Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Stum Casia Aug 2015
Maganda ka pa rin.
Kahit lagas ang halos lahat ng iyong ngipin
at pilas ang maganda **** pisngi.
Maganda ka pa rin.
Kahit hirap na kitang makilala.
Kahit hindi ko na makita ang ngiting dati ay para sa akin.
Maganda ka pa rin, aking asawa.
Magandang, maganda ka pa rin sa aking paningin,
mahal kong asawa.

Bigla ko tuloy naaalala,
noong hindi pa tayo magkakilala.
Palagi kita tinitignan. Mula sa malayo.
Sa likod ng mga streamer. Sa likod ng mga banner.
Parang stalker. Tinitignan kita.

Kaya naman parang umaakyat sa hagdanan ang aking kaligayahan
nang ikaw ay magpasyang mag-fulltime.
Nang tanggapin mo ang aking laking-bukid na pag-ibig,
At mas lalo, siyempre nang ikasal tayo sa opisina ng KOMPRA.

Pero, mahal na kasama, ngayong gabi,
ibig sana kitang sarilinin.
Tayo lang sana ng mga anak natin.
Pwede bang kahit ngayong gabi ay maipagdamot ka namin?
Pwede bang dito ka muna sa amin?

Oo, alam ko,
di mo iyon nanaisin. Sasabihin mo pihado, sigurado.
Pamilya mo rin sila- manggagawa, magsasaka, mga kasama.

Kaya't kasama nila,
bubuhayin ko ang iyong alaala.
Bubuhayin namin ang iyong mga alaala.

Ang huling araw na ikaw ay nakasama.
Ang huling text message na iyong pinadala.

Ang iyong mga aral at mga hamon.
At batid naming lahat saan ka man naroroon.
Tiyak namin san ka man naroroon.

Tumatawa ka nang malakas,
tinatawanan mo ang mga ungas.
Mga ungas sila. Bigo sila. Epic fail sila.
Nabigo silang ika'y patahimikin.
Nabigo silang pag-aaklas natin ay pahupain.
Akala nila nagwakas,
Pero tumutupok pa rin ang sinindihan **** ningas.
At sa muling pagbalikwas ng malayang bukas.
I-aabot natin sa tarangkahan ng kanilang mga kaluluwa ang wakas.
Anton Aug 2018
Sinubukan kong itago ang nararamdaman
Sinubukan kong sarilinin ang lahat
Upang walang makaalam.
Dahil sinusubukan kong lumayo,
Lumayo sa mga mapanghusgang
Isip nang nakararami,
Sa mga matatalim na salita
Na animo'y kutsilyong unti-unting
Ibinabaon sa aking pagkatao
At bawat salita na nag-iiwan ng marka
Sa aking isip at puso.
Ngunit sa aking buhay ay wala silang malay,
Wala silang kamalay-malay sa sakit na kanilang naidudulot,
Mga mapangahas na salita na lumalabas sa kanilang bibig ay punong puno ng poot.
Pilit pinahihiwatig na buhay ko'y walang saysay.
Ngunit sa kabila ng lahat,
Ako'y patuloy na mangangarap,
Mangangarap hanggang sa ito'y
makamtan kong tunay.
Akosijissa Sep 17
Paano huminga sa panahong ipinagdadamot sa'yo ng kapalaran ang maayos na hangin?
Paano huminga kung ang kapalit ay pighati sa iba?
Paano huminga kung lungkot lang din ang mararamdaman?
Paano huminga kung bawat hibla ng hangin ay kabawasan ng 'yong lakas?

Kailangan ko bang magbago para sa iba?
Ito ba talaga ang kailangan ko para makahinga ng maayos?
Hindi ba ito ay isang paraang ng pagsakal sa pagiging ako?

Paano ako hihinga sa isang lugar na sumasakal sa aking pagkatao?
Paano ako hihinga kung ang mga tao sa paligid ay hindi ako maintindihan?
Paano ako hihinga sa oras ng pighati?
Paano ako hihinga sa hangin ng iba?

Panahon na ba para mag-isip?
Dapat pa ba ako rito?
Hanggang saan at kailan pa ang dapat hintayin?
Dapat na siguro akong huminto
Sarilinin ang iniisip
Hayaan ang mundo na umikot sa kung saang hindi alam
At, hayaan ang mga mapanghusgang sila


[07.12.2017]
[edited - 09.17.2024]
--

— The End —