Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"puting" poems
Kaibigan, Hindi ka ba nagsasawa? Sa pagkapit sa isang relasyong ikaw nalang ang may sandata? At ang tanging kalaban ay ang taong ipinaglalaban; Ipinipilit manalo sa digmaan na kung saan lahat ay talunan— At ang pagkapanalo ay makakamit sa pamamagitan lamang ng pagsuko. Kaibigan, Itigil mo na ang iyong kalbaryo. Itaas mo na ang puting bandila, Bitiwan mo na ang iyong sandata, Dahil ang rason ng iyong paglaban ay sinukuan ka na.
0
Aug 26, 2016
Aug 26, 2016 at 4:56 PM UTC
Pagsuko
Ako’y modernong karpintero Sa henerasyong baon sa utang, Hindi pa man isilang, Ang kamalaya’y limot at simot na. Puros kalyo ang latay Sa pares na kamay Na ang sigaw ay pagbabago Diktahan man kahit demokrasya pa, Lahat tila may mantsa’t tatak pulitika. May direksyon ang pagdisenyo Pahalang sa kapwa-tao, Samantalang ang kabila’y Ang labi’y eksperto sa pagsayad sa lupa Patungo sa ulap at bituin Kung saan naroon raw ang Maykapal. Narito ako sa kanilang tagpuan Tatawid sa kalyeng hindi masilayan Bingi sa sanlibutan Minsang pinaligua’t sinabunan ng kadiliman. Narito ako, Sa sentro’y may hanap-hanap Kilabot ng pagtahi sa sugat ay titiisin. Pagkat ang latay, hindi man nasaksihan Ramdam maging sa tadyang Na akin daw ay pinagmulan. Kung mararapatin lamang Ng lupang minsa’y naging gintong bayan Na pang-habambuhay siya’y lisanin At sa pagbukang-liwayway, tatakbo sa Liwanag. Walang karapatan ang takipsilim na uminda Pagkat ang Haring Araw Sisikat at yuyupakan ang kanyang dangal, Siyang isang pobre’t salat sa Katotohanan. Niyapos ko ang buhok At pinahid sa mansanas, sa mangga’t Maging sa dagat na sagisag ng kalayaan. Ako’y tumakas Tangan ang sandata ng buhay; Pakuwari ko’y walang himagsikan Ang siyang muling sisiklab Pagkat ang laban ay tapos na noon pa man. Puting papel at plumang walang tinta Ang iniwan sa akin ng Ama Hindi ko mawari sa paanong paraan ba Maililimbag ang isusulat nitong pluma. Ngunit ang tukso Na madungisan ang pahinang puti Ang puro’t walang bahid ng itim at kulay bahaghari, Alam ko, balang araw Mapupunan ito, hindi ng salita Bagkus ng larawang sa sansinukob Ay hahagkan ang bawat nilalang Itatas muli ang bandila - Silang puro ang tiwala sa Pintor ng Pagbabago. (5/23/14 @xirlleelang)
0
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:04 AM UTC
Ang Modernong Karpintero at ang Pintor ng Pagbabago

Continue reading...
55
Ang sabi sakin ni Mama, *"Huwag **** ipapagalaw ang iyong katawan. Magmahal ka ng lalaki ngunit wag **** isusuko ang templong iyong inalagaan kung ayaw **** magsisi."* Sabay kindat na sinundan ng kanyang mga kiliti. Kung pwede ko lang aminin kay mama na mali siya sa dalawang bagay na kanyang nabanggit (nako, baka namura niya na ko sa galit). **Una. Hindi lalaki ang aking napupusuan. Pangalawa. Mama, patawad pero naisuko ko na.** Baka ang nais iparating sakin ng aking nanay, "kahit ikaw ay pilitin, HUWAG. At huwag na huwag mo ring ibibigay ng kusa." Hindi ba? May punto siya. Pero mahal, naaalala mo ba ang gabing umuwi tayong magkasama? Hinawakan mo ang kamay na nanlalamig sa kaba. Pinainit mo ang pakiramdam ng akin ng nadama ang pagyapos mo ng dahan dahan sa aking katawan. Nilakbay ng iyong mga halik ang labi kong nagliliyab sa pagkasabik. Ito na ang pinakahihintay kong sandali. Nasubok mo kung gaano kabilis kong kayang bumigay. Kasabay sa bagal ng oras habang gumagapang ang iyong mga kamay ay sumabay ang pagkatunaw ng aking mga tuhod. Mga puting kumot namantyahan ng pula. Sabihin na lang nating ito'y ating mga kaluluwa na sinakop ng kasalanang ating nagawa. Langit ay aking narating at nakita. Hindi ito isang pagkakamaling aking pagsisisihan. Hindi mo ko nun kinailangang pilitin dahil buong loob ko itong ibinigay ng kusa. Ilang beses nangyari. Isa... Dalawa... Ilang beses nasundan. Tatlo... Apat... Lima... Ilang beses nating natagpuan ang ating mga sarili sa parehong sitwasyon. Ilang ulit ng nangyari  ngunit pabago bago ng posisyon. At tulad ng magandang panahon, pagmamahal mo'y nagdilim at naglaho. Pinaglaruan, pinaikot ikot sa iyong mga palad na parang laruan. Leeg ko'y aking natagpuang may nakapilipit na kadenang nangangalawang. Kung gaano kabilis **** nahubad ang nakabalot saking damit, ganun din kabilis nagbago ang iyong isip. Saking mga mata ay hindi mo natagpuan ang langit. Sabi mo kaya **** mabuhay na mukha ko lang ang iyong tinititigan. Kasinungalingan. Sabi mo ako lang ang iyong kailangan. Nagsisinungaling ka na naman. Ang sabi mo ako lang ang babaeng iyong mamahalin. Sana nga'y nagsisinungaling ka lang. Dahil naialay ko na ang aking kaluluwa, puso't katawan sa mga pangako **** iniwan. Templo ko'y nagiba na ng impyernong sinapit ng damdamin ko sayo. Tama nga si mama. Dapa't ito'y aking inalagaan. Akin ng ibibigay saking sarili ang kalayaang aking kailangan. Akalain ko bang lahat ng ipinangarap ko para sating dalawa hindi ko rin pala makakamtan. Hindi mo kailangang manatili. Hindi kita pipilitin. Buong loob ko itong ibibigay ng kusa. Susubukan kong burahin ang mantyang ibinahid mo sa akin. Ikaw ay aking hahayaan kahit ako'y ginawa **** saktan at iwanang duguan. Mahal, hindi ko magagawang pagsisihan ang nagawa nating kasalanan.
0
Jul 30, 2015
Jul 30, 2015 at 3:25 AM UTC
Alay (spoken word)

8
"bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? sapagkat ang paglisan sa sariling ina upang sumuso sa bukal na buhay ng ibang dibdib ay isang pailalim na pamimirata. at sa daigdig, ang mga limahong ay matatagpuan sa lahat ng lahi at sa lahat ng kulay. kapag pinag-usapan si Limahong, bawat kinapal na nakatapak sa lupang hindi niya kakulay ay dapat paghinalaan"  - Edgardo M. Reyes, SA MGA KUKO NG LIWANAG bakit ang piratang tsino na si Limahong at hindi ang rebolusyunaryong si Komrad Mao ang napadpad dito sa ating dalampasigan? bakit ang mga piratang tulad ni Limahong ang dumami at lumaganap sa bansang Pilipinas? oo, laganap ang mga pirata sa ating bayan, pinirata nila ang ating kabuhayan. matagal na nilang hawak ang ating ekonomiya. kahit saan mo ibaling ang iyong paningin ang mukha ng mga kapitalistang tsino ang lagi **** makikita. lahat sila kamukha ni Limahong. sila ang mga bagong pirata. kung si Komrad Mao sana ang dito ay sumalta, malamang mga Sosyalista tayo ngayon. hindi sana tayo inaalipin ng mga ganid na Kapitalista. siguro sinlakas na rin tayo ngayon ng tsina. malamang walang tiwaling pulitiko na nagnanakaw sa kaban ng bayan. walang mga gunggong na pinagsasamantalahan ang taong bayan. walang mayaman na mang-aapi sa masang naghihirap. walang kolonyal na kaisipan na iiral, hindi sana tayo lumuluhod sa mga dayuhan. walang magtatatwa ng sariling wika at manghahamak ng sariling kultura. wala sanang maka-dayuhan na paghanga. wala sanang taksil sa sariling lipi. sapagkat lahat ng mga duming ito ay lilinisin at gagawing dalisay ng Cultural Revolution. bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit si Henry Sy, Lucio Tan, John Gokongwei, Andrew Tan ang mga panginoon at naghahari sa bansang ito? bakit tayo inaalipin ng mga dayuhang ito? putang ina, inaalipin at inaapi tayo dito sa loob ng sarili nating bayan. bakit sila ang nagpapatakbo sa buhay at bansa natin? bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit ang diwang pirata at hindi ang binhi ng kalayaan ang lumaganap dito sa atin? bakit kapitalismo at hindi sosyalismo ang namayani? bakit tayo mga alipin at hindi malaya? bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? nakakalungkot isipin na natulad tayo sa South Africa kung saan inalipin ng mga puting dayuhan ang mga katutubong itim. ang Pilipinas ba ang katumbas ng Gaza Strip dito sa South East Asia? bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit tayo pumapayag na ginaganito tayo? wala silang karapatan na babuyin tayo at hindi sila ang dapat na nakikinabang sa yaman natin.
0
Nov 26, 2017
Nov 26, 2017 at 11:00 PM UTC
"BAKIT SI LIMAHONG AT HINDI SI KOMRAD MAO?"

Sa minamahal **** mga puting pahina Inuukit ang guhit, mga pinagtabing letra    Maibsan lang ang nangungulit na pangungulila Upang pansamantalang mawala sa mga alaala; Saradong puso na nais sanang muli ay madalaw Ngunit ang susi tila'y tuluyan nang nagpaagaw Marahil sa tulad kong naghintay sa pagikot ng mundo Para lang masulyapan ang magandang ngiti mo __ Hilaw na pagtingin, hindi na mapagbibigyan Sa iisang hiling na ikaw ay mapakiusapan Tanging hangin nalang ang mahahagkan Habang ikaw ay nasa aking magulong isipan Sa minsanang aking pagkakamali Mas nakilala ka
0
Feb 4, 2019
Feb 4, 2019 at 1:59 AM UTC
tuloy lang pa sa pagtuloy
Ako'y sayo ikaw ay akin Ganda mo sa paningin Ako ngayo'y natatakam Dugo mo ay matikman Sa ilalim ng puting ilaw Sa dilaw na buwan Papakinggan ang iyong sigaw Na nasasaktan Ayokong mabuhay kang malungkot Sigaw mo'y musika At gilitan ka hanggang sa dugo'y maubos Halina't sa akin sumama Sa'n kaya? Sa ilalim ng puting ilaw Sa dilaw na buwan Papakinggan ang iyong sigaw Na nasasaktan Ang iyong ganda'y umaabot sa buwan Ang tibok ng puso'y rinig sa kalawakan At bumabalik Dito sa akin Ikaw ang gusto Ikaw lang ang gusto kong patayin Dala ko'y isang matulis na panaga Ibig kong ika'y akin nang hatakin Sa ilalim ng puting ilaw Sa dilaw na buwan Papakinggan ang iyong sigaw Na nasasaktan Sa ilalim ng puting ilaw Sa dilaw na buwan Papakinggan ang iyong sigaw Na nasasaktan
0
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:47 AM UTC
BUWAN by JK Labajo: Inverted
Susugod na sa bilang ng tatlo Isa… Dalawa… Tatlo… Sugod Ang giyera ay nagsimula Ilabas na ang mga baril at sandata Ilabas na ang mga kanyon at bomba Ang mga tauhan at ang mga preda Magsisimula na ang giyera GIYERA Na tungkol sa pagbabalik wikang filipino Na minsan nang ipinagmalaki ng ating bansa At ngayon ay ikinahihiya at itinatago na lamang Na minsan nang ipinagmaybang at itinangkilik At ngayon ay naiwan lang at tinangay na Ninakaw ng mga dayuhan Nang ito ay mawala ay bigla mo na lamang pinalitan Humanap ng iba sa paligid At sa katiyakan ay nakahanap ka nga Nahanap mo ang ingles Kaya’t ikaw ay humanap ng sabon na magpapaputi Kinuskos ng kinuskos ng matagal ngunit di gumana Kumuha ng puting pampintura Kinulayan ang sarili Hindi lang ang kulay ng buhok ang nagiging artipisyal Pati na rin ang kulay ng sariling balat Ngunit sa isang iglap ay ikaw ay nagsawa na Sa mumunting kulay na lagi nang nakikita Naisipan **** maglibot pa At lumibot ka pa Nahanap mo ang koreano na nagsasabi ng “Hart Hart Saranghaeyo oppa” Kaya’t ikaw ay kumuha ng papel At nag-aral ng wikang banyaga Ngayon ay napakanta ka na rin ng kantahin Na kahit ikaw ay hindi makaintidi Pero kinakanta mo dahil nakakatuwa Hindi ba? Hindi nagtagal ay nagsawa ka Sa mga kantahang hindi mo rin maintindihan Kaya’t naglakbay ka pa Naglakbay ka hanggang sa wala Naglakbay ka hanggang sa ang araw ay dumilim at unti-unting pinalitan ng tala 
Napagod ka Napagod ka sa kahahanap ng bagay na hindi naman mapapasaiyo Nakahanap ka nga pero hindi naman ito sa dugo mo ay itinatanggap Nabigyan ka ng sagot na ang hinahanap mo ay Nasa’yo na mismo Hindi mo na kailangan humanap ng iba pa Dahil ang wikang hinahanap mo ay nakabihag lamang Ibinihag ito ng mga espanyol sa dulo ng puso mo Para mapigilan ang pagbabago Pagbabago na makakasira ng kaisipang kolonyal na nagsasabing Ako ang piliin mo dahil dayuhan ako Itinatatak sa isip mo Laging magiging sosyal ang banyaga Laging magiging bulok ang sariling wika Laging magiging sosyal ang banyaga Laging magiging bulok ang sariling wika Nagtataka na ako sa iyo Ang sarili **** wika ay nakabaon lamang sa puso **** nakakandado Nasayo naman ang susi pero pilit **** isinasarado Ano nga ba ang pumipigil sa’yo Handa na ako Sa aking pagsuko Pagsuko Hindi dahil natalo ako Pero dahil idinedeklara ko na ang aking pagkapanalo Isusuko ko na ang mga sandata Isusuko ko na ang giyera Inaanyayaan kita Sabay sabay tayo Magkahawak ang kamay at hindi kakailanganing bumitaw at maghiwalay Sama-samang baguhin ang mundo gamit ang sariling wika Buksan ang nakakandadong puso At doon ay makikita mo ang sedula Hawak ko na ang sedula 
Hawak ko na ang sedula Ng pagkabilanggo ng wikang filipino Handa na akong palayain ito at gamitin para sa pagbabago Ang dating linya ay magbabago Laging magiging sosyal ang sariling wika Laging magiging sosyal ang sariling wika Laging magiging sosyal ang sariling wika Laging magiging sosyal ang sariling wika Susuko na sa bilang ng tatlo Isa. Dalawa. Tatlo. Suko Tapos na ang giyera
0
Jul 17, 2018
Jul 17, 2018 at 6:44 AM UTC
Binilanggong Wika

89
Dito sa Lungsod ng mga siksikang tren sa umaga at sa gabi ng paglubog sa mga makinarya, Ang sentro ng pabrikang papel at usok, na buong bilis sa inaliping katapatan at tapang ay naninirahan palagi sa piling ng mga madaming mga ipis at daga. May nalilimutan na mahalaga tungkol Sa tahimik na hele ng mga flourescent na ilaw, kaalwanan ng mga matatayog na pangako ng condo't bagong mga kainan, magagarang mga pabuya. Mga panibagong mga tagisan ng lakas sa mga makabagong Coliseum ng Roma, sa bawat amoy ng dugo at bagong silang. May tipo ng sukal na wala sa mga gubat, at tunog ng mga malalakas na putok ng baril na wala sa digmaan. Tila sa kahit anong panahon, mag-alsa man mismo ang Kalikasan at magpadala ng Tsunami, magpalindol at magpaputok ng bulkan sa panahon ng kakaibang asul at pula na buwan sa pagkakabuwal ng bagong bilang ng mga magsasakang sa mga mass-suicide mula India, Korea, at Pilipinas dahil sa di-pantay na mga batas kalakalan: Ipadala man ng mga makata't hukbong gerilya ang kanilang pinakamatikas at pinakamatatapat na mga bilang sa mga pagsubok ng panibagong mga pag-aaral at pagsasapraktika, maaaring Puting Elepante din ang hindi sasapat ang kabayaran para sa mga utang na dapat matagal nang nabura at naigpawan. Mula sa lakas at pwersa hindi lang ng mga diyos ng mga sari-saring pampulitikang mga pormasyong nagdidirehe sa mga kilos ng mga taong kapit na sa patalim, Kung hindi mula din sa lakas ng mga nangahas mabuhay at lumikha ng mga paraan para makapagpatuloy na makapagaral ng sariling pagkamulat: Ang kaaway na papel na salapi o papel na tigre ay nilikha din ng tao para din lamang maunawaan ang mga sariling kahinaan, mamulat sa mga repleksyon ng mga nagbabagong sarili sa gitna ng unos, upang matiyak ang yapak at mabuo ang mga hanay at kahandaan ng mga unang hawan, at huling mga walis. Ang mga kalabisan ay para lamang mapatingkad ang kahinaang dala ng kasaysayang nagluwal, ang kawalan ng pagpapahalaga sa binubuhay na mga palitan.#
0
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 2:26 AM UTC
SIYUDAD (City: Bones of the Jungles)

45
Ikalawang Kurap Tinatahak ko ng marahan ang isang makinang na landas sa gitna ng mga taong alam kong nananalig din. Hinihila ko ng pilit ang dalawang talampakang hindi dumarampi sa sahig na katulad ko’y nakatingala din sa langit. Ang aking mga palad ay magkaniig at ang mga daliri’y kayakap ang isa’t isa. Naiibsan ang sakit ng aking mga sugat ng nalalanghap kong halimuyak mula sa mga puting bulaklak sa paligid. Tila piraso ng langit ang dambanang ito na kung saan sinasabing tutuparin ang lahat ng mga kahilingan mo at papawiin ang lahat ng sakit at paghihirap na dinaranas ng kahit na sino. Sa lugar na ito nakalilimutan ko ang lahat ng hapdi at pagod na nararanasan ko araw-araw para bang unti-unti niyang hinuhugasan ang buo kong katawan at binibigyan ako ng bagong lakas at pag-asang harapin ang isang bagong bukang liwayway. Habang nananalangin ay napansin ko ang mga matang natuon sa’kin nagmamasid - tila kunot noong nagtatanong kung bakit ang basahang tulad ko na tinalikuran ng lipunan at inaring kanlungan ang lansangan ay naririto’t naninikluhod sa harap ng dalanginan. Alam kong ako’y kanilang napupuna ngunit sila’y bulag. Niyayanig ng aking mga dasal ang buong simbahan ngunit sila’y bingi. May kung sinong hindi ko naaninag ang umakay sa’kin patungo’t papalapit sa dambanang ginigiliw. sa bawat hakbang ay bigla kong naalala ang lahat ng pagdurusa at nasambit ang "salamat sa lahat ng pag-asa." Nilingon ko ang larawan ng madlang dukha’t kaawa ngumiti at binitiwan ang aking huling hininga.
0
Jun 18, 2015
Jun 18, 2015 at 11:44 PM UTC
"PIKIT-MATANG LIPUNAN"

19
AKO’Y NAKA TINGIN SA LANGIT SA ITAAS NG BUBONG NAMING PAGKANIPIS NIPIS. TINATANAW KO ANG MGA PUTING HUGIS BULAK NA PAPALAPIT SA ISA’T ISA AT SAKA DUMIDIKIT. KAPAREHO NG MIGHTY BOND NA DINIKIT KO SA SIRA SIRA KONG SAPATOS, KAPAREHO NG KULANGOT NA PINAHID KO SA PADER NG ROOM NAMIN. KASING LAGKIT NG TINGIN MO SA TAONG WALA NAMAN GUSTO SAYO. PARA KA TALAGANG ULAP, KASING GANDA MO ANG ULAP. NAKAKA SILAW SA SOBRANG GANDA. MASAKIT PERO MASAYA. MARAMING TAO ANG DINADAAN KA LANG, YUNG IBA TUMITINGIN AT SABAY AALIS. PERO AKO ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG, KAHIT TIRIK NA TIRIK ANG ARAW. KAHIT MATUYUAN AKO NG PAWIS, KAHIT MABASA AKO NG ULAN, ANDITO PARIN AKO. TINITINGNAN KA SA MALAYO. KAYA KAPAG UMUULAN, MINSAN GUSTO KONG KUMANTA NG “PAIN, PAIN GO AWAY COME AGAIN ANOTHER DAY.” DAHIL AKO, AKO ANG UNANG MASASAKTAN KAPAG UMIIYAK KA. DAHIL SABI KO NGA KANINA UMARAW MAN O UMULAN ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG TINITINGNAN KA AT HANDANG SALUHIN LAHAT NG IYAK NA GUSTO **** IBUNTONG SA ISANG TAO. TANGA PAKINGGAN DIBA? SABI NILA SAKIN BAKIT KO DAW HAHAYAANG MAGKASAKIT AKO DAHIL SA ULAN, BAKIT KO DAW HAHAYAANG TUMAGAKTAK ANG PAWIS KO SA GITNA NG NAGTITIRIK NA ARAW KUNG PWEDE NAMAN DAW AKO PUMAYONG. OO NGA TAMA SILA. NAPAKA TANGA KO. DAHIL MAS GUGUSTUHIN KO PANG MABASA NG ULAN, AT MATUSTA DAHIL SA ARAW KESA HINDI KITA MAKITA. ULAP. KAHIT SAAN NAKIKITA KITA. IKAW? NAPAPANSIN MO KAYA AKO.
0
Feb 14, 2017
Feb 14, 2017 at 11:25 PM UTC
Ulap
Tatlong Bituin at Isang Araw Isang Bandila, Apat na Kulay Dilaw Pula't Bughaw, Puting Dalisay muling nagugunita sa aking balintataw! Nasaan ka na nga ba? tanong namin minsan ni kuya habang sa amin si Bunso iniaabot ang papel na piraso. Nakatupi iyon at aking binuklat nang masilayan ko...katotohana'y sumiwalat. Damdamin ko'y halos gustong sumambulat sumandaling napapikit, sa aking pagmulat agad ko siyang hinagka't niyakap tumulo ang luha, sarili'y hinagilap hanggang matanto sa aking hinagap Bunso kong Anak... Ina'y INAAPUHAP Ang kanyang mga mata'y nangungusap huwag malungkot! ibig kong ipakiusap unti-unti ring matutupad mga pangarap waring singsing...hinugis ng alapaap Kahit walang ulan, posibleng magkabahag-hari Hangga't may pag-asa, lumbay mapapawi balang-araw mommy ninyo siguradong babawi makakapiling din na parang buhawi kasi di tayo gaya dati dapat Apat tulad nitong  Talumpati Kaso ang nailapat ay Labis pagkat panulat ko di Lapis Limang salita sa Bawat Taludturan sa mga saknong sana'y matutunan Kulang man kayo sa Pagmamahal tayo'y Family Three na Literal ako man ay naging Hangal Mga Anak Kayo'y Aking Dangal MAHAL KO KAYO! inyong tandaan pagkat ako'y Haligi ng Tahanan magmula pa sa inyong kamusmosan hanggang Mahalin ang INANG BAYAN !!! Philippines Independence Day June 12, 1898 - 2017 Ang Pamilya ang matibay na Pundasyon ng Lipunan. Lipunan na may Pagkakaisa upang bumuo ng Malayang Gobyerno Gobyernong magpa-HANGGANG NGAYON hangad at Ipinagbubunyi ang Araw ng Kasarinlan! Na siya rin namang Araw ng Kalayaan!
0
Jun 12, 2017
Jun 12, 2017 at 9:20 AM UTC
" dapat Apat "

43
Paalam bayan kong sinilangan, sintang katagalugan, lupain na sinakop ng mga puting dayuhan; inalipin at binusabos ng higit sa tatlong-daan na taon. Kung hindi sana ako nakagapos ay nasa larangan ako ngayon, nakikipaglaban para sa iyong kalayaan; subalit ako ay binihag ng mga taksil na kalahi, kayumanggi ang kulay ng kanilang balat subalit ugaling Kastila sila. Alam ko na ito na ang aking wakas dadalhin nila ako at si Procopio sa dako na di namin alam; tanging diyos lang ang nakababatid sa aming sasapitin. Sa punglo kaya o sa talim ng tabak kaming magkapatid ay masasawi? Nalulumbay ako hindi dahil sa ako'y mauutas kundi sa pag-aakala na masasawi ako sa kamay ng aking kalahi. Kung dayuhan man lang sana ang sa akin ay papaslang mas matatanggap ko ito nang maluwag sa dibdib. Paalam mahal kong Oryang, Lakambini ng Katipunan, ina ng aking anak at kabiyak ng aking dibdib. Naiiyak ako sapagkat malungkot ang naging wakas ng ating pagsinta. Kung magtagumpay ang himagsikan at makamtan na ang layang inaasam wag sana makalimutan ang mga nabuwal sa parang ng digma. Kainin nawa ng lupa ang mga taksil sa bayan, lunurin ng baha ang mga nakipagtulungan sa kaaway, tamaan ng kidlat ang mga tampalasan na umibig sa dayuhan na mapang-alipin. Sumpain sila ng langit. Nakapiring ang aking mga mata subalit nararamdaman ko na malapit na kami sa dako kong saan babasahin sa amin ni Komandante Lazaro Makapagal ang hatol ng konseho ng digma. Payapa ang aking kalooban, walang pangamba. Alam ko na ginawa ko ang nararapat, kailanman hindi ako nagtaksil gaya ng kanilang ipinaparatang. Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay ang Rebolusyon.
0
Nov 4, 2017
Nov 4, 2017 at 12:05 AM UTC
REBOLUSYUNARYONG PAHIMAKAS NI SUPREMO ANDRES BONIFACIO (isang kathang-isip ng may akda)

31
Sabayan mo ako sa pagbigkas nito, Nakakapagpabagabag, Pitumput-pitong puting pating, Minikaniko ni Monico ang makina ni Monica, Ang relo ni Leroy ay Rolex Bumili ako ng bituka ng butiki sa butika. Eto ang mga pampilipit dila na naalala at kinalakihan ko Ang saya bigkasin, Kasi alam ko na ang bawat pantig, ang tamang pagsambit At tuwang-tuwa ako bigkasin sa harap ng mga kaibigan ko Ipinagmamalaki kasi kaya kong sabihin ng diretso, at hindi nauutal Siyempre, noong una, pumilipit ang aking dila Ilang beses pinaulit-ulit, hanggang sa masabi nang tama At ayun, kinaya kong sabihin Pero sa lahat ng narinig at nabasa kong pampilipit dila Tila bang 'di ko pa rin kayang sabihin sa sa'yo ang mga salitang Mahal, kita. Gusto, kita. Na para bang sila ang mga salitang pinakamahirap bigkasin, Kahit siguro ilang beses ko ulit-ulitin hanggang sa masabi ko nang tama Parang hindi ko pa din kakayanin. Siguro mas kaya ko pang sabihin sa sa'yo ang mga pampilipit dila na naaalala ko, Nakakapagpabagabag Nakakapagpabagabag ka sa pagtulog ko Kakaisip kung anong mangyayari kung sinabi ko sa'yong gusto kita. Kung anong mangyayari, pag nanligaw ako o pag naging tayo na. Handa akong protektahan ka sa pitumput-pitong puting pating. Alam mo ba ang relo ni Leroy ay Rolex? Sana alam din niya ang oras ng uwi mo, para maihatid kita, Sana alam din niya na tumitigil ang oras tuwing nagkakasalubong ang ating mga mata Sana alam niya ang tamang oras kung kailan ko ba dapat sabihin sa'yo na mahal kita Nauutal sa apat na pantig, Na hindi ko naman alam kung gusto mo bang marinig Mahal kita, mahal kita, mahal kita. Ilang beses inulit-ulit bigkasin habang papunta sa'yo Baka sakaling masabi ko pagdating ko sa harap mo Pero nang nakita ka na, Para bang nabura mo ang lahat ng bokabularyo na alam ko, Nakalimutan ang tamang balarila, Nakalimutan kung paano mag-salita At nang lumampas ka, Nanghinayang. Sayang. Tatanggapin ko na lang na Siguro hindi lahat ng pampilipit dila ay kaya kong bigkasin Mas-mabuti na lang siguro na, Hindi sumubok, hanggang sa makalimutan ko nang sabihin sa'yo At mag-aantay na lang muli ng isang taong hindi pipilipit ang aking dila Kapag sinabi kong, Mahal na mahal kita.
0
Apr 23, 2016
Apr 23, 2016 at 11:41 PM UTC
Pampilipit Dila

50
mula sa bintana ng mga katotong tahanan may pinaghuhugutan balitang pinagkainan merong budbod di-umano ang bibingka sa bilao madalas di-ginugusto,,minsan nama'y napapa-tipo. bihira man ang daloy sa hiwa ng pagkakataon nariyan pa rin ang kuro at haka sa loob ng kahon sa tulong ng walang patumanggang bulong na hindi naririnig ang tunog sa likod ng pulang bilang matatanaw may abiso sa kidlat na walang kulog. ilako ang lakbay ng himay sa mga nagdidilang anghel para mahumpay ang tamlay mula sa pader na papel ibahagi ang natatanging kuwento sa oras ng hanay ng kasarinlan mag-manman sa likuran bago dumating at gumawa sa tambayan matabunan man sa araw-araw ang pag-apaw ng dalaw sa estado wag mag atubili,hataw lang sa paggalaw muling ibangis ang talento bagamat ano mang bulwak meron ang katha sa salamin,matapos na maisulat sa ere man hanggang sa paglapag ng tuyong dahon,may mangha na ipamu-mulagat sapagkat hinde mababanaag sa mga nilakaran ang iniwang bakas sa pinanggalingang upuan dahil ang dati nang puting kulay sa loob na 'ala pang bahid magkukulay dilaw sa pagkakaroon ng matimtimang masid at kung ang inaasahan ay taliwas sa nakatakda,,alin lang yan sa dalawa : bumilis ang pagbagal ng patak kaya manunumbalik ang dati nang sigla o malamang na mangamba sa pakiwaring hindi daratnan dahil sa pagkaantala? kung magkagayo'y ituloy lang ang pagkasabik sa pagtatapos pagkat magkakabunga!
0
Dec 12, 2015
Dec 12, 2015 at 8:50 AM UTC
salungguhit
*Halina kayong lahat at makinig! Magdikit-dikit at magkapit-bisig! At sabay pakiramdaman ang tahimik na unos ng isang dakilang puting kandilang upos.* Dito sa ating liblib na barrio Nakatago ang isang kandilang puti Labis na mahaba; ang pasensya na tila kayang hintayin ang walang hanggan. Ngunit labis na manipis; na kaybilis tablan at lapitan ng hinagpis. Dumating ang araw na kinailangang sindihan ang dakilang puting kandila sapagkat nawala at napundi na ang ilaw ng tahanan. Nang idinikit ang posporo sa kanyang mitsa ay hindi sadyang nakapaso ang kandila subalit ang nagsindi ay 'di napigilang magalit, pilit na pinutol ang kandilang puti sa gitna at ito'y nangalahati. Walang nagawa ang kandilang mayumi kundi iiyak ang mainit nitong pagkit ngunit ang tanglaw nito ay kayliwanag buong barrio'y mararamdaman ang kanyang sinag. Ilang araw nangyaring muli ang pagpasong hindi minimithi ang kandilang puti'y patuloy pa ring nangangalahati ngunit ang liwanag sa barrio'y sa kanya pa rin nanggagaling. Dumating ang araw ng kandila na hindi na maaring kalahatiin. Unti-unting sumuko na rin ang mahaba nitong mitsa. Sa huling sandali, ay hindi na nakapagpigil ang mapanghimok na nagsindi. Buong lakas na nag-ipon nang hangin Buong pwersang sumigaw sa kandila. Ang kandila'y 'di na nanlaban at nagtuloy nang manghina. At sa huling bulong ng nagsindi, ang liwanag ng kandilang puti ay napundi. *Halina kayong lahat at makinig Magdikit-dikit at magkapit-bisig sabay pakiramdaman sa walang kibong katahimikan ang umaalulong na hagulgol ng dakilang kandila.*
0
Sep 16, 2016
Sep 16, 2016 at 1:12 PM UTC
Hagulgol ng Kandila

49
Nauubos na ang katas ng mga bulaklak sa hardin, Gayundin ang mga dahong tila nagsasayawan sa bawat pagsipol ng hangin. Unti-unting ring nanamlay ang mga iwinawagayway sa bawat pulong ipinagbigkis. At maging ang bahaghari'y waring sanggol na nahihiyang magpakita't piniling magtitiis. Sa pagtikom ng bibig ng tinuturing na demokrasya Ay nasaan nga ba ang tunay na pagkalinga? Na sa tuwing gumagayak ang mga nakapilang ekstranghero Ay magsusulputan ang mga buwayang masahol pa sa nakawala sa hawla. Sinisipat ang mga bulsang walang laman, Para bang mga santo silang naghihintay sa alay na hindi naman nila pinaghirapan. May iilan pa ngang susukli ng lason buhat sa kanilang mga bibig. Matindi pa sa hagupit ng kidlat, kung sila ay magmalupit. Doon sa kasuluk-sulukan ng kurtina sa entablado'y Nagsitikom ang mga buwelta ng mga may puting kapa. Sila sana ang pinakamakapangyarihan Na hindi kung anong elemento ang pinagmumulan. Sila sana ang pinapalakpakan, Ngunit ang suporta'y wala naman palagi sa laylayan. Taas-noo sila para sa bandilang pinilay ng sistema. Bayani kung ituring ngunit sila'y napapagod din. Nakakaawa, pagkat sila'y pinamahayan na rin ng mga gagamba At kung anu-ano pang mga insektong noo'y itinataboy naman sa kanila. Tangay nila ang armas na posibleng lunas sa kamandag, Sila na rin mismo ang dedepensa't aawat Sa paparating na mga kalabang hindi naman nila nakikita. Ano nga ba ang laban nila? Ano nga ba ang tagumpay na maituturing Sa labang tanong din ang katapusan? Samu't saring lahi na may iisang kalaban Ngunit ang tanong ko'y, may iisa rin bang patutunguhan? May iisang sigaw ngunit ang tinig ay wasak sa kalawakan. May iisang mithiin ngunit ito'y panandalian lamang. Pagkat sa oras na ang giyera'y mawaksian na rin, Ang medalya't parangal ay tila isasaboy pa rin sa hangin.
0
May 28, 2021
May 28, 2021 at 3:19 AM UTC
Dextrose

34
muli sa inyong harapan,walang kiyeme.Ako'y may luha ng galak  na sumasainyo pigil hininga sa mga katotong bantayog na nakakasalamuha ko halos hikahos kong kinu-kuyumos yaring mga mata ko na wala pang hilamos pagkat sa tulad kong aba' ,kada rima ay sadya talagang mana nga o para sa tao etong aking paghangos! isang nilalang na ang kara ay tila ba mapalad na albularyo na di man lang kapara ng doktor na malawak ang bokabularyo kaya't halina at ating paigtingin ang naturang tula at talumpati sa tamang panahon at termino ng huwarang tupa at puting kalapati ehem,,ayon daw sa isang bokasyon dapat raw eh mag-bukas 'yon Oo."ang hawla na seremonya sa KASAL at tanging tali lamang ang may SAKAL LAKAS sa paghila,manapa nama'y banayad AKLAS man ang reaksiyon ng pagaspas sa paglipad magsisitingala ay LAKSA hanggang ang pares ay magsidapo mapapahangang gaya sa SAKLA.,tagos agad walang kahapo-hapo edi wow aww aww...kahol ng bantay-bombang ASKAL habang nababakas ang kasiyahan ng kapwa magpupulot-gata at ng mga saksing sabik sa sabaw kapagdaka'y palakpakan naman ang siyang sa paligid ay pumaimbabaw LASAK man na sa paningin ang pulang alpombra,hinde naman matatawaran mga alaalang duon ay naihalal!
0
Nov 13, 2015
Nov 13, 2015 at 3:25 AM UTC
" K A L A S - meyt "
*Nais kong lumakad sa tabi ng dagat kasama ka Babakas ang ating mga paa sa puting buhangin Maaring masaktan ka dahil sa mga batong nakakalat Huwag ka mag alala dahil sasabayan kita sa bawat sakit Kahit gaano pa kahaba ang ating lalakarin Kapag pagod ka na ay handa kitang pasanin Dahil hindi tayo susuko sa mga hahadlang Maging bagyo man ito o gutom at uhaw Wala sa ating ang maiiwan Sabay natin panunuorin ang pag sikat ng araw*
0
Feb 1, 2016
Feb 1, 2016 at 8:09 AM UTC
Pagsikat ng araw
Nagtagpo ang ating mga salita Higit sa isang sandali Yung isang sandaling hindi panandalian At kalakip ng ating tila kaytagal na hintayan Ang sinasabi nilang heto na Heto na pala ang pangmatagalan. Nagtagpo ang ating mga ulirang mga puso Kasama ang bawat sakit na hanggang ngayo'y pasan-pasan pa rin natin. Kasama ang bawat agam-agam, Kasabay ng kanyang pagluwas buhat sa mga makakapal na ulap Ang pagtanghod ko sa muli nating pag-uusap. Nagtagpo ang ating mga damdaming Marupok pa sa kahoy na hinayaang anayin. Kung saan ang bawat pako'y nag-iwan ng mantsya at kalawang. Nagtagpo ang ating mga basag na pangarap Ang mga pangakong hinayaan nating Matunaw sa likido ng galit at pait. Nagtagpo ang ating mga paningin Sa hindi inaasahang tambayan Sa tambayan ng damdaming Akala nati'y wala nang lusot para sa kinabukasan At kasabay ng minsan nating pag-aaksaya ng panahon Sa pagpapaligaw sa mga mabubulaklak na salita, Tayo ay nagtagpo na may iisang luha sa iisang garapon. Nagtagpo tayo sa basag na nakaraan At hinapo sa bawat piyesta ng masasakit na mga salita Bagkus sa likod ng bawat "ayoko na" at "bahala ka na" Ay sabay tayong nagtagpo at nagtago ng ating mga dala-dala. Doon ka sa kaliwa at ako naman sa kanan Doon tayo sa magkasalungat na landas Kung saan ang oras ay posibleng di na magsipaglihis pa Na ang aking umaga ay di mo na gabi At ang aking gabi ay di mo na umaga. Kung saan ni isa'y di na aalis At kung saan ang lahat ay posibleng di na magmintis. Baka doon -- Baka sakaling matagpuan nating muli ang isa't isa. --- Minsan, napadpad ako sa karagatan Kung saan ang bawat hampas ng alon Ay tila kumpas na lamang ng nakaraan Na ang dating puting buhangin Ay unti-unti nang nanumbalik Akala ko'y isang panaginip Pero doon ay may subalit -- Subalit na napakaganda. Ako'y saksi sa pagluha ng langit nang pabaliktad Na parang ang lahat ng maganda sa dalampasigan Ay unti-unting inanod At akala ko'y di na makababalik.
0
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 8:06 AM UTC
Tagpuan

Tulad ng isang magandang bulaklak na nalanta sa hardin ng mahal kong lola May bagay na hindi tumatagal gaya ng ating inaakala. Isang paru-paro ang nakita kong  nakadapo sa nag hihikahos na puting rosas ang naka lagay sa kanyang paso. Napaisip ako, pano kapag ako naman ang nawala? May mga tao bang magbibigay pansin? May mga dati bang kaibigan na dadating? May mga tao bang iiyak dahil sa aking pag lisan? O ang mga mata ko ang luluha dahil sariling multo ko lang ang nakiramay.
0
Jan 31, 2016
Jan 31, 2016 at 9:26 PM UTC
Pagpanaw
Isang puting panyo ang'yong iniabot pampahid-luha, sa mata'y bumabalot kalungkutan ko tulo'y tila naglaho kahit sa'yo'y lubha pang naninibago a white handkerchief you gave to wipe away the tears covering my eyes my sadness seemed to disappear even with you it still feels new
0
Oct 3, 2015
Oct 3, 2015 at 9:38 AM UTC
a poem i found left on my chair in mcdonalds
Tapos na ang paghihintay kasi ngayon malinaw na. Simula't sapul, lahat ay isang napakasayang ilusyon lang pala. Isang kulungan sa isip kong nagsasabing "ang saya-saya naman dito. Dito nalang ako" Dito kung saan lahat ng nakikita ko ay puno ng ilusyon galing sa pag-aakalang totoo ang pagmamahal mo. Tapos na pala ang lahat dulot ng maling pagkapit na mayroon sayong pag-asa. Sarap ng bawat lambing, titig at yakap mo sa tuwing tayo'y masaya at magkasama. Ihip ng hangi'y kay lakas, kayang dalhin ang lahat ng mayroon ako, pati ikaw na mahal ko nga, biglang naglaho. Mga ngiti nating dal'wa sa mga lumang litrato halos di maipinta, kelan kaya tayo ulit ngingiti ng magkasama? Tapos na pala kasi may iba na pala, ibang nagpapangiti at ibang kasama sa pagbuo ng mga pangarap nating dal'wa. Halos sabihin ko na "sana ako nalang siya" para kahit sa panaginip masabi kong "akin ka pa" Oo sana lang talaga ako nalang ang una at huling sasabihan mo ng mahal kita. Pero mukhang mapapagod nanaman ako sa kahihintay dahil sa kasabihang "araw-araw may pag-asa" Tapos na rin pala pati ang pagiging bayani ko sa digmaang kinabibilangan ko. Ano pa bang sandata ang gagamitin ko? Lahat naman kasi nagamit ko na pero sa huli ako pa rin ang talo. Pero ano bang sikreto niya? Wala namang siyang dalang espada pero sa puso mo ang panalo ay laging siya. Panahon na nga siguro para itaas ang puting tuwalya, simbolo ng pagtanggap na ako'y talo na. Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit lumuhod pa'y wala pa ring kwenta. Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit yumaman pa ako di ko mabibili ang ligayang dulot niya. Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, mamahalin nakang kita ngayong gabi tapos paalam na. At ngayon lahat ay tanggap ko na, na tapos na ang lahat dahil ang napili mo ay siya.
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 11:10 AM UTC
Tapos na... kasi nakapili ka na

20
"KALIMUTAN MO NA ANG NAKARAAN MO! LALO  MO LAMANG SINASAKTAN ANG SARILI MO-- ANG PUSO MO!" sigaw nang sigaw ang utak sa mga katagang iyon sa kaniyang puso. "May pag-asa pa! Umaasa pa rin ako. Aasa pa rin ako kahit matagal. Paki-usap, bigyan mo ako ng pagkakataon. Nararamdaman kong darating sila," litong-lito naman ang puso at pilit na nagmamakaawa sa utak na bigyan pa siya ng pagkakataon. "Hindi ka ba nakakaintindi? Iniwanan ka na nila. Hindi ka na nila mahal. Wala ka ng puwang sa mga puso nila. Hanggang kailan ka dapat umasa ha?" galit na galit na ang utak sa puso nang mga sandaling iyon. Nag-aalab na at kaunti na lamang ay magiging makasalanan na siya. "AKALA MO LANG IYON! HINDI IKAW ANG NAKAKARAMDAM KUNG HINDI AKO! AKO ANG MAS NAHIHIRAPAN!" "AKALA MO LANG IYON! AKO RIN NAHIHIRAPAN NA AT DUMUDUGO NA ANG UTAK KO SA IYO! HINDI KA  BA TITIGIL?" "HINDI!" "P'WES! Gagawin ko na ang nararapat upang manahimik ka!" At hindi na napigilan ng utak ang kaniyang paninibugho. Inutusan niya ang mga paa na magtungko sa kusina. Ipinakuha niya sa kamay ang isang kulay puting bote na may nakasulat na muriatic acid. Kusang bumukas ang bunganga at ipinainom ng kamay ang lahat ng laman sa bote hanggang sa dumaloy na ito sa buong katawan. Habol-habol ang paghinga, pinilit pa ring lumaban ng puso upang mabuhay ngunit, huli na. Huli na dahil nangisay na ang katawan, naging kulay ube na rin ito at tuluyang namaalam pareho ang utak at ang puso nang mga oras na iyon.
0
Feb 11, 2018
Feb 11, 2018 at 4:24 PM UTC
Labanan ng Puso at Utak (a flash fiction)
sa dami ng puting buhangin,,may ugong ang paligid sapantaha koy taimtim na nagmamasid sapagkat pikit-mata akong napatitig ng isang iglap dahil sa aking hinagap tanging puwing ang nasagap o luntiang hugis-bakit ang kaanyuan meron akong mumunting katanungan hiraya manawari,, maibsan itong alinlangan kapara ng hardinero sa kanyang halamanan hanggang kailan pa kaya ang pagkapa ko sa dilim? at sa aking pagdilat,,di na ba matatakam sa pagtikim? sa samyo ng mahiwagang halaman,, sa tubig ay tigib sa nakaambang mga tinik,,pahiwatig ay kutob sa king dibdib Tanong Ko Lang?,,,,,,, KANINONG ANINO NGA BA ANG TILA NANGANGAMBA, SA SILWETA O SA TALABABA? DI KASI HALATA,SINTOMAS NG AMIBA!
0
Nov 14, 2015
Nov 14, 2015 at 7:11 AM UTC
tuloy po kayo! taka?
Ikasampung lagok na at higit pa ng mainit **** ala-ala subalit malapit man wari kung aking tinitingnan sa sulok ng napadpad na isipan sa kabilang ibayo ng mga pananaw sa malayong dalampasigan ng pagkatao, hindi ko kayang abutin ang pinutol kong pusod na sa puting lampin ay ibinalot, at ibiniting tila bituin sa mga alapaap. Maghapon ko mang lakarin mula sa aking pusong pinabango ng galapong na bagong giling, na kung saa’y tiniis ang init ng kahirapan habang isinasangag ang bawat butil ng sanlibo’t sandaang ari-muhunan mula sa masuyong pinagsikapan, pinagtiyagaang alagaan - puno ng liberikang kape ng lupang sinilangan. Malayo, malayo na ang Lipa madaling lakbayin sa malawak na kalsada na dumaraan na ngayon sa kabundukan ng Malarayat na noong musmos pa’y malayo, malayo, malayo . . . tanging nakakarating lamang ay mga uwak at sabay-sabay na lumilipad na tagak sa takip-silim nama’y mga nagsasalimbayang kabag. Noo’y maliliit pa ang puno ng sintunis Ngayo’y natabunan na ng palitadang makinis Hinahanap ko ang lungga ng dagang bulilit At puno ng bitungol sa unahan ng lumang bahay na inaakyat ng mga paslit napawi na rin ang matayog na tahanan tila binura ng kapalaran at mistulang iginuhit ng chalk lamang sa pisara’y kumupas na larawan. Natabunan na ng bundok ng mga alikabok ng ala-ala, wala na tahanan, o ang lumang pisara tila nawaglit ang apat na dekada Malayo na ang lumang Lipa at katulad ng dahong alamat ng ngalan nya makating-masakit at di makakalimutan ang mga karanasan at mga aral na dala Kung wala na ang bigas na kinanda magtitiis ako sa samyo ng binlid at ipa Kung wala na ang pinipig at nilupak sa baraka kahit budbod at lumang latik ay yayamanin na Lalakbayin ko’y lubhang malayo pa Ngunit sinisinta ika’y makakaasa: Ang pinanggalingan, ang pinagmulan, lilingunin tuwina.
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 9:15 PM UTC
Kapeng Barako X

58