na hinahanap, Ako'y alipin sa sahig na Langit ang sumusulyap. Sa paglatag ng Liwanag na may bahaghari Waring yuyukod siyang ulap na mapagkunwari. At kanyang saplot, ihahanay nang sandali, Saksi maging hanging nagtataingang-kawali. Sa pagsalin ng hiningang latak ng kahapon, Baon pala ang sakit hanggang dapithapon. Ipipinta ang itsura ng sarong na maputi, Siyang pupuri sa Langit na may bahid ng kayumanggi. Tila baryang itinapon at nagkakalansingan, Sa papag na mistulang may sawing kasintahan. Mga tauha'y lalaban sa kuweba ng kadiliman, At doon ang kandila'y panandaliang tatahan. Babahagian ng yaman ang uhaw sa kalinga, Hahagkan silang mga busal na walang isang salita. Hanggang sa magkandiring muli sa saliw ng musika, Silang tangan ang pising may kakaibang mahika.
0
Apr 17, 2016
Apr 17, 2016 at 9:21 AM UTC
Saranggola sa Bukid
SALAMAT SA SANDALING NAGING AKIN KA. Even seen i really knew it sinabi ko na to sa mga salita ko at itoy totoo Totoong kaya **** magsinungaling at d sabihin ang totoo ngunit ayus lang oo ayus lang na dna marahil wala ng tau na akala ko ay totoo ngunit isa palang guhit, iginuhit sa hangin at unti unting nag laho hindi na kita masisisi mag ka iba ang mundo na ginagalawan!! Mundo?? Oh pag iisip ayus lang ayus lang talaga salamat sa saglit sa kunting pag paramdam na kahit ako lang ang nag gagawa ng paraan ngunit kailangan na ata kitang kalimutan at tapusin ang tadhana na matagal kunang d pinapakawalan upang ma isip at makausap kapa siguro nga d tayu ang totoo siguro kailangan ko ng bitiwan ang lahat upang makalaya na ako sa pag iisip sa mga bagay na walang humpay na sumusulyap salamat sa saglit na taon sa buhay nating dalawa salamatSa mga nakasanayan dapat ko na atang kalimutan upang d tayo mag kasakitan dahil humihirap lang ang pusong nasasaktan siguro nga hanggang d2 nlangAkala ko habangbuhay ang awit sa ating dalawa ngunit biglang lumihis ang nota na dapat ay nasa tuno pa wala ng kasguraduhan na maibabalik pa ang nakaraan kaya sigurong tapusin na dahil na hihirapan lang salamat sa saglit na pag paparamdam na akoy mahalaga kahit itoy hindi na totoo pa salamat sa mga salita na ngaun ay nag lalayag na sakabilang dako ng mundo na dooy mag papahinga siguro ngay hanggang d2 nlang ang ating storya hanggang d2 nalng at itoy mag tatapos na salamat sa mga sandaling kaligayan salamat sa saglit ng pag paparamdam salamat sa taong nag paramdam ng katotohanan ang masasabi ko lang salamat sa sandaling naging akin ka
0
Apr 27, 2018
Apr 27, 2018 at 12:33 AM UTC
Untitled

Continue reading...
3
Ito nga pala ay para, o tungkol, tungkol sa babaeng aking ninanais, nakita kita sa hindi inaasahang oras at pagkakataon. Kung alam mo lang, ang pagtalon nang aking puso sa tuwing nag sasalubong ang ating mga diwa Hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito. Lumalim ng lumalim ang inaakalang simpleng pagtingin ko para sayo. Oo ikaw! Ikaw, ikaw nga pala yung babaeng aking ninanais. Ikaw, ikaw nga pala yung babaeng nag bibigay kabog sa aking dibdib. Ikaw, ikaw yung babaeng pinapangarap kong makamit. Ikaw, ikaw yung babaeng simple lang pero anlakas ng dating. At ako, ako nga pala yung taong sumusulyap sayo ng palihim. Ako, ako nga pala yung taong hindi magkanda ugaga sa tuwing ikaw ay paparating o dadaan sa aking harapan. Ako, ako nga pala yung taong handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Kung alam mo lang kung gaano kita hinahangad tuwing nakikita kita. Pero bakit nga ba ganoon? Hindi ko magawang umamin? Siguro'y dahil sa pautal utal na pananalita ang dahilan o sadyang wala akong lakas ng loob na sabihin sayo ang aking nararamdaman. Ako'y simpleng tao lang, Hindi makisig gaya nang ninanais ng nakararami, pero pangako lahat gagawin ko mapasaya ka lang. Mukang hindi ako yung tipo ng lalake na maaari **** gustuhin Ako yung taong tahimik lang sa isang tabi Ako yung tipo ng tao na hindi pang angas sa tropa, pero pangako, araw araw ipagmamayabang kita. Subalit bakit ganito ang tadhana, ika'y nakakulong sa isang sitwasyon. Sitwasyon na akin ding hinihiling, siguro nga ay hindi ko ginusto na magkagusto sayo kase alam kong masasaktan lang ako. Sana ako na lang. Inisip ko na sana ako na lang sya na sayo'y nagpapaligaya Sana ako na lang sya, na mahal mo ng sobra Sana ako yung taong lagi **** kausap, Sana ako yung nagbibigay ng ngiti sa tuwing malungkot ka. Ikaw yung babaeng nagbibigay ngiti at kalungkutan sa akin. Dahil sa tuwing naiisip kita, pumapasok den sa isip ko na ikaw at ako ay malabong maging tayo. Dapat bang tanggapin na lang ang katotohanang hindi na mababago? na hindi talaga pwede maging tayo? Hanggang dito na lang ba talaga ako? na nangagarap na maging tayo? Siguro ngay maihahalimtulad ka sa ulap sa langit Kase abot tanaw ka nga, ngunit mahirap ka naman makamit. Siguro nga'y masakit masampal ng babae no?, pero mas masakit parin siguro na masampal ng katotohanang hindi talaga pwede na maging tayo. Sakit diba? Namaos ang puso ko kasisigaw sa pangalan mo. Namaos ang puso ko kalilimos ng barya ng pag ibig mo. Napagod ako kasisigaw. Pero walang magbabago, lilipas paren ang gabi na walang nangyayare. Kase kahit na ano pang gawin ko, ikaw at ako ay malabong maging tayo. Ano bang dapat kong gawin? Para magkaroon ng ikaw at ako na bubuo sa salitang tayo. May mga bagay talaga sa mundo na kahit hindi mo man makuha, makita mo lang masaya ka na..
0
Feb 27, 2018
Feb 27, 2018 at 11:42 AM UTC
Torpe

37
mabuti pa rin ang bawat umaga sapagkat naroro'n ka sumusulyap kung manunuya ang kadiliman ng langit ngunit salamat sa liwanag batid **** sa pag-ibig ko sa bayan ay palaging kasunod ka ang mapagpalaya **** tinig sa gitna ng mga sigaw taas kamaong kumakapit sa apoy ng rebolusyon naririto pa rin ako lumiko man ang daan mananatili sa pagkaway ng bukang liwayway at kung sa panahong hindi ko na makapa ang taling nag-uugpong sa ating dalawa lumingon ka lamang pabalik sa sining at pluma tambisan mo ng liyab ang mga salitang magmamarka saliwan mo ng musika ang dalit ng maralita lilingon muli ako aking sinta, at doon ay makikilala kita.
0
Jul 1, 2018
Jul 1, 2018 at 6:01 AM UTC
ang babaeng militante
Nais kong ipatid Ngunit hindi maihatid Dahil ika’y manhid Sa tuwing tumatagilid. Tinatanong sa isipan Ngunit ako’y nag-aalinlangan Dapat bang hawakan O ito’y pakawalan. Sinasambit ng labi Bawat salitang itinabi Sa paraang pasintabi Upang hindi madali. Sumusulyap lang sa’yo Tuwing ika'y nanunuyo Upang hindi lumayo Ang pagmamahalan niyo. Nandito upang alalayan Puso’t isipang naguguluhan Tumabi’t ako’y sandalan Dapatwat hindi pangmatagalan. Nais kong malaman Ano ang nilalaman Ng pusong nakikipaglaban Na walang kahahantungan.
0
Nov 7, 2017
Nov 7, 2017 at 3:56 AM UTC
Tatlong Salita Lamang
Sana— matagpuan mo na, ang tao na ituturing kang tahanan, 'yong parati sa'yong uuwi, 'yong patatawanin ka— matapos ang nakakapagod na maghapon. Sa dinami-rami ng taong kaniyang nakakasalubong; Ikaw at ikaw parin kaniyang pinipili, hindi sumusulyap sa iba, deritso ang tingin at hakbang ng mga paa. At, sa kailaliman ng kaniyang puso, alam niya kung ano'ng gusto mo. Ang umuwi s'ya saiyo, matapos makidigma sa magulong mundo
0
Feb 26, 2022
Feb 26, 2022 at 7:53 AM UTC
Tahanan