"sapatos" poems
Hindi ako magaling kumabisado
Inaamin ko, hindi ako magaling kumabisado
Higit sa lahat, ayokong pinipilit akong tandaan ang mga bagay na ayoko
Pero gusto kong makabisado ang tunog ng pagakyat mo sa hagdan
Gusto ko makabisado kung ilang kutsara ng asukal at takal ng gatas ang tinitimpla mo sa kape
Gusto ko makabisado kung anong paborito **** palaman sa tinapay at kung kailangan mo ba ng alalay
Gusto ko makabisado kung inuuna mo bang kainin ang balat ng manok o hinuhuli mo
Gusto ko makabisado kung anong timpla ang gusto **** sawsawan sa iyong ulam...matamis, mapait, maasim o maanghang.
Matamis, mapait, maasim o maanghang...
Gusto kong makabisado,
Gusto ko makibasado kung paano minumulat ang mata matapos magising sa mahabang panaginip
Gusto ko makabisado ang galaw ng iyong mga kamay sa kung paano mo inaayos ang iyong kurbata
Gusto ko makabisado kung paano mo tinatali ang sintas ng sapatos mo sayong mga paa
Hindi ako magaling kumabisado...
Inuulit ko, hindi ako magaling kumabisado
Pero gusto ko makibasado lahat ng tungkol sayo,
Sa maliit man o malaking detalye,
madami man o kaunti
Sa kung paano ka bumangon sa umaga at sa pagahon ng araw,
Lahat ng iyong ginagawa sa umpisa at ang iyong hiling kapag tapos na
Importante man o walang kahulugan,
mahalagang ito'y aking malaman.
Ang gusto ko lang makabisado
Makabisado
Makabisado
At sa huling beses, uulitin ko
Hindi ako magaling kumabisado
Pero kakabisaduhin ko ang hugis ng iyong mukha,
ang maiitim at mahahabang pilik mata,
ang ngiti sayong labi,
ang tunog ng hininga kapag ika'y katabi
Gusto ko lang makabisado
At kakabisaduhin ko
Kakabisaduhin ko kahit gaano katagal
Abutin man ng syam-syam,
buwan-buwan,
taon-taon,
Itaga mo man sa bato
Sumigaw ka man ng "darna"
Pero mahal, kakabisaduhin ko...
Kakabisaduhin ko,
Maubos man ang mga bituin na siyang nagbibigay direksyon sa kung saan patungo
Kakabisaduhin ko simula sa umpisa hanggang sa dulo
Simula sa unang letra ng pangalan mo, kasunod sa numero ng kaarawan mo hanggang sa hibla ng buhok mo
Panagako mahal, kakabisaduhin ko para sayo
Kakabisaduhin ko
At kakabisaduhin ko ang tibok ng puso mo,
Umaasang baka sakaling masabayan ko
Oct 26, 2016
Oct 26, 2016 at 9:11 PM UTC
totoo and sinasabi nila
na sa segundong mawalan ka
ng pakialam sa mundo ay bigla nalang itong
magpapakita ng pakialam sayo
na sa oras na maglaho sa iyong pansin ang tagtuyo
biglaan nalang iiyak ang mga ulap para sayo
na sa sandaling binitawan mo ang kamay
ng gusto ng makawala
darating ang ibang kamay na hahawak muli nito
ng mas mahigpit, totoo
ang sinasabi nila
tila mahirap lang maniwala
sa sabi-sabi, sa haka-haka
dahil hindi nga naman ikaw ang nakatayo sa sapatos nila
tiwala
tiwala sa pag-angat ng araw na hindi ka nito bibiguin
tiwala sa iyong pag-dasal sa mga bituin na
kumukuti-kutitap sa gitna ng dilim, ang buwan
na sa mga pagkakataong wala ng pag-asa
ay kakantahan ka ng may bukas pa, totoo
ang sinasabi nila
oo
darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaiyak
sa tuwa, sa lungkot
sa paglisan ng taong iniikutan ng buhay mo
darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaluhod
dahil wala ka ng magawa at wala ka ng matawagan
pero tatandaan mo na hindi ka nag-iisa
dahil nandito ako, ako
ako na kailan ma'y minahal, nagmamahal, at magmamahal sayo
kumapit ka lang
sa aking kamay
sa aking balikat
sa aking katawan
na kahit ulanan ng pasa at sugat
ay ibinibigay ko sayo
ng buong buo
uulitin ko, totoo
ang sinasabi nila
na sa gitna ng kawalan
sa gitna ng pagsuko
sa gitna ng pagbitaw
ito mismo ang maghahanap sayo
siya mismo ang maghahanap sayo
darating at darating ang parte nitong kwento
na bubuo sayo
at muli nanamang iikot ang iyong mundo
pero sa ngayon, sa dito, sa oras na ito
habang naghihintay ka pa,
ay mali pala, dahil hindi tayo maghihintay
at hindi tumigil ang pagtakbo ng oras sa buhay na ito
dahil maliwanag pa sa bumbilya ang kamalian ng nakaraan
bitawan mo lang
at hayaan mo kong isatupad ang aking mga pangako
hindi kita iiwanan, tiwala
magtiwala ka lang
sa huling pagkakataon,
uulitin ko, totoo
ang sinasabi nila
hindi ka nagbubulagbulagan
kundi pinagkakatiwalaan mo lang ako
ng buong isip at buong puso, ako
ako na nagtiwala rin sa Kanya
ako na hindi umasa, ngunit
humawak sa salita ng aking Ama, ako
ito ang tatandaan mo
Feb 26, 2016
Feb 26, 2016 at 11:40 AM UTC
AKO’Y NAKA TINGIN SA LANGIT
SA ITAAS NG BUBONG NAMING PAGKANIPIS NIPIS.
TINATANAW KO ANG MGA PUTING HUGIS BULAK NA PAPALAPIT SA ISA’T ISA AT SAKA DUMIDIKIT.
KAPAREHO NG MIGHTY BOND NA DINIKIT KO SA SIRA SIRA KONG SAPATOS,
KAPAREHO NG KULANGOT NA PINAHID KO SA PADER NG ROOM NAMIN.
KASING LAGKIT NG TINGIN MO SA TAONG WALA NAMAN GUSTO SAYO.
PARA KA TALAGANG ULAP,
KASING GANDA MO ANG ULAP.
NAKAKA SILAW SA SOBRANG GANDA.
MASAKIT PERO MASAYA.
MARAMING TAO ANG DINADAAN KA LANG,
YUNG IBA TUMITINGIN AT SABAY AALIS.
PERO AKO ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG, KAHIT TIRIK NA TIRIK ANG ARAW.
KAHIT MATUYUAN AKO NG PAWIS,
KAHIT MABASA AKO NG ULAN,
ANDITO PARIN AKO.
TINITINGNAN KA SA MALAYO.
KAYA KAPAG UMUULAN, MINSAN GUSTO KONG KUMANTA NG
“PAIN, PAIN GO AWAY COME AGAIN ANOTHER DAY.”
DAHIL AKO, AKO ANG UNANG MASASAKTAN KAPAG UMIIYAK KA.
DAHIL SABI KO NGA KANINA UMARAW MAN O UMULAN ANDITO PARIN AKO
SA ITAAS NG BUBONG TINITINGNAN KA AT HANDANG SALUHIN LAHAT NG IYAK NA GUSTO ****
IBUNTONG SA ISANG TAO.
TANGA PAKINGGAN DIBA?
SABI NILA SAKIN
BAKIT KO DAW HAHAYAANG MAGKASAKIT AKO DAHIL SA ULAN,
BAKIT KO DAW HAHAYAANG TUMAGAKTAK ANG PAWIS KO SA GITNA NG NAGTITIRIK NA ARAW
KUNG PWEDE NAMAN DAW AKO PUMAYONG.
OO NGA TAMA SILA.
NAPAKA TANGA KO.
DAHIL MAS GUGUSTUHIN KO PANG MABASA NG ULAN,
AT MATUSTA DAHIL SA ARAW KESA HINDI KITA MAKITA.
ULAP.
KAHIT SAAN NAKIKITA KITA.
IKAW? NAPAPANSIN MO KAYA AKO.
Feb 14, 2017
Feb 14, 2017 at 11:25 PM UTC
Hindi matigas lahat ng bato
Hindi lalago ang halamang nakatago
Pero kung bubunutin din naman
Anong silbi ng pagkakakilanlan?
Itaas ang kamay kung ginawa mo ito:
Ituro sa kapatid na bakla ang tito mo,
Kung gayon, ito ay duwag at gago,
Tingnan bilang presong kulong sa kandado
At kung sapatos ni kuya, suot ng ate mo,
Walang alam ni isa, pero sa ina sinabi mo
Nasaksihan ang paglisan ng nagturong pumorma
Narinig ang galit ng ama, sigaw ay "imoral ka!"
Putang ina, lahat iyon ay narinig mo
Hindi na kaya ng sentido mo
Mali ito, mali ito ang pilit ng lipunan sayo
Iwaksi mo, iwaksi mo, at tatanggapin ka nito
Sa oras na lumabas ka, wala ka nang pangalan
At araw-araw sa buhay mo, tila umuulan
Ng husga, ng ismid, ng dura sa sahig
Tawag sainyo ng kasintahan ay bawal na pag-ibig
Tomboy, bakla, bayot, tibo
Araw na binigyan ka ng ngalan tila naglaho
Binato ng panghahamak na gusto mo nang lumisan
Kaysa tanggapin ang galit na pinagmulan ay di alam
'Mahalin mo ang 'yong kapwa'
Banggit at turo ng May Likha
Pero bakit may galit ata
Nagpahayag nito't nagsalita?
Hindi ba itinuturing na kapwa sila?
Na kasama **** lumaki, magdalaga?
Kalaro ng chinese garter baga,
Kahit alam **** lalaki naman talaga siya
Ang saya na dulot niya di mo naalala
Nang minsan sa kanto'y sutsutan siya
Sapatos lang daw at k'onting barya
Tiningnan ka niya, ikaw ay tumawa
Saan ba ang lugar sa mundo para sa kanya?
Mahirap bang sabihin, katagang, 'tanggap kita?'
Tingin mo ba'y karamdaman kanyang nadarama?
Oh bakit nakangiti ka? Nahawa ka ba?
Kaya ba't ka umiiwas nang nalaman mo na?
Bilang kaibigan, oo nabigla ka nga
Pero 'wag mo naman sanang isiping
Naisip niya minsang ika'y makasiping
Alisin na natin ang malawakang pag-iisip
Na pandirihan ang kakaiba, pero subukan **** sumilip,
Lalawak ang saradong takip
Sana isang araw ang hangin, magbago ang ihip
Maging magkasama, pantay-pantay sa ibabaw ng isang ulap
Nawa'y mga anak nati'y maranasan, ekwalidad sa hinaharap
Matapos na ang inis at galit
Pagmamahal ang pumalit
Jun 28, 2016
Jun 28, 2016 at 5:57 AM UTC
Wala ni nako gisuwat para mubalik ka
Para makahibaw ka nga sakit gihapon
Ug basin makahunahuna kan'g sa imung kaluoy
Mubalik ka nako.
Nagsuwat ko kay mao ni ako.
Magsuwat sa kung unsa'y
Ganahan,
Kinahanglan nakong ipagawas
Isuwat ug nagdahum ug naglaum
Nga sa paghuman ani
Mahuman nasad tanang kasakit
Kay sa pagkakarun sakit gihapon
Sakit kaayu
Sakit nga dili matangtang
Abi kog ako'y mupilit sama sa bubble gum
Sa imung sapatos.
Apan kasakit.
Kasakit ang nipilit pagkahuman
Sa atung paglakaw,
Sa pila ka buwan nga
Kauban ta.
Kasabut ko
Wala'y kita,
Dili kita,
Dili pwede,
Dili na,
Dili man gyud.
Pero salamat
Sa paghatag ug higayon
Sa pagpahibaw sa pagpabati
Sa kita, sa kita ug sa mga plano
Sa mga adlaw nga puno sa kalipay
Sa mga kanta,
Sa mga sulat,
Sa paglaum nga pag-abut sa ugma
Naa pa,
Kita.
Sa pagbati nga wa'y sama
Ug bisan pa'g nahuman na tanan
Naa pa gihapon ko
Nagpabilin nga nituo
Sa kita, sa kung unsa ta
Sa usa'g usa.
Wala ni nako gisuwat sa pagbasul
Sa kalagot, aligutgot
Bisag akong kasingkasing karun nadugmok
Abi ko'g ang kasakit ang pinakasakit
Apan kalipay.
Kung mangutana ka asa ang pinakasakit
Sa tanan, sa katung kita pa
Katung nitawag ka ug wala ta'y laing gibuhat
Kundi magpulipuli ug sugid sa atung gugma
Sa usa'g usa.
Sakit.
Sakit kaayu.
Sakit nga wala'y sama.
Wala ko kahibaw asa taman
Hangtud kanus-a ko magpuyo aning kasakit
Pero wala ko nagbasul
Ug kung mangutana ka kung
Pabalikon ko atung mga higayona
Kung musugot ba ko'ng sa maka-usa pa,
Mubalik ko sa adlaw nga naka-ila tika
Ug wala ko'y usbon
Padayung tikan'g tan-awn, maghulat
Padayun kon'g magpaabut nga imu kong lingi-un
Ug sa maka-usa pa,
Isugid sa imu tanan'g akong nasugid na.
Oct 4, 2016
Oct 4, 2016 at 9:42 PM UTC
Kailanma'y hindi ako nagsawa
Hindi ako magsasawa
Na titigan ang masaya **** mga mata
Tingnan ang labi **** tumatawa
Pakinggan ang boses **** musika sa aking tainga
At tanawin ang nakabibighani **** mukha
Hindi ako magsasawa
Ilang araw man ang dumaan
Patuloy pa ring ikaw ang nasa aking isipan
Tila nga nalulusaw na ang kisame
Kakatitig ko, at ang mahahalagang bagay ay isinasantabi
Malaanan ka lamang ng oras
Kahit man lang sa isipan ko
At ang pananatili ng iyong mga bakas
Ay ang hindi mo paglisan sa puso ko
Dahil kung merong pagkasugat
Kasunod agad nito ang peklat
Na mananatiling sa aki'y nakatira
At hindi na ito mabubura
Pero mahal, hindi pa rin ako magsasawa
Hindi ako magsasawang kabisaduhin ang iyong bawat paglingon
Ang iyong mga di pagtugon
Kabisado ko na ang iyong mga galaw
Kagaya nang kung paano ko laging naaalala
Ang iyong pagtanaw
Pagtanaw mo sa akin kasabay ng iyong ngiti
Kabisado ko ang iyong mga "hindi"
Kabisado ko na kung saan kita makikita
Sa mga lugar na minsan sa aki'y naging mahalaga
Alam na alam ko kung kelan tumitibok ang aking puso
Tuwing nakikita ko ang sapatos mo
Itim at pula
Ang kulay kung saan lagi kitang naalala
Rinig ko na ang malakas na pagtibok
At agad akong nagtatago sa sulok
Hindi ako magsasawa
Magpapatuloy ako
At kahit nasasaktan ako sa mga pagbitiw mo
Oo, ramdam ko ang pagbitiw mo
Kahit pa hindi mo kailanman hinawakan ang mga kamay ko
Oo, masakit
Nasasaktan ako
Pero pasensya na, magpapatuloy pa rin ako
Lumipas ang mga buwan
Sa aking puso ka pa rin nanininirahan
Sa dami ng unos na aking naranasan
Nahihirapan akong tumahan
Hanggang sa napagtanto kong pagod na ako
Hindi ko alam kung paano nangyari ito
Biglaan nalang
Kagaya ng paglaho mo
Pagod na ako
Pagod na akong intindihin ang aking nadarama
Pagod na akong umasa
Pagod na akong maghintay sa wala
Ang umasa sa mga bagay na kailanma'y di mangyayari
Mga bagay na hindi ko mawari
Pagod na akong paniwalain ang sarili kong magugustuhan mo rin ako
Paniwalain ang sarili kong may dadalhin ka sa pagbalik mo
Pero nagkamali na naman ako
Dahil nakalimutan ko
Na hinding hindi pwedeng maging "tayo"
Dahil iba ang gusto mo
At hinding hindi mangyayaring magiging ako ang tipo mo
Dahil hindi tayo talo
Pagod na ako sa mga bagay na di pwedeng ipilit
Pagod na ako sa pagkapit ko na dati'y mahigpit
Pagod na akong kumapit
Pagod na ako sa sakit
Ngayon, gumagawa na naman ako ng tula
Para sa taong iba ang nilalaanan ng kanyang mga salita
Pero bago matapos ang tulang ito...
Pakinggan mo ako
Pakinggan mo ang bawat salitang aking sambit
Pakinggan mo ang liriko ng aking awit
Pakinggan mo ang tono ng aking tula
Damhin mo ang bawat pagbigkas ko ng mga talata
Dahil maaaring ito na ang magiging huli
Ito na ang bagay na hindi ako magsisisi
Sa huling pagkakataon, ramdamin mo ang aking pagkapit
Ramdamin mo sa huling pagkakataon ang aking bait
Dahil, sobra nang pait
Ayaw ko nang damhin
Ang mga sugat na dinulot nito
Dahil ngayon, nagdurugo ang puso ko
Habang tinitingnan ang mga sugat sa kamay ko nang dahil sa patuloy na pagkapit sa'yo
Ako lang pala ang kumakapit
Kaya tatapusin ko na
Ako'y bibitiw na
Nang sa gayo'y maging malaya ka na
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 6:54 AM UTC
Mahal.
Paulit ulit na binibigkas ng mga labing di napapagod sa pag satsat.
Mga labing hindi nagsasawang ikaw ay halikan.
Halikan ang bawat sugat sa puso mo na matagal ng tinatago ng benda.
Mahal.
Saan man tayo umabot, saan man tayo matapos, kahit na mapudpod ang swelas ng ating mga sapatos.
Mahal,
Patuloy kitang mamahalin.
Huminto man tayo.
Sabi nga nila Normal naman ang mapagod.
Magkasabay man o hindi. May mauna o mahuli.
Patuloy nating aakyatin ang tugatok ng mundo.
Ang mundong iniiukutan ng mga puso nating patuloy tayong pinag tatagpo.
Mahal.
Humihingi ako ng pabor.
Hawakan mo ako.
Higpitan ang kapit sa aking mga braso.
Wag mo ako hayaang makatakbo.
Dahil darating ang araw na bigla nalang luluwag ang iyong kapit.
At hindi ko mapapansin na mag isa nalang akong nag lalakbay papunta sa hangganan ng ating pagmamahalan.
Mahal,
Hindi man ito ang tamang panahon.
Sinusubok man tayo ng kalupitan ng mundo.
Mahal,
Balikan mo ako.
Ibalik mo ako sa higpit ng yakap mo.
Ibalik mo ako sa mga inosenteng halik ng iyong labi.
Ibalik mo ako.
Ibalik mo ako sa pag kakakulong sa iyong puso.
Mahal,
Mahirapan ka man.
Nakikiusap ako.
Mahalin mo akong muli.
Mar 13, 2016
Mar 13, 2016 at 10:40 AM UTC
#051416
Nauuhaw ako
Bitak-bitak ang lalamunan
Sabay lunok, iba ang indak ng tag-init.
Humiling ako
Sa bulsang gula-gulanit
Sa retasong sando
Sabay hanap sa munting kaluping
Singit sa maingay na sapatos.
Siyang nakikipagtagisan ng laway
Sa putik na binubuhusan ng langit.
Muli, nauuhaw ako
Pero sana'y mapawi ito
Ng mahika't eksperimento
Ng itim na likidong kumukulo sa lamig.
Taglamig, taglamig na takipsilim;
Yakap ko ang kapoteng maitim ang tagiliran.
May karatula sa kanto,
Kaya't napasugod ako sa pagkasabik.
Tangan ko pagbalik ang litro.
Magaspang ang mga kamay
Kaya't makapit ang bote sa mga daliri.
May karatula sa ikalawang kanto,
Tatlong kulay, pero hindi matukoy
Gabi'y makasarili, walang nais na kahati.
Ulap ay hinawi, kabiyak ang buwan at bituin.
Isang bloke ng yelo,
Yelong pinira-piraso
Binasag sa sementong kwadrado
Pahaba't may mga bumbilyang mamatay din.
Isang ihip lang ng hangin, lagas ang liwanag.
Isang basong walang laman,
Walang bahid ng pagsabon
Buhat sa mga nakasalansang na pagkatao,
Iba't iba ang pwesto,
May kanya-kanyang tambayan.
Tuluyan silang naging tambay na lamang.
Nauuhaw ako pero hindi ito napawi,
Mga kalapating pumapagaspas sa himpapawid,
Senyas pala ng paglisan.
Musikang hele patungong langit,
Pagtulog ko'y pahimbing nang pahimbing.
Nauuhaw ako, nauuhaw na naman ako
Pero pauwi na ako sa Tahanan,
Doon na makaiinom, magpapahinga na ako.
Paalam.
May 14, 2016
May 14, 2016 at 10:31 PM UTC
Value.
Madalas lesson sa math at related sa piso
Pero minsan pwede rin naman nating iugnay sa tao
Parang ako.
Matagal - tagal ko na ring hinahanap
yung halaga ko sa mundo
Ipinanganak ba ako para maging sino at ano?
Sa paglaki ko, dun ko natuklasan
Na ang halaga ng tao nakabatay sa sitwasyon
Yun bang kapag kailangan ka lang nila
Saka ibibigay yung hinihingi **** atensyon.
Yun bang kapag MAHALAGA KA LANG saka ka kukulitin
Yung kapag kailangan lang ng tulong mo saka nila hihingin
Kaya madalas tuloy napapaisip ako
Ni minsan kaya naging mahalaga ako?
O nagkaroon man lang kaya ng halaga
ang isang tulad ko
Dyan sa puso mo?
Alam kong wala ako sa lugar para itanong ang mga bagay to
Kase una sa lahat, magkaibigan lang naman tayo
Pero pagod na akong itago yung nararamdaman ko
Pagod na akong Magsinungaling
At magsabi ng di naman totoo
pagod na akong lokohin ng paulit-ulit yung sarili ko
Pagod na pagod na ako.
Kaya sa mga sandaling ito
Sasabihin ko na ang lahat
Lahat ng nasa puso ko
At sana kahit saglit
pakinggan mo naman ako.
Sana lahat ng sasabihin ko
Tumatak dyan sa isip mo
At maging mahalaga
Yun bang paulit-ulit **** maaalala
Parang lyrics ng paborito **** kanta
Na maingat **** tinandaan at kinabisa
Para lang wag **** makalimutan
O makaligtaan.
Sana ganun din ako, maging mahalaga
Kahit ilang minuto, ilang segundo
Ilang oras
Kahit saglit lang,
gusto kong maging mahalaga
Katulad nung paborito **** sapatos at damit
Na kahit luma na iniingatan **** pilit
Kase nga mahalaga
at ayaw **** mawala
Gusto kong maging Importante
Pero parang malabo at imposible naman yung mangyari
Kase kahit magkaroon man ako ng halaga
Yung puso mo naman, hawak na ng iba
Kaya heto ako,nilalabas ang nadarama
Sa pamamagitan ng mga tula
At sisiguraduhin Kong Hindi ito ang magiging una at huli Kong katha
Na tungkol sayo
Dahil habang nabubuhay ako
Lahat ng tula at akda na gagasin ko,
Exclusive lang para sayo.
Dec 27, 2017
Dec 27, 2017 at 5:50 AM UTC
Ang sabi nila na ang pinakamasakit daw na tunog ay ang iyak at hikbi,
Malakas man, mahina o pag-pipigil
Lahat daw ‘yon ay pare-pareho lang
Tama nga siguro sila kasi ang iyak ay nakapag-sasabi ng totoong nararamdaman, ang iyak ay isang kalungkutan
Noong gabing yon, narinig ko ang pinakamasakit na tunog
Sabay tayong lumuha
Sabay nating iniyak ang sakit na para bang masasagot lahat ng tanong sa ating isipan
Mga pagkukulang, mga sana at dapat na pareho nating gustong malaman, gustong ipaglaban
Mga tanong na matagal ng kinukwestyon ang mga bagay na hindi maintindihan
Mga pagkukulang na pinipilit buuin na unti-unting lumalabo
Mga sana at dapat na matagal nang pinipigilan
Ngunit narinig ko ang tunog ng bawat galaw ng iyong mga paa na humahaplos sa sahig
Narinig ko kung paano mo ikinabit muli ang iyong mga paa sa iyong medyas at sapatos,
Kung paano mo ito itinali at binuhol nang napakahigpit
Narinig ang bawat kilos at galaw
Sa huling beses ay narinig ko ang iyong mga daliri
Kung paano dumapo ang iyong palad sa pinto
Hindi iyak at hikbi ang nangibabaw
Kundi ang tunog ng pagsara ng pinto
Apr 8, 2019
Apr 8, 2019 at 8:41 AM UTC
"Bago yan ah" aniya ng makita ang converse kong pula.
Wala eh, wala nako maisip para makuha ang antensyon mo, mapansin mo.
Naubos nga lahat ng ipon ko para sa sapatos na to.
Balita ko kasi mahilig ka daw sa kulay pula at nangongolekta ka daw ng mga branded na sapatos.
Ako yung tipong hindi maganda namay porselanang kutis gaya ng iba.
Hindi katangkaran, pero pwede nadin para sa isang kolehiyala.
Walang bag na ang tatak ay Guess,
At magagandang damit na galing sa Mall.
Simple lang ako, laging may hawak na libro.
Nalilimutan mag suklay dahil baka maiwan ng jeep papuntang terminal ng LRT.
Hindi naliligo sa pabango na padala galing abrod.
At higit sa lahat, hindi nag susuot ng ibang sapatos bukod sa pinag lumaan kong rubber shoes.
"Converse yan diba?" Dagdag niya ng hindi ako sumagot sa pag pansin niya.
Ang totoo ay hindi ko alam ang sasabihin.
Hindi ko alam pano ibubuka ang mga bibig at sasagot ng "Oo, buti naman napansin mo".
Wala ako lakas ng loob.
Tanging pag tango nalang ng ulo ang kilos na kayang gawin ng katawan ko.
Kumaripas ako ng pag lakad papunta sa silya sa dulo ng masikip na klasrum.
Nag simula ang klase.
Hindi ako maka pokus sa sinasabi ng Prof patungkol sa "Theory of relativity" ni Einstein.
Tumititig sa wall clock sa taas ng pisara na kinatatayuan ni Ma'am Montemayor.
Sa wakas biglang tumunog ang bell na nag sasabing tapos na ang klase.
Palabas na ako nang muli mo kong tawagin.
"Hi, pwede ba ako sumabay sayo mag lakad papunta sa Math class?alam mo naman ayaw ni Sir. Henry ng late" pabiro **** sinabi.
Wala nakong nasabi kundi ang mga katagang "Okay lang naman".
Tinatago ang ngiti na gusto ng mag kumawala, habang nag iisip at nag papasalamat sa Converse kong Pula.
Feb 29, 2016
Feb 29, 2016 at 5:07 AM UTC
ang huling pagkikita ay hindi mo man lang napansin.
minsan kang nasilayan sa ilalim ng mga bituin.
ilang buwan naghangad na ika'y makapiling;
kailan ka kaya mapapasaakin?
ang nais ko lang naman ay magkakilanlan -
magkita, magka-usap, maging magkaibigan.
limutin mo na ang iyong nakaraan,
gawing ako ang iyong kanlungan.
sa bawat gabi na ika'y pinapakinggan,
pagsidhi ng damdamin ay 'di maungusan;
sakit at pagod ay maiibsan
kung hanggang sa pagtulog ay ikaw ang pinagmamasdan.
pagmamasdan ang mga matang hapo,
ang mga gitarang sira ang capo,
ang amoy ng kape mula sa hininga mo,
pati ang paghilik **** nasa tono.
ang iyong damit na babad sa pawis,
at ang iyong sapatos na kumikinang sa kinis;
kung sa umaga'y bubungad ang ngiti **** kay tamis
ay hindi ko kailanman gugustuhing umalis.
at sa lahat-lahat ng kaya kong ilista,
habang ang lapis sa papel ay nabubura na;
sisimulan ko sa pangalan **** may pitong letra
hanggang sa kung paano ka tumatawa.
isusunod ko ang mga singsing sa iyong daliri,
habang ang buhok mo'y hindi na mahawi.
sa bawat galaw **** aking tinatangi,
at ang ala-ala mo'y patuloy na mananatili
pagkarupok ng puso ay lalong sumisidhi.
kapag ika'y nakikita, kulang nalang ay tumili,
maraming nagtataka kung bakit ikaw ang napili,
ngunit mahal, alam kong hindi ako nagkamali.
ang pagmamahal kong lubus-lubusan,
tila apoy na sinilaban;
sa'yo inialay ang bawat laban,
ngunit umuuwi akong laging luhaan.
kung gaano ko man gawing mahaba ang tulang ito,
mayroong ibang nagsusulat para sa'yo.
kahit ipilit ko pang gandahan ito -
hindi ko matutumbasan ang gawa ng nanalo.
at kahit magbilang pa ako ng bawat patak ng ulan,
na maaari namang bilangin nalang kung ilang beses akong luhaan;
dahil sa katotohanang hindi ako ang lulan
ng puso **** kay sarap sanang gawing tahanan.
oo, alam ko. hindi ako nagkamali.
dahil patuloy akong magmamahal kahit sa iba pa ako maitali;
patuloy kitang sisintahin sa bawat gabi
na ika'y natatanaw mula sa aking mga hikbi.
aking sinta, ikaw ang aking mundo,
mabura man ng hangin itong monologo,
mabaliktad man ito ay hindi magbabago,
at kung mangyari'y sana'y ako na ang iyo.
Feb 22, 2018
Feb 22, 2018 at 6:14 AM UTC
#112615 #4:16PM
Minsan, pipila ako sa Fast Food
Pero yun bang pagkatagal-tagal,
Oorder ka't papaasahin ka lang din.
Minsan, magsusukat ako ng damit o sapatos,
Yung tipo mo na, pero hindi naman kasya,
"Okay, hindi yan para sakin."
Minsan, magkakape ako
Alam kong mapait pero sinubukan ko pa rin.
Akala ko kasi sapat na ang matapang lang,
Pero hindi pala ako kayang ipaglaban.
Minsan, magbabayad ako ng bill sa Globe,
Yung nagsabing 'Abot Mo ang Mundo,'
Siya rin palang guguho ng mundo ko.
Minsan, magtetext ako
At lagpas 3sms na't 1KB na,
Tapos wala palang load,
Pati responsibilidad, di kayang pasanin.
At minsan mahihiga na lang ako,
Mahihimlay nang panandalian,
Oo nga pala, 'Walang babaeng nanliligaw,'
Hindi pa ako basted, Owrayt!
Nov 26, 2015
Nov 26, 2015 at 3:19 AM UTC
Pinagmamasdan ka lamang ng asawa mo
Kung papaano mo sayangin ang gabing ito
Napakasaya mo habang nilalaklak ang limang pitsel ng beer
Habang yung mga kasama mo ay walang pakialam sayo
Pinagmamasdan ka lamang ng asawa mo
Habang binibigyan ka niya ng perang pantagay mo
Huling gabi na to na kasama sila ang paalam mo
Huling gabi na sana…
Kasi pupunta ka na sa inaasam-asam **** Amerika
Minamasdan ka lamang ng asawa mo
Kung paano ka sinipa sa mukha ng Arabo
Sa laki at bigat ba naman ng sapatos nun
Basag tuloy ilong at ngipin mo
Pagmamasdan ka lamang ng asawa mo
Sa kung ano na ang mangyayari sayo?!
Bibitiw ka sa trabaho tapos ano?!
Papaopera ang makapal **** mukha?!
Ilang operasyon pa ba sa mukha ang dapat mo matikman?!
Para pagiging lasingero mo ay matigilan?!
Maawa ka naman sa asawa mo
Lahat na iniintindi dahil sa pagmamahal sayo!
Tangenang alak na yan!!! Kelan ka ba tatanda?! Huwag mo na sanang hintayin na pagmamasdan ka na lamang namin… sa burol mo!
Jun 20, 2022
Jun 20, 2022 at 12:01 AM UTC
Ikaw yung mangga at ako ang bagoong
pero asin ang gusto mo
Ikaw yung papel at ako ang ballpen
pero lapis ang hanap mo
Ikaw yung medyas at ako ang sapatos
pero tsinelas ang kailangan mo
Ikaw yung mahal ko at ako ang nandito
pero siya ang mahal mo
Ngayon at okay na ako..
Ako na yung bagoong na kayang ipares sa iba na gugustuhin ako
Ako na yung ballpen na pang permanate na hindi na muling ipagpapalit pa
Ako na yung sapatos na mamahalin at kakailangan ng iba
Ako na yung tapos na sa'yo at kaya nang mahalin ang sarili nang higit pa
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 1:10 PM UTC
Sintas Man Ay Kalas
Luma Na At Pigtas
Sapatos At Medyas
Dibaleng May Pintas
Kamisetang Butas
At Maong Na Kupas
Pigtal Na Tsinelas
Hindi Pa Parehas
Tinotonong Kwerdas
karakrus ang kwintas
sa sugal ay utas
pati pato hulas
bahala na bukas
tawagin mang takas
hihiram ng lakas
tatagay ng wagas
nalango sa wakas
kamay lang may hugas
bahid, patak, tagas
palay naging bigas
kahapon ay bakas
sing-linaw ng habas
nahinog ang prutas
ngunit di pinitas
bagsak mula taas
sabik na pumatas
kahit pa lumabas
tinatagong Katas
Tinukso Ng Ahas
Yinapos Ang Angas
Kinapos Sa Alas
Nilukso Yung Dahas
Natisod, Nadulas
Kasi Nga Nangahas
Kung Dati Minalas
Nadapang May Bangas
Babangong Matikas
Sa Mali iiwas
panata kong tagos
dalangin ay lubos
payak man ang lapis
yakap Di Pa labis
sugat na may hapis
ginamot ng kapis
Tila Tala Lihis
Kutitap Sa Bilis
Araw May Silahis
kidlat ang hagibis
mukha na manipis
nagpalit ng bihis
hahakbang sa libis
Layon Ay Malinis
Patama Ay Daplis
Ngunit May Hinagpis
Pinawi Ng Haplos
Animan na agos
Timplang Nalamukos
Animo Ay Musmos
Siglang Dinaraos
Biyaya Ay Puspos !!!
Jan 13, 2022
Jan 13, 2022 at 1:28 PM UTC
Eu pintei-me de preto e vesti-me de *****
E colori em forma de arco-íris, o meu coração!
Descansei os sapatos e assim com ar integro,
Analisei todos os meus males, aqui atrás do Marão!
Olhei o sol que estava lindo, assim como a luz do dia,
E eu ali senti-me um milhafre perdido no raiar do céu,
Despi-me de preconceitos e agarrei a luz que me alumia,
Comecei a correr até ficar cansado, até perder o chapéu!
Comecei a despir o ***** que trazia vestido e foi nu,
Que comecei a procurar ao redor uma nova capa,
Com cores coloridas com sorrisos tirados do baú!
Não servia sorrir de novo, sorrisos fingidos á socapa!
Jurei que iria sair do escuro, que trazia vestido,
Comprometi-me com a alma, e entregar-me ao destino,
Porque afinal, eu não tinha perdido, então porquê, o alarido!
Seria por me despir, reflectir e sentir culpado e latino?
Hoje não é dia de pensar assim, não é dia de fingir,
Não é dia de mentir, nem é dia de ficar para ali a latir.
Porque quem me pudesse ouvir, estaria ali não para me ouvir,
Mas sim para fingir, que eu era o corvo, e tinha de partir!
Quanto tempo durou o fingimento que te cativou?
Porquê que eu nunca percebi que teria de sair!
Não sei, nem posso deitar-me a adivinhar. Sei, acabou.
Não tenho mais comigo razões para me prostituir!
Como poderia eu ter sido ingrato, se tivesse visto,
Que afinal tudo que vivi, até ali, nunca foi real e meu.
Nunca fui afinal muito mais, que um pequeno imprevisto.
Ingrato, não estou. Hoje eu sei, que afinal, estou ao léu!
Sem qualquer compromisso no coração, e pode ser teu.
Autor: António Benigno
Dedicado do Romeiro para a Rameira.
Sep 11, 2013
Sep 11, 2013 at 9:17 AM UTC
Com sentido ou sem se vive,
Perdido em sonhos que tive,
Horizontes avermelhados vou abraçar,
Ousando sentir desejo no olhar.
Na nossa rotina que parece escrita,
Sorrir com entusiasmo que fica,
Sentimentos que não controlas,
Sapatos gastos sem solas,
Ouvir sons que amolecem teu ser,
Olhos que adormecem sem querer.
A vida parece tudo querer absorver,
Eu vivo sem o mundo perceber,
Em sintonia com o dia ao anoitecer,
A vida eu quero agradecer.
Tudo parece ser eterno,
O mundo é céu, ou inferno.
O olhar que sabe olhar consome,
Não tem guarida, nem nome.
Nas estrelas, nas as areias do mar,
Sinto o vento a passear.
Victor Marques
Jun 20, 2022
Jun 20, 2022 at 5:08 PM UTC
quando que te lembras ter respirado pela última vez?
consegues olhar pro outro sem posicionar a cabeça pra baixo?
tocas em outra pele sem que ela se arrepie?
tens ainda força pra responder desconhecidos em ruas movimentadas?
consegues caminhar em meio a multidão e parar pra arrumar os sapatos sem ter vergonha de te observarem?
compartilhas teus medos?
sabes expressar tudo que se encontra dentro de ti pra fora de ti?
choras te olhando no espelho?
te incomoda pensar em tudo?
Oct 25, 2017
Oct 25, 2017 at 3:49 PM UTC