Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
1 Siboloria – ang lupaing ito ay ipinangalan
Sa dalawang magkasintahan

2 Si Sibo ay lalaking makisig
Si Loria ang babaeng iniibig

3 Si Sibo ay anak ng hari’t reyna
Si Loria ay supling ng aliping dukha

4 Una silang nagkakilala
Habang prinsipe’y nagmamasid sa mga magsasaka

5 Natapilok ang binata
Sa bandang pwesto ng dalaga

6 Pumaibabaw ang lalaki
Sa natumbahang binibini

7 Parehong napahiya’t namula
Nang mapatitig sa isa’t isa.

-06/15/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 127
50 Anim na araw bago ang kasalan
Muling nagkita ang magkasintahan

51 Kasama nila ang Diwata ng Lupa
Sa pook na itinalaga

52 Unang pagsubok sa prinsipe
Tanggalin lahat ng mga kabute

53 Kanya itong kinayang mag-isa
Gamit ang matalim na espada

54 Mula umaga hanggang hapon
Oras at lakas niya’y itinuon

55 Habang si Loria’y tagapagpunas-pawis
At tagapagpa-inom sa prinsipeng pagod na labis

56 Sa wakas paglubog ng araw
Naubos lahat ‘di man nagpugnaw.

-06/18/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 134
43 Gaano man nila kaingat itago
Ang kanilang lihim  na pagtatagpo

44 Walang nakaligtas sa kanila
Sa isang nilalang na mahiwaga

45 Kanilang saksi si Diwatang Bulawan
May mata ang lupa – ayon sa kasabihan

46 Nagpakita siya sa magkasintahan
Isang linggo bago ang kasalan

47 Sila ay binalaan
Sa maaaring kapahamakan

48 Ngunit siya rin ay nangako
Na tutulungan ang mga ito

49 Iyon ay kung malalampasan
Ang mga pagsubok na pagdaraanan.

-06/18/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 133
92 Bago magbukang-liawyway ay nilamon
Ng bubuli ang prinsipe bago bumangon

93 Kumaripas sa kagubatan
Iniluwa’t muling nagkita ang magkasintahan

94 Naroon din ang Diwata ng Lupa
Mga kabute’t tubig ay dala

95 Pagkain at inumin isusuhay
Sa mahiwagang bubuli isasakay

96 Sa ‘di kalayuan ay umugong
Mula sa palasyo ang budyong

97 Pinaulan ni Bulawan ng buhangin ang kagubatan
Upang pabagalin mga kalaban

98 Tungo sa Gintong Lupa!
Unang Lahi ng mga tao roon – kina Sibo at Loria!

-06/21/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 140
15 Subalit si Prinsipe Sibo
Naitali na ang puso

16 Sa tulad din niyang maharlika
Na isa namang prinsesa

17 At ‘di magtatagal
Sila na’y ikakasal

18 Kahit pawang walang nadarama
Na pag-ibig sa isa’t isa

19 Sila’y sunud-sunuran lamang
Sa batas ng mga ninuno’t magulang

20 Ganoon talaga kapag maharlika
Ang pag-aasawa’y mariing itinatakda

21 Upang mapangalagaan
Dangal at riwasa ng angkan.

-06/16/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 129
64 Apat na araw bago ang kasalan
Pagsubok sabay sa magkasintahan

65 Kailangan nilang manghuli
Ng mahiwagang bubuli

66 Ito ay may mga kulay na mapusyaw
At may pakpak na parang sa langaw

67 ‘Di pangkaraniwan ang haba
Pinagsamang tatlong buwaya

68 Ito ay malayang pagala-gala
Sa kagubatang kinaroroonan nila

69 Kumakain lamang ng buko
Mailap at takot sa tao

70 Ngunit takip-silim na’y dumaan
Hindi man lamang namataan.

-06/19/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 136
8 Nang gabi ding iyon
Sila’y napuno ng imahinasyon

9 Pawang tuliro’t nahirapan
Sa pagtulog ang mga naturan

10 Ang prinsipe’y sobrang namangha
Sa ganda’t alindog ng dalaga

11 Ang dalaga’y puspos kilig
Sa prinsipeng kumabig

12 Animo’y lumulutang sa mga tala
Ang pakiramdam ng binata’t dalaga

13 Ninais-nais ng prinsipe
Na muling makita ang babae

14 Inasam-asam ng dalaga
Na makatagpo muli ang binata.

-06/15/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 128
29 Sa paglisan ni Loria
Sa tahanan ng amo niya

30 Iba’t ibang trabaho
Pinasok ng babaeng ito

31 Subalit hindi naglaon
Sa palasyo naparoon

32 Dahil malapit na ang kasalan
Palasyo’y nagdagdag ng mga tauhan

33 Si Loria’y naatasan
Sa serbisyo ng lutuan

34 Tatlong buwan bago ikasal
Habang prinsipe’y nag-aalmusal

35 Kanilang namukhaan at nakilala
Ang dating nakatagpo na.

-06/17/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 131
57 Limang araw bago ang kasalan
Sa umaga’y umulan ang kalangitan

58 Sina Sibo at Loria’y nagkita
Kasama ang Diwata ng Lupa

59 May ikalawa pang pagsubok
Na sa alipin naman nakatutok

60 Sisidlan ay sa kanya iniabot
Tubig dito’y ibubukot

61 Subalit ang lahat ng iyon
Magmumula lamang sa mga dahon

62 Kaya buong umaga’y nagtiyaga
Ang alipin na punuin ang botelya

63 ‘Di umabot ang tanghali
Sa paghamon siya’y nagwagi.

-06/19/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 135
85 Dumating na ang bisperas ng kasalan
Abalang-abala ang buong kaharian

86 Gayundin ang mga kawal na nagbabantay
Sa prinsipeng hina na parang lantang gulay

87 Buong araw nakatalukbong ng kumot
Ayaw kumain, sa lahat nayayamot

88 Sa parang bata na may sumpong
Nakaantabay ang nilalang na buhong

89 Sa may tsimineya
‘Di randam, ‘di amoy, ‘di rinig, ‘di kita

90 Lumitaw, lumubog ang buwan
Paggising ng lahat kinabukasan

91 Wala na ang prinsipe! Wala na!
Walang nakapansin! Naglahong parang bula!

-06/21/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 139
71 Ang Diwata ng Lupa’y naglaho
Bigla namang sumulpot mga kawal ng palasyo

72 Naku! Lagot na
Huli ang dalawa

73 Noon pa pala minamanmanan
Ang galaw ng magkasintahan

74 Ito na ang tamang tiyempo
Upang dakpin ang mga ito

75 Sila’y iniharap sa hari’t reyna
Ipinagtanggol ng binata ang iniibig na dalaga

76 Ngunit anumang gawin nilang pagtatakipan
Sa kanila’y may nakaatang naa kaparusahan

77 Sa ikatlong araw bago ang kasalan
Nagimbal ang bidang magkasintahan.

-06/20/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 137
22 Samantalang si Loria
May kalayaan sa pag-aasawa

23 Siya ay lumaki na
Mga magulang ay wala

24 Subalit ang anak ng amo
Sa kanya’y may lihim na gusto

25 Isang gabi nang matutulog na
May pumasok sa silid ni Loria

26 Siya’y tinangkang gahasain
Ng lalaking may pagtingin

27 Mapalad at si Loria’y nakadampot
Ng patalim na isinaksak sa salot

28 Nang gabing iyon siya’y nakatakas
Mula sa tinirhang pangahas.

-06/16/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 130
78 Bilang kaparusahan
Sa kanilang kapalaluhan

79 Ang prinsipe’y bantay-sarado
Sa mga kawal ng palasyo

80 Hindi siya tinulutan
Na lumabas sa silid-tulugan

81 Si Sibo’y ikinulong
Na animo’y mandarambong

82 Samantalang ang kawawang alipin
‘Di na sa palasyo papapasukin

83 Mula sa kawanihan
Ng mga tagapaglingkod at utusan

84 Si Loria’y itinaboy
At naging palaboy.

-06/20/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 138
36 Sa lahat ng araw ng ikalawang buwan
Bago ganapin ang napipintong kasalan

37 Madalas wala ang prinsipe sa palasyo
Dinadahilan parati ang pangangaso

38 Subalit parating walang huli
Dahil may lihim siyang ikinukubli

39 Iyon ang kanilang ugnayan
Ni Loria sa sikretong pook sa kakahuyan

40 Sila’y palaging nakahahanap
Ng butas sa pagpapanggap

41 Ang palusot naman ni Loria
Sa ina’y dumadalaw siya

42 Wala man lang nakahalata
Sa lihim na ugnayan ng dalawa.

-06/17/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 132

— The End —