Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pumili" poems
I. Dati, may isa akong matalik na kaibigan, Mabait s'ya at siguradong maasahan. Halos ng bagay aming napagkakasunduan. At alam kong ‘di n'ya ako iniiwan. II. Ngunit may kakaibang nangyari, Pinagpalit n'ya ako sa isang lalaki. Lalaking nagpatibok ng kanyang puso, Kaya’t ang sarili ko'y dinistansya ko. III. Nagkaroon ng lamat ang aming pagkakaibigan Madalas na kaming hindi nagpapansinan, At madalas na rin kaming hindi nagkakaintindihan. Anong nangyari sa amin? Anong nangyari sa'king kaibigan? IV. Siya'y masaya na sa kanyang kasintahan, Habang ako'y tuluyan na n'yang iniwanan. Nagpagpasyahan kong s'ya rin ay kalimutan, At sa listahan ng aking kaibigan siya'y aking inekisan. V. Sinanay ko ang aking sarili, Sinanay kong wala na s'ya sa buhay ko. Sinanay kong wala na s'ya sa sistema ko. Sinanay ko kasi alam kong mas makakabuti ito. VI. Maaaring kilala ko s'ya sa pangalan, Pero ibang-iba na ang kanyang katauhan. Kaya kayo, pumili kayo ng maaasahang kaibigan, 'Yung hindi kayo makakalimutan kailanman.
0
Jul 3, 2015
Jul 3, 2015 at 11:58 AM UTC
Ang Nakalimot na Kaibigan
mundong malupit, napakadami **** bitbitin. isa kang manlalakbay, anong landas ang pipiliin? pilit **** dinala, ang bagaheng mabigat. pagkat gusto **** makatulong, sa abot ng iyong kaya. kahit hindi sayo'y minabuting dalin, nang sa iyong kasamaha'y na sa iyo ay binilin. buhat **** bagahe, di maikukubli. isinama mo na ang bagahe ng iba, magandang loob **** minabuti. Malayo na ang narating, ng pagod **** katawang hapo. sa pag intindi mo, sa mundong ikaw lagi ang balato ngunit pagkatapos ng araw, ang balikat mo'y halos mabali. subalit ang puna parin ay sayo, Ikaw pa ang siyang mali. nang tayo ay dumating, sa hating landas dapat pumili, di sinasadyang salungat, ang ninais na tahakin. bitbit mo ang puso, na iniintindi ang iba, subalit may mga desisyong, sa utak mo'y nakatalata. Sila ay bulag, sa kabutihang iyong dulot. ngunit sila ay dilat sa kagamitang nalaglag na hindi mo napulot. Sila'y dilat sa iyong kakulangan, di nakikita ang kabutihan ng puso. di ka nagpapatinag kahit ika'y napapaso mundong malupit, napakadami **** bitbitin. isa kang manlalakbay, anong landas ang pipiliin?
0
Jul 16, 2011
Jul 16, 2011 at 7:40 PM UTC
Landas
#102516 #Manila Ililiyad ko ang mga kamay Pakanan at pakaliwa At hindi ako mapapagod, Hindi ako mangangalay. Tangan ko ang sari't saring mga bagahe Iba't iba ang sukat Batay sa kapasidad ng bawat isa. Pero sila rin ang pumili; Kailanman, di ko sila diniktahan. May ibang kaya nila, may ibang hindi May ibang nang-iiwan, Ikaw na raw ang bumitbit. Lilipad ako, higit pa sa agila Lilipad ako pero hindi ako kakampay. May engkwentro sa ere, May digmaan sa himpapawid. At hindi ako paiihip Kahit pa taliwas ang hangin. Ako'y tutuloy lang -- Makalalapag din ako, Kaya't hintayin mo sana.
0
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 8:02 AM UTC
Eroplano
Pagpasensyahan mo na ko, hindi ako sanay sa mga yakap at lambing bago kita makilala, nakakahiya mang aminin ang pagdampi ng mga labi at ang init ng mga yapos ay alam ko lamang sa salita, sa bawat paglipat ko sa panibagong pahina ng mga aklat kong minamahal. Mas masarap pala sa totoong buhay. Dahil konkreto ka, ang iyong mga mata ay hindi lamang habi ng aking kaisipan at ang iyong mga salita ay hindi akin. Totoo ka. Masarap pala sa pakiramdam ang paglapat ng dalawang katawan, dahil kahit kailan hindi ako naging komportable sa paglubog ng kama sa aking likudan alam ko din na ayoko ng bigat ng ibang braso sa aking baywang pero noong unang gabi na nakapatong ang ating mga ulo sa iisang unan at ako’y tila bihag sa braso **** kulungan Napatanong ako sa aking sarili “Ganito ba ang tahanan?” Pero mahirap din kapag nakatikim ka ng ginhawa, nakalimutan ko na tayo nga pala’y dalawa at ito ay hindi lamang para sa akin. Ang kalayaang kong pumili ay taglay mo din Hindi mo nga pala utang ang mga sagot sa mga tanong na bumabagabag sa akin at malaya ka. Malaya kang tanggalin ang pagkabuhol ng ating mga daliri Dahil hindi iisa ang ating mga kamay at hindi din tayo iisa ng kaisipan. Posible nga pala na magkaiba ang bilis ng daloy ng dugo at ritimo ng bawat tibok Kaya naiintindihan ko at pagpasensyahan mo ako. Masyado lang akong uhaw sa pagmamahal. Sa tagal na panahon na pinagkait ko sa sarili ko, sa pamamagitan mo, kaya ko nang tumingin sa salamin at hindi makaramdam ng galit na sa tuwing umaga meron pa ding hininga, meron pa ding pagtaas at pagbaba ng dibdib. Masarap palang huminga at ayoko lang ng tikim.
0
Oct 11, 2016
Oct 11, 2016 at 3:07 AM UTC
Paumanhin

Continue reading...
34
Hassle. Nagsulat si Fidel, Pero anong nangyari? Walang napala sa isang daang tula, Luha ang kapalit at sakit ang sinapit Dahil pinilit ang gusto pero ang gusto niya ay pumili ng iba. Kaya hindi na kita gagawan ng isang daang tula. Titigil na dito sa pang pito at hindi na tutuloy sa walo. Talo. Talo lang din naman kahit umabot pa ng singkwenta, Dahil hindi naman benta sayo ang mga pakulo, Ang mga salitang kinumpila para iparating na ika'y gusto. Ano na nga ba ang gagawin ko? Ititigil na ang pag titig sa litrato, Lalabanan ang isipan na pagbulay-bulayan ang mga dahilan kung bakit hindi maaring maging tayo. Piniling hindi ka na alayan ng 'sang daang tula. Piniling alisin ka sa aking haraya. Pinipiling maging malaya. Magpapaubaya. Pero minsan talaga 'Di mapigilan magsulat ng isa pa At isa pa, Hanggang sa nakakatawa na Dahil umabot na pala sa isang daan ang mga tula.
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 10:00 AM UTC
Hindi na Kita Gagawan ng 100 Tula
Tuwing Halalan, may kalakalan… Palitan, tindahan ng mga pangalan Manibalang, sariwa’t bulok man Hilaw o hinog, merong pagpipilian. Tuwing Halalan, may paligsahan… Maliit, malaki, mahirap, mayaman Basta handa at gustong lumaban Maging sino ka man, pwedeng sumali diyan. Tuwing Halalan, may kaaliwan… Kantahan, sayawan at palakpakan Kainan, kwentuhan at inuman Wari’y may pista ang buong bayan. Tuwing Halalan, may kasawian… Tsisimisan, siraan, banghayan, alitan Hamunan, bugbugan at bantaan Hanggang kamatayan, walang uurungan. Tuwing Halalan, may kalayaan Pumili ng pinuno ang mamamayan Dikta ng sarili **** isipan O maging anong uri ng kabayaran. Tuwing Halalan, may karanasan! -09/29/07 (Dumarao) *upcoming local elections
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 2:04 AM UTC
Tuwing Halalan
lakad takbo walang siguradong direkyon basta yun lang ang ginagawa ko may pagkakataon din nagtatanong kung may papatungohan ba 'to hila dito hila doon saan ba dapat lilingon? aatras ba o aabante ang gulo ng utak ko ano ba ang mas importante? sarili mo o yung mga tao sa paligid mo? ano ang pakikinggan mo? utak ba o ang puso? hirap pumili kasi hindi ka sigurado ipanalangin mo pag ika'y nagdadalawang isip anong ginagawa ng pananampalataya mo? nalilinlang ka na ng mundo sinusunod mo na lahat ng luho mo patawarin mo ako tao lang ako
0
Jul 18, 2019
Jul 18, 2019 at 12:03 PM UTC
Alinlangan
Tahimik na kalangitan Buo ang mga ulap Maaliwas, o kay sarap pagmasdan Maliwanag, walang dilim na maaninag Mga ibong humuhuni malaya't maligaya Linilibot ang kalangitan punong puno ng kalayaan, sinasariwa ang preskong hangin'g bigay ng kalikasan. Sanay inyo ring marinig ang mga huni ng mga ibong nawalan ng tirahan, Sa pagputol nyo sa kanilang pinapangalagaang tahanan. Na sa bawat pagbuka ng bibig ay ramdam ang bigat na kanilang dinadala't, dinaranas Sana'y pagbigyan kahit minsan lamang Ang hiling ng bawat nilalang. Ang buhay ng tao ay tulad din ng mga ibon sa kapaligiran, malayang pumili,malayang maglakbay, malayang piliin ang gustong tahakin sa kani-kanilang buhay. ngunit may ibang ipinagkaitan labag man sa kanilang kalooban tuloy padin ang laban tungo sa magandang kinabusan. Sana'y imulat nyo ang inyong mga mata Pakingan ang mga hinaing ng mga taong pi'lit makamtan ang magandang umaga. Ngunit may narinig ka ba? Hindi ba't wala?! Hirap man, pagod, at walang makain. Pero ito ba ang basihan? upang sila'y pagkaitan ng pag-asa. Tulad din ng mga ibon sa malawak ng karagatan, gaano man ito kalawak, gaano man sila katagal maghanap, Magtyaga't, maghintay, magtiwala ka lang dahil ang bukas ay hindi natatapos ngayon, kundi magsisimula pa lang ulit bukas. Humayo ka't ipagaspas ang iyong pak-pak, lumipad ka't abotin ang iyong mga pangarap. Lipad munting ibon huwag kang huminto't ibangon muli, ang minsan mo ng nasirang tahanan Tulad din ng isang ibon, maging malaya ka't maging masaya.
0
Mar 12, 2021
Mar 12, 2021 at 12:47 PM UTC
Malaya

18
Noong una akala ko ikaw at ako. Yun pala sa huli ay hindi naging tayo. Mahal na mahal kita pero sa pagkakataong ito handa akong bitawaan ka. Handa akong iwan ang lahat para maging masaya ka, Handa akong magpanggap na okay ako! Na okay ang lahat ng meron tayo. Kaibigan ba o ka - ibigan, pumili sa dalawa kung saan nararapat. Patawad kasi sa pagkakataong ito mahal parin kita, Patawad kasi hangang ngayon ikaw parin ang tinitibok nito. Sabi nila pagmahal mo ipaglaban mo bakit di mo ko pinaglaban? Diba ako karapatdapat sayo? Ano ang kulang? May kulang ba ako? Dating ikaw at ako lang ang masaya walang inisip na problema. Dating ikaw at ako lang ang kailangan pero bakit ngayon walang ikaw at ako. May problema ba sating dalawa? May pagkukulang ba kong ginawa? Binigay ko naman lahat sayo, tapos eto lang isusukli mo. Bakit mo ko hiniyaang mahulog sayo? Sino ba sa ating dalawa ang Tanga? Ikaw o Ako? Sabihin mo para may alam ako? Hahayaan mo na lang ba ako? Hahayaang makuha ng iba? O Hahayaan mo na lang akong na masaktan. Dating ikaw at ako lang ang meron noon ngayong ikaw at siya nalang ang pwede, Hindi na tayo pero bakit ako lang ang nasasaktan. Samantalang ikaw naman ang nangiwan sa tulad ko na handang patawarin ka, pero sa huli sinayang na pagmamahal ay nauwi sa walang naging Ikaw at Ako.
0
Oct 31, 2018
Oct 31, 2018 at 7:54 AM UTC
Dating Ikaw at Ako
Ayoko na lamang bilangin ang mga oras Na nasisinagan pa tayo ng araw, Maghahabulan at magtatampisaw na parang mga basang sisiw Sa hubad na kalsadang naunang pagalitan ng langit. Naaalala ko pa noong elementarya'y Sabay tayong papasok sa eskwela Matapos humigop ng mainit na sopas ni Nanay. At minsan nga'y nakalilimutan nyang hanguin ito nang maaga Kaya matapos nating kumain ay sabay rin tayong magtatawanan At maglalaro ng "tag-tagan" patungo sa kanto sa sakayan. Hindi ba't pumupunta pa nga tayo sa may bandang iskwater, Makapaglaro lang ng pitsaw sa dati nating mga kaklase? Nagagalit kasi si Nanay kapag sa bahay natin sila niyayaya At magkakalat ang putik sa ating sahig Kasi pati si Bantay ay nakisali sa paghuhukay. Ilang beses din tayong naligo sa dagat Kahit na ang sabi ni Tatay ay manginas muna tayo Habang siya ay nasa laot pa. Pero uuwi tayong mga basa at walang pang-ulam na pasalubong Kaya muli tayong mapagagalitan Kasi ang titigas daw ng mga ulo natin. Hindi ba nahuli ako sa eskwela noon na nangongopya sa'yo? Tapos sinabi mo sa titser na ikaw ang nangongopya at 'di ako? Hindi ko kasi makalimutan yun Kasi pag-uwi natin sa bahay, ako pa yung nagtampo sayo Nung ikaw yung unang pumili sa doughnut na dala ni Tatay. At nung gabing iyon, hindi ako tumabi sa'yong matulog Ang sabi ko pa ay ayaw na kitang makita muli Kasi naghalo-halo na yung nasa utak ko. Pero alam mo ba, na sa mga oras na yun Hindi ko talaga inaasahang seseryosohin mo yun. Kaya noong maggising na lamang ako'y Nagulat akong wala sila Nanay at Tatay At si Aling Rosing pa ang nagsabi sa'kin Kung ano ang mga nangyari At kung saan ako pupunta. Sinabi ko na ngang ayoko na magbilang ng mga oras, Pero heto pa rin ako... At taon-taon akong nangungulila at nagsisisi. Siguro nga kung hindi ako natulog agad Ay baka may naggawa pa ako. Siguro nga kung hindi ko sinabi ang mga iyon, Ay hindi mo ring magagawang umalis. At siguro nga kung hindi ako nagtampo'y Wala naman talaga tayong pag-aawayan. Hindi ka rin hahanapin nila Nanay sa gitna ng gabi At hindi sila masasagasaan ng tren para iligtas ka lang. Siguro nga, pero huli na ang lahat eh Wala na kayong lahat at iniwan n'yo na 'kong mag-isa. Sana sa huli kong pagbisita'y mawala na rin ang lahat ng bigat, Mawala na ang pagkamuhi ko sa sarili ko, Kasi pagod na ako... Pagod na pagod na ako.
0
Oct 8, 2021
Oct 8, 2021 at 11:11 PM UTC
Riles

53
Bakit mo pipigilan ang oportunidad sa iyong harapan? Bakit mo hahayang mawala ang pagkakataong para sa iyo ay nakalaan? Ito na ba ang sandaling iyong pinakaasam-asam? Ito na ba ang hudyat ng hinihintay **** kapalaran? Iiwanan mo na ba ang dati **** nakasanayan? Lilingunin mo pa ba ang mga kahapong nagdaan? Babalikan mo pa ba ang mga bagay na iyong nakagisnan? O haharapin ang hamon ng bawat bukas sa iyong kasalukuyan? May pumipigil pa ba sa iyong dapat marating? May hahadlang pa ba sa iyong nais na abutin? May pag-asa bang magtagumpay ka sa iyong mithiin? May suliranin bang dapat mo pang susuungin? Kailan mo dapat gawing handa ang iyong sarili? Kailan mo dapat ibigay ang sagot **** oo o hindi? Kailan mo dapat sabihing handa ka ng pumili? Kailan mo dapat simulang talento mo ay maibahagi?
0
Aug 15, 2017
Aug 15, 2017 at 3:44 PM UTC
Bakit at Kailan
Iibahin ko muna ang pinapaksa ko ngayon Ayoko muna bumatay sa naging biktima ng sitwasyon Doon muna ko pupwesto sa kabilang dako Kung saan naging dahilan ng pagluha mo Una nagagalit ka sapagkat iniwan ka niya Nagbago ka sapagkat sinaktan ka niya Ngunit kasalanan ba ng mahal mo iyon? Kung ang dating pagmamahal niya'y bigla na lang naglaho Ang pagsusulit tuwing natatapos ang isang Markahan Ay may pagpipiliang inilalaan "A,B,C,D" Apat na letra, ngunit iisa lamang ang dapat bigyang halaga Ngunit tandaan mo sa larangan ng pag ibig ay dalawa lamang ang makikita Yun ay ang salitang "Mahal ko pa" "Hindi ko na Mahal" Mahirap pumili, Mahirap sumugal Sapagkat nakatayo ka sa gitna kung saan sinasabing "Baka naman meron pa"
0
Aug 21, 2017
Aug 21, 2017 at 6:51 AM UTC
Sa Kabilang Dako
hindi ko malaman kung saan papunta ang pinili kong daan hindi ko mawari ang sidhi at ang pag-iisip kong hati bakit kailangang pumili? saan? tangan ramdam, saktan sinubukang umikot sa eskinitang baluktot kailanma'y 'di ko malilimot na doon ko nakita ang sagot
0
May 9, 2015
May 9, 2015 at 12:33 PM UTC
Daluyan
"Nak, kumusta ka na?" habang inihahain yung Cinnamon bread mula sa oven. "Naku, Ma'am. Ito single pa rin, dami ko pa kasi need patunayan sa sarili ko." "Gaganda na nga ng mga na-achieve mo eh kulang pa ba? Hanapin mo rin yung magpapasaya sayo, ako nga simpleng life lang pero masaya ako sa partner ko at sa work ko." Bumulong sa katrabaho, "Siya yung sinasabi kong prof namin na life coach rin. Pinakilala niya sa akin yung the Ballad of the Lonely Masturbator ni Anne Sexton. Sobrang ganda niya pumili ng mga piyesa para sa class namin." Ay, Ma'am, si Ara nga po pala. Katrabaho ko." "Ay, hi po, Ma'am." "Ikaw ba, pinopormahan ka ba nitong si Michael?" Pabirong udyok ni Ma'am Pola. "Ingatan mo si Michael, mga sunod na faculty to ng CAL." "Ay, Naku, Ma'am. Di po ako qualified, baka maligaw ng landas mga taga ABE. Hehe." "Lahat naman tayo, may mga bagay na akala natin di pa tayo qualified, pero binibigay sa atin kasi may mga taong alam kung ano talaga kaya natin. Ngayon lang yung memo nagrerequire ng Masters kaya di na kayo makapasok. Tignan niyo nga kayo, ang gagaling kaya ng batch niyo." "Oh, eto nak, mainit-init pa yung order mo, apat na boxes ng Cinnamon bread. Pasensya ka na ginabi ka na ang dami ko ring binebake, baka may pasok ka pa bukas." "Ay, salamat po, Ma'am. Buti po at bumuti-buti na pakiramdam niyo. Solid po yung mga binabake niyo sana mabuksan niyo uli yung store niyo sa may great wall." "Ay naku, hoping and praying anak. Sana maging masaya family mo sa binake ko." "Naku, Ma'am, bentang benta to kasi minarket ko na sa kanila. Sana kahit papaano nakatulong po ako." "Thank you, Mike ah. Balitaan mo ako at kumustahan tayo sa kape pag may time pa." "Bye, Ma'am. Ingat po kayo lagi."
0
Oct 29, 2022
Oct 29, 2022 at 9:27 PM UTC
Gunita at Tinapay (isang pag-alala sa buhay ni Ma'am Pola)

16
Pinili kong piliin ka Kahit alam kong pumipili ka ng iba Pinili kong piliin ka Kahit alam kong may mas higit kaysa sa akin sinta Pinili kong piliin ka Kahit alam kong ako’y nilalaro na Pinili kong piliin ka Kahit sobrang sakit na Minsan inaakala natin na sa bawat paghinto Ay merong mag-aakay sa atin papalayo Papalayo kung saan tayo nakatayo Minsan inaakala natin na sa bawat jeep na hihinto ay tayo agad ang dahilan nito Minsan may kumakaway sa harap natin Pero yung kaway na yun ay para pala sa taong nasa likod natin Mahirap umasa, ayoko na ng akala Ayoko ng umasa, at mas mahirap akalain ang akala mo ay may kayo na. Pwede kang mangarap, pero mahirap Pwede ka niyang maging kaibigan Pero hindi pwedeng maging kayo Pinili kong piliin ang minsang inaakala kong pwede.
0
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 8:59 AM UTC
Minsan Pwede Pumili
22 Paggising ng lahat pagkatapos Mga bisig nila’y iginapos 23 Wala nang nagtangkang pumiglas Dahil mga Amazona’y marami’t malakas 24 Kadiliman ay hindi alintana Patungo sa lambak sila’y ipinarada 25 Malalim na ang gabi Nang makarating sa paroroonan ang mga nakatali 26 Mayroon palang kuweba Sa lambak na kinaroroonan nila 27 Ang mga Amazona’y pumili Ng ililigtas na lalaki 28 Napili ang binatang pinakagwapo Na ang katawan ay matipuno. -07/23/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:04 PM UTC
Tumatarok 4 -Ang Nag-iisang Pinili-
Hin-o ba in makakabaton hine nga akon pakiana Nga kon diin inen katilingban napupuno hin pagruha-duha Marisaw bisan ka kumain padayon an pangarawat Kulang nala ako in mamangno hini dinhi nga ngarat. Adton mag-aramyaw dire na naggigi-asihay Bisan man magkasugat ha dalan in waray na buslungay Adton magkakapamilya natutuyaw hin pasukod-sukod Ginhihinay-hinay pag-ruba han ira madig-on nga katukod. Adton mga tawo in nawawara an kamag-sarangkay Pipira pira la iton nga politiko pero yinukot-yukot it nag-aaway Na aalupan na hin grabe nga kahugaw iton hangin Waray na an pagka-urusa, adton anay mag-upay yana in nag-lain. Dire na ada kita nakakabati hadton guliat han gugma Kay nalulumay na kita hadton ka-ipa han kwarta Waray na adton anay maupay nga pagkasaragbot Nagpabilin nala yana an kaawa ngan an makalilisang nga kahalot. Adton iba in nasasagipo la han pag-pinadungog Nadugang la lugod inen panahon hin pag-alinsuog Dire na man gud mahimo na ha kada tagsa magpa-abat hin gugma Kay bisan ngani iton karagta-tawa ngan mga ngirit plinastikay nala. Ambot uunanhon ko la ine hin pagbaton Pakiana nga makuri gud usahay intindihon Nahingain na an mga tawo nga nagkaka-abuyon? Dire ba kita puydi pumili nga dire salapi iton rason? Unta sangkay, abrihan mo iton imo huna-huna Ha mga pabati ngan pagpakaraot dire ka unta magpadara Kay inen piniliay sagrado gud ngan baraan Ayaw pag pasipara pagdum-it hadton imo ngaran. Unta imo madunggan kon ano man iton yakan han imo dughan Ngan adton boses han kamatuuran imo unta pamati-an Ayaw pahulop hinin nagliliyong liyong nga konsumisyon Intindiha nala kay amo ine an darahig han eleksyon.
0
Jun 23, 2025
Jun 23, 2025 at 9:55 PM UTC
AN DARAHIG HAN ELEKSYON

32