"sumubok" poems
073016
Krimen ang kasinungalingan,
Baluti ay matatamis na salita
O biruang panlihis sa katotohanan.
Nagtitimbang mga katauhan
Sa payak na mga salitang binibitawan.
Hindi ako makahinga
Bagamat sariwa ang hangin --
Sariwa gaya ng mga alaalang tinubos ng dilim.
Pinili kong maging totoo sa silakbo ng puso,
Sa bawat mensahe'y, kaakibat nito
Ang mga panalanging gamutin yaon ng Ama.
Pag-ibig na nakarehas,
Pag-ibig na hindi nasambit
Bagkus binuhos ko kasabay ng pagluha.
At ngayo'y pag-amin ay hindi liham,
Ako'y tiyak na dadaloy ang kalayaan.
Kung may tanong ka,
Sagot ko ay "oo"
Dahil mahal kita
Dahil minahal kita.
Pinili kong tiisin ang sakit ng distanya,
Pinili kong hindi na balikan ang nayurak nang larawan.
Takot akong sumubok noon
Kaya nga nakikisabay lamang sayo.
Bagkus sa'yong paglisan,
Di waring pag-ibig mo'y tangay na rin hangin.
Parang nawala na lang,
Kaya't sabi mo'y sumuko ka na lamang.
Kailanma'y hindi kita sinukuan
Bagkus pinagdasal kitang tunay.
Pagkat yan ang dinig ko sa Maykapal
Na Siyang unang nagbihis sakin ng pagsinta.
Jul 30, 2016
Jul 30, 2016 at 8:59 PM UTC
Pangako.
Sing lalim ng dagat ang pagiisip ng sandali
Sa mga susunod na tinginan,
Ngiti,
Mo ang umaaya,maghintay,suungin ang mga alon ng pagsubok,
Kasabay ng ibat ibang mandirigmang sumubok makuha ang perlas ng iyong karagatan,
Natututo akong makidigma,kahit nagmamanhid na ang mga braso,lumaban,ako dahil mahal kita.
Maghihintay ako
Kahit ilang araw o buwan ang lumipas,wala ka sa tabi akoy narito palagi, ang makita kang masaya,
Ang ngiti, sa yong mga labi ay sapat na upang akoy maghintay.
Ang mga bulak **** kamay na nagaayang lumapit, saakin habang nakatitig ako sa bawat pagpikit, ng iyong mga mata na nagsasabing kumapit.
Nagsisimula palang ang paglalakbay,
Pagpasok, sa ibat ibang hamon mo,
Pagsuko,takot?
Hindi yan ang sagot sa tanong na inaantay,sa tanong na matagal ko ng hinihintay,ang sagot.
Mangangako ako sayo pero mangako karin saken
Pangakong hindi ako mananakit ,pero mangako kang hindi mo ako ipagpapalit.
Pangako kong ang pagpili mo saken ay hindi mo pagsisisihan, atipangako **** hindi mo ko isasama sayong pagpipilian.
Pangako kong hindi lahat ng oras mo ay aking kukunin,pero ipangako **** mag lalaan ka ng attention para saken.
Pangako kong walang iba kungdi ikaw,at ipangako **** di ka bibitaw.
Pangakong magiging importante ka para saken,pero ipangako **** hindi mo ako paaasahin.
Na ang pangako ko ay hindi basta pangako,na ang pangako ko ay handang maglakbay, na maging alalay na laging nakasunod,
Sa ikatakda na ikay maging handa,
Maghihintay ako,pangako.
Mar 6, 2017
Mar 6, 2017 at 3:15 PM UTC
Nagsimula ang lahat sa kanta
Sa kanta na nagsilbing tulay sa'ting dalawa
Na parang tubig at langis-
Sa wakas nagsama
'Di inakala na magkakaganito
Dahil wala naman talagang pagtingin sayo
Ni hindi nakitang magiging magkaibigan
Hanggang nagkaroon ng tiyansang baka pwede ng walang hanggan
Walang hanggan na paguusap
Walang hanggang pagtatawanan
Walang hanggang pagiintindi ng mga
Tingin na hindi alam kung ano ang sinasabi
Pero tila takot parin
Ang pusong napagod sa mga sakit
Na idinulot ng mundong mapait
Takot makaramdam, tumibok
Sumubok ng bagay na hindi sigurado kung saan patungo
Na baka isa na namang patibong
Na kukulong sa isip kong lunod na lunod na
Sa mga kathang isip at imahinasyon
Kaya hanggang dito na lang muna siguro
Pipigilan ang mga ilusyon at delusyon
Na sisimilan na namang gawin ng puso
Para kahit hindi matupad ang salitang "tayo"
Mananatili parin akong buo kahit papaano
Jan 9, 2017
Jan 9, 2017 at 7:21 PM UTC
Sabayan mo ako sa pagbigkas nito,
Nakakapagpabagabag,
Pitumput-pitong puting pating,
Minikaniko ni Monico ang makina ni Monica,
Ang relo ni Leroy ay Rolex
Bumili ako ng bituka ng butiki sa butika.
Eto ang mga pampilipit dila na naalala at kinalakihan ko
Ang saya bigkasin,
Kasi alam ko na ang bawat pantig, ang tamang pagsambit
At tuwang-tuwa ako bigkasin sa harap ng mga kaibigan ko
Ipinagmamalaki kasi kaya kong sabihin ng diretso, at hindi nauutal
Siyempre, noong una, pumilipit ang aking dila
Ilang beses pinaulit-ulit, hanggang sa masabi nang tama
At ayun, kinaya kong sabihin
Pero sa lahat ng narinig at nabasa kong pampilipit dila
Tila bang 'di ko pa rin kayang sabihin sa sa'yo ang mga salitang
Mahal, kita. Gusto, kita.
Na para bang sila ang mga salitang pinakamahirap bigkasin,
Kahit siguro ilang beses ko ulit-ulitin hanggang sa masabi ko nang tama
Parang hindi ko pa din kakayanin.
Siguro mas kaya ko pang sabihin sa sa'yo ang mga pampilipit dila na naaalala ko,
Nakakapagpabagabag
Nakakapagpabagabag ka sa pagtulog ko
Kakaisip kung anong mangyayari kung sinabi ko sa'yong gusto kita.
Kung anong mangyayari, pag nanligaw ako o pag naging tayo na.
Handa akong protektahan ka sa pitumput-pitong puting pating.
Alam mo ba ang relo ni Leroy ay Rolex?
Sana alam din niya ang oras ng uwi mo, para maihatid kita,
Sana alam din niya na tumitigil ang oras tuwing nagkakasalubong ang ating mga mata
Sana alam niya ang tamang oras kung kailan ko ba dapat sabihin sa'yo na mahal kita
Nauutal sa apat na pantig,
Na hindi ko naman alam kung gusto mo bang marinig
Mahal kita, mahal kita, mahal kita.
Ilang beses inulit-ulit bigkasin habang papunta sa'yo
Baka sakaling masabi ko pagdating ko sa harap mo
Pero nang nakita ka na,
Para bang nabura mo ang lahat ng bokabularyo na alam ko,
Nakalimutan ang tamang balarila,
Nakalimutan kung paano mag-salita
At nang lumampas ka,
Nanghinayang. Sayang.
Tatanggapin ko na lang na
Siguro hindi lahat ng pampilipit dila ay kaya kong bigkasin
Mas-mabuti na lang siguro na,
Hindi sumubok, hanggang sa makalimutan ko nang sabihin sa'yo
At mag-aantay na lang muli
ng isang taong
hindi pipilipit ang aking dila
Kapag sinabi kong,
Mahal na mahal kita.
Apr 23, 2016
Apr 23, 2016 at 11:41 PM UTC
Milyun-milyong mga blankong mukha,
pipintahan,
papahiran ng pintora
ang iba’t ibang kastilyo ng pangarap.
Subalit sa paglipas ng panahon
ang mga kastilyong ito’y rurupok,
at sa isang ihip ng hangin
ay pwede ‘tong gibain.
Masasanay kang matalo,
para sa atin ‘tong mundo.
Para sa atin,
hindi para sa kanila,
kailanman hindi ‘to masasakop
ng mga mapapait na luha.
Nasanay ka na sa panonood
ng mga teleserye o pelikulang
kung ano ang theme song
ay ‘yon din ang pamagat.
Nasanay ka nang mag-abang
sa paiba-ibang kulay na buhok
ni Vice Ganda, o ni Yeng Constantino,
ang umasa rin sa paiba-ibang desisyon
ng mga tao sa paligid mo.
Nasanay ka nang magmahal ang gasolina,
at iba pang mga bilihin
ngunit hindi ang magmahal ng totoo,
dahil takot kang masaktan ulit,
ang iwanan, o umasa ulit,
sa isang relasyong pang-post lang
sa FB, IG o Twitter,
‘yong pang-“#relationshipgoals” lang,
nasanay ka na pero takot ka pa rin.
Nasanay ka na sa mga surprise quiz.
Sa exams. Sa reporting. Sa thesis.
Sa Singko, INC, Withdraw o Drop.
Sa pag-jaywalking,
dahil late na naman sa 7:30 AM class.
Sa paulit-ulit na sorry.
Sa paulit-ulit ding pagpapatawad.
Sa paghahanap ng ka-red string.
Sa paghahanap ng ka-forever.
Sa mabagal na internet.
Sa job interview. Sa gobyerno.
Masasanay ka ring matalo
dahil ganito ang konsepto ng mundo.
Patitikman ka muna ng pagkabigo,
bago ka ulit maging buo.
Baka rin bukas-makalawa
maiisipan mo nang mag-aral ng mabuti
at iwasang ang usapang mabote,
ang bumangon ng maaga
at hindi papatayin ang naka-set na alarm,
ang maging totoo
sa taong nagmamahal sa ‘yo,
o kaya subukang ipa-Photoshop
ang 2x2 picture mo sa resume
para sa paparating na job interview.
Masasanay ka ring matalo,
masasanay ka rin sa mga peklat mo sa puso.
Dahil hindi ito matatapalan
ng pulga-pulgadang concealer ng Maybelline,
o kahit ubusin mo pa
ang stock sa AVON, sa Watson, sa HBC, o sa Lazada.
Kaya tanggapin mo na lang
na ang buhay ay puno ng pagkatalo,
dahil sa huli para sa atin din naman ang mundo,
kaya wala kang dahilan para sumuko,
dahil ang sumusuko lang ang natatalo,
at ang hindi takot sumubok ulit
ang tunay na panalo.
Sep 6, 2016
Sep 6, 2016 at 8:03 PM UTC
Tumingin si Kupidong hindi mapakali
Sa damdamin kong nag-aalab sa iyo.
Aking pagkamangha ng labis sa iyong mga
Mata na hindi makatingin sa akin. Sana
Magtapat ang naglalabang puwersa
Ng pagmamahal at pagkainis para ang
Nadarama ko sa iyo ay maibsan na.
'Di ba't nais mo na mawala ako; hindi ba't
Gustong-gusto mo na akong gumuho?
Ika'y torete na sa akin, alam ko 'yon. Kung
Mawala ako, mawawala ka na din
Dahil ako lang nagmahal sa'yo ng sobra.
Handa ka na ba mawala? Tignan mo sana
Akong nakaalis na sa iyong puder. Kung
Ibigin mo ako ng sobra at sumubok
Ka pumasok sa aking puso, makapapasok ka?
Kung papipiliin ka, ako o ang sarili mo?
Maging makasarili o subukang makabuo ng
Tayo? Ako'y pinipilit mo pa na bumalik
Sa'yo, sa'yong maliit na puder. Noon, simple
Lang ang nais ko, ibigin at umibig. Ngayon,
Ang pag-ibig ko'y may hangganan, ang
Puso ko'y napapagod. Pakawalan mo na
Ko at ang pag-ibig mo sa akin.
Silent inside the room, with darkness in the
Sanctuary, I sit here and try to seek you.
(to alfia)
-J.J.
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 10:44 PM UTC
Akala ko, di ko naman siguro ikakamatay,
Kung hindi ko mahawakan ang iyong mga kamay.
pero
Hindi ko yata tanggap ang buhay
Kung saan di man lang ako sumubok magtagumpay.
Handa akong harapin ang katutuhanan,
Kahit pa ito ay walang katiyakan,
Kahit pa may pangamba sa iyong kasagutan.
Jun 26, 2023
Jun 26, 2023 at 1:52 AM UTC
032317
Sinubukan kong intindihin
ang bawat salitang sinasabi mo
Hinabi gamit ang iba't ibang lenggwaheng
Bago lang sa paningin at pandinig ko.
Natakot ako pagkat hindi ko maintindihan
At dumating na nga sa puntong
hindi na rin kita maintindihan.
Kaya sumubok akong humanap ng ibang kahulugan
Nagbaka sakaling sa "doon"
ay may mapupuntahan.
Pero mali pala yung takot
na namuo saking pagkatao.
Lahat ng sabi kong iintindihin ko'y
bigla na ring naglaho.
Lumapit ako sayo
pagkat kinakain ako ng emosyon ko,
Ng takot, duda at kakulangan sa tiwala sayo.
Sinambit mo sa aking tumigil na ako --
Sa pag-aalala sa mga bagay
na ikaw mismo ang aareglo.
Dagdag mo pa'y ikaw ang aakay
sa mga walang katapusang kahinaan ko
At doon ako natutong:
wag ka nang ipilit ang kakayahan ko.
Nilinis mo ako at ginawa mo pa ring bago
At sabi mo pa nga'y aabahin mo ako
Hanggang sa makarating tayo sa simulang dulo.
Ama, sa aking pagpapasakop,
Pwede bang yung buong ako
Yung yakapin **** may pagkalinga?
Napagod na kasi akong mag-isa
Gusto ko nang sumilong --
Sumilong sa tangi **** presensya.
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 11:45 PM UTC
"Mabuti pa sa loto may pag-asang manalo. 'Di tulad sa'yo imposible."
Napakaimposibleng mapa sakin ka
Wala pa akong napapatunayan sa mga mata ng masa
Ang pag-ibig ko sa iyo
Ay parang pagsusugal sa loto
Alam kong malabong ako'y manalo
Alam kong maaari akong matalo
Pagmamahal ko'y ipaparamdam sa iyo sa pamamagitan ng mga galaw ko
Sapagkat ako'y nauutal kapag ikaw na ang nasa harap ko.
"Prinsesa ka ako'y dukha. Sa TV lang naman kase may mangyayari."
Nakatira ka sa isang palasyo
Isang paraiso
Nababagay roon ang mga anghel na katulad mo
Wala pa man sa kalagitnaan ng digmaan, batid kong ako'y bigo.
Gusto kong mapunta sa ibang dimensyon ng mundo
Kung saan maaaring maging tayo
Ngunit mukhang tama nga sila
Sa telebisyon lamang nangyayaring magsama ang pulubi at prinsesa.
"At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko, oh aking sinta. Pangarap lang kita."
Ilang ulit na akong sumubok na ipabatid sa iyo
Ilang ulit na rin akong nabigo.
Wala ng ibang paraan
Kundi lumisan
Nawa'y mahanap mo ang tamang tao para sa iyo
Hindi ka nararapat sa isang katulad ko
Tanggapin na lamang na tayo'y magkaiba
Hanggang pangarap lang kita.
May 20, 2020
May 20, 2020 at 3:46 AM UTC
sabi nga nila sa umpisa lang masaya
at nag daan na ang umpisang iyon
heto na tayo ngayon sa away bati
pilit inuunawa ang isa't isang may mali
sabi nga nila mag babago din 'yan
hindi ko inakala na mangyayari iyan satin
pero nandito tayo ngayon nag tataka
bakit tila hindi na maintindihan ang isa't isa
sabi nga nila mapapagod ka din
ang pinakakinakatakutan ko sa lahat
at heto na tayo sa pinakakinakatakutan ko
tila ika'y unti unti ng napapagod saakin
sabi nga nila iiwan ka din niyan
mahal, umaasa ako sa mga pangako **** sinambit noon
pero kung hindi mo na talaga kaya
baka pwede namang kayanin mo pa, parang awa mo na
kayanin mo na mapatunayan natin sa lahat na tayo ay hindi lang basta basta
kasi tayo ay hindi kabilang doon sa mga sinasabi nila
at tayo'y handang sumubok kahit na paulit ulit nalang ang nangyayari
na tayo ay muling babalik sa umpisa na laging masaya dahil sobrang mahal natin ang isa't isa
baka lang naman pwede mahal ko, baka lang naman..... sana
Aug 17, 2016
Aug 17, 2016 at 2:38 PM UTC
Masikip at maliit
madilim at mainit
mga pang-uring aking naiisip
sa tuwing naalala ang mumunti
nating silid.
Masikip at maliit
madilim at mainit
ngunit sa loob ng apat na sulok
dito tayo'y malayang mangarap
matapang sumubok.
Masikip at maliit
madilim at mainit
lumagi sa loob ng isang taon, maraming buwan, sa wakas, atin na rin, akin na ring
tinuring na tahanan.
Jul 20, 2016
Jul 20, 2016 at 3:25 AM UTC
Bangkay na hindi maibaon,
'di pagtakhang walang pagkausad ngayon;
Kung ang sarili'y hindi maiahon--
sa lungkot na dala ng kahapon.
Pait sa likod ng bawat ngiti,
'di pagtakhang lungkot pa ri'y 'di maikubli.
Pagsisisi'y inabot na ng pagkamuhi
sa sarili'y pinagkait ang kaligayang pinili.
Dumadaloy sa kaibuturan ang bawat sakit
'di pagtakhang sarili'y nilalatayan ng paulit-ulit.
Iginumon sa pagkapighati't pait
ng kahapong ibinabalik ng pilit.
Kumawala't sumubok hulihin
ang kaligayahang ipinatangay sa hangin.
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 3:07 AM UTC
pinaglapit
pinaglayo
pinaglapit ulit ngunit muling pinaglayo
nawili ang tadhanang makipaglaro
sa pusong hindi takot sumubok.
ang mga matang nagkatamaan,
muling nagkatitigan
bibig na sadyang napangiti
nanabik na muli kang madampian.
ngunit hindi,
tama na ang minsang nagkasakitan,
nakasakit at nakasagasa ng ilan.
tama na ang mga pantasya
na baka tayo talaga ang para sa isat-isa
na baka tayo nga ang tinadhana.
saiyong paglakad sa dambana
at sa iyong panunumpa,
sabi ko sa sarili,
tama na.
sa sobrang sanay ka nang masaktan,
wala nang luhang umaagos sa iyong pisngi.
sa sobrang sanay ka nang magparaya,
hindi mo na alam kung paano ang sumaya.
sa sobrang sanay kana sa pabugso bugso nyang dating at paglisan,
hindi mo na alam kung paano ang maiwan.
kaya tama na,
mapagod kana,
at huwag nang umasa
sa mga kathang isip na nilalatag nya,
kasama nya,
ang lahat ng ito ay lilipas at mawawala,
ng parang bula.
Jun 29, 2020
Jun 29, 2020 at 10:09 PM UTC
Mga katagang binitawan mo nung mga panahong umaasa ka pa..
"Parang mahal niya rin naman ako"
"Parang gusto niya rin ako"
"Parang meron eh"
"Parang may kami"
Parang. Oo parang, yung walang kasiguraduhan? Yung walang patutunguhan. Yung wala talagang kayo. Oo yung ikaw at siya.
Yung katagang 'tayo' na pinanghawakan mo na wala naman talaga umpisa palang. Yung pinaglaban mo ng ikaw lang ang sumugod ng walang kasiguraduhan kung mananalo ka ba o uuwi ka ng luhaan.
Dahil sinubukan mo. Sumubok ka kung baka sakali, baka sakaling mayroon. Yung akala mo may pag asa. Nag akala ka. Umasa ka. Nag baka sakali ka.
Ayun nga lang ang pagkakamali mo.
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 1:06 PM UTC
kaya mo bang lumangoy?
handa ka ba sa posibleng taas ng alon,
sa posibleng lalim na kailangang lusubin?
kaya mo bang mag-isa?
sa gitna ng malawak na asul na katubigan,
sa posibleng pag-iba ng simoy ng hangin -
kaya mo bang umunawa?
kaya mo bang sabayan ang alon?
kakayanin mo bang sumubok?
sa kalaliman ng tubig,
kapag naramdaman mo ang lamig,
sa iyong paningin,
mayroon bang pagsisisi?
Sep 2, 2024
Sep 2, 2024 at 12:11 PM UTC