Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Siatam
Siatam
24/M/Quezon city ALL POEMS ARE MINE AND NOT COPYRIGHT
Ang pagkakakilanlan ay isang masayahing bata. maaalalahanin, magiliw ngunit may tinatagong lihim. mapusok, matigas ang ulo pero marespetong tao. mapagbigay, bukas palad kaya madalas nauuto ng kalaro. Ang aking tula ay pinamagatang "LALA" Ako si Lala, yung tinatawag lang sa oras ng kagipitan Naaalala kong hindi ka nga pala maaalalahanin, Naaalala kong naaalala mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko, Nakikilala mo lang ako kapag ika'y nakadarama ng lungkot habang magisa, Ako to si lala, yung kaibigan **** sasamahan ka hanggang ikay muling sumaya, Ngunit, bakit ganun? hindi mo ako magawang maalala kapag ikaw ay masaya na? Oo nga pala, naaalala kong naaalala mo lang ako kapag ikaw ay gipit na. saka mo lang hahanapin at sasabihing namimiss mo ako kung kailan ikaw na lang ulit magisa, saka mo lang ako bibigyan ng importansya kung kailan di ko na kaya. Ako si... LALA, naaalala mo lang at kinilala nung akoy wala na.
0
Mar 13, 2021
Mar 13, 2021 at 12:11 AM UTC
LALA
Pinili kong piliin ka Kahit alam kong pumipili ka ng iba Pinili kong piliin ka Kahit alam kong may mas higit kaysa sa akin sinta Pinili kong piliin ka Kahit alam kong ako’y nilalaro na Pinili kong piliin ka Kahit sobrang sakit na Minsan inaakala natin na sa bawat paghinto Ay merong mag-aakay sa atin papalayo Papalayo kung saan tayo nakatayo Minsan inaakala natin na sa bawat jeep na hihinto ay tayo agad ang dahilan nito Minsan may kumakaway sa harap natin Pero yung kaway na yun ay para pala sa taong nasa likod natin Mahirap umasa, ayoko na ng akala Ayoko ng umasa, at mas mahirap akalain ang akala mo ay may kayo na. Pwede kang mangarap, pero mahirap Pwede ka niyang maging kaibigan Pero hindi pwedeng maging kayo Pinili kong piliin ang minsang inaakala kong pwede.
0
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 8:59 AM UTC
Minsan Pwede Pumili
Ito ang aking payo Sana wag kang lumayo Wag mo din ipilit Alam naman natin na masakit Wag **** itago Para ika’y mabigo Umasa, umasa ka pa Alam naman natin na ginagawa ka lang niyang tanga Para kang elesi ng electric fan Pinapaikot-ikot ka lang ng makina niyan Sabihin na natin na may dating kasi may hangin Pero hindi mo alam minsan ika’y nakakapuwing Sakit mo sa mata, mapapaluha ka talaga Kahit wala kang ginagawang masama sa kanya Sige lakasan mo pa ang ikot Ikot lang ng ikot, hanggang sa ikaw ay makalimot Makalimot sa katotohanang kaya ka niya gusto kasi may silbi ka pa
0
Jan 10, 2019
Jan 10, 2019 at 10:29 AM UTC
Dating
Isang tanong, isang salita Limang letra, oo lima. Ba, bakit kailangan mangyari pa? A, ano bang mali kong nagawa? Ka, kalayaan ba ang hanap mo? I, ikaw lang naman laman nito. Ta, tangang-tanga na nga sayo ‘to. Kaya bakit? May kulang ba? Tinatanong kita ng paulit-ulit, siya na ba? Sa tingin ko ay kaya mo na. Dapat ko ng turuan yung sarili ko na kaya ko na Kung sakal ka na Malaya ka na limang letra ay sapat na Bakit? Ang tanong ko sayo.
0
Jan 1, 2019
Jan 1, 2019 at 1:31 AM UTC
Bakit?
Sisimulan natin ang storya sa tatlo kami, Siya, Si iyun at Si ako Tinitimpla mo parang kape Siya, siya Yung nagmimistulang asukal sa buhay mo Siya, diba tapos na siya? Bakit bumabalik ka pa? Siya?, siya na pinapaasa mo at ginagamit mo. Siya, yung nagiging pangraos mo kapag nangngati ka. Paano naman si iyun? Si iyun yung nagmimistulang creamer sa buhay mo. Isang palamuti kumbaga. Isang nagbibigay kulay sa mata ng karamihan Paano naman si ako? Ako yung mapait, ako yung bitter kung tatawagin. Ako yung pinaka-importante yun ang iyong sabi. Anong sabi? Bitter ako? Oo bitter ako, kasi hindi mo alam na mas better ako. Eh paano kung ang siya ay nawala? At yung si iyun ay wala naroon? Pwede bang gampanan ni ako yung dalawang yun? Pwede ka naman magkape kahit barako lang Walang creamer, walang asukal Pero may pait para magising ka naman. Pero diba ang kape ngayon ay mas tinatangkilik Kung mas matamis at mas makulay? Dahil ang kape ngayon ay halos wala ng kape. Pero babaliktarin ko ang epekto ng kape sayo Magigising ka kapag wala ng ako
0
Dec 26, 2018
Dec 26, 2018 at 4:55 AM UTC
3 in 1
Ilang beses ba akong masasaktan? sa paulit-ulit na kaganapan? pikit mata kong tinatanggap bawat sulat **** mahal mo siya. nagbibingi-bingihan yung mga tainga ko pilit sinasalo ng puso na hindi ako, kahit tayo. ano nga ba tayo? hindi ko na napapansin kung pinaglalaruan mo lang ako sa bawat oras gusto ko ikaw pinapatakbo ko yung mundo ko sayo pinipilit kong ibaling atensyon ko sa iba pero hindi pa rin kasi ikaw at ikaw pa rin ang gusto nitong puso kong tanga sabik, oo sabik akong mayakap ka kahit kayakap kita uhaw ako sa pagmamahal na kahit kailan sayo ko lang nadama. baliw na baliw itong isipan ko at pagod na alam kong kahit tayo ngayon bukas hindi na dahil malabong maging ikaw at ako hanggang dulo dahil kung may dulo pa ang dulo, hanggang doon na lang ako.
0
Nov 9, 2018
Nov 9, 2018 at 7:54 AM UTC
Pilit hanggang dulo
Oo, papansin ako sayo Pero hindi mo napapansin, na sayo lang ako nagpapapansin. Oo, papansin ako sayo Dahil ikaw lang yung gusto kong pansinin. Oo, papansin ako sayo pero hindi mo naman ako pinapansin Oo, papansin ako sayo pero hindi mo na napapansin sarili mo, na ngumingiti ka ng dahil sa’kin. Oo, sumosobra na ako! Sumusobra na ako sa pagpapapansin Kasi gusto ko, mapansin mo din naman ako kahit isang beses lang. Tanong ko lang? Kailan mo kaya ako papansinin? Kailan ko kaya mararanasan na lambingin din? Oo, marahil ayaw mo sakin, Siguro nga iba ka na Iba na ang iyong gusto Iba na yung taong gusto **** kasama Iba na yung gusto **** bigyan ng pansin. Pero kahit ganun, na ako lang yung nagpapapansin At hindi mo din naman ako pinapansin Hindi ako nanghihinayang, Kasi naging masaya ako, naging masaya ka din Naging masaya tayong dalawa Kahit hindi mo na ako pinapansin. Salamat sa mga pagbabasa at pakikinig mo sa mga walang kwentang storya ko. Je t’aime
0
Jun 12, 2018
Jun 12, 2018 at 3:34 AM UTC
Seen zone
Lahat tayo ay pantay-pantay sa isang kamay ngunit sa mundong ginagalawan tayo ay nag-aaway away para sa isang tagumpay kahit ang ibang tulad mo ay matapakan wala ka ng pakialam makamit lang ang inaasam-asam, pagtakbo ng matulin pagsisid ng malalim paglipad ng mataas mas mataas pa sa lipad ng mga ungas nag-uunahan sa isang pwesto isang pwesto na walang trono, na kung saan ang mga tao ay wala ng modo, lahat ng nasa baba ay inaapakan parang tuyong dahon tuyong dahon na handang ibaon sa lupa, handang sigaan hanggang maging abo na lang, kamusta ka? isang malaking tanong masaya ka pa ba sa karangyaan na mayroon ka ngayon? nakalimutan mo na atang maging tao? maging tao o kahit man lang magpakatao? o tumuring ng isang tao. sa iyong pagtakbo ika'y madadapa sa iyong pagsisid ika'y malulunod, at sa iyong paglipad ika'y babagsak kung gaano ka katulin mas masakit ang pagkadapa, kung gaano ka kalalim mas mahirap maka-ahon pa at kung gaano ka kataas mas masakit ang pagkabagsak lahat ng bagay ay may kabaligtaran baligtarin mo na ang mga bagay na dapat baligtarin dahil mas mahirap ang iyong sasapitin kapag di mo naagapan ang iyong tatahakin.
0
Feb 26, 2018
Feb 26, 2018 at 11:19 PM UTC
Accept mo
mahirap labanan ang pakiramdam mahirap ipilit ang isang bagay mahirap pigilan ang mga mangyayari sa paligid mo hanggang saan ba ang kaya **** ibigay? hanggang kailan ka magiging matatag? hanggang saan mo kayang ipaglaban ang taong mahal mo? hindi ka ba susuko? hindi ka ba napapagod? natanong mo ba siya KUNG mahal ka pa niya? at mas masakit kung hindi mo natanong na minahal ka ba niya? mga hiling na gustong maabot mga taong nayayamot sa mundong kulot-kulot mga noong nakakunot mga buhok na napapanot kakaisip sa mamaya bukas at sa susunod pang mga gabi wala na siya at di mo katabi mata mo'y may luha dahil sa gusto **** di mo makuha ikaw ay sobrang ng napapagal pagod na pagod na kakahabol kaya ikaw ay hinihingal pilitin **** maging masaya kahit wala na siya hindi sa lahat ng pagkakataon hindi sa lahat ng direksyon kasunod, kabuntot mo siya o ikaw ang nakabuntot sa kanya bawat tao ay may kanya kanyang landas at sa bawat landas ay mayroong hudas sa iyong pagtakbo bawat pagtapak mo ay titignan mo wag kang tumingin sa isang direksyon imulat mo yung mga mata mo dahil hindi mo alam may ahas na kakagat sayo at dala nito ay lason lason na magpapahina lason na papatay at tatapos sa iyong buhay.
0
Feb 25, 2018
Feb 25, 2018 at 10:11 PM UTC
Saan ka patungo?
Ikaw na laging nandiyan kapag madilim ang daan Ikaw, ikaw ang laging tagapunas ng luha ko kapag ako'y nasasaktan Ikaw, ikaw ang nagpatibok sa puso ko Ikaw ang nagbago ng mundo kong paulitulit lang na sawang sawa na sa buhay na nakatunganga lang pumasok ako sa mundong ginagalawan mo ngayon nagsisimula ang araw ko na didilat sa umaga ikaw ang unang gusto makita yayakap sayo ng mahigpit at hindi naghihintay na ibalik ang yakap na ginawa ko sayo babangon tayo ng sabay mula sa higaang matamlay kakain ng agahan para malamnan ang kumakalam na tiyan kumpleto na ang araw ko kahit ikaw lang ang kasama ko komportable ako basta ikaw ang katabi ko napapanatag ang loob ko kapag tumitingin ka sa mga mata ko kahit wala kang sinasabi parang nangungusap yung mata mo matatapos ang agahan at papasok ang tanghalian hindi na kita kasama sa aking pagkain. matatapos ang maraming oras at ako ay naghihintay ng uwian para muling masilayan ang mala-anghel **** mukha mahagkan ka ng mahigpit na mahigpit at ikay mahalikan sa mukha. Oo, matatapos na ang kwento, matatapos na ang hapunan na kasama mo ako. matatapos na ang minsa’y malamig at minsa’y mainit na gabi. ikaw ay muling makakatabi, sa isang silid na kung saan ikaw lang at ako ang magkayakap hanggang matapos ang gabi Maghihintay nanaman ng panibagong bukas panibagong bukas ng pakiki-pagsapalaran sa magulong mundo na ikaw lang at ako. sana tayo, hanggang sa dulo.
0
Feb 7, 2018
Feb 7, 2018 at 9:04 PM UTC
Ikaw