Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"poste" poems
Ang tauhang ito ay kung lumisan sa mundo—mananatili na lamang ang mga salita, ngunit walang kahulugan ang buhay o hindi alam ang kahulugan ng buhay. 'Walang pag-iral ang tao sa lipunan hangga't 'di kailangan ng lipunan ang tao.' Ang bulong ng tauhan kasunod ang buntunghininga na nasa kawalan na. Tumigil lamang ang tauhan upang pagmasdan ang kumukurap-kurap na liwanag sa rurok ng poste. 'Kahit anong tatag at tibay nito, kung ang liwanag nito sa rurok ay pawala na—wala rin.' Ang bulong muli ng tauhan sa sarili. Biglang bumuhos ang lakas ng ulan habang pinagmamasdan ng tauhan ang poste. Sa lakas ng lagatik ng ulan, ngumiti lamang ang tauhan. Ngumiti lamang sa kabila ng buhos ng ulan sabay tumawa. Sa mga sandaling iyon nasa kawalan ang tauhan—nasa kawalan ng ngiti—nasa kawalan ng ulan. Umuwi lamang ng may ngiti ang tauhan sa kabila ng buhos ng ulan. Madilim at liblib ang kuwarto ng tauhan katulad na lamang ng damdamin at pag-iisip ng tauhan. Sa pagitan ng bintana't pinto. Kumuha ng lubid at upuan ang tauhan. Inilagay sa pagitan ng bintana't pinto ng liblib na kuwarto ang upuan. Tumungtong ang tauhan habang hawak ang lubid, itinali kung saan dapat itali. Itinali sa sarili—iginapos ang katapusan sa leeg—ipiniid ang mga mata. Tumalon na lamang ang tauhan sa upuan sa pagitan ng bintana't pintuan ng liblib na kuwarto. Pumanaw na lamang ang tauhan ng buhay, ngunit may taning. Sa ganoong paraan, nalaman ng buong lipunan na kabilang sa lipunan ang tauhan. Nalaman muli ng lipunan ang pag-iral ng tauhan, ngunit nang pumanaw na ito. Kabilang na muli ang tauhan sa lipunan, ngunit kabilang sa mga pumanaw.
0
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 10:59 AM UTC
Ang buhay, ngunit may taning

Continue reading...
5
Kling Klang....  Kling.. Klang.. Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan, Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan. Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan; Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan, Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan, At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran. Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan, Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan, Maruming damit, gusgusing katawan, Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran. Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman, Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan. Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan, Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan. Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan. Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan. Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan; Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan. Ilang minuto pa'ng nakakaraan, Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan, Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan. Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan? Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan Ang unti-unting nagsipatakan. Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan - Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan, Isang taon pa lamang ang nakakaraan! Dugo'y nag-unahan sa pagpatak, Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan. Babae'y nanghina't nagsumamo Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa anghel sa tiyan nito. Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay; Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan. Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban. Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan. Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian. Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan, Ang naging usap-usapan sa pamayanan. Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan. Sa gitna ng pighati't panlulumo, Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay. Tunog ng madamdaming dalamhati. Musikang malumanay, .......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay. Kling Klang... Kling.. Klang..
0
Apr 30, 2015
Apr 30, 2015 at 10:57 AM UTC
Kampana

46
Marilag na kasuotan ay itakip sa pagkalamat para di mabigyan pansin, masundan ang lingas Mag-aani ng papuri ang mapagdamdam na muslak Ang mga bakas ng kahapon ang pumipigil sa paghakbang Nakamtan man ang kaluwagan ay matagal pa rin bago nakapagpapasya Di magagawa ang pithaya                       (KWENTO) (Sa barangay, doble-doble ang bantay sa tarangka Masusubukan ang matalas na kampilan Matatalo ang sinumang dayuhan Masinsin sa pagbabantay sa pook na magiging libingan Maalat ang komposisyon ng sipol Nakakarindi ang taghoy ng mga kalaban Nagdiriwang sa loob nang matapos ang digmaan Ang datu at mandirigma ay iisa maging sa hangarin na tinagumpayan nila Kinokondena ang kaaway Ibibitin nang patiwarik Walang awa ang magsasalubong sa sentensiya Mga bihag ay ipapasok sa kulungan araw-araw bibigyan ng kakanin Sa takdang oras sila'y bibitayin magiging palamuti sa poste ng bahay ng Datu) Namangha sa kwentong bitbit Sa katunayan nagdibuho ng sitwasyong kathang-isip Sila'y hurado na hinuhusgahan din Binabatikos ang ugali Kinukurot ng imahe ng repleksyon
0
Dec 18, 2018
Dec 18, 2018 at 5:49 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #16
#102216 #PortBarton Bata pa lang ako, Pinagmamasdan na kita. Sariwa sa kamusmusan, Puno ng mga tanong na "bakit?" Ba't ayaw **** magpakita? Na kailangan Mo pang magtago sa mga ulap; Na hindi ko maabang-abangan Ang eksaktong pagsikat at paglubog Mo. Ba't Mo ako sinusunog? Na sa t'wing naglalakad ako, Sinasaktan mo ang mga balat ko. Na hindi ka nagsasabing Magdala ako ng payong o kapote. At ba't lagi mo akong ginigising? Na hudyat ng pagbibilang ng panahon, Na kailangan ko pang bumangon At buhayin ang sarili't umahon. --- Di Ko na kailangang magpasikat sayo Pagkat hindi na lihim ang Liwanag Ko. Ilang lugar na rin ang pinasuyod Ko sayo -- Sa Norte at Sur, buhay ang presesya Ko. "Walang kupas at walang katulad," Yan ang sambit mo. Ika'y Aking saksi; Sa iba't ibang pagbunyag Ko ng Aking Sarili -- Sa iba't ibang katauhang may sari't sari ring kwento: Silang simpleng manggagawang Lakas ay Sa'kin ang paghugot. Isabit Mo ang bawat larawan Sa dingding **** Aking ipinagtitibay. Nais Kong mailawan Ang bawat madilim **** espayo. Madilim man, nakikita Kita. --- Ikaw ang Pag-asa; At Sayo dumadaloy ang lahat. Kakatok ang Iyong Sinag sa butas-butas kong mga haligi. Pangako mo'y pasalubong Kaya't ako'y sabik sa pagdating Mo. Sasalubungin kita saking pagbangon At bubuksan ang aking mga bintana, Bilang pahiwatig Na nais kong taglayin ang Ilaw Mo. Bukas ang pintuan ko Sayo; Ikandado Mo ako, tangan ang di papupunding Liwanag -- Yan ang pagpapasakop ko; Saklawan Mo sanang ganap ang hain ko. Gagayak ako sa Iyong saglit na pamamaalam Na siyang susubok sa Ilaw na pinaiwan Mo sakin. At may galak akong magsisindi sa bawat poste, Ng gaserang may purong langis. Iihipan ko ito sa aking pahinga, At sadyang ang dilim Ay tamang pansamantala lamang. --- Tiyak ang oras mo At singhaba ng araw ang pasensya mo. Nagbabalik akong may hubad na sandalyas -- Marumi ako pero saking pag-uwi, Dito rin pala ang paghuhugas. Pinagmamasdan ko ang putik sa mga paa ko Maging ang alikabok sa mga palad ko -- Pawang nakuha ko sa trabahong Bansag saki'y tagautos. Pansin ko, ang dumi-dumi ko pala; Kailangan ko nang pagpagan ang sarili; At pawang ang lahat pala'y Di ko makikita nang wala Ka.
0
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 8:07 AM UTC
May Araw ka rin sa Bahay Kubo

70
#041716 Naakit ako sa linyang pahalang at patayo, Mga detalyeng pinira-piraso. Sabi ko sa sarili: saulo ko na ang istilo Mo Pero sa bawat pahina'y nabibighani pa rin ako. Hindi ko alam kung kaya ko, Magtiyaga man ako pero hanggang kailan kaya? Kung maglalaan ako ng sentimo sa araw-araw, Ako'y pulubi pa ring manlilimos Sayo Sasahod at maghihintay. Masisilayan ko ang pundasyon Ang mga bakal na kinalawang Sa bodegang inimbakan. Pagkat malayo pa ang byahe, Bagkus sinelyuhan ng langis Ang may tagas ng pagbabago. Ang halo ng semento, ni hindi naging pribado Nasa hulog ang mga poste Gaya ng minsang banging tinalunan ko. Ako'y malaya sa pagsilip Ng paglapat ng palitada sa tigang na kahong sementado. Ramdam ko ang gaspang ng kahapon, Ang kurba ng mga bakal na di patitibag Sa kaibuturan ng pundasyong timplado. Ilalatag ang sahig na papagpagan sa araw-araw Ihahalik ang mga paa nang may pagpapakumbaba Huhubarin ang saplot nang kalingain ang lupa At ihihimlay ang mga paa't mamamahinga. Pagmamasdan ko ang mga kahoy na malapad Isang dipa, dalawang dipa at higit pa Mapapatingin sa langit na hubad sa bituin at buwan. Ang bubong na siyang sasaklolo sa umuubong baga Mga kahoy at bakal na matibay Sasalo sa bigat ng orasyon ng klima. Bubuksan ko ang bintanang may iba't ibang pagkapinta Ni hindi pumapalya ang eksena na bumubusina sa umaga At sa gabing hamog ang yakap sa dilim, Kagat ng niknik, siyang sining sa maalat kong balat. Tanging kumot ng grasya, Pantago't pantapal sa pagkataong nilalagnat. Nakakaakit ang plano, maging itsura nito Kaya nga magtiya-tiyaga ako, Hanggang sa masilayan ang tunay na disenyo. Hindi lang ako ang lalaban sa presyo, Oo mahal nga, ganyan ang pagtingin Mo Tataya ako, pagkat kliyente lang ako At alam kong linya Mo yan, Ikaw ang aking Arkitekto.
0
Apr 25, 2016
Apr 25, 2016 at 12:55 AM UTC
Architect Vs. Client

48
Masiglang-masigla ang anino ng mga poste ng MeRalCo. Nagmamadali ang mga oto, Hinahabol ang matulin na tik-tak ng alas-otso. Maingay ang mga gusali. Maraming mukha ang bawat bintanang parihaba. Ang mga mata ng Umaga Ay waring mga hinog na mangga. - P.T.Simon
0
Oct 6, 2013
Oct 6, 2013 at 9:28 AM UTC
"Umaga" '(Isang Malayang Taludturang Tula)
Sadyang puno ng kabalintunaan ang mundo. Sa isang lugar na tinaguriang tirahan ng mga patay, sinong mag-aakalang doon rin nakatira ang mga buhay? Nagsimula ang aking malungkot na karanasan nang matanggal sa trabaho ang aking ama at pinaalis kami sa aming bahay. Kaya't naisipan ng aking mga magulang na manuluyan sa kanyang kumare na naninirahan sa North Cemetery. Hindi naging madali ang manirahan sa sementeryo. Sa gabi, walang ilaw. Umaasa lamang kami sa mga poste ng ilaw sa parke. Walang malinis na tubig at kailangan pa naming mag-igib sa malayo. Hindi ko magawa ang mga gusto ko. Bukod sa iniisip kong wala kaming matinong bahay. Nariyan pa ang di maintindihang takot at pangamba lalo na't sagana sa kwentong katatakutan ang mga palabas at naririnig ko sa mga tao dito. Naku, saan pa kaya maaaring magkaroon ng multi mundo sa hantungan ng mga patay. Ngi!! Pero sa awa ng Diyos, wala pa akong nakikita. Sa sobrang kahirapan, naranasan namin na hindi kumain ng isang araw o mag-ulam ng asin. Pero malakas pa rin ang pananampalataya ko sa Diyos, sa huli, muling nagkatrabaho ang aking ama at ngayon, nakalipat na kami ng bahay sa labas ng sementeryo. Ngunit hinding-hindi ko malilimutan ang aking karanasan na tumira sa sementeryo. Ito ay alaalang nagsisilbing sandata ko sa kahirapan upang magsikap at maging ganap na pari. Ating pakatandaan saan man tayo ilagak ng Diyos, magulo man o katakot-takot, hinding-hindi niya tayo pababayaan.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:26 AM UTC
Buhay sa lugar ng mga patay ....
Nella Torre il silenzio era già alto. Sussurravano i pioppi del Rio Salto. I cavalli normanni alle lor poste frangean la biada con rumor di croste. Là in fondo la cavalla era, selvaggia, nata tra i pini su la salsa spiaggia; che nelle froge avea del mar gli spruzzi ancora, e gli urli negli orecchi aguzzi. Con su la greppia un gomito, da essa era mia madre; e le dicea sommessa: "O cavallina, cavallina storna, che portavi colui che non ritorna; tu capivi il suo cenno ed il suo detto! Egli ha lasciato un figlio giovinetto; il primo d'otto tra miei figli e figlie; e la sua mano non toccò mai briglie. Tu che ti senti ai fianchi l'uragano, tu dai retta alla sua piccola mano. Tu ch'hai nel cuore la marina brulla, tu dai retta alla sua voce fanciulla". La cavalla volgea la scarna testa verso mia madre, che dicea più mesta: "O cavallina, cavallina storna, che portavi colui che non ritorna; lo so, lo so, che tu l'amavi forte! Con lui c'eri tu sola e la sua morte. O nata in selve tra l'ondate e il vento, tu tenesti nel cuore il tuo spavento; sentendo lasso nella bocca il morso, nel cuor veloce tu premesti il corso: adagio seguitasti la tua via, perché facesse in pace l'agonia... " La scarna lunga testa era daccanto al dolce viso di mia madre in pianto. "O cavallina, cavallina storna, che portavi colui che non ritorna; oh! Due parole egli dové pur dire! E tu capisci, ma non sai ridire. Tu con le briglie sciolte tra le zampe, con dentro gli occhi il fuoco delle vampe, con negli orecchi l'eco degli scoppi, seguitasti la via tra gli alti pioppi: lo riportavi tra il morir del sole, perché udissimo noi le sue parole". Stava attenta la lunga testa fiera. Mia madre l'abbracciò su la criniera "O cavallina, cavallina storna, portavi a casa sua chi non ritorna! A me, chi non ritornerà più mai! Tu fosti buona... Ma parlar non sai! Tu non sai, poverina; altri non osa. Oh! ma tu devi dirmi una cosa! Tu l'hai veduto l'uomo che l'uccise: esso t'è qui nelle pupille fise. Chi fu? Chi è? Ti voglio dire un nome. E tu fa cenno. Dio t'insegni, come". Ora, i cavalli non frangean la biada: dormian sognando il bianco della strada. La paglia non battean con l'unghie vuote: dormian sognando il rullo delle ruote. Mia madre alzò nel gran silenzio un dito: disse un nome... Sonò alto un nitrito.
0
3k
La cavalla storna

62
alas otso ng gabi. nakatayo't naghihintay sa tabi. mga letterang pilit inaaninag, na ilaw ng poste ang tanging liwanag. isa, dalawa, limang minuto, hanggang umabot sa alas otso imedya Nang sa wakas sa harap ko'y huminto. nagmadaling sumakay kaya't ikay nabungo ng di sadya. ako'y komportable sa pagkakaupo, habang ika'y ngalay sa pagsabit. nang ika'y nakaupo ako'y iyong kinalabit. ngumiti ng kay tamis sabay sabing "bayad po". natulala't nabighani sa iyong ngiti, kaya't sinadyang madampian ang iyong palad. puso'y di mapakali tila ba kinikiliti napakasarap sa pakiramdam, walang katulad! sa sumunod na araw, di nag atubiling magmadali, pigil hininga sa pag aakalang ika'y makikita muli pagdating ko'y hinanap ka ngunit wala ka na tila ba sinasabing hindi tayo tinadhana.
0
Apr 30, 2019
Apr 30, 2019 at 3:32 AM UTC
Jeepney Lovestory
Muse Reine Tu veux et tu exiges que je me retienne Que je ne m'exhibe pas au tout venant Et que je ne bande que sur ordre exprès de toi Le cachet de la poste faisant foi A la minute heure seconde que tu t'es choisie Pour me déguster à distance. Tu dis que c'est la présence et non l'absence qui te stimule Et tu me dis que je te manque et que ma présence volcanique Te couvre de toutes parts en dépit de la distance. Moi je m'interroge Et je pense que c'est cette absence qui te met en transe Et je veux t'aimer profondément dans cette distance Comme tu n'as jamais été aimée. désirée, choyée, goûtée, savourée Léchée, embrassée, pénétrée, visitée, hantée, caressée, avalée, touchée Consommée, étreinte, engrossée, jouie, priée, chantée, dénudée Comblée, tétée, mordillée, mouillées, aspergé, respectée Mais pour cela il faut que ton âme et chair soient à nu Et la nudité dans la distance passe par la photographie ou la vidéo Et si tu veux que l'oiseau te respecte Il faut que tu le fasses voler et siffler d'aise à ta vue Car il n'aspire qu'à cela soir et matin : Voler au-dessus de tes collines et tes plaines Plonger dans tes lacs et rivières Nager dans tes eaux poissonneuses Plonger son bec dans ta chair ouverte et complice Et en tirer des petits poissons multicolores et chanteurs Chuchoter à ton oreille Les mots qui te font fondre de rires et de désir Ma muse précieuse et généreuse... Alors pour t'être agréable ma bien-aimée C 'est promis juré craché Désormais je ne banderai plus que des yeux Je ne banderai plus que des lèvres Tu pourras me bander les yeux et me bâillonner les lèvres Tant que tu voudras Je banderai encore Et si cela ne suffit pas Pour te prouver mon amour Je banderai aussi des oreilles et du nez Je banderai des mains et des doigts de pieds Je banderai de ma langue Mi pangolin mi orphie Je banderai de mon ombre Une fois deux fois trois fois Autant de fois qu'il le faudra Ce ne sera jamais dans le vide Car je banderai en toi Et même l'air qui t'environne Le soleil et la lune banderont de concert Jusqu'à ce que nous soyons orphies nues, chair et arêtes en rut, Sublimement réunis pour notre danse farandole et tantrique Enfin retrouvée.
0
Aug 21, 2019
Aug 21, 2019 at 6:27 AM UTC
Je bande des yeux, je bande des lèvres

55
Hacia mucho calor dentro de la casa de mi abuela. Habían casi 20 personas en la casita pequeña de ella. Recuerdo salir a fuera para tomar un poco de aire mientras me sentaba en las gradas para relajarme, viendo pasar a las personas. Quería ver las estrellas pero casi no se veían..Sólo logre ver algunas dos o tres estrellitas. En un poste que estaba al frente de mi había una foto de una mujer. Solo al verla a ella me daba miedo. Me daba escalofrío al ver sus ojos, tan..negros. Su pelo ***** Labios pintados de rojo oscuro. No sabía si regresar adentro o quedarme. Lo pense, pero al fin me quedé. Al los 10 minutos mi tío que en ese tiempo tenía la misma edad mía salió afuera para darme compania.  Platacamos sobre nuestra vida. Nuestros logros. Nuestros deseos de seguir adelante en la vida etc me contó lo que le molestaba..expreso sus pensamientos. Supe que me tuvo gran confianza cuando empezó a llorar y me apapacho tan fuerte..mi tío es un muchacho musculoso, no le gusta demostrar sus sentimientos hacia nadie. Ni a sus propios primos. Después que el término de platicar ambos nos quedamos callados. Despues vi un buo blanco que bolaba arriba del techo de un muchacho que había conocido. Mi tío me dijo, "Dicen que si uno ve un buo es porque alguien se va morir." No le respondí, porque no creo en dichos. Ese buo blanco se quedo ahí toda la noche. El siguente día empaque mis maletas porque ya era tiempo de irme de regreso hacia los estados unidos. No quise irme porque extrañaba a mi familia tanto, mi abuelita y mi casita..estaba en casa y ahora me tocaba regresar a un país que no era mío. Al llegar a los Estados Unidos desempaque mis maletas. Todo muy bien. Días despues, mi prima me había contado que el muchacho que había conocido había fallecido. Fue a la tienda a comprar comida y le dispararon 2 veces.  Empezar a recordar el dicho del buo. Se que algunos no crearán y algunos tal vez sí. No diré que soy creyente..no se si fue solo coincidencia pero que paso paso.. Han pasado 4 años,  y aun sigo pensando en esa noche. Qué extraño..
0
May 5, 2015
May 5, 2015 at 4:52 AM UTC
2011

7
Nandito na ako sa labas, sa ilalim ng payapang ilaw mula sa poste kasabay ng pamamayagpag ng mainit na hangin ngayong Marso. Nag-hihintay sa kasunod na pigura na lalabas mula sa masikip na daluyan ng tao – ikaw o ang konsepto ng ikaw na ‘di dapat, maselan kagaya ng pagnanais, pagkakataong mas sinungaling pa sa pamahiin – mayroong napupukaw ngunit hindi kalian man mabibihag.
0
Mar 25, 2016
Mar 25, 2016 at 2:00 AM UTC
Bihag
Dati-rati, palagi kong hinahangad sa sarili — Sana'y dumating na ang panahong magagawa ko nang lisanin. Dati-rati, palagi kong sinasabi na kaya ko na, Sapat na siguro ang dekantong taon na paghahanda at pinagsamahan natin. Dati-rati, tila ayaw ko nang manatili sa likod ng mga dakilang poste kung tawagin, Naging uhaw sa naghihintay na mala-karagatang pangarap na sisisirin. Dati-rati, ang kasalukuyang pagkakataon ang pinaka-inaasam, Ngayon ikaw ang nais muling masilayan at makapiling lamang. Alam ko malalim pa ang aking sisisirin, Para sa pangarap at pagbabagong minimithi. At sa bagong umagang darating, patuloy ko sanang maisabuhay ang mga aral na iyong ibinahagi.
0
Jan 22, 2018
Jan 22, 2018 at 5:12 AM UTC
DATI
espero num poste até que os carros me deixem atravessar. meio que atravesso. deito no asfalto: as nuvens navegam sem direção sem vontade sem propósito
0
Jul 2, 2014
Jul 2, 2014 at 2:15 PM UTC
Nihil I
Turned on the television for the first time in many a day had to shut it off poste haste as everything they had to say was full of venom and hate and horrors that I cannot understand sometimes I wish I would have been born in a far away distant land. Perhaps I came into this realm at the most inopportune time-- should have come along years long ago way back before machine guns were involved in crime-- should have been here during the horse and buggy days working on a ranch somewhere sowing seeds and baling hay... I have to fight the urge each morning to leave and run far far away to run into the woods and find a tree where I can hole up and stay and forget the horrors and hatred all around that seems to be this lifetime's favorite and unending sound... Turned on the television for the first time in many a day had to shut it off poste haste as everything they had to say was full of venom and hate and horrors that I cannot understand sometimes I wish I would have been born in a far away distant land.
0
Dec 22, 2015
Dec 22, 2015 at 12:35 AM UTC
Came at the Most Inopportune Time...
Oh anong hapis ang sinapit ng aming bayan Mula sa bagyong dito ay dumaan Kapani-panibago ang tanawin saanman – Ang bundok sa silangan at sa kanluran Maging ang natatangi naming simbahan At iba pang malalayong kabahayan Ngayon ay tanaw na mula sa aming tahanan Sapagkat mga puno ay kinalbo niya Marami rin dito kanyang pinatumba Mga poste ng kuryente ay kasama Mga palayan ay naging dagat na Ilog ay halos umapaw sa kalsada Kahit malalaking bahay ay giniba Ng sumpa nitong bagyong nagngangalang Yolanda! -11/09/2013 (Dumarao) *due to super typhoon Yolanda that hit our town
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 9:53 PM UTC
Ang Sumpa ni Yolanda!
Le mouvement de lacet sur la berge des chutes du fleuve, Le gouffre à l'étambot, La célérité de la rampe, L'énorme passade du courant, Mènent par les lumières inouïes Et la nouveauté chimique Les voyageurs entourés des trombes du val Et du strom. Ce sont les conquérants du monde Cherchant la fortune chimique personnelle ; Le sport et le confort voyagent avec eux ; Ils emmènent l'éducation Des races, des classes et des bêtes, sur ce vaisseau. Repos et vertige A la lumière diluvienne, Aux terribles soirs d'étude. Car de la causerie parmi les appareils, le sang, les fleurs, le feu, les bijoux, Des comptes agités à ce bord fuyard, - On voit, roulant comme une digue au-delà de la route hydraulique motrice, Monstrueux, s'éclairant sans fin, - leur stock d'études ; Eux chassés dans l'extase harmonique, Et l'héroïsme de la découverte. Aux accidents atmosphériques les plus surprenants, Un couple de jeunesse s'isole sur l'arche, - Est-ce ancienne sauvagerie qu'on pardonne ? - Et chante et se poste.
0
774
Mouvement
Ma muse est une mère poulpe italienne Ascendant méduse kabyle Ses tentacules sont des bras de mer interminables Pour prétendre être l'objet du désir De cette dame au coeur en éternelle couvaison Pour prétendre dérober le coeur De cette diva enrobée de charmes Il faut être juste un homme vrai et honnête Une personne simple et honnête Un maxim'homme  de collection Localisé  à vingt kilomètres grand maximum. Un énergumène  simple et honnête Spécimen rare du règne mâle, Un bibelot de chair, d'os et de sang, Un prototype de papier bien mâché Qui pratique la randonnée, La cuisine et partage sa passion Foetale pour le règne animal. Bref un phénomène tout simple, Tendre et goûteux et iodé dans l'idéal Qu'elle cuisinerait à feux doux avec ses airelles, Un vrai de vrai, Un authentique, Un certifié, cachet de la poste faisant foi, Un preux sanglier caméléon  de pré salé Sans peur et sans reproche, Telle est  la recherche de ma muse Kabytalienne.
0
Sep 4, 2019
Sep 4, 2019 at 2:17 AM UTC
Maxim'homme de collection
nang iwan mo ako isa lang ang tangi kong natandaan 'yon ay ang poste sa daan hindi ko natandaan ang 'yong mga titig ang 'yong mga salita ang 'yong mga hawak o ang 'yong tinig isa lang ang tangi kong natandaan 'yon ay ang poste sa daan kulay dilaw ang ilaw nito sakto sa halik n'ya sa labi mo sakto sa luhang pumapatak sa mga mata ko kaya hindi ko na natandaan kung paanong titigan mo ako pagtapos mo s'yang hagkan at hindi ko na rin matandaan kung paanong ang buka ng bibig mo ay "patawad" kaya't hindi ko na rin matandaan kung paanong ang dalawang magkahiwalay na poste sa daan ay mistulang lugmok sa kalungkutan dahil sila ang saksi sa pagmamahalang magpapaalam ilang araw man ang lumipas, o buwan, o taon, paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko sa tuwing dadaan sa poste sa daan dahil yun lang ang tangi kong natatandaan dahil sila ang saksi sa pagmamahalang nagpaalam.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:37 AM UTC
poste sa daan
‘I would if I could but I can’t,’ he said, ‘Though I know it would be sublime, I’m spoken for, and it does my head To think that you could be mine. I made a vow, and I don’t know how I could break it, and feel right, But though I’m true, I’m thinking of you As I do, each sleepless night.’ He shook his head and he walked away As she clutched the verandah rail, She turned her face away when the trace Of her tears had left a trail. ‘I don’t know what the attraction is,’ She said, as she wiped her eyes, ‘But it must be true what I say to you, Anything else is lies!’ He walked back into his hotel room And held his head in his hands, And as he did the temptation grew For a taste of contraband. She’d met him there as she always did For she serviced all the rooms, His monthly trip, and her heart would flip As the day of his coming loomed. And he would think of her sparkling eyes The set of her moist, pink lips, Her flaxen hair and her pointed stare And the sway of her ****** hips. Her image was burnt upon his brain Though he still loved his woman too, It left him sore and confused, he thought, What was a man to do? He fell at last in a deep, deep sleep And Rhianna entered his room, She saw him peacefully lying there Quite unaware in the gloom, She lay down quiet beside him, just To see how it felt to lie Next to the one that her love was on, He woke, his hand on her thigh. The silken feel of Rhianna’s thigh Had put him into a trance, He thought that a dream had come to life Til he opened his eyes, by chance, Her lips were hovering over his brow Her flaxen hair in his face, Her strange perfume permeated the room, He rolled off the bed in haste. ‘I would if I could but I can’t,’ he said, ‘I need you to understand, If I were free, with just you and me But I’m not, and this wasn’t planned.’ He left, drove home in the early dawn To arrive unexpectedly, And saw the light in the bedroom on, His woman had company. She wept as the man had gathered his clothes, And made poste haste for the door, While he just stood as if turned to wood, His feet fast glued to the floor, ‘Well, you’re always off on your travels, John, You must consider my plight!’ ‘That may be so,’ as he turned to go, ‘But I know where I’ll sleep tonight!’ David Lewis Paget
0
Jan 10, 2015
Jan 10, 2015 at 9:22 PM UTC
The Temptation

65
Sonnet. C'est mon avis qu'en route on s'expose à la pluie, Au vent, à la poussière, et qu'on peut, le matin, S'éveiller chiffonnée avec un mauvais teint, Et qu'à la longue, en poste, un tête-à-tête ennuie. C'est mon avis qu'au monde il n'est pire folie Que d'embarquer l'amour pour un pays lointain. Quoi qu'en dise Héloïse ou madame Collin. Dans un miroir d'auberge on n'est jamais jolie. C'est mon avis qu'en somme un bas blanc bien tiré, Sur une robe blanche un beau ruban moiré, Et des ongles bien nets, sont le bonheur suprême. Que dites-vous, madame, à ce raisonnement ? Un point, à ce sujet, m'étonne seulement ; C'est qu'on n'a pas le temps d'y penser quand on aime.
0
376
À Madame G (I)
Me pondría las botas con ***** de acero, llenas de lodo para machacarte la cabeza contra el cemento Y finalmente exhalar el humo que me metiste y aún cargo dentro Porque sé que me dirías que en vez de saltarte encima debería patearte Porque arriba de ti no causo daño Ya me lo decías tú Quisiera agarrarte del pelo Arrancarte el cuero cabelludo como peluca de ortiga Atarte a un poste de luz en un callejón oscuro Azotarte con tu pelo y cubrirte de tu propia caspa Deslizar la navaja para abrirte una sonrisa Aunque no soportaría tus gritos, solo por eso no lo haría. Exprimirte las manos sudorosas Y ensanchar el mar de distancia entre tu padre y tú Ya calva, te arrastraría al barrio para condenarte a trabajar de cajera Y a no conocer a nadie que guste del arte el resto de tu mugrosa vida.
0
Aug 16, 2024
Aug 16, 2024 at 3:59 PM UTC
Odio
A la Discordia bélica y al rudo Ares... Anciano ya soy; por eso ayúdame para colgar mi escudo de este poste, y mis armas melladas y mi rudo casco roto, que en lides siempre llevé yo ufano. Este arco también cuelga. Pues no querrás en vano que el cáñamo en él tuerza, porque brazo membrudo y fuerte, su madera jamás doblegar pudo. ¿O esperas que la cuerda logre templar mi mano? También, para colgado, toma el carcaj de cuero donde tus ojos buscan las flechas del arquero que el viento del combate con su furor dispersa. Está vacío, es cierto, pero serán halladas: búscalas en el campo de Maratón. Del Persa en la garganta, un día, quedáronse clavadas.
0
304
Epigrama votivo