Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinasaya" poems
Isa Isang taong nasasaktan Isang taong umaasa Isang taong nagbigay tiwala Sa isang taong kanyang pinaka mamahal Isang pagiibigan na nabuo sa loob ng isang taon Isang magandang relasyon Nasira ng isang sigalot Isang pangakong bibitiwan Ng isang pusong umaasa Dalawa Dalawang taong pinagtagpo Dalawang taong nag-ibigan Dalawang taong nagbigay kulay Sa buhay ng isa't isa Dalawang pusong pinag-isa Dalawang labing nakangiti sa tuwina Dalawang matang lumuluha Dahil ang dalawa'y hindi na isa Tatlo Tatlong laruan na nagbuo ng pamilya Tatlong laruang ginawang anak ng dalawa Tatlong salita na nagbigay ligaya Sa pusong tatlong taon ng umaasa Kung may magmamahal pa ba? Tatlong minuto kapiling ka ay sapat na Upang mapawi ang lungkot at mapalitan ng ligaya Tatlong masasakit na kataga Ang naghiwalay ng landas ng dalawa Apat Apat na buwan ang hinintay Bago makamtan ang matamis kong 'OO' Apat, ang bilang ng letra sa isang salitang tawag mo sa akin Noong ika-apat na beses na tayo'y nagkasama doon ka nagtapat sa'kin Lima Limang buwan tayong isa Lima, ang sukat ng aking paa Na lagi **** pinagtatawanan Lima, ang bilang ng mga daliri ko Na lagi **** hawak-hawak Limang minutong yakap madalas **** ibinibigay Anim Anim ang bilang ng letra ng iyong pangalan Anim ang dami ng nais **** alagang hayop Anim ang bilang ng pagpunta ko sa inyo Higit pa sa anim na beses kong uulitin ito: Mahal pa rin kita Pito Pitong kontenenteng nais nating lakbayin Pitong araw sa isang linggo Mga araw na pinasaya mo ako Pitong bilyong tao sa mundo Ikaw ang pinili ko Walo Walo, isang numerong mahalaga sa'tin Walo, isang numerong ginagamit sa tuwing naglalambingan Walo kapag pinalitan ang huling letra ng 'a' Wala, parang tanga Siyam Siyam ang araw ng kaarawan ko Siyam ang numero sa likod ng tshirt mo Siyam katunong ng pangalan ng matalik kong kaibigan na nasaktan ko ng lubos Siyam and dami ng taon na bibilangin bago matupad ang pangarap nating dalawa Sampu Sampung taon mula ngayon Ipinangako mo sakin ang isang masayang buhay Sampung taeon mula ngayon haharap tayong dalawa sa altar Sampung taon, maghihintay ako Yan ang pangako ko
0
Dec 27, 2015
Dec 27, 2015 at 9:10 AM UTC
Mga Numero

Continue reading...
76
Minahal, Pinaasa, Binitiwan, Tinulak, Bumalik, Hinabol, Nahulog, Nasaktan, Iniwan. Mga salitang tinuro sa atin noong kabataan, Ngayon mga salitang atin iniiwasan. Minsan ako'y magtatanong, Anong pagkukulang ko? Bakit iniwan mo ako? Saan ako nagkamali? Paano ko maibabalik? Hinihintay ko mula sa iyo, Sabihin **** "Nagkamali ako", Pero ang nakita ko'y mga luha mo, Hinihingi ang pagpapatawad ko. Sana hindi na lang, Sana wala na lang, Sana umiwas na lang, Mga sana na hindi ko pinakinggan, Ngayon ako'y luhaan. Pero isang bagay ang hindi ko pinagsisihan, Ang mga masasayang bagay na ating pinagasamahan, Mananatili sa puso ko na parang mga litrato, Lumain man ng panahon ay babalik balikan ko. Pinasaya, Pinakilig, Pinatawa, Pinangiti.
0
Jun 9, 2015
Jun 9, 2015 at 1:05 AM UTC
Salita
Samahan mo akong kumawala, iwanan natin ang mundong ito sinta. Ikaw ang nais makasama sa pag-iisa, ikaw ang aking pahinga. Maglakbay tayo patungo sa kawalan, ang ingay at gulo ng mundo'y ating takasan. Hanggang kailan ito magtatagal? Walang kasiguraduhan, pero pinapangako kong hindi kita bibitawan. Tara roon sa dalampasigan kung saan mistulang ang mundo'y tayo lang ang nilalaman. Hayaan **** ang iyong mga kamay ay aking hawakan habang tayo'y nagsasayaw sa ilalim ng buwan. Ipikit ang iyong mga mata at damhin ang pag-ibig ko, sinta. Ituloy natin ang pagsasayaw na walang ibang musika kundi ang aking pagkanta. Mga noo'y magkadikit habang ang mga mata'y nakapikit. Higpitan ang iyong kapit, huwag kang matakot lumapit. Sa maiksing panahong tayo'y nagkakilala, ako'y iyong tunay na pinasaya. Ikaw sa akin ay tunay na mahalaga. Hindi kayang ipaliwanag ang nadarama. Huwag kang mangamba, sa puso ko ay mananatili ka. Halika sa mga bisig ko, mahal. Panahon natin ay di na magtatagal. Ang pagtatapos ay nalalapit, yakapin mo ako nang mahigpit. Nalalabing oras ating sulitin, pangakong ito'y ating uulitin. Huwag ka nang malungkot, huwag nang sumimangot. Huwag nang pumiglas sa aking yakap, damhin ang ihip ng hanging kay sarap. Kasabay nang pagtatapos ng gabi ay ang pagtatapos ng ating nakaw na sandali. Dahil tayo ay alon at dalampasigan, tinakdang magtagpo kahit panandalian. Tayo ay alon at dalampasigan. Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan, ang lugar na aking pahingahan, aking takbuhan, aking pansamantalang tahanan. Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan; ako sa'yo ay lumalapit, pilit kumakapit, ngunit kailangan kong lumisan. Ako ang alon, ikaw ang aking dalampasigan; malayo man ako saglit, ako'y babalik at aasang tadhana'y pagtatagpuin tayo ulit.
0
Nov 14, 2016
Nov 14, 2016 at 9:50 AM UTC
Alon at Dalampasigan

26
Makakalimutan ka rin niya. Pati lahat ng pinangako niya sa'yo. Lahat ng sinabi niyang gagawin niya at inasahan mo. Lahat ng plano niya para sa kinabukasan niyo na pinaniwalaan mo. Lahat yun. Kalilimutan niya rin. Isa ka lang naman sa kanila. Isa ka lang sa mga panandaliang pinasaya niyang…iiwan rin pala. v.q.
0
Jul 12, 2015
Jul 12, 2015 at 5:42 AM UTC
...
Nalulungkot ako... Nalulungkot ako kasi hindi kita nakasama Nalulungkot ako kasi hindi kita nakita Nalulungkot ako kasi namimiss kita.. Nalungkot ako nung nawala ka. Nung araw na iniwan mo ako at humanap ng iba. Nalungkot ako nung nag sinungaling ka sakin kung san ka talaga nag ***** Nalungkot ako nung hindi ka na nagpakita. Minahal,pinasaya, at pinatawa kita. Pero bakit mo sakin 'to ginawa. May nagawa ba akong masama na hindi mo nagustuhan? Sana sinabi mo para naayos ko. Hindi yung bigla ka nalang mawawala at hindi na nagpakita. Masaya ako pero nalulungkot kasi namimiss ko ang mga yakap mo. Nalulungkot ako kasi naalala ko nung sinabi **** mahal mo ako. Titiisin ko nalang ang lungkot at pipiliting ngumiti kapag kasama mo siya
0
Nov 28, 2015
Nov 28, 2015 at 11:50 AM UTC
Lungkot
Ang sarap pakinggan ng mga kanta sa Radyo Mp3 Player Tv o kahit saan mo pa yan nariinig Masarap pakinggan lalo na pag damang dama mo Iba't ibang klase ang mararamdaman mo pag makikinig ka sa mga kanta Malungkot,masaya,naiiyak,natatawa,kinikilig,naiinis Masarap kumanta lalo na pag ikaw lang mag-isa kasi walang nakakarinig sayo Pero mas kumanta kung kasama mo yung taong inaalayan mo nito Yung taong minsan kang pinsaya Yung taong minsan kang pinalungkot Yung taong minsan kang pinaiyak Yung taong minsan kang pinakaba Yung taong minsan kang pinatawa Pero pano kung yung taong inalayan mo ng kanta minsan kang pinasaya minsan kang pinalungkot minsan kang pinakaba minsan kang pinatawa Eh nawala na Paano na Ano gagawin mo Ano pang kakantahin mo Ano iisipin **** paraan para bumalik siya Kapag naririnig mo yung kantang minsan niyong kinanta ng sabay nalulunkot ka,naiiyak,naiinis kasi pinakawalan mo siya Iniwan ka niya Iniwan ka Iniwan Yan yung mga salitang mariririnig mo kapag makikinig ng mga kanta
0
Dec 5, 2015
Dec 5, 2015 at 11:27 AM UTC
Kanta
Ikaw... Kung nababasa mo ito, ito'y para sayo. Hindi ko na ito papahabain pa Hindi ko na sasayangin oras mo Marami nang panahon ang nasayang Marami nang pagkakataon ang nawala Matagal ko na ring tinatago ito Matagal na kitang mahal Oo ikaw nga Oo ikaw na nagpatibok ng puso ko Oo ikaw na pinasaya ako ng todo Ikaw na dahilan ng pagsulat ko nito Ikaw na dahilan din ng lahat ng sakit Ikaw na... Hindi alam ang lahat ng ito Dahil ang alam mo lang ay Ikaw na... Kaibigan ni ako.
0
Jul 14, 2015
Jul 14, 2015 at 11:17 PM UTC
Ikaw
Naiisip na naman kita. Naalala ko yung mga panahon na kasama ka. Mga panahon na tayo lang dalawa Pero hindi tama na gustuhin ka. Mahirap man sating dalawa. Pasensya na wala akong magagawa Kundi ang kalimutan ka. Dahil ito ang alam kong tama. Salamat ang huling salitang mababanggit. At ito'y hinding hindi ko sayo ipagkakait Kahit ito'y paulit paulit Hindi ako magsasawa na ito'y laging mabanggit. Sabagkat ang pagmamahal na iyong pinadama, Ay tunay akong pinasaya. Hindi ko man ito nasabi sayo Kasi natatakot ako. Ayokong umasa ka. Ayokong masaktan ka. Kaya ika'y iniiwasan na. Para itong dadamin ko ay di na lumalim pa.
0
Nov 29, 2015
Nov 29, 2015 at 9:31 AM UTC
Naiisip na naman kita
Kaibigan? Ka-ibigan? Kai-bigan? Ano nga ba tayo? Dalawang taong hinapo na ng mga karanasan sa pag-ibig, Dalawang taong pinili ang isa’t-isa, Dalawang taong nais maging isa. Ngunit ano nga ba tayo? Pinasaya, Binigyan ng oras, Kinantahan ng mga lirikong nakaaantig ng puso, Pinangakuan ng kung anu-ano sa ilalim ng buwan, Na tila ba ngayon ay para bang iginuhit na lamang sa tubig. Kinuha mo ang puso ko, Pero gusto ko lamang linawin, Hindi ko ninais na ipalit mo ang iyo sa akin. Pero para bang ginago ako ng tadhana, Itinakbo mo ang puso ko palayo— Palayo sa’kin, nang hindi lumilingon. Ipinagsawalang bahala ko ang sakit na naramdaman, Nagbulag-bulagan sa mga bagay na malinaw sa aking paningin. Pinilit burahin ang masasamang ideyang namumuo sa aking isipan, Umaasang mali ang lahat ng sakit na ipinagkikibit-balikat ko lamang. Totoo nga, Madaya ang kapalaran. Nakakatawang isiping Sa loob ng isang buwan, Kaya **** mainlove. Pero, nakakagago din isiping, Sa loob ng isang buwan, Kaya ka rin nyang iwanan. Sa bagay, ano nga ba tayo? Wala naman, diba? Maaaring ihanay mo lamang ako sa mga babaeng pinaasa mo, Na marahil pagdating ng panahon, Malilimutan mo rin kung ano ang namagitan satin, Na siguro sa paningin mo’y pang landian lang pala ako, hindi pang seryosohan. Hindi ako yung tipo **** babae, Hindi ako matalino, Wala akong political stance, Hindi ako kagandahan. Ano nga bang kataka-taka dun? Walang dapat ikasakit dahil Hindi mo naman ako tipo kaya hindi mo ko sineryoso. Walang tayo, Hindi rin tayo magkaibigan. At lalong hindi magkasintahan. “Almost”, yun tayo. Halos Halos naging tayo. Halos umabot na ko sa punto na mamahalin kita ng buo. Halos napaniwala mo kong mahal mo ko. Halos napaniwala mo kong kamahal-mahal ako. Halos napaniwala mo kong karapat dapat akong pahalagahan. Halos bigyan mo ko ng oras mo. Halos naramdaman kong sincere ka. Halos araw-araw kung hanapin kita. Halos minu-minuto kung tingnan ko ang cellphone ko para lang maghintay ng reply mo. Halos ikaw na lang ang marinig ko pag naririnig ko yung mga kanta sa radyo na inawit mo sakin. Halos ikaw na lang yung hanapin ng puso ko sa bawat saglit na hindi kita nararamdaman. Halos.
0
Mar 6, 2018
Mar 6, 2018 at 6:00 AM UTC
Halos

61
Heto na naman ako... nalulungkot, nanamlay kasi malapit na ang iyong paglisan. Paglisan na alam kong ikaw ay babalik din naman sa mga araw na kailangan kong magbilang hanggang sa itinakda **** oras at tagpuan. Hindi pa man tayo nagkikita pero ramdam ng puso ko kung gaano mo ako pinasaya sa maikling panahong nagpalitan tayo ng mensahe sa cellphone lahat nang iyon sa aking isipan ay magiging isang alaala. Alaalang tatatak, alaalang hindi kakalimutan, nakakatawa man o masakit ang mga salitang iyong binitiwan, may kaunting kirot man o tampuhan, lahat ay babalewalain ko na lang pagkat ako'y sabik araw na dumaan. Salamat sa ilang buwan, kapatid. Salamat sa mga araw na ikaw at ako ay nagkukuwentuhan. Salamat sa mga gabing minsan lamang kung dumaan. At maraming salamat sa mga ngiting nagbigay sa akin ng saya sa napakalungkot kong buhay sa kasalukuyan.
0
Oct 2, 2018
Oct 2, 2018 at 3:16 AM UTC
Masayang Alaala
Kung alam mo lang Na ikaw ang dahilan Sa bawat ngiti Kung alam mo lang Ang tuwa at kulay na ibinibigay mo sa aking buhay Kung alam mo lang Kung gaano mo ako pinasaya Kung alam mo lang Kung gaano ako kasaya kapag nakikita ka Kung alam mo lang Kung gaano ako kasaya Kapag kausap at kasama ka Kung alam mo lang Na ikaw rin ang dahilan Kung bakit may mga luhang dumaloy Kung alam mo lang Kung gaano rin kalungkot ang makita kang malungkot Kung alam mo lang Kung gaano kita gustong damayan Sa bawat pagsubok na pinagdaanan mo Kung alam mo lang Kung gaano kita gustong puntahan Nang sinabi **** malungkot ka Kung alam mo lang Ang bilang ng mga gabing sinakripisyo para makausap ka Pero sasabihin ko sayo na hindi ko iyon pinagsisihan Kung alam mo lang din Kung gaano ako natataranta kapag nandiyan ka Kung alam mo lang Ang mga tanong na nais itanong sa’yo “Naiisip mo ba ako?” Kung alam mo lang Kung gaano kakulang ang tulang ito Para masabi sa iyo ang damdamin ko Pero… Gusto kong malaman mo Kung ilang beses ka iniisip at naaalala: Palagi
0
Jan 30, 2018
Jan 30, 2018 at 8:23 AM UTC
Kung Alam Mo Lang
Kaya ko na ba? Kaya ko nabang isipin na hindi kita nakilala at hindi mo pinasaya ng sandali ang buhay ko? Kaya ko na ba? Kaya ko na bang gumising araw araw na hindi titignan ang mga litrato mo nun masaya pa tau Kaya ko na ba? Kaya ko na bang sagutin ng walang pg aalinlangan ang tanong mo kung kumusta ako na hindi mg iisip na namimiss mo din ako Kaya ko na ba? Kaya ko na bang sabihin sa sarili ko sa harap ng salamin na sa bawat araw na hindi kita nakikita at nakakausap alam kong masaya ka na sa piling nya Kaya ko na ba? Kaya ko na bang banggitin ang pangalan mo na hindi iisipin na dati ay merong tau at ngaun kaylangan isipin ko na wala ng magiging tayo Kaya ko na ba? Kaya ko na bang hindi umiyak pag naiisip kita at ang mga nakaraan na kung paano mo ko minahal at sinabi sken na wag kitang iwan pero sa huli ako lng din ang iyong binitiwan Kaya ko na ba? Kaya ko na bang mglakad s harap mo na tulad ng dati di kita nakikita at hindi ka ng eexist s mundo ko at hindi ko na mararamdaman ang sakit ng gnawa mo. Sana kaya ko na... sana
0
Aug 7, 2018
Aug 7, 2018 at 6:02 PM UTC
Kaya ko pa ba??
tulad ng himig ng mga awit ng pag-ibig, ang tamis at lambing ng mga ito. kung may tinig ang pagmamahal, maaaring ito ay boses mo. bigla akong pinasaya, ngunit bigla ring nagbago. sapagkat parehong boses din ang nagtapos sa ugnayang mayroon tayo. ang tunog na noo’y nagbibigay-kalma, ngayo’y iniipit ang pusong nagdurusa. tinatakpan nang mahigpit ang mga tenga kapag naririnig ang iyong musika. ngunit kung ako ang papipiliin, ayaw kong bumalik sa tahimik kong mundo. at sa gitna ng ingay ng paligid, sadyang boses mo pa rin ang hahanapin ko. hirap sa pagtanggap tungkol sa awit na nagtapos. marinig lamang ang iyong pangalan, ang hininga'y kinakapos. nagsusumamo, nagmamakaawa, magbigkas ka ng ilang salita. hiling ng tenga at puso ko, maari bang marinig ulit ang boses mo?
0
Feb 19, 2025
Feb 19, 2025 at 8:40 PM UTC
awit na nagtapos
Madaming luha, Madaming luha ang nasayang dahil iniyakan ka. Inibig ka pa rin, Kahit alam kong may mahal kang iba. Handang magpakatanga, Ang isang tulad ko na mahal na mahal ka. Pero salamat nga pala, Don sa mga araw na ako'y iyong pinasaya. Oo ikaw nga ang kasiyahan ko, Ngunit ikaw rin ang kalungkutan ko. Masakit kase mahal na mahal kita, Pero wala lang yon sayo diba? Bukas gigising nanaman ako, Pero walang bago, ikaw parin ang gusto.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:18 AM UTC
Mahal na mahal kita
Kahit hindi naging tayo, Masaya pa rin ako. Hindi man para sa sarili ko, Basta para sayo. Kahit hindi naging tayo, Minahal pa rin kita ng totoo. Minsan mo na rin kasi akong pinasaya, Minsan ko na rin kasi sayo naramdaman na ako'y mahalaga. Kahit hindi naging tayo, Hindi ako nagsisising dumating ka sa buhay ko. Pagmamahal ko man sayo'y hindi pa nagbabago, Hindi ko pa rin ipagsisiksikan ang sarili ko. Kaya kahit hindi naging tayo, Nandito pa rin ako para sayo. Oo, sabihin na nating tanga ako, Pero ganun talaga dahil nagmamahal ako.
0
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 10:41 PM UTC
"Kahit hindi naging tayo"
Nakilala kita at pinasaya moko. Ikaw ang naging liwanag, sa buhay kong malungkot at nakakaloko. Nagtyaga para mapasayo, At oo nakuha mo ako. Naging masaya tayo, Pero unti-unting may nagbabago. Akala ko'y hanggang sa huli ay tayo, Pero hindi nagtagal pag-ibig mo'y naglaho. Pinag-isa ang pag-ibig natin sa buhay kong to, Ikaw rin pala ang ikalulungkot ko.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:27 AM UTC
Pag-ibig na pinag-isa
Mahirap hanapin ang bagay na wala Lalo na kung ito ay isa lamang bula Bula na kung saan masaya sa una tignan Pag iyong hnawakan maglalaho nlng sa kawalan Para ding tao na dumaan sa buhay mo Pilit kang pinatawa, pilit kang pinasaya Nang buo na ang loob mo para mahalin cya Saka naman unti unti syang nawala Tanong mo sa sarili San ka ngkamali Di ba cya masaya na ngaun mahal mo na cya Bakit cya lumayo ng panahon na gusto mo na Para kang pinahawak sa tali at bigla nalng nya binitawan
0
Aug 10, 2018
Aug 10, 2018 at 2:42 PM UTC
Para Sayo